Chapter 12 - Knowing You
.
Jhaycee's POV
"Omg..." Kinikilig kong sambit sa sarili habang busy mag-basa ng romance novel.
These past few days ay nahuhumaling ako sa pagbabasa ng libro. Not the educational but the fictional novels. Nahahawa na ata ako kay Mira! Pero si Mira naman kahit educational books binabasa. Pagkahilig sa fictional stories lang siguro yung nakuha ko sa kanya.
You could say that I'm using these books to escape from the reality. Ah don't be confuse, I like my reality because of my friends and family pero normal ata na may problem sa bawat buhay kaya ayun. Tumatakas ako kahit pansamantala lang.
Sino ba kasi hindi maiistress!? My family is already making me learn all about the company. Sabi nila ay iapply ko na rin daw ang natututunan ko sa Architecture sa kumpanya. I can't do that dahil I still haven't learn anything big. I'm just a first year student and still struggling to learn everything in the course that I've chosen.
Isa pa iyon sa mga cause ng stress ko! My studies! I enjoy learning something about my future work pero ang dami kasing mapapel sa klase namin. Nagpapagalingan kesa mag-tulungan kaming lahat at magka-unity. Imposible na ata yun sa klase. Ah, hindi si Jana tinutukoy kong mapapel ah pero parang ganon rin nga.
So kung sa section nila Mira ay may Raquisha na mapapel, sakin naman ay si Jana. Di naman na ata nanggugulo si Jana kaya di ko rin sya binibigyang halaga pero ewan ko ba. Naiinis ako sa pagiging pabibo niya sa klase. Well yes, matalino at talented naman kasi talaga siya so bakit di niya gagamitin at ipagmamalaki diba? Pero kasi-- arrgg! Whatever. Bakit ba kasi pumasok pa sa isip ko ang babaeng yun? Nawalan tuloy ako ng gana na ituloy itong binabasa ko. Anyway, madami pa akong cause ng stress ko pero saka ko na ishe-share iyon.
*Riiing!!-Riiing!*
Napalingon ako sa phone ko na nakapatong sa side table ko. Kasalukuyan akong nakahilata nang biglang tumunog ang phone ko. Obviously, someone's calling me. Kahit tinatamad ay inabot ko iyon at nakita ang pangalan ng tumatawag sa gitna ng gabi.
Bebe ko is calling...
Oh. Please don't mind the endearment name that I have been using to call Zeid for ages. Madalas ko man sya bwisitin at kahit di pa kami ay di pa rin naman nawawala ang sweet bone sa katawan ko na naka-laan para sa kanya. Corny man pero ganoon talaga pag ikaw ay inlove.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyan islide ang answer button. Tinapat ko na rin ang phone sa tenga ko. "Hello? Wala akong piso kaya bukas ka na lang tumawag. Mabibigyan kita ng barya non for sure."
Narinig ko ang gwapong halakhak niya sa kabilang linya. [Seriously? Jhay. Di barya kailangan ko. Ikaw, ikaw lang ang kailangan ko.]
What the ffff! Bakit kailangan niya magpa-kilig sakin ng ganoon!? I can't help but to blush on what he said.
"T-tse! Gabi na tapos nangti-trip ka pa." Nagtataray kong sambit. It's what he deserves anyway. After all, he shows me his sweet bone again! And I can't do anything but to love it!
[Oy seryoso ako ah! Ikaw na lang talaga kulang sakin.] Seryoso niyang sambit at naramdaman kong mas namula ang muka ko. Mabuti na lang talaga at di niya ako nakikita ngayon!
"E-ewan ko s-sayo! So!? Bakit ka nga tumawag?" I hate my stuttering words. I need to regain my calmness.
[Hmm? Ahh. Wala lang. Parang ang sarap lang marinig ang boses mo pag gabi. Yung tipong ang dami bigla pumapasok sa isip ko.] Sambit niyang nagpakunot sa noo ko.
"Hoy... you're not having any lewd thoughts, right?" Seryoso kong sambit at may narinig akong mahinang pag-singhap sa kabilang linya.
[Hala.. mind reader ka na, Jhaycee? Paano mo nalaman? Wow! Mind reader pala ang bebe k--]
"ZEID!" Naiiritang sigaw ko sa pangalan niya. Parang gulat pa sya habang nagsasalita kanina pero ngayon tumatawa na siya dahil sa pagka-irita ko. Kung kaharap ko lang talaga siya ngayon ay talagang masasapak ko siya.
[I'm joking! Don't worry. I just called because I miss you. I really do.]
Napaisip naman ako sinabi niya. Ang bilis niyang mamiss ako kahit kakakita lang namin kanina sa school. Today is Friday kaya di kami magkikita bukas. Baka naiisip ni Zeid na sa Monday pa ulit kami magkikita kaya yun ang naging dahilan para mamiss niya agad ako?
"Magkikita rin naman ulit tayo?" Nagtataka kong sambit. Totoo rin naman kasi. Kaya di ko magets itong kadramahan ni Zeid?
[Yes. I know.. surely, we'll meet tomorrow night.] Nagtaka naman muli ako sa sinabi niya.
Tomorrow... night? Ano meron?
"Huh? May lakad ba tayo bukas?" Tanong ko naman sa kanya.
[We're going to have a family dinner tomorrow. I really plan to invite you and then my parents told me to bring you to the dinner. Is that okay for you?]
Invited ako sa family dinner nila? Again?
Yup, this isn't the first time na mainvite ako sa family dinner nila. Ibig sabihin ay ilang beses ko na rin naka-harap ang pamilya niya. Well, solong anak lang din kasi sya kaya magulang niya at lolo't lola lang niya nakaka-sama namin sa family dinner nila. Yung ibang kamag-anak nila ay nasa ibang bansa kaya talaga hindi makakasama sa nasabing dinner.
"Yeah. Sure. It's okay. Wala naman akong ibang lakad bukas. And alam mong never ako makaka-tanggi kela tita." Sambit ko at natawa pa sya sa huli kong sinabi.
[Well yeah. Makulit kasi si mommy and I'm sorry about it. Then, see you tomorrow? I'll fetch you.]
"You don't need to. Papahatid nalang ako sa driver nam--" Agad akong umangal sa sinabi niyang susunduin daw niya ako naputol ako sa pagsasalita dahil sumabat siya.
[I insist. Gusto ko rin ipaalam ka ng personal kay tita. Nandyan na ako ng bandang 6.] Napa-buntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Mukang wala na akong magagawa kundi ang pumayag na sunduin niya ako.
"Okay. See you tomorrow, Zeid." Sagot ko na bakas ang pagsuko at pumayag na lamang sa gusto niya.
[Hm! See you tomorrow. Matulog ka na. Malapit na mag-alas dose ng umaga. Sleep well, okay? Goodnight.] Naging malambing ang boses niya at talaga namang naramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko dahil lang sa boses niya.
"Yup. Ikaw din Zeid. Goodnight!" Naramdaman ko na lang din na naging malambing ang boses ko.
Naputol na rin ang tawag at talaga namang hindi mawala ang ngiti sa labi ko ngayon. Ganito kalaki ang epekto sa akin ng isang Zeid Crisostomo. Siguradong magiging maganda ang tulog ko nito!
-
Kinabukasan, maaga akong nagising at masasabi kong maganda talaga ang naging pagtulog ko. I sleep peacefully with Zeid showing up in my dreams. Gusto nyo ba malaman kung ano napaginipan ko? Wag na! Ang sarap itangkilik pag ako lang nakaka-alam eh.
Pero sige na nga! Magshe-share ako sa inyo kahit kaunti lang!
Well.. napaginipan ko lang naman na ako'y isang Mrs. Crisostomo at naging middle name ko na lang ang Corpuz! How nice is that!? Kaya talagang magiging masaya ang tulog ko bukod sa pagpapa-kilig sakin ni Zeid kagabi ay sumulpot pa siya sa panaginip ko. Di ko na ishe-share yung buong pangyayare sa panaginip ko. Okay na yung malaman ninyong kahit sa panaginip lang ay naging mag-asawa kami ni Zeid.
Mabilis lumipas ang araw. 1 pm na at eto ako sa kusina, busy gumawa ng cookies na dadalhin ko para sa family dinner mamaya. Nakakahiya naman kasing sumulpot lang ako doon para makikain. Dapat lang na mag-dala ako ng pagkain na maishe-share ko sa kanila.
"Mommy, sa tingin nyo? Tama lang na cookies ang dalhin ko doon?" Tanong ko sa mother dear ko. Sa totoo lang ay wala akong maisip kanina na dapat dalhin para sa dinner mamaya pero biglang dating itong nanay ko at nag-suggest na mag-bake nalang daw ako ng cookies at iyon nalang ang dalhin ko.
"Minsan nga mag-tiwala ka sakin na ina mo." Taas kilay na sambit sakin ni mommy. Napa-buntong hininga na lang ako sa pagtataray niya. Ano pa bang bago doon? Iyon lang ata talaga ang way ng pagpapakita niya ng pagmamahal sakin.
Well, kaya lang naman ako nagda-dalawang isip dahil wala akong talent masyado pagdating sa baking. Baka mamaya pumalpak pa ako at maging sunog at walang kwenta ang kalabasan ng cookies. Magiging masyadong imposible ko nang dalhin iyon sa dinner pag nagkataon.
"Pero kasi mommy...." Di ko matuloy ang sinasabi ko. Ang nararamdaman ko lang basta ay wala akong confidence sa sarili.
"Jhaycee! Have confidence in yourself. You are my daughter. You are the future heir of Corpuz. And besides, knowing Zeid, maappreciate niya iyan. Sigurado ako doon." Nagulat nalang ako sa mga salitang biglang lumabas sa bibig ni mommy.
Naka-pamewang pa siya kaya naalala ko tuloy yung ganoon ding itsura niya tuwing pinapagalitan ako. Ngayon ko lang ata ulit nakita ang itsurang iyon kaya di ko mapigilan matawa at ngumiti dahil doon. Ang cute talaga minsan ng nanay ko kahit madalas ay nakaka-takot lalo na pag pinagana niya ang strict and mataray mode niya.
"Okay mommy. Thanks and you don't need to mention his name." Sobrang na-appreciate ko ang sinabi ni mommy. Nahiya rin dahil sa huling sinabi niya na parang lahat ng effort na gagawin ko ay sobrang ma-appreciate ni Zeid.
Nakita ko naman muli ang pag-taas ng isa niyang kilay sakin. "And why not? I witnessed his love for you and napatunayan din niya ang sarili niya sa amin ng daddy mo in those 5 years. You both deserves each other."
Napailing na lang ako sa mga sinasabi ni mommy at tinuloy ang pagbe-bake. Its actually quite true na nakuha ni Zeid ang loob ng magulang ko. Akalain nyo yun? Dati nagtataray pa si mommy habang si Zeid ay pinapakita lang ang cool expression niya. Kahit ang loob ni daddy ay nakuha niya sa pamamagitan lang ng usapan about business world at syempre kung gaano daw siya kaseryoso at kaswerte sakin.
Ilang oras din ang lumipas bago maging success ang binake kong cookies. Naka-dalawang ulit pa nga ako dahil nasunog ang cookies sa unang subok. Mabuti na lang at naging maayos at maganda na ang kinalabasan sa pangalawang beses na try. Nung mapansin ko rin na 2 oras na lang bago ang dating ni Zeid ay naghadali na akong mag-ayos.
"Kami na magbabalot ni manang nitong cookies. Go and get ready." Sabi sakin ni mommy na masaya ko namang tinanggap. Naghadali ako pumanik papunta sa kwarto ko.
Pagdating sa kwarto ko ay agad akong pumunta sa bathroom para maligo na. Air-conditioned naman ang buong bahay pero dahil mainit at mahirap ang mag-bake ay talagang pinag-pawisan ako. Pero hindi ako mabaho okay!?
Pagkatapos maligo ay sinuot ko ang robe at lumabas na ng banyo. Agad akong gumamit ng blower para matuyo agad ang buhok ko dahil nag-iisip pa rin naman ako kung anong style gagawin ko sa buhok ko ngayon. Maybe a whole braid will do? Or a ponytailed princess style?
Sunod din naman ako nagdesisyon sa damit at pinili ang isang cream colored dress. Medyo kita ang likod ko kaya nag-suot din ako ng jacket na regalo sakin ni Zeid nung nakaraang pasko. Tinapos ko na rin ang hairstyle ko at naka-suot na rin ng dark blue wedge heels. I am so ready!
"He's here!" Narinig kong sambit ni manang sa labas ng pinto kaya agad na rin akong bumaba dala ang purse ko.
Kagaya ng inaasahan, ipinaalam ako ni Zeid kay mommy na medyo gagabihin ako kahit sinabi ko rin yun kanina pa kay mommy. May dala pang red velvet cake si Zeid as gift for allowing me to attend the dinner. Umalis na rin agad kami at mabilis ring nakarating sa bahay nila.
"Jhaycee! Hija! You're here!" Masayang bati sakin ni tita Dolores-- Zeid's mother. Nakipag-beso pa sya sakin.
"Good evening tita. Thank you for inviting me to your family dinner again." I responded happily. Kasabay non ay inabot ko ang dalawang box na parehong may laman na cookies kay tita.
"Naku! Nag-abala ka pa pero thank you for this, dear." Masayang tinanggap ni tita ang cookies dahilan para mag-saya talaga ako.
"I'll just put this in the kitchen. Sunod na lang kayo." Sabi niya bago tuluyan tumalikod para ihatid ang cookies.
"See? We will appreciate any work that you do. It's the thought that counts, love." Mahinang sabi sakin ni Zeid.
It's true... totoo sinabi ni mommy na kahit anong gawin ko, palpak man o hindi ay ma-appreciate niya. It's so nice to hear that. Pero mas naappreciate ata ng tenga ko ngayon ang pagtawag sa akin ng 'love'. Nakakakilig!
Matamis na ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya at hindi siya binara sa endearment na ginamit niyang pantawag sakin. Sumunod na rin kami sa dining room at ang ineexpect ko lang na nandun ay magulang niya at lolo't lola niya pero may dalawa pang binata na nandun at medyo kahawig pa ni Zeid. Pinsan niya siguro?
Nung makita kami nung iba ay masaya nila kaming binati. Pinakilala din ni Zeid yung dalawang lalake na pinsan nga niya; si Ran at Keith. Nagumpisa na rin ang dinner. Masarap ang foods gaya ng inaasahan ko. Masarap talaga magluto si tita at lola ni Zeid. Pinuri pa nila ang cookies na gawa ko.
"These cookies are delicious! Did you bake this?" Tanong pa sakin nung isang binata, Keith.
"Ah. Yes." Sagot ko naman.
"Woah. As expected, magaling talaga mamili ng babae si Zeid." Sambit naman nung Ran at naramdaman ko na lang ang pagpula ng pisngi ko.
"Pwede nang pakasalan!" Dagdag pa ni Keith kaya mas lalo akong nahiya.
Di ko pa nga siya sinasagot eh. Di ko pa nga siya boyfriend tapos papakasalan agad? Omggg! Naalala ko tuloy yung napaginipan ko kanina.
"Huy nakakahiya kay Jhaycee." Napatingin ako kay Zeid at nakitang namumula. Mukang nahihiya din sya. And he look so cute while blushing!
Sinakyan naman nila tita ang trip ng mag-pinsan sa pang-aasar samin ni Zeid nang mapansin ko si Zeid na kinuha ang phone niya mula sa bulsa. Katabi ko lang siya kaya kita ko ang screen ng phone niya. Nakitang ko may tumatawag kaya pala nilabas niya ang phone niya. Pero napa-kunot na ang noo ko sa pangalang lumitaw sa screen niya.
Arine is calling....
Busy pa rin mag-kwentuhan yung iba kaya di nila napansin na natahimik na kami ni Zeid. Iniisip ko kung sasagutin ba iyon ni Zeid. Halos mag-diwang naman ang puso ko nung makitang nireject niya ang tawag.
"Zeid..." Gulat ngunit masaya kong bulong. Napatingin rin naman siya sakin at binigyan ako ng ngiting puno ng assurance.
"No need to worry. I'm all yours." At naramdaman ko na lang na nahulog nanaman ako sa kaniya.
He's mysterious in every way. He captivates every girl with just his looks. He probably catch the attention of that Arine in some way even though I know that Zeid is just too friendly. In those 5 years, misteryo pa rin ang tingin ko sa kanya but I am very willing to know him more.
-
"Good morning!" Napa-angat ako ng tingin mula sa kinauupuan ko at nakita ang naka-ngiting Mira Aguinaldo na sobrang ganda at blooming kahit nakasuot lang ng school uniform at nakalugay lang ang maitim at mukang sobrang lambot na buhok.
"Good morning. Aga mo ah? Wala kayong morning date ni Rhob?" Ngisi ko sa kanya.
Today is Monday. Wala naman masyado nangyare sa Sunday ko pwera nalang nung Sabado na full of special memories. 1st week of August na rin kaya talagang ramdam ang nagiibang panahon at ramdam mo talaga na wala na ang Summer. Ano nga rin ba meron last week? Hmm. Last week of July din magaganap sana yung overall Election mula Student Council hanggang Class President pero na-reschedule sa di ko malamang dahilan. Baka daw this month or sa September ituloy.
Other than that ay wala na akong maisip na iba. Well, having a dinner with the Crisostomo's are a precious memory from July. Hihi!
Napa-pout si Mira sa sinabi ko. "Bawal na ba pumasok ng maaga? Hay. And Rhobert meets up with his father to discuss something important kaya cancelled talaga ang pagpunta namin ng café ngayon." Sambit niya at naupo sa tabi ko.
Nandito kami ngayon sa stone benches, kung saan madalas magkita muna ang barkada bago pumasok sa mga sariling klase. Kami pa lang ni Mira ang nandito. Madalas late talaga ang ibang kaibigan namin. Pero sila ni Rhobert talaga ang palaging late dahil nagde-date pa.
"Hindi naman. Nakaka-panibago lang na maaga kang dumating." Pang-aasar ko sa kanya at mas lalo lang siyang nag-pout kaya mas lalo akong natawa.
"Ay ewan ko sayo! Anyway, kamusta kayo ni Zeid?" Biglang tanong niya at may malaking ngiti.
Napangiti ako sa tanong niya dahil ang daming memories na pumasok. Katulad na lang nung memories ko nung Sabado kahit may muntik nanaman umepal. Drop name: Arine Cervantes.
"Ayos naman. Stay strong." Maikling sagot ko pero sapat na para mapakita ang tunay na sayang nararamdaman.
"Eh pagdating kay Arine? Kamusta ka?" Nawala naman bigla ang ngiti ko dahil sa pangalang binanggit niya.
"Bakit naman nadamay siya dito?" Medyo nawala kong sa mood na tanong.
"Kasi nagseselos ka na sa kanya for 2 months already. Mula June hanggang July. Baka nga hanggang ngayon eh." Sagot naman niya.
Well yeah. Hanggang dulo ng July ay pinakitaan niya ako ng dahilan para mainis sa kanya. Muka man akong mababaw sa paningin ninyo ay wala akong magagawa. I am just being honest here. I don't like her and that's the truth. Period.
"I can't help it! She's acting like a bestfriend or girlfriend of Zeid. Dinaig ka pa na girl bestfriend niya at ako na future girlfriend niya." At humalukipkip na ako. Natatawa naman si Mira na napailing sakin.
"Hay. Selosa talaga since grade 8." Komento niya.
"Kesa naman yung minsan nga magselos pero pag nagselos na, kakabahan na buong mundo." I said pertaining to her. Gumaganti lang sa mga pinagsasabi niya sakin.
"Ikaw ba pache? Kamusta ka?" Pagbabalik ko naman ng tanong kay Mira.
"Hmm? As you can see, me and Rhobert are doing well. Stay strong din katul--" Napatigil siya sa pagsasalita nung sumabat ako dahil hindi iyon ang sagot na gusto ko marinig.
"Hindi yan. Araw-araw kong nakikita ang pagiging okay ninyo ni Rhob. Ang tinatanong ko ay ikaw. Kamusta ka?" Tanong ko ulit.
Napansin ko naman na medyo nawala ang sigla sa ngiti niyang malaki pa rin hanggang ngayon. Kita ko rin sa mata ni Mira na may iba pero di ko malaman kung ano iyon. With her facial expression right now, I can confirm na may nangyare nga pero wala pa rin siyang kinukwento. Ganito na siya simula pa lang nung July.
"Okay.. lang din..." Sagot niya na parang siya mismo ay hindi sigurado sa sinagot niya sakin. Napahinga ako ng maluwag bago siya tignan ng seryoso at diretso sa mata.
"Alam mo na siguro 'to Mira pero nandito lang ako palagi para sayo. Pati din ibang kaibigan natin at lalong lalo na si Rhobert. Kilala na rin kita kaya alam kong peke na iyang ngiti mo at alam kong may problema ka." Sambit ko sa kaibigan. Napayuko naman siya at di ko na rin alam kung ano ang iniisip niya.
"Jhaycee... I'm sorry." Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Gets ko rin naman ang ibig sabihin ng apology na iyon.
"Hindi mo pa kayang ikwento samin. Okay. We'll be willing to wait. While waiting for you, di pa rin kami mawawala sa tabi mo so don't pressure yourself." Nasabi ko na lang at naramdaman ko na lang ang yakap niya matapos kong sabihin iyon.
"Thank you... pachot." Sambit niya pagkatapos ay humiwalay na sa yakap at binigyan na lang ako ng isang matamis na ngiti.
Well... no problem, Mira. Kaya nga mag-bestfriend kami eh. We got each other's back.
"Oy! Good morning!" Pareho kami napatingin ni Mira dun sa isang boses at nakita namin si Jaraica na masayang kumakaway samin habang nasa likod niya ay si Angeloy at Zeid. Nandito na rin sila sa wakas! Sabay-sabay pa silang dumating.
"Hello-- wah! Nandito ka na agad Mira!?" Gulat na tanong ni Jar nang makita si Mira. Halatang nang-aasar lang naman si Jar dahil maagang dumating ngayon sa meeting place si Mira.
"Masama na ba talaga pumasok ng maaga ngayon?" Naiiritang napatanong na si Mira.
"Hindi naman. Nakakagulat lang. Pero mas nakakagulat ata na di mo kasama si Rhobert ngayong umaga. Wooow. Lq?" Plain na sambit naman ni Angeloy pero halatang nang-aasar lang din. Nakatabi siya kay Jar ngayon at pareho silang nakatayo at nakaharap samin.
"Arrgg! Kayo talagang dalawa. Tigilan nyo nga ako! Tsk." -Mira.
Si Zeid ay nakita kong umupo sa tabi ko at hindi pinansin ang pag-aasaran ng tatlo. Napatingin din ako sa kanya nung mapansin na umakbay siya sakin kahit ang totoo ay nakapatong ang braso niya sa backrest sa halip na sa balikat ko talaga.
"Good morning." Masayang bati sakin ni Zeid sa mahinang boses. Naka-ngiti pa siya sakin kaya talaga namang na-good mood ako ng bongga.
"Good morning din." Mahina ngunit masaya ko ding bati sa kanya.
Normally ay nagbi-bwisitan kami pag nagkita sa umaga pa lang pero wala rin naman masama sa conversation namin ngayon. It's actually nice to have this kind of conversation with him sometimes.
Maya-maya lang ay dumating na din ang natitirang myembro ng barkada. As usual ay si Rhobert ang huling dumating dahil ganon naman talaga madalas naming senaryo. Ang pinag-kaiba lang ngayon ay si Rhobert lang ang late ngayon at si Mira ay maagang nakapasok.
Dumating na rin ang oras para sa klase and gaya ng dati, kanya-kanyang hatid sila sa classroom ng partner nila. Tanging sila Angeloy at Jar nga lang ang nagkakahiyaan pa dahil hindi pa siguro sanay sa ganoong pakikitungo. Hinatid din ako syempre ni Zeid sa classroom ko. Well, palagi namang ganoon pwera lang nung first day of school.
"See you later?" Paalam sakin ni Zeid pagkarating namin sa tapat ng classroom ko.
Masayang tumango naman ako sa kanya. "See you later at lunch time!" Sabi ko at napangiti na rin siya at ni-pat pa ang ang ulo ko.
Matapos nun ay pumasok na ako sa classroom at nag-umpisa na rin naman ang klase. Masaya na medyo boring ang klase. Madalas naman ganoon talaga eh. Pero nae-enjoy ko naman ang mga lessons na itunuturo sa amin.
2 subjects na ang lumipas. 3rd subject na sana nang biglang may nag-announce na hindi daw makakarating ang prof namin sa 3rd subject dahil sa isang biglaang meeting.
"Guys! May meeting daw si prof. Rona kaya wala tayong klase ngayon sa trigo." Anunsyo ng isa kong kaklase.
Madaming natuwa sa anunsyo dahil sa biglaang 1 hour break. Mayroon din namang hindi natuwa dahil. Boring na daw masyado. Naramdaman ko na may kumalabit sakin mula sa likod kaya sinilip ko naman kung sino iyon at nakita ang muka ng isang babae. Bakit nakalimot ako sa kung sino naka-upo sa likuran ko?
"Hey. Since we have a 1 hour free time, let's finish our report today." Naka-ngising sambit sakin ni Jan Aubrey Isidro. Why does she need to smirk!?
Akala ata ng babaeng ito na hindi ko pa alam na kasali siya sa dahilan kung bakit parang stress na naman ang pache ko. Akala ko talaga nananahimik na sya. Pag nalaman ko pa talaga kung sino yung isa pang cause of stress ni Mira, talaga naman. Malalagot silang dalawa sakin.
"Okay? May iba pa bang kailangan?" Tanong ko naman. I'm being civil here. Nakikipagusap lamang sa kanya para sa grades.
May inabot naman siyang mga papel sakin at isang index card na may nakasulat na topic at sub-topics at may ilang naka-bilog na sub-topics ay maroon naman na may check lang.
"Please go and search para dun sa may mga bilog. Konti na lang naman iyon. Pag natapos mo na ay gagawin na natin ang powerpoint presentation at isang sample plate." She instructed me and all I can do is to say yes. Katulad lang talaga noong high school, she is capable of leadership, school works and everything.
She is not Mira's rival just for nothing.
Tumayo naman ako dala yung bag ko at mga papel na binigay sakin ni Jana. Madami rin lumabas ng room dahil wala naman gagawin. May mga naiwan sa di ko malamang dahilan. Ako naman ay lalabas rin ng room dahil gagawin ko itong report namin ni nila Jana. Sa library ko plano gumawa para walang mapapel na umepal sakin.
Pumunta naman ako sa main library ng school kesa sa library ng architecture building. Nung pumunta kasi ako sa library sa building namin ay sobrang dami ng tao kaya mas pinili ko nalang sa main library ng University.
Pagkarating naman sa library ay inumpisahan ko agad ang ang pag-research. Kumuha na rin ako ng ilang libro sa shelf na sa tingin ko ay makakatulong sa topic report namin. Grabe, di ko ineexpect na magre-research ako ngayong araw. Nakakatamad pa man din!
"Sipag talaga ni Vice President." Nawala ako sa focus sa pagbabasa dahil sa isang boses. Nilingon ko naman kung saan galing iyon at nakita si Jap Louis Feliz.
"Uy! Jap! Ikaw pala." Naka-ngiti kong bati naman sa kanya.
He's a school mate before in Willstone Academy, and a school mate again here in Diamond University. He called me Vice President because I was once a vice president in student council in grade 9. Jap became a secretary in that student council. Nag-meet kami ulit nung first day and madalas ko na rin talaga siya makita simula nun.
"I didn't expect to see you here." Sabi niya sabay naupo sa harapan ko. Nilapag rin niya ang dalang dalawang libro sa lamesa.
"I did not expect to see you here, too." Ngiti ko naman sa kanya and then I heard his chuckle.
"I frequently study here. Ikaw? Ngayon lang kita na dumayo dito." Tanong niya.
"Ay di naman. Dito ako nag-aaral minsan pag puno doon sa library ng building namin. Puno ngayon sa library ng building namin kaya nandito ako ngayon." If I remember nagpunta din kami ni Zeid dito noong first day? Ah whatever.
Tumango naman siya at nagpasok na ng ibang topic. Nagkwentuhan lang din kami habang ginagawa ang mga dapat gawin. Dahil sa kaniya ay di ako bored na gumagawa dito sa library. Masaya rin kasi siya kakwentuhan.
"You and president Mira are really friends. Pareho kayong masipag, matalino at maganda pa. Birds of the same feathers, truly flocks together." Puri ni Jap samin ni Mira. Mira possibly hear those words a hundred times already samantalang ako ay nahihiya pa pag naririnig yung ganoong pinupuri ako. I am truly flattered to his words.
"Naku! Mag-bestfriend kami ni Mira pero di ibig sabihin nun ay parehas na kami. Di mo pa ako kilala masyado." Sambit ko habang natatawa, trying to hide my embarrassment.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis kaya medyo nahinto din ako sa pagtawa, nagulat rin naman ako sa sunod niyang tinanong.
"Then, will you let me know more about you?"
Medyo napatulala ako dahil sa tanong niya. Nabasa ko kasi sa libro ang pamilyar na linya na iyon na sinabi ng isang lalake sa babae which means na he's asking the girl to be in a relationship with him. Oh diba!? Kung ano-ano na naiisip ko dahil lang sa pamilyar na linya na iyon na sinasabi din sakin ngayon ni Jap.
"Ahm...." Di ko na rin alam sasabihin ko at napansin ko na lang na mas lumaki ang ngiti sakin ni Jap.
"I mean, let's become friends! I want to know more about you as a friend." Nahihiya ngunit masayang sambit niya.
I feel relieved because of what he said. Thank goodness at friendship lang iyon! Pag nagkataon ay di ko alam kung paano iyon sasagutin or rather, paano siya irereject. Dami ko na ata nabasa na romance novel kaya eto na epekto? Nadadamay ko na in real life! Hay nako!
"Sure! Of course! We are now friends." Masayang tanggap ko naman sa alok niya. Nakita ko rin naman na parang mas sumaya siya.
Well, who wouldn't want to become friends with this man? He's a good and nice guy! He's humorous and all! A perfect guy like my Zeid.
--------------------
Hoping for your votes and comments! Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top