Chapter 16 - Student Council

.

Mira's POV

"One of those reasons are simple. I want you to take over my position in the upcoming election. I want you to be the next student council president."

Iyan ang linyang di maalis sa isipan ko. Gabi na, oras ko na dapat ng pag-aaral pero ang pumapasok lang sa isipan ko ngayon ay ang sinabi sakin kanina ng student council president.

Di ko rin inexpect na magkikita kami ng personal ng student council president at doon pa talaga sa banyo nangyare!?

Napatayo ako mula sa upuan ko at lumapit sa bintana. Binuksan ko ito at agad naramdaman ang pagpasok ng malamig na hangin. Kasabay ng pagdama ko sa malamig na hangin ay ang pag-alala sa nangyareng usapan namin ni miss Reina.

Flashback....  

"I'm Reina Cruz, the current student council president. I'm an incoming 4th year student and magiging sobrang busy ako kaya imposible na ako'y sumali pa sa election. I'm currently looking for you because of some certain reasons." Pakilala at paliwanag ng babae, I mean ni miss Reina.

"And... what are those certain reasons?" Tanong ko naman na dahilan para lumaki ang ngiti niya sakin.

"One of those reasons are simple. I want you to take over my position in the upcoming election. I want you to be the next student council president." Saad ni miss Reina na may ngiti sa labi pero halatang seryoso sa mga pinagsasabi niya.

Wait... what?

"Huh?" I said with a confused tone. "You're looking for me... because of the reason.... that you.. you want me to be the next student council president?" I added which actually makes me more confused and flustered. Did she really wants me to run for the presidential seat on the upcoming elections!? She wants me to be the next president of student council!?

"Yes and seryoso ako doon." Sagot naman niya.

"P-pero--" Bago pa ako makaalma ng tuluyan ay napigilan niya ako't dinugtungan ang mga sinasabi niya.

"You're actually famous, miss Aguinaldo. After all, you are the first high school freshmen student that became a student council president in all schools here. No freshmen student could actually become a SC president. Madalas ay seniors ang nagiging president ng student council pero ikaw? You're different. Even you're just a freshmen, you gained the trust and hearts of every students in Willstone Academy at that time. Sa narinig ko ay ni di ka nga sumali sa election noong freshmen year mo pero ikaw ang pa rin pinili ng lahat. That's a great achievement already!"

Sa sinabing iyon ni miss Reina ay nagsibalikan sakin lahat ng alaala ko as a grade 7 student.

I was the kind of student of focusing all my mind and heart into school at that time for a reason. Nagulat na lang ako na tinatawag na nila akong miss Perfect, na biglang maya't-maya ay may lalakeng umaamin na gusto daw nila ako, at ang pinaka nagulat ako ay pinatawag nalang ako sa principal's office para ipagbigay alam sakin na nanalo ako bilang student council President kahit di naman ako sumali sa election at isa lang ako dapat sa mga estudyanteng dapat mamili sa mga kasali talaga sa election.

"And kahit di ka sumali sa election noon at halatang wala naman sa plano mo maging SC president, you still took on the president role and even gave more amazing results. 8th grade ka lang daw hindi naging president pero the rest of the school years na naging president ka, you give good achievements that the Willstone Academy couldn't already ask for more."

Medyo natahimik na ako dahil sa mga pinagsasabi ni miss Reina. She's currently praising me for a good job that I did in my high school years. Ibig sabihin lang nito ay seryoso siya sa sinabi niyang gusto niya ako ang maging susunod na student council president. But, to be honest I am curious and interested about the D.U's student council pero never naman sumagi sa isip ko na maging involve.

"Look, I know this is a big matter since mahirap ang maging college student and at the same time ay magkaroon pa ng resposibilidad para sa mga estudyante. But, I just want to let you know that you're the only student I'm trusting to be able to perform the student council's presidential duties. You may came to our office located in the administration building to tell us your final decision. Please think about this thoroughly."

End of Flashback....

Hmm. Medyo shock pa rin ako na sa loob lang ng araw na ito ay nakatanggap ako ng sobrang daming compliment at appreciation tungkol sa pamamahala ko bilang student council president noong high school. I actually wanted to feel calmly humbled and honored pero yung feels ay sobrang bagsik! I'm soooo happy about all those things that I've heard! Well, who wouldn't naman diba?

Anyway! Back to the main topic, ang problema talaga ay di pa ako sure kung ano isasagot sa request ni miss Reina. Am I even ready to enter and be part of a student council again?

Speaking of miss Reina... Reina Cruz, upcoming 4th year student and considered as the current reigning queen of Diamond University since she's the student council president, the student president of every college departments. Meeting her in the bathroom is totally unexpected at mas lalong unexpected yung reason kung bakit nagpunta siya sa building namin.

Well, despite that, I could actually feel the sense of authority within her. Sure na din ang capability and intelligence niya. Di rin naman kasi siya sisikat at hahangaan ng mga estudyante dito kung isa lang siya nahalal na presidente na wala naman matinong nagawa para sa mga kapwa niya estudyante. Ako rin mismo ay nagsisimulang humanga sa kanya.

Parang nakaka-hiya tuloy tumanggi sa kanyang request na sumali sa student council presidential race... wait! No!

That's a very wrong way of thinking, Mira! This is a big responsibility kaya walang koneksyon dito ang reason katulad ng nahihiya tumanggi ot what. Dapat nga naman pagisipan itong mabuti.... Itutulog ko na nga lang muna ito! I'll study na lang bukas sa school.

-

"Wow. Ngayon lang kita nakitang dito mag-aral habang umiinom ng kape." Bati sakin ni Rhobert sabay sipsip sa kape niyang hawak. Mukang napansin niya ang bigla kong paglabas sa bag ko ng notes ko.

"Hmm?" Medyo nagulat ako sa remarks niya, "Ah! Well, di ako masyadong nakapag-aral kagabi eh. Nag-overnight kasi samin si ate Fatima. We had a girl's talk together with ate Alice." Dagdag ko sabay ngiti sa kanya. Napa-tango naman siya sakin.

It's not actually a lie. Ate Fatima really came and spend the night in our house. Ang lie sa sinabi ko ay yung di ako masyadong nakapag-aral dahil sa girl's talk but the truth is di talaga ako nakapag-aral sa sobrang dami ng iniisip ko kagabi. Things about the student council, meeting the currently most respected student which is the council president, her compliments about how good did I do during my high school year as the student council president, and her request to me to become the next student council president to Diamond University. I almost forgot that it's already time to sleep at that moment!

"Baby loves, you should just go straight to sleep after talking with your ates. Di mo dapat pinapagod ang sarili mo. Mahalaga ang matulog ng maaga at maayos." He worriedly said that makes me smile honestly.

"I'm sorry for worrying you. I'm actually taking it easy now when it comes to studying. Sadyang nakulangan lang ako sa pag-aaral ko kagabi." I said with a smile. He also gives me a smile and seriously, that smile is piercing right through my heart and all I can feel now is super kilig!

"Also, kung may problema ka man o may gumugulo sa isipan mo, tandaan mong nandito lang ako. I'm always here for you. Pwede ka rin magsabi sakin, hindi lang sa mga girl's talk." Sambit niyang di nawawala ang ngiti sa labi.

Because of that ay napaisip ako. Maybe I should ask about his opinion if I ever tried to join the student council, what could be his possible reaction? Pwedeng pwede nga naman talaga ako magkwento sa kanya. He's my boyfriend after all! And I truly appreciate what he just said.

After sipping on my coffee ay tinignan ko sya ng diretso. Tinignan rin naman niya ako na parang nag-hihintay nga sa kung ano mang sasabihin ko.

"Rhob... what can you say about the upcoming student council election?" Pambungad ko muna na tanong sa kanya.

"Hmm. Na mapanatili sana ng mga susunod na student leaders ang nagawa ng papalitan nilang student council." Sagot niya matapos magisip ng ilang segundo para sa katanungan ko.

Well, his answer is good and made me think more about the student council that miss Reina handle. Based on rumors, she really is one of the best student leader that handles the whole student body in a composed manner. Kaya nga ang dami niyang fans na tipong kahit yung mga blockmates kong 1st year student lang din katulad ko ay inabangan talaga pagdalaw niya sa department.

Although narinig ko mismo sa bibig niya at nung kasama niya na kaya pala sya pumunta sa department namin ay para iscout ako sa student council.

We head straight to the school after our morning date and as usual, meet up with the gang. Tamang asaran lang sa umaga bago dumiretso sa mga klase namin.

"Busy na busy ah?" Bati ko sa mga girls pagdating. Si Rhobert nakihalubilo na sa boys.

"Late na naman kayo!" Jhaycee said then crossed her arms.

"Jhaycee, anukaba? Di ka pa ba sanay?" Sabi naman ni Jaraica ng hindi nililingon ang paningin samin dahil mukang mas busy sya magbasa mga papel na hawak nya. Looks like some kind of handouts.

"Masyado na naman ata naiinggit ang ate mo. Uso kasi mag-'yes' sa isang tao dyan oh." Pang-gatong pa ni Keana habang nakangisi bago ibalik ang tingin sa laptop niya. Mukang may ginagawa syang school related din.

"Wha--!!" Tanging nasabi ni Jhaycee na halatang gustong sumagot sa sa dalawa pero natahimik na lang din kasi totoo naman.

Napaisip rin naman ako sa sinabi ni Jar at Kea. August na, almost 3 months na rin pero parang wala pa rin nga ako nababalitaan na improvement sa relationship ni Jhaycee at Zeid?

Di naman na kami pinansin nung dalawa. Jaraica, while wearing her nurse uniform was busy reading her papers. Probably related to her studies. Mukang ganoon din kay Keana na isang psychology student. Well sa ganitong panahon, normal naman na busy ang isang college student 'no?

Tumabi na lang ako kay Jhaycee na hindi na naka-angal kela Kea at Jar dahil napansin din naman niyang busy talaga ang dalawa. Plano ko pa naman sana tanungin opinion nila regarding the student council pero next time na lang siguro?

"Buti ikaw hindi busy? Stress din buhay sa arki diba?" Medyo masaya kong tanong kay Jhay na napalingon na sakin.

"Hmm medyo busy rin naman? Natapos ko lang talaga maaga plates ko kaya siguro muka akong di busy muna?" She replied gleefully then chuckle after.

"Oh! Same! I mean natapos ko na rin school papers na pinapagawa samin." Sabi ko naman.

"Oh edi kayo na." Sabat naman nila Kea at Jar sa usapan namin kaya natawa kami ni Jhaycee.

"Oh come on! Kasalanan ba namin na masipag kami?" Taas kilay na tanong ni Jhaycee kaya mas lalo ako natawa.

"Nope!" Sagot naman ni Keana sabay sara ng laptop niya at lumingon samin. Tapos na ba agad niya ginagawa niya? "And since masipag ka naman, kumilos ka na rin sa pagsagot kay Zeid!" Dagdag pa ni Keana kaya bigla naman namula itong si Jhaycee.

"Oo nga sis! Anuna? August na since nung start ng college days!" Jaraica said habang nililigpit ang mga papel na kanina lang ay binabada niya.

"Shh! You guys are so loud!" Jhaycee hissed at saglitang napatingin kay Zeid na busy makipagkwentuhan boys. Buti na lang may sarili muna silang mundo para di nila malaman pinaguusapan naming mga babae.

"Oh no! We're not!" -Keana.

"We're just nagtataka sis. Ikaw kaya nagsabi na oras mag-college tayo, magye-yes ka na kay Zeid." -Jaraica.

"Err... gagawin ko rin naman yu--" Natigil sa pagsalita si Jhaycee nung nakisali ako sa pinaguusapan nila.

"Gets ko point nila Kea at Jar, pachot. August na eh. We're just worried din. Okay lang ba kayo?" I asked after thinking about them. I'm honestly worried.

Di na rin natuloy ang usapan dahil biglang dumating ang boys at nag-aya na para umattend ng klase dahil malapit na pala oras. I'm still worried about Zeid and Jhaycee pero naniniwala naman akong magsasabi din sakin si Jhaycee pag ready na sya. For now, iintindihin ko muna ang student council or rather-- yung alok ni miss Reina sakin.

"Oh my gosh! This is so dami!" Tamad na tamad na sambit ni Paolo pagkatapos ibaba ang mga libro para sa isang subject namin sa table. Nasa library nga pala kami.

"Papi Zeid, kiss mo nga ako. Pampagana lang." Dagdag ni Paolo which makes me laugh and si Zeid sa kabilang gilid ko ay napailing na lang.

"I'm not available. Iba na lang." Sagot naman ni Zeid habang patuloy na nagsusulat at sabay na rin na tinitignan ang libro hiniram din niya.

"Tsk. Sungit talaga. Buti na lang gwapo ka kaya crush pa rin kita." Bulong naman ni Paolo na nung una ay disappointed ang tono pero bigla rin naman kinilig sa sariling sinabi.

"Manahimik na nga kayo." Sabi ko sa dalawa at patuloy na lang na ginawa ang paperwork na pinapagawa samin.

"Anyway, Mira! Bigla ka nawala kahapon! Di mo tuloy nakita si miss Reina." Paolo said while opening one of the books he borrowed. Mukang maguumpisa na rin sya gawin ang paperwork namin.

"Ah... sorry. Nagutom na rin kasi ako kaya after sa restroom ay dumiretso ako sa cafeteria since uwian naman na." Sagot ko naman. Ginawa ko naman talaga yun kahapon after ng encounter namin ni miss Reina.

Di ko pa nga pala sinasabi na nagkita na kami ni miss Reina at doon pa talaga sa loob ng restroom. Wait, how should I tell them anyway? Yun sanang hindi sila magrereact in shock? Hmm.

"Di ka man lang nag-aya!?" Paolo exclaimed.

"Oo nga. Para sana nasamahan ka namin." Singit naman ni Zeid sa usapan.

Honestly, shocked pa ako sa sinabi sakin ni miss Reina kaya di ko na rin magawang bumalik sa room namin noon kaya pinili kong magisa pumunta sa cafeteria kahapon.

"Sorry..." Tanging nasabi ko nang may biglang pumasok sa isip ko na itanong sa kanila. "Hey, what can you say about miss Reina after meeting her kahapon?"

"Hm? Ah..." Bigla napatingin sa ceiling si Paolo, halatang nagiisip. Nauna naman munang sumagot si Zeid sa gilid.

"The atmosphere around her could actually make you feel na she's way more above you. The atmosphere that mostly student leaders and politicians have."

"Oh! Agree ako kay papi Zeid! And based din naman sa rumors na she's really a good leader. And mukang totoo din naman kung pagmamasdan mo ang sistema dito sa school." Dagdag naman ni Paolo.

"Hmm... Okay." Tanging nasabi ko na lang at nagpasok na ng panibagong topic para di na nila isipan ng iba ang bigla kong pagtatanong tungkol kay miss Reina at student council.

Their opinions are almost similar to what Rhobert is pertaining this morning. Na maganda ang pamamalakad ng student council and it was all leaded by miss Reina Cruz. Mukang totoo nga ang mga rumors na magaling ang leadership senses niya. Maganda at matalino pa kaya mukang totoo rin ang nababalitaan ko na may fan club pa sya dito sa school.

Dumating na ang oras ng lunch break at naghiwahiwalay muna kami nila Zeid at Paolo. Wala kaming klase after ng lunch break kaya pwede nang umuwi or gumala muna sa campus or maghanap ng organization na pwedeng salihan. Rhobert is still in the middle of his class kaya plano ko sya hintayin sa cafeteria at mauna munang kumain ng light foods.

"Una na ko. Kailangan matapos na namin report ngayong araw eh. Bukas na deadline." Paalam ni Zeid. Magkikita ata sila noong iba naming blockmates sa Twins Plaza.

"Sige. Natapos na namin kasi yung amin kahapon. Chat me na lang pag kailangan nyo tulong." Sambit ko naman kay Zeid. Nasa magkaiba kaming groups kasi.

If I remember, ka-grupo niya si Arine Cervantes? Sana okay lang kay Jhaycee pero for sure naman maiintindihan din iyon ng bestfriend ko.

"Sure. Thanks!" -Zeid.

"Mauna na rin ako sis and papi ko. Pinapatawag na naman ako ng aking pudrakels sa office niya. Jusko! Sakit sa bangs!" Reklamo naman ni Paolo at natawa na lang kami ni Zeid sa kanya.

"That's fine." Sabi ko sabay ngiti kay Paolo. "Una na rin ako. Ingat kayo! See you tomorrow!" Paalam ko sa kanila at tuluyang naghiwahiwalay.

In the middle of my walk going to the cafeteria ay may nakita naman akong pamilyar na muka sa daan. Napansin rin niya ako kaya biglang lumaki amg ngiti niya. Mukang kasama din niya yung kasama niya kahapon.

"Miss Mira Aguinaldo! Good timing!" Masayang bati sakin ni miss Reina, ang student council president na iniiscout ako na pumalit sa role niya sa darating na election.

"Miss Reina, good afternoon." I greeted her formally because I still don't know how to approach her.

"You're too formal, miss Mira!" Miss Reina chuckles and walks near me.

"I believe that's a normal greeting for someone like you, miss president." Sabi naman nung babaeng kasama ni miss Reina na nakasunod lang sa kanya.

I believe she's also part of the student council because of the small silver nametag attached to the breast part of her uniform. Kulay gold naman ang na kay miss Reina at mukang totoong ginto pa talaga iyon. Nacurious tuloy ako.

"But she will also become the next to handle the position I have!" Miss Reina exclaimed to her companion sabay lingon sakin at ngumiti. "Am I right?"

I almost gulped my own saliva due to the intensity of her stare. Wow.... she really does have the sense of high authority in her atmosphere. She really is the president of Diamond University's student council.

"W-well... I'm still not decided about that." I tried to tell her the truth. Hindi pa talaga ako decided sa kung ano ang dapat gawin regarding her offer.

"Hmm... but it surely interests you." Komento niya sa sinabi ko. Mukang may nahalata agad niya sa itsura ko ngayon kaya nasabi iyon.

Well, she's actually right about it. I'm interested at wala naman ako plano ideny iyon.

"Anyway! You should come to our office. I'll show you the other members working under the student council, our workplace, and how do we work." She said gleefully and before I know it, nandito na kami administrative building, particularly sa harap ng pinto ng student council.

"Ahm... do I really need to be he--" Nahinto na ako sa pagsasalita ng buksan na ni miss Reina ang pareho pang pinto at malakas na tinulak.

"Good afternoon everyone! Have you eaten your lunch already!?" Malakas na sabi niya na tipong maagaw talaga niya ang atensyon ng mga tao sa loob. And all I can say about it is....

Did she really have to make a grand entrance like that!?

Napansin ko naman ang student council member na palaging kasama ni miss Reina sa tabi ko na napabuntong-hininga. Mukang madalas gawin ni miss Reina ang ganoong klase ng pagpasok sa student council office.

The other members inside the office were shocked pero mabilis rin nakarecover. All of them stand and greeted miss Reina in a high spirited manner.

"Miss president! Welcome back!"

"Good afternoon, miss president!"

"Thank you for being worried but we did just finished eating, miss president!"

Iyan ang pinaka-tumatak na greeting nila kay miss Reina sa utak ko sa dinami-dami ng iba pang greeting nila kay miss Reina. And because of those, napansin ko kung gaano kataas ang respeto nila kay miss Reina.

"That's good! Always remember that taking a break even in a while is a must to make work more efficient. Do you understand?" -Miss Reina. Those words make the student council members agree and reply to her with enthusiasm.

Sa di ko malamang dahilan, that scene that I witnessed makes more interested about miss Reina and the student council. At humanga lang ako lalo sa leadership skills ni miss Reina. After all, she have one of the most important personality that a leader should have.

After noon ay ipinakilala ako ni miss Reina sa ibang members at nakita ko ang ilang paperworks na ginagawa nila at mahahalata mo talagang busy sila. Mahahalata mo rin dahil doon na lahat sila ay magaling at maasahan na member ng student council. Nakilala ko na rin na ang member na laging kasama ni miss Reina ay nagngangalang Juna, ang secretary ng student council.

Almost all members of the council, both officers and staffs are friendly and looks easy to work with. They showed me how they work and it really proves how efficient and hardworking they are. They all look amazing that it made me feel--

"So? After witnessing them, does it moves you? Does it makes you feel to join the student council?"

Natigil ako sa pagiisip ng biglang magsalita si miss Reina. She said that saka naupo sa upuan niya. She have her own big desk. At dahil sa sinabi niya ay napaisip naman talaga ako sa magiging desisyon ko.

Huminga muna ako ng malalim bago tignan si miss Reina ng diretso habang seryoso. She smiles at my seriousness na para bang handa na sya pakinggan kung ano man magiging desisyon ko.

"I don't know if I'm worthy of doing it pero... I still want to try. I want to become the next president, miss Reina." Buong loob kong sinabi at walang bakas ito ng pagaalinlangan.

She nodded repeatedly at mas lalong lumaki ang ngiti sa labi. Miss Juna standing beside her also smiled at me after declaring my decision.

"I heard a lot about your potential. So, I'm sure that you can do it." Sabi niya habang malaki pa rin ang ngiti sakin. Her words deeply moved me and makes me want to do my best here in the student council.

I will definitely do my best!

The same time I motivated myself more ay may biglang kumatok sa pinto ng mini office ni miss Reina. Connected ang room na ito sa malaking office kung nasaan ang ibang officers na nakilala ko kanina. Ang maliit na office naman kung nasaan table ni miss Reina ay 2 pang kasamang table. I suppose the other table belongs to miss Juna as the secretary, then the other table belongs to....?

"Excuse me, we're coming in." Narinig kong boses ng lalake mula sa likod nung pinto kung saan may kumatok. Bumukas naman ang pinto at pumasok ay tatlong tao. At di ko pa talaga inaasahan makita ang pamilyar na muka ng dalawa sa likod nung lalakeng naka-salamin.

"Oh! Jarom! You're here!" Maligayang bati ni miss Reina sa lalakeng may kaputian at katangkaran na naka-salamin. Tumango lang sya kay miss Reina at napatingin na sakin.

"Is this the one?" Tanong ni Jarom, base sa narinig ko, kay miss Reina na masaya namang tumango sa kanya.

"She already gave us her yes!" Masayang sambit ni miss Reina at tinignan ang dalawang nasa likod na ako rin ay di maalis ang paningin. One of the two behind Jarom also look surprise at seeing while the other one smiles sweetly that I almost puke because of it.

Anong ginagawa nila dito!?

"Yes, these two behind my back are the Jan Aubrey Isidro of Architecture department and Cyrus Espinoza of Computer Engineering. They are the potential candidates to be the next vice president." Saad noong Jarom sabay ayos ng salamin niya. At di ko mapigilan magulat sa sinabi niya.

"Oh! So silang dalawa yung nababalitaan kong may potential din when it comes to leadership?" -Miss Reina.

"Sila ang sinasabi ko sayon kahapon, miss president if ever na di natin mahanap or mapapayag si Mira Aguinaldo." -Miss Juna.

"They are the considered ace freshman in their own department." -Jarom guy.

Nagtuloy-tuloy lang sila sa paguusap na halos di ko na masabayan at napatingin sa dalawa. Cyrus didn't dare to speak nor approach me, different from Jana who is still smiling sweetly as she approaches me.

"My! Tatakbo ka pala ulit bilang president?" Bati sakin ni Jana at napaismid na lang ako.

"Yeah." Sabi ko bago tapunan ng seryosong tingin sila pareho ni Cyrus. "Didn't expect to see you here too."

"I was scouted personally so the least that I can do is to listen to their offer right?" Sagot niya bago nilingon si Cyrus at tinawag palapit sa amin.

"Come here, Cy! Nahihiya ka ba?" Natatawa pang sabi ni Jana. What is this girl's problem!?

Cyrus reluctantly walked slowly to our place habang busy pa magusap sila miss Reina, miss Juna and that Jarom guy. I can already sense the awkwardness.

"H-hello Mira..." As Cyrus greeted me with a tone of reluctance, I just nodded at him at binalik ang tingin kay Jana na mukang natatawa lang samin. As if naman merong nakakatawa.

"I can't believe na parepareho pa tayo natawag dahil lang may background tayo sa pagiging student leader nung middle school at high school." Masayang sambit ni Jana saka lumingon sakin. "Base sa sinabi kanina ng president, mukang ikaw na Mira ang sure na papalit sa role niya 'no?" Then she giggled.

Lakas loob naman akong sumagot ng, "Yes. I have decided to accept her offer to be the next president."

"Hmm. Tapos isa samin ni Cyrus ang magiging Vice President...." Komento ni Jana sa sinabi ko na parang napapaisip at maya-maya nga lang ay napangisi sya dahilan para tumaas ang isang kilay ko. What is she planning this time?

"You guys know each other?" Napalingon kaming tatlo kay miss Reina na mukang tapos na magusap. Nakatingin na sila samin.

"Yes." Tipid na sagot ni Cyrus.

"We we're childhood bestfriends!" Walang pakundungang sagot naman ni Jana.

Nagulat pa kami pareho ni Cyrus dahil sa sinabi niya. What the hell is she saying? It's all in the past now!She's making me more irritated at her!

"Oh... then we're assured that you wil not have any problems in cooperating and handling the student council." -Miss Juna.

"Oh about that! I want to officially decline position." Nakangiting sabi ni Jana pero bakas ang kaseryosohan sa tono nito.

She's rejecting the offered position?

"Eh? And why is that?" -Miss Reina.

"I'm sorry mr. Jarom but knowing Cyrus, I believed he's more appropriate for the position. Although I still want to join the student council even if it's not the VP position." -Jana.

"H-hey! What are you saying?" Gulat na natanong ni Cyrus kay Jana. Ako mismo ay nagugulat sa mga pinagsasabi niya.

"That's okay. There are other vacant positions in the student council." Jarom acknowledges Jana's words.

"Then, are we all good na?" Napapalakpak na si miss Reina at di ko na alam paano aangal sa mga nangyayare.

"Wai--" Napatigil rin sa pagsasalita si Cyrusa matapos marinig ang sunod na sinabi ni miss Reina.

"Then, Mira Aguinaldo here will be the next president. Mr. Cyrus Espinoza will be the Vice president and miss Jan Aubrey Isidro will still join the student council and will surely be a good support for the team. Hmm! This will be a surely successful new student council team!"

--------------------

Thank you for reading! See you in the next chapter :')

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top