Chapter 13 - Coffee and Guitar
.
Mira's POV
As August comes, the rainy season comes as if trying to cope up with my current feelings. Just like today, the rain falls like a waterfall giving a refreshing sound despite it's gloomy atmosphere. Rain totally represents a human's sad emotion. Being sad is gloomy but crying with all your heart is a little refreshing and pleasant.
*Tok-tok!*
Habang naka-sandal sa tabi ng bintana ay napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko dahil sa isang katok. Di pa ako sumasagot ay kusa nang pumasok ang kung sino man iyong kumakatok. Pagkabukas naman ay nakita ko si ate Alice. May dala siyang tray kung saan nakapatong ay isang baso ng kape at sandwiches.
"Maganda bang tanawin ang ulan?" Naka-ngiting tanong niya. She probably notice the place I am seating right now. Nakatapat din ito sa bintana kaya talagang mahuhulaan niyang pinapanood ang ulan at ang basang paligid.
"Medyo." Tipid kong sagot habang pinagmamasdan siyang ilipat ang kape at pagkain sa lamesa dito sa kwarto ko.
"Okay ka lang ba?"
Napatingin ako ng diretso kay ate Alice dahil sa sunod niyang tinanong. Why does the people always questioned me if I'm okay? Nung nakaraan si Jhaycee, ngayon naman si ate Alice. Ganoon ba ka-halata sa itsura ko na hindi ako okay?
"I'm okay." Simpleng sagot ko lang ulit sa tanong niya. Its an honest answer, by the way.
"Really? Even after the Espinoza's showed up yesterday?" She ask that makes me frown. Why the heck did she have to bring that up?
Honestly, after seeing Cyrus last month, naka-move on na ako dun at tinanggap na lang na nandito siya sa Pilipinas. Kinalimutan kong umiyak ako habang yakap ni Rhobert dahil kay Cyrus at Jana. Its been days and weeks already. Then now what? He came with his family yesterday and eat dinner with us. Laking gulat ko talaga na makita sila sa bahay. Lolita invited them and kuya and dad welcomed them warmly. I did the same but it's not my will.
"Yeah." Mahinang sagot ko at napa-buntong hininga dahil sa nangyareng dinner kahapon.
"Mira, I think that everything will be alright. Wala rin naman ginagawa sayo si Cyrus. Di niya kayo ginugulo ni Rhobert. And I think you know that Cyrus is not that type of guy." Sabi naman sakin ni ate Alice.
Naglakad naman ako palapit sa table at kumain ng dala niyang pagkain. Napaisip na rin ako sa mga sinabi niya. Ang pagkakakilala ko rin kay Cyrus ay gentleman siya at talagang mabait. He wants peace but after what he and Jana did to me? Naglaho na lahat ng magandang tingin ko sa kanya.
"Ate Alice di ko rin naman talaga hahayaan na mang-gulo si Cyrus if ever. At saka ang problema ko talaga ay..." Mukhang hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko kahit 6 years na lumipas.
"Ay?" Tanong naman ni ate Alice dahil di ko na natuloy ang sasabihin ko. Di ko pa rin tinuloy ang sinasabi ko at narinig ko na lang ang buntong hininga niya.
"Okay. You don't want to talk about it. Then, will you go and take a bath and change your clothes? Let's go to the mall."
Napa-tingin naman ako ng diretso kay ate Alice dahil sa sinabi niya. Doon ko lang din napansin na iba ang suot niya. She's not wearing her usual maid uniform. Instead, she wears a white blouse and a jeans. She looks pretty, as usual. Anong araw ba ngayon? Is today her day-off?
"What are we going to do there?" Tanong ko naman at napatayo na ako nung hinila niya at pinagtutulak pa ng mahina papunta sa banyo.
"Gagala? Papasyal? Arrgg! Basta! Dalian mo na lang. May naghihintay pa satin sa baba." At natulak na din niya ako ng tuluyan sa banyo.
Huh? Sino naman kaya? So may iba pa kaming kasama? Hays. Kahit di ko trip umalis ng bahay ngayon ay wala na akong nagawa kundi pumasok ng tuluyan sa banyo at maligo. Sasama na lang ako kay ate Alice sa mall, wala rin naman ako gagawin dito. Si Rhobert din di ko rin makakausap dahil nasa kumpanya sya ng daddy niya. He has a job there. Mukang pinaghahanda na agad siya ng sariling ama sa business nila.
Matapos maligo ay agad kong ni-blower ang buhok ko at nagsuot na lang ng sweater at white pants. Paglabas ko rin ng banyo ay wala na si ate Alice sa kwarto. Baka bumaba na at doon nalang ako hintayin sa sala kasama ang isa pa daw na sasama samin. Bakit ba di ko pa natanong kung sino yung isa pa naming kasama? Curious na tuloy ako.
Pagkatapos ko tuluyang mag-ayos ng sarili ay kinuha ko na rin ang sling bag ko na may laman na phone, wallet, pati na rin ang wipes, compact powder at lip balm. Lumabas na ako ng kwarto at pagdating rin sa baba ay nakita ko si ate Alice sa sofa, nagulat rin naman ako sa nakita ko kung sino yung isa sa dalawang kasama niya.
"Excited na ako mag-shopping! Favorite ko pa naman ang humanap ng damit na babagay kay Mira." -Ate Alice.
"Mga babae talaga, hilig gumatos para lang sa damit. Tsk. Pero speaking of that girl, ang tagal naman ata niya gumayak!" -Kuya Marky.
"Hon! Dalaga na ang kapatid mo. Normal na ang shopping at mag-handa talaga ng itsura nila." -Ma'am Fatz.
Nakita ko naman si kuya na napilitan na lang tumango kay ma'am Fatz dahil ayaw niya ang umaangal sa mga sinasabi nito. Si ate Alice naman ay natawa na lang din sa dalawa. Di ko rin napigilan matawa kaya nakuha ko ang atensyon nila.
"Mira!" -Ate Alice.
"Akala ko nilamon ka na ng bowl sa banyo mo." -Kuya. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Good morning, Mira! Sorry sa pangugulo ngayong umaga dito." -Ma'am Fatz. Nawala ang tingin ko kay kuya at nalipat kay ma'am Fatz. Di ko mapigilan ngumiti ng malaki dahil nakita ko muli siya after ng ilang buwan.
Bakasyon pa ata huling kita ko sa kanya kaya masaya talaga ako. Busy rin kasi siya sa school--Willstone Academy dahil isa pa rin naman siyang teacher. Naintindihan ko naman yun. Ang natitirang oras niya ay nilulubos na niya kasama family niya or si kuya. Ayoko na rin makisali pa sa puno niyang schedule. Pero mukang iba ngayon ang mangyayare.
"Ma'am Fatz! You're here!" Masayang sambit ko habang napatakbo sa harap ni ma'am Fatz. Looking at her right now, she looks more beautiful both on physical appearance and emotional. Kaya inlove na inlove kapatid ko sa kanya eh.
"Yes. I want to join you on your shopping day." Malaki ang ngiti niya sakin.
"Well... biglaan lang naman ito. Si ate Alice nag-aya eh. Di ko naman inexpect na kayong dalawa yung makakasama namin." Sagot ko naman.
"Si Alice talaga ang gastos masyado. Laki kasi ng sweldo bilang lawyer. " Pang-aasar naman ni kuya kay ate Alice na binatukan lang siya.
"Sira ulo. Di pa ako lawyer. Law student pa lang ako." At inirapan pa ni ate Alice ang kapatid ko.
"Kahit kelan talaga ang hilig ninyong mag-asaran." Komento ni ma'am Fatz sa dalawa.
"Dapat sanay ka na ma'am Fatz." Sabi ko naman habang natatawa pa rin sa patuloy na asaran ni kuya at ate Alice.
"Mira." Napatingin naman ako kay ma'am Fatz nung tawagin niya ako. Nakita ko ang matamis na ngiti sa labi niya. "You should stop calling me 'ma'am'. I am not your teacher anymore. Just call me 'ate'. Ate Fatima or ate Fatz will do."
Medyo napa-nganga naman ako dahil sa sinabi niya. A-ate? Parang nakakahiya at di ako sanay... "Pero ma'am..." Di ko natuloy sasabihin ko nung sumabat na si kuya. Mukang tapos na sila sa pag-aasaran ni ate Alice.
"Tama si Fatima. Wag ka na mahiya, Mira. Pwede mo siyang tawagin ng ate, after all, you two will become sister-in-laws in the future." Sabi naman ni kuya na nagpangiti sakin. Nakita ko naman si ma'am--I mean ate Fatima na namula sa sinabi ng kuya. Ibig sabihin lang kasi talaga nun ay may plano siyang pakasalan si ate Fatima!
Huminga naman ako ng maluwag bago bigyan ng masayang ngiti si ate Fatima. "Okay, ate Fatima and kuya." Sabi ko naman at natuwa silang dalawa nung marinig iyon.
"Ayan! Okay na. Dahil dyan pumunta na tayo sa mall. Tagal na ng inabot ng usapang ito hays." Biglang pag-epal naman ni ate Alice kaya natawa kami at matapos nun ay umalis na't pumunta na ng mall.
Pagdating sa mall ay agad naman akong hinila ni ate Alice at ate Fatima sa department store. Ni hindi ko na nagawang magsalita at napansin ko rin ang kapatid ko na gusto niya umangal pero alam rin niyang matatalo lang siya ni ate Alice at ate Fatima. Di ko na lang mapigilan matawa sa kalagayan ng kapatid ko.
Nasa Ladies section kami. Kanya-kanyang pili ng damit si ate Alice at ate Fatima para sa kanila pero ang madalas na damit na pinipili nila ay pinapasukat sakin. Hindi ko na rin alam kung nakaka-ilang balik na ako sa loob ng fitting room sa dami ng damit na pinapa-sukat sakin ni ate Alice at ate Fatima. Si kuya ay parang bored na nakasandal lang sa pader habang pinapanood kaming busy sa mga damit.
"Isukat mo 'to, Mira!" Sabay pakita sakin ni ate Alice ng marooned lacey dress.
"S-sige--"
"Try to wear this too!" Sabay pakita din ni ate Fatima sakin ng isang floral beach dress.
"O-okay--"
Di ko na naman natuloy sinasabi ko dahil sabay na naman silang nagpakita sakin ng bagong damit na ipasusukat sa akin. Napangiti na lang ako ng alanganin dahil sa ginagawa nila. They're so energetic. Nakakapagod man but I'm getting attach and used to their positivity.
Sa dami ng sinukat kong damit ay kalahati lang nun ang binili namin. May mga damit rin naman na binili si ate Alice at ate Fatima na para sa sarili nila. They were actually planning to pay for my clothes but my brother insisted na siya na lang daw magbabayad ng damit. Sinabi rin ni kuya na tipirin na lang daw nila pera nila, lalong lalo na si ate Alice dahil nag-aaral pa ito.
Napag-desisyunan naman namin na kumain muna ng lunch. Nasa loob kami ng isang fast food dahil na rin sa hindi namin trip ang fine dining ngayon. Naka-order na rin kami at feel na feel na ang pagkain habang nakwe-kwentuhan.
"Para ka talagang bata, Alice. Sinasawsaw mo pa rin talaga yung fries sa ice cream mo?" Natatawang pang-aasar ni kuya nang makita si ate Alice sa tabi ko na sinawsaw ang fries sa chocolate sundae niya saka sinubo.
"Pake mo ba? Saka ikaw kaya nag-turo sakin nito nung bata pa lang tayo!" At ginantihan pa ni ate Alice si kuya ng isang masamang titig.
"Hilig nyo talaga mag-asaran." Komento naman ni ate Fatima sa dalawa. "Sya nga pala, Alice, nasaan si Nico? Di mo ba sya ininvite?" Dugtong nito.
Agad namang umiling si ate Alice. "I tried to invite him and pumayag naman siya kaso nagkaroon siya ng biglaang lakad na importante."
"Related sa trabaho?" Tanong ni ate Fatima. Tumango naman bilang sagot si ate Alice.
"Huh! Kaya pala nakiki-gulo ka samin mag-isa ngayon. Di ka sinipot--aray naman!" Inaasar na ni kuya si ate Alice pero natigil lang ito ng bigla siyang batukan at kurutin sa pisngi ng dalawang babae; ate Alice and ate Fatima.
"Wag ka na mang-asar! Tsk." -Ate Fatima.
"Gusto mo talagang masaktan, hano? Ha, Marky?" -Ate Alice.
Halos napalunok na lang ng sariling laway dahil sa masamang tingin na ipunupukol sa kanya ni ate Alice at ate Fatima. Di ko rin mapigilan matawa dahil dun habang may nakasuksok na straw sa bibig ko dahil sa iniinom na float.
"Kukulit nyo talaga." Natatawa kong komento at dahil dun ay naagaw ko ang atensyon nila. Sa di ko malamang dahilan ay napangiti sila matapos makita akong natatawa.
Ahm... is there something wrong with my laugh? Or is it in my face while laughing? What is it? Arrgg! They're so weird for suddenly smiling like that.
"Finally! A sincere laugh!" Sabi ni kuya at parang naka-hinga na siya ng maluwag sa di ko malamang dahilan. Mas lalo naman akong nag-taka.
"Uhh... ano meron?" Nagtataka ko naman na tanong. Nagka-tinginan naman silang tatlo bago ibalik ang tingin sakin na may kasamang ngiti sa mga labi nila.
"Well, napapansin kasi namin ni Marky na parang matamlay ka at walang gana these past few days. Mas lalo ka pa nag-mukang nawalan ng gana matapos mo makita ang mga Espinoza kagabi." Sagot ni ate Alice.
"So, Alice and Marky decided to take you outside and enjoy. I'm not busy so I decided to tag along." Dugtong naman ni ate Fatima.
Medyo naintindihan ko naman na ang nangyayare dahil sa sagot nila ate Alice. Napalingon naman ako sa kapatid ko dahil iniisip kong dudugtungan rin niya ng sariling sagot ang mga sinabi nila ate Fatima. But it looks like that I'm wrong. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kaliwang kilay na makapal ang buhok pero maganda ang kurba.
"What? Don't expect some answer from me. Okay na yung kanila." Sabi ni kuya dahilan para mapairap ako. Kahit kelan talaga. Napaka-tamad sumagot ng kapatid ko sa isang simpleng tanong.
Lumingon na lang ako kela ate Alice kahit di ko alam ang dapat kong sabihin. "You mean..."
"Yes. We bring you here to cheer you up. We don't want to see your face feeling down. Pati ako nalulungkot pag nakikita kang ganoon eh." -Ate Alice.
"Your ate Alice is right. You don't need to feel so down alone. If you can't tell it to your friends yet, we, the adults, are here to give you some advices." -Ate Fatima.
Medyo natulala naman ako dahil sa sinabi nila. I can't even open my mouth to speak. Di ko rin alam ang dapat kong sabihin. Should I say thank you? Should I apologize for making them worried? Should I pinch myself for making other people worried about me? What should I even do?
Napatigil ako sa pagkatulala noong maramdaman ko ang isang braso na umakbay sa balikat ko. Sinilip ko naman kung kaninong braso iyon at nakita ko naman si kuya na naka-ngisi sakin.
"Mira alam kong wala akong magagawa sa pagdating mga Espinoza. They are a family friend. A business partner also. I'm really sorry about that. But always remember that I'm your big brother. Kakampi mo ako mula umpisa hanggang dulo. Despite the fact that we're always fighting, I wil be here for you, always."
Sa mahabang sinabi ni kuya ay hindi nawawala ang malaking ngiti sa labi niya which made me see his perfect set of white teeth. My brother's smile is very assuring that I can let my problems flow like a river going into the right path. Cyrus Espinoza is just a problem from the past, I can survive this problem because I have my friends, my family and my boyfriend. I now know that I shouldn't feel down anymore.
"Ate Fatima, ate Alice, kuya. Thank you. Thank you so much." I expressed my gratitude with my heart content at alam kong narating ko din ang puso nila.
"You're welcome." Halos magkaka-sabay nilang sagot at pare-pareho na nalang namin inenjoy ng lubusan ang araw na ito.
-
"And that's what happened yesterday. I'm truly grateful for their effort, care and them getting worried about me. I couldn't wish for more. They're already enough." Masayang kinukwento ko ang nangyare kahapon kung saan nagpunta kami sa mall nila ate Alice, ate Fatima at kuya at nalaman ko pa na nag-effort silang dalhin ako dun para lang pasayahin ako.
"Kuya Marky is really a great brother. As well to miss Alice and ma'am Fatz. They're getting to look like a big sister to you." Naka-ngiting komento ni Rhobert sa sinabi ko.
I'm having my usual morning date with Rhobert in the café in front of the University campus. Its Monday so it's normal to be in here. I don't like Monday but thanks to Rhobert for making my day already feel good because of our morning date.
"I can't say anything about that. Kahit palagi akong binubwisit ni kuya ay alam kong he cares deeply for me. I already treat ate Alice like a real sibling while ate Fatima is my future sister-in-law so she's also a big sister to me." I said then sip a little on my cappuccino. My favorite coffee.
Sa sinabi kong iyon ay narealize ko na rin talaga na mukang more than a teacher na talaga ang turing ko kay ate Fatima. Mabilis ko rin kasing nasanay ang sarili ko na tawagin siyang 'ate' kaysa sa madalas kong tawag sa kanya na 'ma'am Fatz'. Mas narealize ko rin na may pake sakin ang kapatid ko at mas caring din pala si ate Alice. Hay. So lucky to have the three of them in my life. Sayang nga lang at wala nun si kuya Nico dahil may biglaang trabaho daw ito. Well, its fine. I also treat kuya Nico as a brother after all.
"Baby loves."
Napatingin ako kay Rhob dahil sa tawag niya using our endearment. Nakita ko naman ang hawak niyang tinidor na may nakapulupot na carbonara na naka-tapat sakin. Nagtaka naman ako dahil dun pero agad din ito nawala at napalitan ng pagkamula dahil sa sinabi niya.
"Try these. Masarap kumpara sa mga nauna nilang gawa na carbonara. Isubo ko na sayo." He said while smiling.
Di ko alam bakit napunta sa point na ito. Kanina lang pinaguusapan namin sila kuya. Ngayon naman bigla niya akong susubuan? Nahihiya ako pero gusto kong tanggapin yung isusubo niyang pagkain sakin!
"Love?" Tawag ulit niya kaya ngumiti na lang ako kahit nahihiya talaga ako at ramdam ko na ang pagpula ng buong muka ko.
"O-okay..." At tinanggap ko ang carbonara. Mas lalong lumaki ang ngiti niya samantalang ako ay nahihiya pero natutuwa rin. Ang PDA namin! Gosh!
"Ah may konting sauce..." Narinig kong mahinang sambit niya. Kumuha naman siya ng tissue at bigla na lang ipinunas sa gilid ng labi ko.
What the!? Di na ata mawawala pagkapula ng muka ko dahil sa ginawa niya.
"Masarap diba?" Tanong niya sakin at napa-tango naman ako. Di ko pa kayang magsalita at mukang napansin niya iyon dahil natawa siya.
Even his chuckle can make my heart beats faster and can me blush! My ghad!
"No need to be embarrass. Boyfriend mo naman ako."
"Sorry. Pero ano kasi... masyado kasi tayong PDA, Rhob!" I exclaim. Natawa naman siya sa sinabi ko at di ko na rin mapigilan matawa.
I seriously love my sweet moments with Rhobert. Katulad na lang ng nangyayare ngayon. Simpleng sweetness lang niya ay kaya na akong palambutin pero kahit ganon ay gustong-gusto ko naman.
"Ah, Mira? Are you available later? Mga hapon?" Biglang tanong naman ni Rhob.
Napaisip naman ako. "Uh... I guess so? Bakit?" Tanong ko din naman pabalik sa kanya pero ningitian lang niya at umiling. Nagtaka naman tuloy ako dahil dun.
Magtatanong pa ulit sana ako kaso inaya na niya ako papuntang school dahil naghihintay na ang ibang kabarkada namin. Pumayag na rin ako at sumama na dahil napansin ko na rin sa wristwatch ko na 30 minutes na lang ay umpisa na ng klase. Pinilit ko na lang alisin sa isipan ko ang tanong na iyon ni Rhobert kahit ang totoo ay sobrang curious ako kung ano meron. Plano ba niya akong ayain sa isang date? Bakit di niya tinuloy itanong kung ganoon nga?
"Nag-date na naman kayo kaya late na naman. Tsk." Pang-aasar agad ang binati samin ni Jhaycee nung makita kami. Kumpleto na sila at kaming dalawa na lang pala ni Rhobert ang kulang. Well, palagi namang ganoon eh. Sanay na sila samin.
"Di ka pa ba sanay, Jhay?" Dagdag naman ni Jar sa sinabi ni Jhaycee.
"Ako! Sanay na akong late sila palagi!" Sabi naman ni Keana. Napa-pout na ako dahil sa pang-aasar nila pero tinawanan lang nila ako.
Yeah. Sanay na nga sila sa pagiging late namin ni Rhob. Dapat din ata na masanay na ako na sa tuwing dadating kami sa meeting place ng barkada ay magiging sentro kami ng asaran.
"Get a room, pre!" Natatawang sigaw ni Angeloy.
Napalingon kaming mga babae sa pwesto ng boys dahil sa ingay na ginawa nila. Angeloy shouted something. Napansin ko rin ang pangangantyaw ni Zeid at Brine. Si Rhobert naman ay naka-ngisi lang.
"Nice pre! Sweet!" -Brine.
"Maganda iyang naisip mo." -Zeid.
"Manahimik pa kayo. Iingay." -Rhobert.
Nagkatinginan naman kaming mga babae, pare-parehong nagtataka sa mga inaasta nila. Ano meron?
"Rhob?" Tawag ko naman at lahat silang boys ay napatingin saming mga babae.
"Okay lang kayo?" Tanong naman ni Jar.
"Bakit nagkakasiyahan ata kayo?" -Keana.
"Ikaw Zeid ah! Hinawaan mo sila sa pagiging loko-loko 'no?" Sambit naman ni Jhaycee na agad tinutulan at inilingan ni Zeid.
"Oy hindi ah! Grabe ka talaga sakin, Jhaycee." Sagot naman ni Zeid.
"Ah wala lang ito. Nagkwe-kwentuhan lang kami tungkol sa planong night out sa birthday ni Brine." Sagot naman ni Rhobert at di rin nawawala ang ngisi sa labi niya.
Ang gwapo ngumisi ng boyfriend ko. Hanubayan! Kung ano-ano na naiisip ko! Nandun nga pala kami sa topic na kung bakit nagkakasiyahan ang mga boys.
"Night out? Sure ba yu--"
*Ding-Dong!! Ding-dong!!*
Napatigil ako sa pagsasalita noong marinig ang tunog ng bell-- ang nagse-senyales palagi na malapit na magumpisa ang klase.
"Hala! 5 minutes na lang pala ay umpisa na ng klase!" Brine exclaims that makes us all panic.
"Dumiretso na tayo sa kanya-kanyang klase para di tayo malate. Rhob, wag mo na akong ihatid." Sabi ko. Napansin ko naman na parang di nagustuhan ni Rhobert ang sinabi ko.
"Pero gusto kong ihatid ka--" Napatigil si Rhobert sa pagsasalita dahil inunahan ko na siya.
"You don't need to do that. Male-late ka lang pag nagkataon." Sabi ko at napa-buntong hininga na lang siya na parang wala na siya magagawa sa desisyon ko.
Napapayag ko naman silang lahat sa naisip kong paraan kahit na ang totoo ay ang girls lang ang todo suporta sakin samantalang ang mga boys ay napipilitan lang. Tsk. These boys wanting to walk their girls into their respective classrooms. How sweet pero no choice na sila.
"Ngayon mo lang naman ako hindi ulit nahatid kaya hayaan mo na. Okay? See you later." I said that to Rhobert in a sweet, soft voice. "I love you." Dugtong ko at saka pa siya hinalikan sa pisngi niya.
I heard his sigh again but eventually agreed with my plan. "Fine. See you later. I love you." Sambit niya bago tuluyang maghiwalay kaming lahat para maghadaling pumunta sa mga sariling classroom. Zeid is running with me since we're classmates.
Saktong pagdating namin sa room namin ay tumunog muli ang bell-- senyales na oras na ng klase. Narinig ko naman ang mahinang pag-sitsit ng boses ni Paolo.
"Wew~ Umabot kayo. Safe." Bati samin ni Paolo. Ngumiti na lang ako sa kanya at hadaling pumunta na sa tabi niya. Ganoon din naman si Zeid. Medyo maingay pa naman sa room dahil wala pa rin ang teacher sa first subject pero padating na yun for sure.
Nagumpisa ang klase namin with a lesson about the currencies. Naging sunod-sunod na din ang klase non. Nagkaroon din quizzes, recitations and performance task and I did good in all of it. Madalas ganito talaga ang epekto sakin pag nakakapag-date kami sa labas ni Rhobert bago tuluyang pumasok sa klase. As usual, Raquisha is getting pissed because of my achievements and her friend Arine is talking again to the most friendly person I ever known-- Zeid.
"Harot talaga. Grr! Pigilan mo ko, bes! Baka maka-sabunot ako!" Komento ni Paolo sa tabi ko habang pinapanood si Zeid at Arine na naguusap.
Tinawanan ko na lang siya at sinara na ang librong kanina ko pa binabasa. Niligpit ko na rin ang gamit at tinawag na si Zeid at Paolo para ayain mag-lunch dahil lunch break na rin naman na talaga. Sasama daw ngayon sa grupo namin si Paolo dahil di daw pumasok ang high school friends niya kaya wala siyang kasabay. Ang nakakagulat naman ay tumangging sumama samin si Zeid.
"Sorry, Mira. May gagawin lang kasi ako kaya hindi ako makakasama." Sabi niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa likod ng kanyang ulo.
Napatango naman ako kahit nagtataka. "Okay lang naman. Pero paano si Jhaycee?"
"Don't worry. I'll text her. Babawi na lang ako sa susunod." Sabi niya habang di nawawala ang maliit na ngiti sa labi.
Wala na rin naman ako magagawa kung hindi siya makakasama. Pag Monday ay sabay-sabay ang lunch break naming lahat magka-kaibigan at ngayon lang ata kami magiging kulang sa lunch break sa lahat ng Monday. Pero mas nakakagulat pa pala na pagdating kong cafeteria ay wala rin pala lahat ng boys at tanging mga babae lang sa barkada ang nandoon.
"Nasaan sila?" Gulat kong tanong sa kanila at di pa ako nakaka-upo ng ayos nun. Tumabi rin naman sakin si Paolo.
"Hindi daw makakapunta si Brine." -Keana.
"May tatapusin daw si Angeloy na report kaya hindi rin sya makakapunta." -Jaraica.
"Si Zeid may gagawin din daw." -Jhaycee.
Matapos nilang sabihin iyon ay nakatanggap naman ako ng text message kay Rhob na hindi rin siya makakapunta dahil pinatawag siya ng daddy niya sa office. Nagtataka ako na sabay-sabay pa silang hindi pwede ngayon pero mas nagtataka ako na parang okay lang ang girls kahit nakakapagtaka na sabay-sabay na wala ang boys ngayon. This is too much for a coincidence, right? O baka naman ako lang nagiisip ng ganon? Pero ang weird talaga kahit anong isipin ko na reason na sabay-sabay hindi pwede ang boys ngayon!
"Kaloka! Wala na nga si papi Zeid, wala rin ang jowa mo, Mira! Wala tuloy akong masulyapan na gwapo ngayon." Reklamo ni Paolo sa tabi ko dahil wala nga naman kahit sinong lalake mula sa barkada ko ang nandito ngayon.
"Huy! Pao, di mo nga siya papi. Hindi rin tuta si Zeid para tawagin mong 'papi'." Pag-angal naman ni Jhaycee kay Paolo noong marinig ang endearment na tawag ni Paolo kay Zeid. Magka-sundo naman silang dalawa at normal na asaran nila ito.
Natapos rin ang lunch break kahit kulang kami. Nag-enjoy din naman kami magkwentuhan mga babae kahit ang isang kasama namin ay lalakeng may pusong babae lang. Thanks to Paolo for making us laugh with his jokes and his flirty and fake girly voice. Kahit nagtataka lalong-lalo na kay Rhobert kanina pang umaga sa pagtanong sakin kung pwede ba ako mamayang hapon tapos nagtataka rin dahil sa parang may sariling mundo ang mga boys kaninang umaga din sa meeting place ng barkada, ay di ko na lang pinansin at pumasok na lang sa susunod na klase kasama si Paolo. Pumasok din naman si Zeid kahit muntik nang ma-late.
"Saan ka ba galing at muntik ka na ma-late?" Tanong ko kay Zeid habang inaayos ang gamit. Muli na naman natapos ang klase kaya uwian na.
"Hmm. Basta." Sagot niya at saka sinuot mabuti ang bag bago lumingon sakin. "Babalik ako doon ngayon dahil di ko pa tapos gawin yung ginagawa ko. Samahan mo na ako, Mira." Dugtong niya.
"Pero uwian na at baka naghihintay sakin si Rho--"
"Don't worry. Nandoon din siya sa pupuntahan ko kaya sumama ka na." Di nawawala ang ngiti sa labi niya bago humarap kay Paolo at inaya din pero tumanggi dahil may ibang lakad daw ito.
Huh?
Bakit?
Ano ginagawa nila ni Rhobert sa kung saan mang lugar iyon?
Ano ba kasi meron?
Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang sumama kay Zeid. Nauna nang umuwi si Paolo habang kami ni Zeid ay ito, lumabas ng Business Management building at pumunta sa isang bagong building na nakalaan para sa mga engineering students ngunit hindi pa ito bukas. Ang alam ko ay magaganap pa lamang ang ribbon cutting and blessing ng building sa Friday kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa namin dito. Nagtanong naman na ako kay Zeid dahil naguguluhan na ako.
"Trust me, Mira. Sumama ka na lang. Naghihintay na sila." Sabi niya at hinila na lang ako papuntang taas hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pinto papuntang rooftop.
"Open the door, Mira. Naghihintay na siya." Sabi sakin ni Zeid. Nakangiti siya sakin samantalang ako ay di na halos maipinta ang itsura ng muka.
Nakakunot ang noo ko. Nakasimangot din. Naiinis na ako sa di ko malamang dahilan. Dahil siguro sobrang naguguluhan na ako sa mga pangyayare. Ano nga ba meron dito sa building na ito? Nandito daw si Rhobert sa rooftop? Sino naman mga kasama ni Rhob dito? Nandito din ba yung mga boys na hindi nakapunta kaninang lunch break? At isa pa...
Bakit parang pamilyar ang eksenang ito!?
Yung pinipilit ako buksan ang pinto sa rooftop dahil may naghihintay sakin. Yung sapilitaang dinala sa harap ng pinto patungong rooftop. Ah, tama. May nangyareng ganito din noong grade 7 ako! Ang kaibahan lang ay si Jhaycee at Angeloy ang pumipilit sakin pumasok sa rooftop.
No choice na talaga. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng rooftop, unti-unti ko rin nakita ang liwanag mula sa papalubog na araw. Kasabay ng tuluyang pagbukas ng pinto ay ang pagkakita ko sa muka ni Rhobert na masayang naka-ngiti sakin. Nasa likod naman niya ang buong barkada. Nagtataka pa rin sa mga pangyayare ay biglang tumunog ang isang musika mula sa gitara, piano at violin.
(Now playing: You Are My Everything by GUMMY)
~When I see stars, I think of you
Then I always pray for you
And I know what my heart was made for
To love you forevermore~
Kasabay non ay narinig ko ang isang maganda, malalim at kasing kinis ng kristal na boses na kumakanta. My Rhobert is singing the english version of You Are My Everything and even playing a guitar!
~When I feel you in my heart
The I hear your voice from your eyes
I'll always love you
And I'm waiting for you until the end of time
Here I am, way to you
I hope that someday you will realize
That I can see forever in your eyes
And I'm wishing my dream will come true
I am lost without you
You are my everything~
Nagtataka man ako kung bakit ginawa ulit ito ni Rhob, mas tumimbang sa isipan ko ang boses na kumakanta ng paboritong kanta ko mula sa isang Korean drama. Nakita ko rin naman sa likod na ang tumutugtog sa organ ay si Angeloy at Jaraica naman ang sa violin. The others are only swaying rhyming with the beat of the song.
~When I feel you in my heart
The I hear your voice from your eyes
I'll always love you
And I'm waiting for you until the end of time
Here I am, way to you
I hope that someday you will realize
That I can see forever in your eyes
And I'm wishing my dream will come true
I am lost without you
You are my everything
Isn't it clear to see
You belong with me
We are meant to be
In love eternally
My love
Here I am, way to you
I hope that someday you will realize
That I can see forever in your eyes
And I'm wishing my dream will come true
I am lost without you
You are my everything~
Natapos ang kanta niya na di nawawala ang ngiti at titig sakin. I can't help but to also stare at his eyes. His crystal clear voice is piercing right through my heart.
"Why are you doing this?" Mahinang tanong ko nang bigla siyang naglakad papunta sakin kahit may nakasabit pang gitara sa katawan niya, meron na rin siyang hawak na cup na mukang kape ang laman dahil sa logo nito.
"I did this because like your brother and ate's, I can't stand to look at you looking down." Saktong nakalapit na siya sakin ay tapos na siya sumagot. Nagulat naman ako sa sinabi niya at narealize ko na rin kung bakit ginawa niya ito.
"I want to cheer you up. I want to let you know that I will be here always for you. Not only as your boyfriend but also as a friend. That's what symbolizes my offers for you, a coffee, guitar and myself." Sambit niya saka pa inilahad sakin ang hawak na kape.
Because of what he said, I felt the tears coming out of my eyes again. I looked at my friends and saw them smiling at me like they will never leave me. I have my family, friends and a lover who got my back. I am truly grateful and I've shown it by accepting the coffee and then I hug Rhobert while crying because of happiness.
.
3rd Person's POV
Sa di kalayuang building ay tinatanaw ng lalake ang barkada sa kabilang building na nagkakatuwaan dahil sa isang naganap na 'surprise'. Pinapanood maigi ng binata ang magkakaibigan lalo na si Mira na sobrang sayang nakayakap sa boyfriend nito na si Rhobert.
"You're jealous, huh?"
Napalingon ang binata matapos marinig ang boses ng babae at nakita naman nito ay isang pamilyar na babae.
"Jana, what are you doing here?" Seryosong tanong ng binata sa nagsalitang babae kanina.
"Ah, favorite place ko ito kaya pumunta ako dito. I actually didn't expect to see that squad in the other building and you to be in here, Cyrus." Naka-halukipkip na sagot ni Jana.
Umiwas naman ng tingin si Cyrus. "I--I just coincidentally saw them from here and I watched them to see what are they doing there."
"Oh. Is that so? Then is that coffee you're planning to give to Mira is just a coincidence too?"
Mas nagulat at natahimik naman si Cyrus dahil sa sinabi ni Jana. Napa-ngisi nalang si Jana kay Cyrus at napa-iling narin.
"I just want to make it up with her..." Cyrus sadly said.
"You can do it naman. But just a piece of advise, I don't think Americano coffee is still her favorite."
"What? But that's the type of coffee she drank for the 1st tim--" Di na natuloy ni Cyrus ang sinasabi dahil agad na sumabat si Jana.
"Everything changes. Its the same with people, Cy." Simpleng sambit ni Jana kay Cyrus.
Napa-buntong hininga naman ang binata at binalik ang tingin sa kabilang building kung nasaan ang barkada ay nagkakasiyahan parin at si Mira ay masayang iniinom ang kape na bigay ng boyfriend niya.
"What kind of coffee does she drink now?" Bulong na lamang ni Cyrus sa sarili habang pinagmamasdan si Mira na umiinom ng kape.
--------------------
Hi! Hoping for your votes and comments hehe. Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top