Chapter 17 - Jhaycee's Answer

.

Jhaycee's POV

"Mommy? Ano po ulit sabi ninyo?" Nagulat kong tanong matapos marinig ang sinabi ng sarili kong ina sakin.

"I said suportado na ako na maging boyfriend mo si Zeid." She repeated nonchalantly.

A-anudaw?

"And oh! I mean what I've said. Pwede mo nang gawing boyfriend si Zeid. He has proved already himself to us, to you. Waiting for someone for 5 years ay hindi basta-basta nagagawa ng isang tao. Deserve nyo pareho ang isa't-isa." She said again na parang wala lang iyon at pinagpatuloy ang pagkain ng chicken stew niya.

Oh my ghad? Seryoso na ba mother earth ko? She fully accepts my Zeid na!?

What a great news!!!

Napatayo ako sa sarili kong upuan kaya napalingon sakin si mommy at mabilis naman ako umikot papunta sa pwesto niya at mabilis syang niyakap dala ng sobrang kasiyahan.

"MOMMY! I LOVE YOU! THANK YOU! THANK YOU!" Masayang sambit ko at kiniss sya sa cheeks niya.

"J-jhaycee stop it!" She sounds irritated pero mas feel kong nahihiya lang siya sa ginagawa ko sa kanya ngayon.

Unti unti pumasok sa isipan ko ang mga memories ko at ni Zeid. Mula nung umpisa na wala pa syang gusto sakin hanggang sa ngayon na nanliligaw na sya sakin.

He was my dream guy. Despite my tomboyish actions, he treated me like what a real gentleman will do. He taked me seriously and treated me like a friend. And for the first time, I fell inlove. He's my first love kahit alam kong ibang tao ang gusto niya noong panahon na yon. I'm barely happy with my situation before pero wala eh, mahal ko talaga. Pero in the end, kahit papaano naman pala may pag-asa ako sa tadhana. The moment he confessed his feelings to me? That's definitely one of my most happiest moments I've ever had.

Because I know since the start, he's all I want.

And now, nakuha ko na ang basbas ni mommy para magka-boyfriend? I will never waste this chance. Si daddy matagal naman na yon agree na sagutin ko si Zeid kaya hindi na sya problema. Dapat nga ay first day pa lang ng college ay pwede ko na sagutin si Zeid pero wala pa binabanggit si mommy kaya di ako maka-'oo'. Pero ngayon? Wala na makakapigil sakin. At ayoko na rin naman paghintayin ng matagal pa lalo si Zeid. Haler? 5 years is enough na diba?

Nandito na ako sa kwarto ko ngayon, dapat after kumain ay itutuloy kong gawin ang plates and report ko pero nawaglit na muna iyon sa isipan ko dahil nangingibabaw sakin ngayon ang saya na finally, I can give my 'yes' to the one I love. Like what mommy said, I think we both deserve to make this happiness we always felt officially real na.

And honestly? I can't wait to do it na!

"Teka... paano ko muna gagawin pag-'yes' ko sa kanya?" Bulong ko sa sarili ng biglang maalala kung paano ko nga sasagutin si Zeid.

Ipasok ko na lang ba bigla sa isa mga casual conversations namin pag-'yes' ko sa kanya? Like, 'Zeid, sorry for this sudden change of topic pero sinasagot na kita. You can make me your girlfriend na.'

Bigla naman ako napailing sa naiisip kong sentence na sasabihin sa kanya. It's too casual and and normal na baka akalain pa niyang nagjojoke lang ako. Well, knowing Zeid ay iisipin nga niyang joke lang iyon. Bwiset yun eh.

Hmm. Should I prepare some kind of surprise then? Usong-uso yun kela Mira and Rhobert eh. Hanga nga ako kay Rhob na nakakagawa talaga ng time para magsurprise kay Mira lalo na't panahon ngayon ng kabusyhan sa college. Tambak na nga ako ng plates and reports para sa ibang subject eh. Medyo nakakatamad kasi kumilos hehehe.

Okay mamaya na isipin ang reports and plates. Surprising Zeid is not actually a bad idea. He did a lot of efforts for me rin during high school days. I even received a bouquet of sunflowers out of nowhere before dahil lang sa reason nakita niya mga shineshare kong post sa facebook na mga sunflower. It really made me happy at that moment. All I can feel is pure bliss just by being beside Zeid. Kahit madalas ko sya awayin ay ayon, he's still staying by my side literally. Mas lalo lang tuloy ako nafo-fall sa kanya anuba!

Surprising Zeid is one of my options 'no? Okay... I'll keep it in mind. But I want things to be simple so sisimplehan ko na lang. Pagiisipan ko talaga mabuti kung paano sasagutin na si Zeid. I atleast want to make it simple but memorable for the both of us.

-

"Ehh...so finally maririnig na ni Zeid and sagot mo sa panliligaw niya?" Masayang tanong sakin ni Jap habang sumisipsip sa buko shake niya.

2 days have passed since I received my mother's blessing to my relationship with Zeid. Now, all I gotta do is make it official. Kasama ko rin ngayon si Jap, sa cafeteria. Coincidence nagkasalubungan kami sa daan at pareho pa pala ng destinasyon na cafeteria ang punta. Since he's an acquaintance and new friend na rin, nagsabay na rin kami kumain miryenda at eto, nagkwekwentuhan na rin.

"Oo." I giggled bago magsalita ulit, "Nasaksihan mo panliligaw days niya sakin nung high school pa lang diba? Magiging official na!" Excited ko pang sambit. He chuckles at my expression right now and nafifeel ko rin kung gaano siya kasaya para sakin.

"Tagal naghintay ni Crisostomo sayo." He said as he chuckles, "Congrats! I'm happy for both of you! Magiging official na talaga isa sa mga power couple noon ng Willstone Academy."

Bigla naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Power couple? Sila Mira at Rhob lang yun ah!"

Umiling naman sya sa sinabi ko na parang mali iyon. "Your squad is famous in the Academy, that's for sure pero sila president at Rhobert, ikaw at si Zeid ay tinuturing din na isa sa mga sikat na couple sa Willstone Academy. Other students call you guys the Power Couples."

Napaismid ako sa sinabi ni Jap at di makapaniwala. So kahit pala hindi pa kami officially in a relationship ni Zeid at tinuturing na kaming couple ng schoolmates namin noon? Sabagay, maraming may alam na nanliligaw sakin si Zeid kaya siguro considered as a couple na rin kami at hindi na available para sa mga singles.

Pero bakit madami pa rin lumalandi kay Zeid noon!? Arrgg! Hirap pag gwapo bebe!

We continued talking about various things including high school days, studies and my umuusbong na lovelife. Emerged! I'm so excited na kasi na maging boyfriend si Zeid. Tagal ko nang pinangarap 'to hano!

As we talked, I enjoyed his company and makes me really like him as a friend. Di nga ako makapaniwala na makakakwentuhan ko ng ganito si Jap ngayon. We're really not that closed before pero I do talk to him rin naman before. Normal na yon since we're both part of the student council. Jap also looks like the friendly type kaya naman di ako nagulat nung may mga kakilala syang bumati sa kanya dito sa cafeteria.

"Bro! Free ka mamaya? May party sa Klir mamaya." Bati ng isang lalake kay Jap. Nginitian din muna niya ako kanina bago sabihin yun kay Jap.

Klir? If I remember it's one of the clubs located in the entertainment district. I knew the place because may mga nagtry naman na mag-invite saking blockmates mag-party. It's just that I'm not interested in joining kung hindi naman sila Mira kasama ko. Nakakahiya pag nalasing ako doon ng walang kasamang super closed bestfriends talaga.

"I'll try. Pagkatapos ko mag-review siguro?" Sagot ni Jap the laugh a little. Napatawa din naman ang lalakeng nag-aya sa kanya.

"Sipag talaga. Sige! Maya na lang!" Sagot ng lalake at nagpaalam na't umalis.

"So you do party pala?" Nakangisi kong tanong kaya napatingin naman siya sakin. Napangiti na lang siya at napailing.

Iniba ko na rin naman ang topic at tinuloy ang paguusap habang inuubos ang miryenda namin. Umattend na rin ako ng last class ko sa araw na ito at naexcite dahil magkikita kami ni Zeid after ng klase namin. Sabay din kasi oras ng labas namin kaya nga eto ako, excited nang matapos ang klase. Pero kahit ganoon ay pinilit ko pa rin magconcentrate sa lessons since ito yung subject na mahilig sa surprise quizzes. Thankful naman ako nakakasurvive ako sa quizzes na yon pero napapansin ko naman na si Jana ang laging highest score sa mga quizzes and other exams. She's really smart like Mira. One should never underestimate the two of them kasi sure na pagkapahiya mo.

Pagkatapos ng klase ay kinausap pa ako saglit ni Jana at ilang blockmates para sa isang group activity namin na gagawin sa susunod na araw. Pagkatapos naman noon ay dali-dali akong lumabas palabas ng building na parang may hinahabol. Sadyang di lang ako makapaghintay makita bebe ko. Hihi!

Pero ang excitement na iyon ay natapos ng saktong pagkalabas ko ng building ay nakatanggap ako ng tawag kay Zeid na nung una ay akala ko magandang balita ang dala pero hindi pala.

[Jhaycee, I'm sorry. I know we were supposed to eat outside tonight.]

I can hear Zeid's voice on the other line, sad and disappointed. I love him being clingy with me and I always feel embarassed about it kasi aminado akong clingy din ako sa kanya. That's why I also feel sad and disappointed. I'm so excited pa man din pero no choice naman.

[We have a group report that we need to finish. We all need to be in the meeting to plan what we should do.]

"It's okay. Pwede naman na bukas na lang?" Sambit ko, hindi pinapahalatang disappointed ako sa tono ng boses ko.

With a little hope blooming inside of me, I said and ask him if we can re-schedule our dinner date for tomorrow. I really hoped that he will accept....

[Hmm. Well-- Zeid? What are you doing? Tara na, naghihintay na sila Ceasar sa labas!]

Di natuloy ni Zeid ang sasabihin niya ng may marinig akong ibang boses na tinatawag sya. And after hearing that other voice, halos matigil ako sa paghinga nung marealize kung sino ang nagsalita at inaaya ang Zeid ko.

I'm sure, that was Arine's voice.

[Ah! Give me a second, I'm coming!] Narinig kong sagot ni Zeid sa kausap. Halos di pa rin ako makahinga ng ayos nung marealize kung sino makakasama ni Zeid sa meeting niya with his group mates.

"Is that Arine?" Mahinang tanong ko na sa tingin ko ay hindi na niya narinig dahil nagpaalam na siya.

[Jhay, I'm sorry, hinihintay na ako ng mga kagrupo ko sa labas. I'll just call you later. Okay? I'll hang up now. I love you.] His last line then he ends the call.

Mukang naghahadali nga siya. Di na rin niya nagawang sagutin ang tanong ko kung si Arine ba yung narinig kong boses pati ang sagot sa re-scheduled dinner date sana namin. He's busy with his studies and as his future girlfriend, I'll try my best in understanding his every circumstances.

"I love you too, Zeid..." Bulong ko habang nakalagay pa rin ang phone sa tenga na akala mo ay maririnig pa rin niya ang sinabi ko kahit tapos naman na ang call.

I put my phone into my bag as I sigh because of my disappointment and uneasiness after hearing that woman's voice. I don't like her presence around my Zeid. Alam ko na muka akong insecure dahil sa possessiveness ko kay Zeid pero may karapatan naman siguro ako umayaw sa presensya ng babaeng yon dahil lagi sya nakabuntot kay Zeid. There are times na may date kami ni Zeid and bigla syang susulpot doon, acting like she doesn't even sense my own presence and walang pake kung third wheel siya. She also calls my Zeid out of nowhere katulad nung dinner namin with Zeid's family. I'm aware naman na mostly sa pinaguusapan nila ni Zeid ay school related work, thanks to Zeid openness to me. He takes care of everything that could make me jealous or affect our relationship and I'm so grateful for it. Gustong-gusto talaga niya na ma-fall ako lalo sa kaniya, hano?

"Jhaycee!" 

Nabalik naman ako sa ulirat matapos marinig pangalan ko na sinigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako doon sa pag-asang tama hula ko sa kung sino may-ari ng boses pero....

Bumungad sakin ang muka ni Jap na hinihingal pa dahil tumakbo sya palapit sa pwesto ko after shouting my name. Mukang kakatapos lang din niya sa klase niya at coincidence lang pagkikita namin ngayon. Sinuklian ko naman ng ngiti ang malaki niyang ngiti sakin. He looks cute in his  boyish smile and I can also smell his familiar marshmallow-like scent. Pareho ata talaga sila ni Zeid ng pabango na ginagamit.

"Uy! Nandito ka pa pala sa campus." Ngiti ko sa kanya, di pinapahalata na kagagaling lang ng muka ko mula sa malungkot na expression.

"Ah yes. Kakatapos lang ng accounting class ko. Nag-extend pa nga prof namin eh." Sambit niya sabay buntong hininga pero agad din naman bumalik ang ngiti sa labi. "Ikaw? Hinihintay mo ba si Crisostomo?" Dagdag niya.

"Ahm...." Di pa ako nakakasagot mabuti ay biglang lumawak pa ang ngiti niya sa labi. Parang mang-aasar.

"Ah! Oo na yan. May dinner date nga pala kayo, kwento mo sakin kanina. Yiiee! Excited na sya lalo!" 

I immediately stopped his teasing. "Actually hindi tuloy. May group meeting sila para sa isang school activity and kailangan niya umattend. We will re-schedule it na lang." Sabi ko habang iniisip yung dulo kong sinabi dahil wala naman kami napag-usapan ni Zeid about re-scheduling our dinner date dahil nga naghahadali na siya kanina.

"Oh..." Natahimik sya at mukang nagsisi na inasar ako. Mabilis namana kong tumawa para na parang wala lang yung hindi natuloy date ko at para hindi na sya maguilty sa pang-aasar sakin.

"Guilty ka 'no? Pfft! Asarin mo pa ko ha!" Sambit ko sabay tawa. " Anyway, okay lang naman. I told you, we will re-schedule it naman." I said while laughing.

"Hmm. Sigurado ka?" Tanong niya na agad ko namang tinanguan. "Edi may libreng oras ka ngayon?" Dagdag niyang tanong na nagpataka sakin pero tinanguan ko naman. Totoo rin naman na may free time na ako since hindi tuloy ang dinner.

Natahimik naman siya at mukang nagisip muna bago ibuka muli ang sariling bibig para magsalita. "Okay! Gusto mo sumama ka sakin?" 

"Eh?" Mas lalo naman ako nagtaka. "Saan?"

"Klir." He answered shortly pero nagets ko rin naman. Naalala ko tuloy yung nangyare kaninang break time na inaya si Jap ng mga kakilala niya sa Klir, isang club na sikat. He's inviting me to party.

Which I find okay. There's nothing wrong in partying. I'm in a legal age already and I know to drink basta ba moderately lang. Sadyang di lang kami mahilig magpuntang bar or clubs ng barkada ko kaya medyo napaisip ako sa pag-aaya ni Jap sakin. 

"Ah! Di naman kita pinipilit. I'm just trying to invite kung sakaling gusto mo la--"

"I'll go!" Masiglang sambit ko na pumutol sa kanya sa pagsasalita. Nagulat pa sya nung una pero mabilis din ngumiti sakin.

"Okay. Let's go!" Masigla niyang sinabi kaya naman mas naexcite ako.

I'll go with Jap to momentarily forgot the uneasiness I have felt towards my Zeid and Arine. I will understand that it's academic related work kaya wala akong say doon. Ah! Naalala ko lang, dapat siguro isipin ko na rin kung paanong surprise gagawin ko kay Zeid kasabay nag pagbigay ko na sa kanya ng isang matamis na 'oo' sa 5 years niyang panliligaw sakin.

Weeks passed, those days that have passed gave me the time I need to decide on what preparation should I do to answer my Zeid's courtship. It was supposed to be a peaceful and excited week but unfortunately, its not.

It's because of Zeid and Arine. Alam kong school work ang dahilan kung bakit magkasama madalas silang dalawa pero, their actions towards each other makes the uneasiness in my heart grow. At di ko aakalain na babala na pala ito na lalamunin ang puso ko sa padating na hinaharap.

"Zeid, pupunta ka ba ulit mamaya sa bahay ng kagrupo mo?" Tanong ko sa kaharap ko na busy kumain ng lunch.

Kung gaano ako ka-busy ay mukang doble pa roon ang pinagdadaanan ni Zeid ngayon. Pansin ko rin iyon kay Mira this past few weeks. He's busy eating while only having mini conversations with me. He looks a little tired but somehow, I could always feel his sense of relief when he's with me.

"Oo eh. Di pa kami tapos sa report namin eh." Sambit niya saka napabuntong hininga.

"Don't push yourself too much." I said worriedly. He only gave me a sweet little smile to ease my worry pero bumilis lang tibok ng puso ko dahil sa ngiti na yon.

I am really inlove with him, huh?

Natigil lang ang paguusap namin at pagkain ng lunch noong may tumawag sa phone ni Zeid, nakita ko pa sa screen ang pangalan ng tumawag, dahilan para maramdaman ko na naman ang pagbigat ng dibdib ko ko.

"Arine? Kumakain lang ako saglit. Pupunta na rin ako dyan. Pakisabi na lang kela Ceasar-- ha?..... Okay. Pupunta na ako." Zeid said as he briefly talk to Arine on the other line. Mabilis natapos ang call, binaba niya phone niya at malungkot na ngumiti sakin, the sweet smile he had earlier has gone.

"I need to go. I'm sorry." He said as he pick up his things and stand up.

Gusto ko siya pigilan pero alam kong imposible. Ni hindi pa sya nakatapos kumain. It looks like some kind of emergency kung kailangan na agad pumunta ni Zeid. Kailangan na pumunta ni Zeid sa tabi ng Arine na yon.

And that was the start of his more busy days, we could sometimes meet in the morning since it's the usual routine of our barkada pero madalas na yung times na kulang kami dahil sa sobrang pagkabusy. I should be understanding pero look, what the hell am I feeling? Why do I even feel this?

"Masyado na naman ata naiinggit ang ate mo. Uso kasi mag-'yes' sa isang tao dyan oh." Keana teases me while she's busy doing her school work.

"Wha--!!" Tanging nasabi ko dahil ako pa nga ang nabara kahit si Mira ang trip ko asarin dahil sa kanilang morning date ni Rhob.

Today is one of those mornings na kumpleto kami pero sobrang busy naman. Kita rin iyon kela Jar at Kea na busy sa kanilang laptop at papers pero busy pa rin dumaldal at nagawa pa akong asarin. Inasar ko na lang din sila dahil busy sila mag-cramming ngayon dahil tamad sila bilang pangganti sa pangaasar sakin.

"And since masipag ka naman, kumilos ka na rin sa pagsagot kay Zeid!" Biglang pasok ni Kea ng linyang iyon which makes me flustered. Naalala ko rin kasi ang plano ko sa pagsagot kay Zeid.

"Oo nga sis! Anuna? August na since nung start ng college days!" Pagsakay naman ni Jaraica sa mga pinagsasabi sakin ni Keana.

"Shh! You guys are so loud!" I hissed at saglitang napatingin kay Zeid na buti na kela Rhobert ang atensyon. Kinakabahan ako, baka kasi mamaya makaramdam si Zeid sa plano ko dahil lang sa conversation naming mga babae na ito.

"Oh no! We're not!" -Keana.

"We're just nagtataka sis. Ikaw kaya nagsabi na oras mag-college tayo, magye-yes ka na kay Zeid." -Jaraica.

Di nawala ang kaba ko sa takot na marinig kami ni Zeid. "Err... gagawin ko rin naman yu--"

"Gets ko point nila Kea at Jar, pachot. August na eh. We're just worried din. Okay lang ba kayo?" My bestfriend, Mira, asked in a worrying tone at tanging nagawa ko na lang ay suklian siya ng ngiti.

I understand their worry. Kaibigan nila kami. Nagaalala lang sila na baka mamaya may problema kami kaya nauudlot ang pagsagot ko kay Zeid. Pero they don't need to worry anymore! Dahil okay na naisip kong plano para gawin ang simple surprise kay Zeid.

A week has passed, dumating na ang isang bagay na inorder ko online and that's my cue to do my surprise. Sinabihan ko si Zeid na magkita kami after classes sa rooftop ng building kung saan naganap ang pag-surprise ni Rhob kay Mira. Dumating na rin sa point na patapos na ang klase, kaya ang kaba na ilang araw ko na nararamdaman ay mas lalong lumala ngayon.

As I give him my 'yes' and my gift, what could be his reaction? Will he get surprise? Will he feel happy?

Questions runs along my mind as I stay inside the elevator, waiting to reach the 4th floor. I clutch the maroon colored box that has my gift for Zeid to my heart and I can hear my heartbeat, louder and clear. Bumukas ang pinto ng elevator, mabilis akong lumabas at pumanik pa ng hagdan para makarating na sa rooftop. Pagdating sa harap ng pinto patungong rooftop ay huminga muna ako ng malalim to atleast calm myself a little.

And there, I decided to open the door pero bago ko pa tuluyang mabuksan ay nakita ko sa rooftop si Zeid na may ibang kasama.

Sa gulat ko ay nasara ko ang pinto at nagtira lang ng maliit na espasyo kung saan kita ko pa rin sila ng malinaw. Pinagmasdan ko mula sa maliit na espasyo si Zeid at si Arine na naguusap. At dahil doon, ang kaba ko ay hindi na excitement kung hindi pangamba sa nangyayare.

Bakit? Bakit nandito si Arine? Bakit sila magkasama? Magkasama ba sila ni Zeid pumunta dito? But I told Zeid na sya lang magisa ang pumunta dito!

Being dumbfounded by what's happening and questions struck in my head, natigil lang iyon dahil sa nakita kong biglang pangyayare.

Suddenly, Arine hugged Zeid. I gasped at the scenario. And what made me more shocked is the fact that Zeid hugged her back.

Halos mabitawan ko na ang kahong hawak ko pero mas nangibabaw sa pakiramdam ko ngayon ang umalis sa kinakatayuan ko at tumakbo palayo mula sa pangyayareng nakita ng mata at puso ko.

.

Zeid's POV

"Do you feel calmer now?" I ask the girl in front of me matapos ko sya yakapin, nagbabakasakali na mapagaan loob niya kahit papaano.

"Hmm." Marahang tumango sa akin si Arine at binigyan ako ng maliit na ngiti.

I smiled back at her at saka saglit na sumilip sa relo ko, iniisip na ano mang oras ay darating na si Jhaycee. Malapit pa lang oras na sinabi niya sakin na magkita kami kaya okay lang na wala pa siya. Maaga din kasi akong dumating dito sa rooftop at nasaktuhang nakita si Arine na umiiyak na naman dahil sa mga problema niya and because of my answer to her.

Nakatingin lang ako kay Arine na pinupunasan ngayon ang natitirang luha sa mata niya. Finally, she looks calmer now and she also doesn't look pale anymore.

"You're really nice. I'm always a nuisance to you and your girl but you still treated me like a friend." She said while smiling. Medyo namumula pa ang ilong at mata niya kaya halatang kagagaling lang niya sa pagiyak.

She's kind, funny and honest pero sa likod noon ay may nakatago siyang problema. It's nice to have her as a friend at gusto ko talaga sya tulungan pero hanggang tulong pang-kaibigan lang talaga maibibigay ko.

Dahil may mahal na akong iba. At si Jhaycee iyon.

Mabilis lang lumipas ang oras. Maya-maya lang matapos sabihin yun ni Arine ay nagpaalam na sya para umuwi, samantalang ako ay eto, hinihintay pa rin si Jhaycee.

Sa 2 oras kong paghihintay kay Jhaycee dito sa rooftop ay binalot na rin mga katanungan ang utak ko kung ano nga ba talaga paguusapan namin ni Jhaycee. Pero napalitan na iyon ng pagalala dahil nga sa 2 oras na nakalipas simula nung usapang oras namin pero wala pa rin sya. Kasabay ng pag-aalala ko sa kanya ang pagkulay ng kahel sa langit dahil papalubog na ang araw.

"Nasaan na ba yun?" Naasar pero nag-aalala kong bulong sa sarili. Kinuha ko naman phone sa bulsa ko at sinubukang tawagin ulit siya. Ilang beses ko na rin siya tinawagan kanina pero puro ring lang ito at walang sumasagot. Pero ito ulit ako, nagbabakasakali na sagutin niya.

Ring!!!~ Ring!!!~ Rin-- Beep!

Bigla naman kumalabog ang dibdib ko nung marinig ang tunog na sinagot na niya ang tawag ko.

"Jhaycee!? Hello? Nasaan ka? Okay ka lang ba? Sabi mo magkita tayo dito sa rooftop ng bagong building?"

Sunod-sunod na buhos ng tanong ang nasabi ko dala ng pag-aalala. Damn, she finally answers her phone! And I can't contain myself anymore. Pero sa kabila ng pag-aalala at mga tanong ko, ibang tono ng boses ni Jhaycee ang sumagot sakin.

[Ah? Sorry. I'm already home. I forgot na may usapan nga pala tayo.] She answers in a somewhat distant tone. Napakunot ang noo ko dahil dito.

I've known her for years. This is not her usual tone.

Di ko muna inisip mabuti yun at sumagot sa sinabi niya. "You should have texted me at least that you have gotten home. Diba ganon naman dapat palagi?" I sighed and didn't hear anything on the other line. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.

"You said may importante tayong paguusapan. Na may importante kang sasabihin sakin."

[Ah... oo nga. May importante nga talaga akong sasabihin sayo.] Sambit niya, bakas ang kalamigan sa tono niya.

"Okay. Pupunta ako diyan sa inyo para mapagusapan nati--" Sabi ko at hadali na lumapit sa pinto para makaalis sa rooftop pero napahinto ako sa sinabi niya na paguusapan naming importante.

[You don't need to. I was just planning to tell you lang naman kung ano sagot ko sa panliligaw mo sakin to be your girlfriend.]

"What?" Nagulat ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sinabi niya, na mukang magkakaroon na ng kasagutan ang 5 taon kong panliligaw sa kanya.

"Then," Nilunok ko muna ang sarili kong laway bilang pagpapakalma sa sarili. "what's your answer? Will you be my girlfriend?"

After saying thoses lines, silence fall upon the both of us. Sa tingin ko ay pareho kaming malakas ang tibok ng puso ngayon. Naglakas loob naman ako dagdag pa ang tanong ko.

"Jhaycee, is it a yes? Or no?"

Pero nawala lahat ng lakas ng loob ko. Halos tumigil ang tibok ng puso ko. Ang magandang kulay ng kalangitan dahil sa papalubog na araw ay naging masakit at pangit sa aking paningin, the sun began to looks like my heart who seems to fall and will be overshadowed by darkness and pain.

[No. I will not and will never be your girlfriend.]

--------------------

New update! Thank you for reading! Hoping for your votes and comments :')

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top