Chapter 11 - After 6 Years
.
Mira's POV
"C-cyrus? C-yrus Espinoza? What are you doing h-here?"
"Well... I'm just passing by. Anyway, are you okay? Kanina ka pa pinag-titinginan ng mga tao. Can you stand?" At inabot pa niya ang kanyang kamay sakin, na tutulungan niya akong tumayo.
Napatingin rin naman ako sa paligid at napansin ngang napapatingin sakin ang ilang estudyante na dumadaan dahil naka-upo ako sa sahig. Tsk.
First time ba nila makakita na may naka-upo sa semento?
Mabilis akong nag-desisyon na tumayo, without holding his hand and getting any help. I can do it by myself, anyway. I don't need him. I don't need his help. Kaya sana ihinto na niya pinapakita niyang gentleman acts.
Saktong pagka-tayo ko ng diretso ay inalis narin niya ang kamay niyang naka-alok sakin. Of course, he finally realize that I don't need his help.
"Sorry at haharang-harang ako, nabunggo ka pa tuloy sakin." As he apologize, sincerety can be heared from his voice.
"Kasalanan ko rin naman. Di ako tumitingin sa daan." At sana pa mas nag-focus nalang ako sa daan para di kita nabunggo at never nakausap ng ganito.
"Well.. Mira--" Di niya natuloy ang sasabihin sakin matapos tignan ako ng diretso sa mata.
"Nakapag-sorry naman na tayo sa isa't-isa. Sorry muli dahil nabunggo kita. I need to go." Seryoso kong sambit at agad kinuha ang mga papel kong nabitawan. Matapos makuha lahat ay plano na siyang lagpasan ngunit napigilan niya ako dahil sa paghawak niya sa braso ko.
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Napatingin naman ako sa kanya na may gulat paring reaksyon. Nung una ay di siya makatingin sakin pero sa huli ay tumingin rin siya sakin saka ngumiti ng maliit.
"Let's talk."
Huh!?
Ano ibig niyang sabihin? Talk about what? May dapat din ba kaming pag-usapan? Wala naman diba? Yes, we bumped into each other. Pero wala nang ibang pwedeng pag-usapan. Does he expect me to talk casually about anything? After all the things that happened before?
Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Umuwang ng maliit ang bibig niya dahil sa ginawa ko.
"I can't. I have to meet someone." Pagtanggi ko sa alok niya. "Pasensya na. I need to go. Sorry again." Huling sambit ko at naglakad na palayo sa kanya.
Kasabay ng paglakad ko palayo ay ang pag-hiling na sana di ko na sya makasalubong muli. Sana matupad ang hiling ko dahil sa totoo lang, ayoko nang makasalamuha muli ang lalakeng iyon. Tama na iyong sa ngayon. Tama na yung nangyare sa nakaraan.
Pagdating ko sa library saka palang ako naka-hinga ng maluwag. Di ko narin naman sya tinignan ulit kanina. Dire-diretso lang akong naglakad. At saka bakit ko naman sya titignan pa diba?
"Mira!" Gulat naman akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman si Zeid na mabilis na naglakad malapit sakin.
Oh geez. Bakit ba kinakabahan na ako pag may tumatawag sakin? Iniisip ko ata na si Cyrus yung tumawag kaya nagkaka-ganito ako. Gosh.
"O-oh! Zeid. Ikaw pala." Bati ko sa kanya pagkalapit niya sakin.
"Nag-alala na ako. Ang tagal mong wala eh ang alam ko dapat kanina ka pa dito. Naunahan pa kita." Bakas nga ang pag-aalala sa boses niya at ngumiti nalang ako sa kanya ng maliit.
"Saan ka galing? May nangyari ba?" Agad naman akong umiling sa dugtong niyang tanong.
"U-uh.. wala naman! Dumaan lang muna ako sa cr.. you know? Girls thing." Palusot ko naman at binigyan nalang siya ng maliit na ngiti. .
Di ko rin alam kung bakit di ko sinabi ang totoo. Pero sure rin naman na di na kami magkikita ulit ng lalakeng yun. Kaya dapat siguro wag ko narin ikwento yun. And besides, I doubt that he still remember Cyrus. Di ko nga sure kung nakita na ba ni Zeid si Cyrus ng personal or baka sa pangalan lang niya kilala.
"Okay then. Nandito rin nga pala si--"
"HI BESH!" -Paolo.
Nagulat naman din ako sa biglaang pagsulpot ni Paolo. Nandito din pala sya. "Oh Paolo. You're here. Magre-research ka na din?"
"Well yes pero mas bet ko titigan si Papi Zeid!" At kinikilig pa siya habang nagsasalita.
"Ah. Maari ka na pala umalis." Pangbabasag-trip ni Zeid kay Paolo na napa-pout nalang.
"Zeid naman ih!"
Natawa nalang ako sa kalokohan nila. They brighten up my mood too. Right. Mas mabuting mag-enjoy ako kasama sila kesa ang isipin ang ilang walang kwentang pangyayare katulad nung nangyare kanina.
Habang naghihintay sa uwian nila Jhaycee at Rhobert ay nag-research nalang ako para sa mga kailangan ko sa reporting next week. It will be my first time to report this college but, well, its exciting. Kasabay din ng pag-research ko ay hinaharot ni Paolo si Zeid at natatawa nalang talaga ako sa kanila.
"Paolo, Zeid, may kukunin lang akong libro." Paalam ko sa dalawa at tumayo sa aking upuan. Pareho naman sila napatingin sakin mula sa kanilang libro at notebook. Tumango sila kaya nagbabalak na akong umalis nung biglang magsalita sa Paolo habang wala na sakin ang paningin.
"Ah... boyfriend mo teh." Dahil sa sinabi niya ay napalingon agad ako sa tinignan niya.
At tama nga, nakita ko si Rhobert na nag-lalakad papunta sa pwesto namin. Napansin ko rin ang ilang mata ng mga babae na napapatingin sa kanya. Well, kahit sino naman kasi talaga mapapalingon dahil sa kagwapuhan niya.
Pero sorry nalang talaga sa kanila, taken na ang lalakeng ito. May girlfriend na. At ako yun.
"Yo Zeid! Hello din Paolo." Pambungad na bati ni Rhob sa dalawang kasama ko.
Ang pangbungad naman niyang bati sakin ay hinawakan lang naman niya ang kamay ko at pinagsalikop pa saktong pagdating niya sa tabi ko. Namula nalang ako sa ginawa niya. Napansin rin naman nila Zeid at Paolo ang ginawang paghawak ni Zeid sa kamay ko kaya ngumisi sila samin. Nahiya naman ako pero wala naman ako plano bumitaw sa kamay niya. Mas hinigpitan pa nga namin ang paghawak sa kamay ng isa't-isa.
"Yo pre! Kakatapos lang ng klase mo?" -Zeid.
"Omg! Hi papi Rhobert!" -Paolo.
Nag-iba naman reaction ng muka ni Rhob dahil sa sinabi ni Paolo. Pareho kaming natawa ni Zeid dahil dun. Si Zeid kasi immune na sa ganoong pakikitungo ni Paolo pagdating sa mga lalakeng gwapo.
"U-uh oo. Tinext rin kasi ako ni Mira na dito daw muna kayo maghihintay kaya dito na ako dumiretso pagkatapos ng klase." Sagot ni Rhob. Agad naman sumingit sa pagsasalita si Paolo pero di ko na hinayaan matuloy pa ang plano niya.
"Papi Rhobert, dito ka na tumabi saki--" -Paolo.
"Ahh! Sorry, may kukunin nga pala akong libro. Samahan mo na ako baby loves." At hinila ko na din agad si Rhobert papunta sa section of books kung saan may kukunin talaga ako. Sinama ko narin talaga si Rhob para mapigilan si Paolo sa plano niyang paglandi sa boyfriend ko na straight.
"You're too obvious." Natatawang sambit niya sakin. It's his comment for my actions.
"Gusto mo rin naman ako ma-solo for sure." Pang-ganti ko sa kanya pero sa di ko malamang dahilan ay parang mas nag-iba pa ang atmosphere namin dahil sa sinabi ko na iyon. Tapos wala pa masyadong pumupunta sa lugar kung nasaan kami kaya solo talaga namin ang lugar sa section na ito ngayon.
Gosh! Just thinking and feeling the atmosphere right now could make my heart beats a little faster. Bakit ko ba dinala sarili ko sa ganitong sitwasyon!?
"Relax." Naramdaman ko ang mahinang pagpiga niya sa kamay ko, which is hawak parin niya at magkasalikop parin. "Just go and get the book that you need." Dugtong niya at tumango nalang ako at nag-simula na nga hanapin ang libro na kailangan ko.
Take note, naghahanap ako habang magka-holding hands parin kami. Hehehe.
Masaya lang akong naghahanap ng libro na kailangan ko para sa reporting ko. Masaya dahil nasa tabi ko lang ang boyfriend ko. Kahit walang nagsasalita samin at magka-holding hands lang kami, simpleng presensya lang niya ay sobrang saya ko na. Mahal na mahal ko na talaga siy--
Flashback....
Di ko mahanap yung libro! Huhu.
Todo hanap parin ako sa libro dito sa library ng school. Well, the library is so big. A big reason why I can't find that book.
"Mira, here it is."
I look instantly to the direction where I heard someone's voice pero ang bumungad sa paningin ko ay ang librong kanina ko pa hinahanap.
"T-that's... the book..." Sambit ko.
Inabot na sa kamay ko yung libro kaya nakita ko ang muka nung naghanap ng libro para sakin. I can't help but smile to him brightly.
"Thank you Cyrus!" Masayang sambit ko. As always, he helps me and take care of me.
"Anything for you." Sagot niya at saka pinisil ng mahina ang pisngi ko. Pareho nalang din kaming natawa.
End of Flashback....
What the heck is that...
"Mira? Hey! Are you alright?"
Nabalik ako sa huwisyo nung naramdaman ko ang tapik sakin ni Rhob. Napatingin na din tuloy ako sa kanya at nakitang hawak ang librong kanina ko pa hinahanap.
"Baby loves?" Tawag nya muli sakin. Agad akong napa-iling sa kanya at saka nginitian sya ng ubod ng tamis.
"I'm fine! Don't worry. I just space out a little bit." Ngiti ko saka binigyang puna ang hawak niyang libro. "Isn't that the book that I'm finding?"
Napatingin din sya saglit sa libro na hawak bago ibalik sakin ang paningin at nakita naman siyang ngumiti din. Ang cute nya ngumiti! Gosh!
"Ah yeah. Naunahan pa kitang hanapin itong libro." Pang-aasar niya at tumawa nalang ako sa kanya.
"Ewan ko sayo. Balik na tayo?" Tanong ko na sinangayunan naman niya. Naglakad na kami at naramdaman ko rin ang kamay niya sa balikat ko.
Damn it. I didn't expect na bigla kong maalala yun. A memory I shared with that Cyrus when we were still in middle school. Eto ba epekto ng pagkakita ko sa kanya? Aish. Nag-alala pa tuloy sakin boyfriend ko.
Naisip ko tuloy... ikwento ko kaya kay Rhob yung pagkakita ko kay Cyrus? Pero baka di narin niya naalala lalakeng yun. If I remember... 5 years ago pa niya nakita si Cyrus at wala pang isang oras niya nakita itsura ni Cyrus. Besides, never namin napagusapan ang past lovers ng isa't-isa dahil sa kagustuhan namin na mag-focus sa present and little in the future. Imposible ngang kilala pa niya si Cyrus.
Hay. Saka ko nalang siguro ikwe-kwento? Baka isipin pa niya na masyado kong iniisip ang lalakeng yun. Siguro naman ngayon ko lang ulit sya makikita kaya di ko nalang gagawing big deal. Gotta forget that guy.
"Miraaa! Tagal nyo ah." Bati sakin ni Paolo pagkadating namin sa table namin kanina. Nasa tabi rin niya si Zeid na busy ligpitin ang gamit.
"Sorry! Natagal kami hanapin yung libro eh." As I apologize ay sinimulan ko na din ang pag-ayos ng gamit ko.
"Hapon na pala. It's getting 4:30 already." Rinig kong sabi ni Rhob.
"Bilis naman ng oras." Malungkot na sambit ni Paolo. Di ko rin gets kung bakit malungkot boses niya.
"Nasulit ko moment kasama si papi Zeid kaya may energy parin ako. Pero yung kasama si papi Rhobert, wala!" Dagdag ni Paolo. Dahil sa sinabi niya ay di na namin mapigilan matawa ni Zeid at Rhobert.
"Sorry. Nandito kasi ako kaya never ka talaga makakalapit kay Rhob." Pang-aasar ko kay Pao at nag-belat pa sa kanya. Napa-irap nalang siya sakin kaya mas lalo akong natawa.
"Nako. Kung nandito lang si Jhaycee ay di ka rin makakalapit sakin." At inasar narin ni Zeid si Paolo na napa-pout nalang dahil sa sinabi ni Zeid.
"Baligtad na talaga eh. Pansin ko lang ah! Ikaw bes at si mareng Jhaycee ang bumabakod kela papi Zeid at papi Rhobert!" Reklamong muli ng bakla naming kaibigan.
Natatawa akong sumagot sa rant nya. "Syempre. Kami ang girlfriend kaya okay lang din maging possessive sa kanila. Hanap ka nalang ng bagong papi mo."
"Hmm... si papi Brine ba? Or si papi Angeloy! Available ba sila?" Parang kuminang naman mata ni Paolo dahil sa naisip niya.
"Sorry to disrupt your imagination pero... taken narin sila Angeloy at Brine." Sagot ni Rhob sa naisip ni Paolo na maging bagong papi niya. Halos maiyak narin si Paolo dahil sa sagot ni Rhob sa kanya.
"What!? Paano na? Wala na ba akong pag-asa magka-love life!?" Frustrated na reklamo ni Paolo dahilan para matawa pa talaga kami lalo.
Kung tutuusin naman, lahat nga naman kami sa barkada ay taken na. Ako at si Rhobert as officially in a relationship. Si Zeid at Jhaycee na sobrang lapit nang maging officially in a relationship din. Si Keana at Brine na dating narin ang status. Si Angeloy at Jaraica na medyo complicated pa pero halatang mutual ang feelings para sa isa't-isa.
Oh diba? Lahat kami ay taken na talaga.
"Anyway, let's go home. Hiramin mo nalang iyang libro." Sabi ni Rhobert habang kinuha ang ilang gamit ko na di na kasya sa bag ko at plano ko lang talaga hawakan. Sinukbit narin niya ang backpack niya.
Tumango naman ako sa kanya at sinukbit na din ang bag ko sa balikat. Matapos hiramin ang libro at nakuha ang permiso mula sa librarian ay sabay-sabay narin kaming lumabas. Naghiwa-hiwalay narin naman kami dahil si Zeid ay susunduin nadin si Jhaycee sa architecture building, si Paolo naman ay sa gate na agad ang punta dahil susunduin daw sya ng bessy nya mula pa nung high school. Kami naman ni Rhob ay sa parking lot na dumiretso dahil ihahatid daw ako ni Rhob pauwi gamit ang sasakyan niya.
"Baby loves, do you want to eat dinner with me?" Pambungad sakin ni Rhob matapos namin sumakay ng maayos sa kotse niya. Kakahawak ko palang din sa seatbelt nung saktong tanungin niya ako ng ganoon.
Napaisip naman ako. Today is truly a very exhausting day. Ang pagkikita lang namin ng lalakeng yun ay nagbibigay na sakin ng rason para maagang mag-pahinga ngayon pero ayoko naman na iba ang isipin ni Rhobert at baka mag-alala pa...
"Hmm. Sure." Ngiti ko sa kanya at mas lumaki din naman ang ngiti niya. It makes him happy. Tama lang na sumama sa kanya sa dinner ngayon.
Dumating kami sa isang restaurant at masayang kumain ng dinner. An unexpected date. Halos nakalimutan ko din lahat ng mga nangyare kanina.
Nagtagal rin kami sa pagkain at pagkwentuhan kaya 7 na rin ng gabi nung naihatid niya ako sa bahay. Sinalubong ako ng isa sa katulong at di ko rin nakita na si ate Alice or kahit sino kela kuya kaya pumanik nalang din ako papunta sa kwarto ko at piniling mag-pahinga ng maaga.
-
Kinabukasan, maaga rin akong nagising. After saying and praying my gratitude to God, I immediately text my boyfriend a morning greeting. It's still 5 in the morning so I don't think na gising na si Rhob. Di yun madali magising sa madaling araw.
Maaga lang din ako gumising para mag-aral ng mga dapat aaralin ko kagabi. Pilit ko na rin na tinatapos ang pagri-research para sa report ko next at para masauli ko narin agad ang librong hiniram kanina. But sadly, di kinaya ng oras. Nalaman kong 6 na noong mag-ring ang phone ko, sign na may nag-text at narecieve ko rin ang greeting ni Rhobert. Gising na siya.
Napagdesiyunan ko na rin ang bumaba para kumain ng agahan dahil may klase din ako ngayong araw. Naabutan ko sa kusina si kuya, ate Alice at isa pang katulong na ang alam ko ay kaibigan ni ate Alice.
Napansin naman agad nila ako at agad na binati.
"Good morning ma'am." Bati nung isang katulong.
"Good morning, Mira!" -Ate Alice.
"Good morning." -Kuya.
Tumango ako sa kanila. "Good morning. Nasan sila lolita?" Tanong ko din pagka-upo. Agad inayos nung isang katulong na nandito ang pagkain ko.
"Maaga umalis sila Madame." Sagot ni Ate Alice. Tinignan ko naman si kuya at naghihintay din ng sagot sa kanya. Sumagot din naman agad siya matapos ko sya tignan ng diretso.
"Dad and lolita left early because of the breakfast and meeting with the important visitor of the company." Simpleng sagot niya at binalik ang tingin sa pagkain. Halatang iniiwasan ako dahil sa tanong ko.
Naalala ko tuloy nung nakaraan na naghahadali umalis si lolita dahil may kaibigan daw siyang dumating sa Pilipinas. Let's say na yun din ang kasama ngayon nila lolita at dad sa meeting na yun early in the morning. And mukang ka-close talaga ng family namin ang important visitor na iyon para bigyan pa ng effort ni lolita magkita kahit maaga pa.
Bilang pa sa isang kamay ko ang sobrang kasundo ng mga Aguinaldo. Basing on a certain someone that I met yesterday, it's possible na ang pamilyang iyon ang nagbalik sa Pilipinas at dahilan kung bakit binibigyan ng effort nila lolita pagdating sa meetings.
"May I know who are those important visitors?" Casual kong tanong kasabay ng pagkain dahil natapos narin ayusin noong isang katulong ang pagkain ko.
Napatingin naman muli sakin si kuya habang si ate Alice ay busy lang makinig samin. Pero bakas din naman sa mata ni ate Alice ang pagtataka sa pinag-uusapan naming mag-kapatid.
"I think there's no need to tell you. You'll meet them sooner or later. That's for sure." Seryosong sambit niya and that made me confirmed my speculations.
I don't usually join in meeting important visitors since hindi pa ako nagta-trabaho sa kompanya. Si kuya, daddy, lolita at ilang board members lang ang madalas sumasalubong sa guest. Well, not unless they are the Espinoza's. The family who are really closed and friends with my family, the Aguinaldo's. Seeing Cyrus Espinoza yesterday... sure na talaga akong ang family head and other important person of Espinoza ang kasama ngayon nila lolita.
"Okay then." Kibit balikat ko nalang at pinag-patuloy ang pagkain na hindi na nakipagusap ulit sa kanya.
Nagtataka parin samin si ate Alice pero halatang di na niya inisip pa lalo ang pinaguusapan namin at nagpasok nalang ng bagong topic for a new conversation. Kasali na rin sa conversation na iyon ang pang-babara namin ni ate Alice kay kuya at pagiging loko ng kapatid ko. Palagi namang ganon ang nangyayare sa aming tatlo.
Mabilis lang din naman lumipas ang oras. Pagkatapos kumain ay gumayak na ako at dumiretso agad sa school. As usual, nagkita kami ni Rhobert sa coffee shop. A morning date again. He came to eat breakfast while I came to satisfy my craving for coffee. Sa sobrang dalas namin ni Rhob doon tuwing umaga ay naging kakilala na namin ang ilang staff at manager/owner ng coffee shop. They are very grateful to regular customer like me and my boyfriend.
After sa coffee shop ay diretso na agad sa klase. As usual, I faced Paolo and Zeid with a happy mood at ganoon din naman ang pinakita nilang pakikitungo sakin. Di na rin syempre nawala sa classroom ang naiiritang tingin sakin ni Raquisha. Arine, as usual, talks happily with Zeid. Normal na ata para sakin na makita ang friendly conversation ng dalawa. I trust Zeid's feelings and love that is only for Jhaycee. Sana ganoon din si Jhaycee kay Zeid, I hope she trust him despite all of her jealousy towards Arine.
It's a pretty normal day. I started it a little bit worried because of the Espinoza's but it eventually lightened up after seeing Rhobert personally. He's really my medicine to make my day good and perfect. I enjoy my class hours because of new lessons and praises from my professor, also because of the fun I have with Zeid and Paolo kahit may panirang Raquisha.
It's 2 pm noong matapos ang klase namin at ngayon palang plano mag-lunch. Rhobert's lunch break is kanina pang 11. We have different schedules. Kasalukuyang palabas kami ng building.
"Saan tayo kakain bes, papi Zeid?" Pagtatanong samin ni Paolo habang naglalakad.
"Ako okay lang kahit saan." Maikling sagot ko. Sabay kami napatingin ni Paolo kay Zeid noong siya naman ang sumagot.
"Ah guys. Sorry. Pupuntahan ko pa si commander ko. Sabay lang kami ng labasan ngayong araw kaya sabay na kami kakain sa labas. " Sambit ni Zeid and look at us with an apologetic expression.
"Awts. It's okay. Kahit kami nalang ni be-- oh not now..." Di natuloy ni Paolo ang sasabihin nang biglang mag-ring ang phone niya. Someone's calling him.
Sinagot naman niyang tawag. Napahinto na rin kami sa paglalakad dahil sa tumawag sa kanya. We're waiting for him to finish the call. Nakita ko rin sa muka ni Paolo ang pagbago ng expression niya at natawa ako nung makita ang usual niyang expression which is pagirap. Nagtataray nanaman sya kahit wala pang boses na lumalabas sa bibig niya. Matapos ang tawag ay hinarap niya ako with his apologetic face and mukang change of plans na kaming tatlo ngayon.
"Beshie! Sorry talaga pero tumawag si dad dahil may party daw kaming aattendan ngayon kaya kailangan ko nang umuwi. Gosh I hate dad. Super epic ang timing arrgg." Reklamo ni Paolo.
Pareho nalang kami ni Zeid na natawa sa expression ng muka niya na kanina pa niya pinapakita samin. Well kung yun ang nangyare then I can just be on a solo flight today.
"It's okay Pao. May plano na rin ako na kahit mag-isa lang kumain ng lunch." Yep, nakapag-decide na agad ako sa gagawin ko ngayon. I choose a very familiar place today.
"You sure besh?" Nag-aalalang tanong ni Paolo. Nakatingin din sa akin si Zeid with worried eyes. Binigyan ko sila pareho ng assurance smile. They don't need to worry about me eating by myself.
"Yup. Doon lang rin naman sa cafe sa tapat ng school ako pupunta." Plano ko din na doon na lamang hintayin si Rhobert.
"Ah! Kung saan kayo nagde-date ni papi Rhobert tuwing umaga!? Okay naman pala." Pumayag na si Paolo.
"Kung ganoon settled na lahat. Paano? Una na ko? Punta na akong Architecture Building." Pagpapaalam samin ni Zeid.
"Ay ako din! Diretso na ako sa parking lot. See you tomorrow bes!" Paalam naman ni Paolo.
Tumango ako sa kanilang dalawa. "Sige. Bye! See you tomorrow!" Paalam ko din sa kanila at naghiwa-hiwalay na kami ng pupuntahan.
Naglakad na rin ako papunta sa coffee shop na madalas ay pinupuntahan namin ni Rhobert tuwing umaga. This could be the first time na pupunta ako doon na hindi umaga. Plano ko rin tapusin yung report na hindi ko natapos kaninang umaga. Pagdating sa coffee shop ay nagulat ako sa nakita ko.
Puno ang coffee shop! Sobrang iba ng atmosphere pag umaga kumpara sa ngayon na nakikita ko. May mahanap pa kaya akong available na table? Sana meron dahil wala na akong panahon para lumipat ng kainan dahil nagugutom na ako.
Sa kalagitnaan ng paglilibot ay halos sumuko na ako sa paghahanap ng table noong biglang may tumawag sakin. Paglingon ko doon sa tumawag ay bigla akong nagsisi na ginawa ko yun. Siya na naman....
"Mira!" Pagtawag ni Cyrus Espinoza sakin. Nakaupo siya sa tabi ng salamin kung saan kita ang labas. Nasa perfect spot siya at walang kasamang iba.
Tinawag naman niyang muli ang pangalan ko kaya no choice na rin akong nilapitan siya dahil nakuha namin atensyon ng ibang customer.
"You can share a table with me. Puno rin lahat eh." He said nicely with a sweet smile on his face. I can't help but frown on his way of interacting with me right now.
Sa halip na umupo sa tapat niya ay tinanong ko siya. "What are you doing here?"
"I plan to eat here dahil early dismissal kami ngayon." Nakakairita lang dahil hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Ahh." Napa-tango nalang ako kahit ang totoo ay naiirita ako sa ngiti niya at dahil nandito siya sa favorite café namin ni Rhobert.
"Have a seat. You look hungry so feel free to use this table." Napa-buntong hininga ako dahil sa sinabi niya at wala na rin choice kundi ang umupo sa tapat niya. May lumapit rin naman na waiter sakin na kilala na ako at mukang alam na rin agad ang oorderin ko.
"The usual, ma'am? Or coffee only?" Tanong ng waiter at nakangiti akong tumango sa tanong niya.
"The usual one." Nagpaalam narin sya at napatingin pa saglit sa kasama ko ngayon. Yeah, this is the first time na nagpunta ako sa café na ito ng tanghaling tapat at hindi si Rhobert ang kasama ko.
"Mukang madalas ka dito? The usual one?" Biglang nagsalita naman si Cyrus kaya tumango na lang ako sa taning niya.
"It's my usual order. Toast bread, scrambled eggs, pancakes and a coffee." Sagot ko at finocus ang paningin ko sa nilalabas kong laptop at papel. Gagawin ko ang dapat kong gawin para di na kami mag-usap pa.
"I see. So you still like coffee..."
Napahinto naman ako sa ginawa ko dahil sa gulat sa sinabi niya. He still remember that I like coffee? Oh damn! OF COURSE! He will remember it of all people.
Mas binilisan ko nalang din ang paglabas ng ilang gamit. Ngayon naman ay mabilis kong hinahalungkat at hinahanap ang earphones ko para maisaksak sa tenga ko at nang sa gayon ay walang boses at salita ni Cyrus ang marinig ko.
"Mira... let's talk." Rinig kong seryosong sambit niya.
Nasaan ba yung earphones na iyon!? Bakit di ko mahanap!?
"Mira--"
"Cyrus! What are you doing here!?"
Muli na naman akong napahinto dahil sa isang pamilyar na boses. Napahinto pa magsalita si Cyrus dahil nagsalita ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan pa akong napalingon bandang gilid ko para tignan kung sino iyon at hindi naman ako nagkamali sa nakita.
"Jana?" Bakas din ang gulat sa muka ni Cyrus at nabanggit pa ang pangalan ng taong nasa gilid ko.
"I thought I already told you that I have to meet someone first in this café and that we will meet later in-- oh!"
Dire-diretso lang sa pagsasalita si Jana nang biglang mapatingin siya sa direksyon ko. Katulad kong gulat sa biglaang presensya niya ay kita din ang gulat sa muka niya noong makita ako. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sakin at kay Cyrus pero sa huli ay ngumisi din siya sakin. Tsk.
But I hate this day! Akala ko perfect and okay pero hindi pala. There is too much coincidence! Meeting Cyrus Espinoza and Jan Aubrey Isidro at the same time is too frustrating!
"So you finally meet the 'certain someone' that I've told you before." Ngisi sakin ni Jana at bigla nalang naupo sa katabi kong upuan without asking for my permission. So si Cyrus pala tinutukoy niya dati.
Di ako makapagsalita dahil masyado pa rin ata akong lutang dahil sa mga biglaang pangyayare ngayon nang biglang nalang nagsalita sina Jana at Cyrus.
"Sorry for interrupting your conversation. Marami na ba kayong napaguusapan?" -Jana.
"Not really.... Wala pa." -Cyrus.
"I see. Well, it really is a coincidence for us to be together again after 6 years?" -Jana.
"Yeah but we are actually together on your birthday party, 5 years ago." -Cyrus.
"Well that's different. All I mean is ngayon lang ulit tayo nagkasama na tayong tatlo lang! Middle school days." Naka-ngisi pa rin si Jana.
That is actually true. After 6 years ay nagkasama muli kaming tatlo. The old gang.
"Speaking of middle school days, let's talk about it! Let's reminisce all of the precious memories!" Dugtong pa ni Jana that actually made me lose my mind. Not that story. I hate that past!
"Ayoko." Sagot at naagaw ko rin atensyon nila dahil doon. Mas lalong lumaki ang ngisi sakin ni Jana at halatang nang-aasar lang. Cyrus also become a little quiet because of what Jana said.
"Why not? Our past is actually exciting and amazi--"
"Pag sinabing 'ayoko' ay wag mo na pilitin."
Napahinto sa pagsasalita si Jana dahil sa pagsulpot ng isang panibagong boses. Napalingon kaming tatlo doon at talagang nagulat akong makita siya ngayon dito sa coffee shop eh ang alam ko ay mamaya pa ang tapos ng klase niya.
"Rhob!" Di ko napigilan mapatayo sa gulat dahil sa biglaang presensya niya dito. Too much coincidence!
"Oh.. Rhobert." Plain na sambit ni Jana.
"Castro? You're here?" Nagtatakang tanong ni Cyrus kay Rhob. Nagtaka rin ako sa reaksyon ni Cyrus dahil imposibleng magkakilala ang dalawa. This is the first time they met in person if I remember!
Walang reaksyon si Rhobert kay Jana pero tumango siya kay Cyrus. Pagkatapos ay niligpit niya ang gamit ko at nilagay sa bag ko. Napatulala ako sa ginawa niya. Matapos ayusin gamit ko ay saktong dumating yung pagkaing inorder ko pero mas may pake ako kay Rhobert ngayon.
"Excuse me pero aalis na si Mira. May pupuntahan pa kami ng girlfriend ko." Seryosong sambit ni Rhobert habang hawak ang bag ko at bigla nalang ako hinila palabas ng café.
Sa sobrang bilis ng pangyayare ay ang alam ko nalang ngayon ay nasa kotse niyang nakahinto ako at malayo na kami sa school. Kita ko na rin ang fields at mukang masarap ang hangin sa labas.
"Mira, what are you doing with Jana? And why is that Espinoza with you too?" Tanong ni Rhobert sakin habang ako ay nanatiling nakatingin sa salamin.
I don't know what to say. May mga tanong din ako sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko muli kasi ang takot at pait na dulot ng nakaraan. Dulot ng presensya ni Jana at Cyrus.
I felt the tears on my eyes. Natahimik saglit si Rhob pero naramdaman ko nalang din bigla ang braso't dibib niya. He's hugging me while I'm crying.
"Baby loves..." Malambing niyang sambit at patuloy lang ako sa pagiyak.
Ang sakit parin pala. Kung sakali man din matuloy na ikwento ni Jana yung nakaraan ay mas lalo lang akong madudurog. Naka-move on na ako sa pagibig ko kay Cyrus at sa friendship din namin ni Jana pero ngayon, alam kong di pa rin ako nakaka-move on sa sakit na binigay nilang dalawa sakin.
--------------------
Merry Christmas everyone and advance happy new year!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top