Chapter 10 - The First
.
Mira's POV
"Wow! How sweet naman. Sana all may boyfriend na ganyan." Inggit na sambit sakin ni Paolo matapos kong ikwento ang nangyareng date namin ni Rhobert nung Sunday.
Today is Tuesday at dahil sa pang-aasar sakin ni Zeid tungkol sa date na iyon ay narinig naman ni Paolo at pinilit akong ikwento sa kanya ang buong nangyare nung araw na iyon.
"Hanap ka sarili mong boyfriend." Natatawa kong sagot sa reklamo niya.
"Naku bes! May nahanap na akong gusto kong maging boyfriend kaso di pa ako sinasagot eh." Sambit naman niya at saka tumingin kay Zeid na natatawang napailing nalang sa kanya.
"Zeid, sagutin mo na--" -Paolo.
"Sorry pero taken na ako." -Zeid.
Napa-pout nalang si Paolo sa dismaya at di ko naman na napigilan tumawa sa usapan nila. Kahit kelan talaga ang laugh trip panoorin ng kalokohan nila.
"Mira!" Mas lalo akong natawa nung marinig ang frustration sa boses ni Paolo.
"What?" Natatawa ko paring tanong.
"Ibigay mo nalang sakin boyfriend mo!" At mas lalo naman akong natawa sa kalokohan niya. Seriously, Paolo? Pfft!
"Sorry. Taken ko na din eh." Pambabara ko at napa-simangot siya lalo. Natawa kami pareho ni Zeid sa kasalukuyang reaksyon ng muka niya.
Since the date, medyo ineenjoy ko na ang sarili ko kesa yung palaging focus sa pag-aaral. I forgot that I should both enjoy and study seriously in my college life. My friends are actually worried about my current self. Mukang napansin din kasi nila pagiging stiff ko because I'm busy studying instead of enjoying.
Napatigil na din naman kami sa kwentuhan dahil dumating na Prof namin sa Business Math. Ofcourse, when it's class time, it's time to get serious. Alam naman na iyon ni Paolo at lalong lalo na si Zeid.
Nagkita na rin kami kanina ng umaga ni Rhob. As usual, morning date. Sabay kaming kumain ng breakfast and nagre-relax bago sumabak sa gyera sa school. Charot.
Naalala ko din tuloy yung nangyare kaninang umaga at yung binigay niya sakin. It was another beautiful morning.
.
Flashback....
"Here's your coffee, ma'am and sir." Sambit nung waiter at naka-ngiti lang akong tumango sa kanya bago siya tuluyang umalis.
"So what are we talking about again?" Ngiti sakin ni Rhobert at naka-ngiti din ako sa kanya.
"I told you, I'm practicing how to bake. All credits goes to my ate Alice." Excited kong sambit.
"Uh-huh? So how's the practice? Is it doing well?" All I can see is Rhobert's attention focusing on me and it really makes me happy!
"Yup! Di ko nga ineexpect eh. Akala ko malas at palpak na talaga ako pagdating sa pagluluto." Napahinga pa ako ng maluwag as a sign of relief.
Matapos huminga ng maluwag ay naramdaman at nakita ko ang pagpatong ni Rhob ng kamay niya sa ulo. Naramdaman ko rin ang sobrang hinang pag-pat niya sa ulo. Somehow, it is relaxing.
"Di ka malas o palpak. Kaya mong gawin lahat ng gusto mo basta lang pagsumikapan mo. And see? You did it. Your practice on baking is doing well. Good work, my loves." At patuloy parin niyang ni-pat ang ulo ko.
Nakakakilig naman!
"Anyway, baby loves." Tawag niya sakin kaya napahinto ako sa pag-inom ng cappuccino ko.
"Hmm? Bakit?" Nagtataka ko naman na tanong sa kanya.
"Here." May inabot naman siyang brown envelope. Nagtataka naman ako kung ano laman noon pero tinanggap ko parin.
Bago pa ako mag-tanong ay nagsalita na siya.
"Pina-develop ko yung pictures natin noong nag-date tayo. I have my own copies and that's yours."
Nagulat naman ako sa binalita niyang pina-develop niya ang pictures namin. I immediately opened the envelope and just like what he said, developed pictures are inside the envelope. At ang nangunguna pang picture ay ang picture namin ni Rhobert with the Entrance hall in the background.
This is truly amazing! And lovely.
End of Flashback....
.
Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa binigay niya. At dahil din doon, buong klase din ay naging masaya ako at mas active. The professors even praised me every time I answer.
"Very good, miss Aguinaldo! If you keep this thing, you'll surely belong to the Dean's list in a short period of time." One of my English professor said. Napa-'wow' nalang din ang mga kaklase ko di rin naman ako makapaniwala na ito ang effect pa giving masaya ko ngayong araw.
"Seriously bes? What's the secret? Ikaw lang ata kilala ko na sobrang busy at masaya sa love life pero nage-excel parin sa klase." Amazed na tanong sakin ni Paolo at Natatawa nalang akong napa-iling sa kanya.
"Yun nga mismo yung secret. Masayang love life." Sagot naman ni Zeid at tumawa pa. Natawa din si Paolo at namula nalang ako sa sagot ni Zeid. Halatang trip nila ako ngayon eh. Pero okay lang.
Sigurado ko narin naman walang makakasira ng mood ko ngayon.
Lumipas na din ang ilang oras at natapos narin ang klase. And yup, as usual, the teachers praised me. Ganoon din ang narinig ko mula sa mga kaklase ko. Well except for my 2 girls classmate.
"Bes, Raquisha is sulking almost everyday because of you." Bulong sakin ni Paolo habang nakasabit ang braso niya sa braso ko. Ang clingy ng baklang 'to.
"Ano ka ba. Wag mo na pansinin. She's still our classmate. Let's be civil to her." Sambit ko. Totoo rin naman. Kahit halos away in ako palagi ni Raquisha, mas okay narin yung maging nice parin sa kanya.
"Eh dun ba sa kaibigan ni Raquisha? Should we get civil to her too?" Tanong naman ulit ni Paolo. Naisip ko naman tuloy yung kaibigan at pinaka-close nga ni Raquisha sa section na ito.
"Tignan mo nga oh. Nakadikit nanaman kay papi Zeid!" Naiiritang dugong pa ni Paolo at nakaturo pa sa kung saan. Nilingon ko naman ang tinutukoy niya at nakita nga ang dalawa.
Raquisha's friend, Arine Cervantes, talking to my best friend, Zeid. Just like before.
Sa di ko malamang dahilan, sobrang dalas dumikit ni Arine kay Zeid. To be honest, kay Zeid at Raquisha lang ata pinapakita ni Arine ang soft and sweet side niya. I can understand the part na sweet siya kay Raquisha. They are best of friends after all! Pero yung kay Zeid? Hmm....
"Let's... be civil to her? I guess." Di ko rin alam kung bakit may sign of uncertainty sa boses ko nung sinabi iyon.
"What?" Gulat na tanong ni Paolo. "I can't do that! Halatang may gusto siya kay crush. Ramdam kong bet niya si papi Zeid!" Tutol ni Paolo at humalukipkip na.
Right. May uncertainty sa boses ko dahil sa bagay na iyon. It's already obvious. Di ko lang alam kung alam na ba iyon ni Zeid or sadyang nice at gentlemen lang siya sa kahit sino. I have this uncertainty feeling dahil best friend ko si Jhaycee.
Ilang beses narin nag-rant sakin ang babaeng yun tungkol kay Arine. Dahil kahit pala sa labas ng classroom ay nakikiusyoso si Arine. Ang worst ay nakita pa iyon ni Jhaycee ng harapan. Kahit daw naguusap lang yung dalawa ay di parin daw niya makaya.
Hay. Hirap talaga pag may pinagseselosan.
"I think we should. Mabait naman siya. And kaklase natin siya. Okay?" Sagot ko sa pagtutol ni Paolo at nitap nalang siya sa balikat niya.
"Guys! Wala munang uuwi. May pupuntang seniors dito!" Nalipat naman atensyon naming lahat kay Ceasar na bigla nalang sumigaw. Nandoon pa siya sa pinto at halatang kagagaling lang sa labas.
"Para saan?" Tanong noong isa kong kaklase.
"Ano naman kailangan nila?" Tanong din noon isa pang kaklase.
"Di ko alam. Pero pinupuntahan nila bawat section ngayon ng Business Management." Sagot naman ni Ceasar sa tanong ng mga kaklase namin.
"Ano kaya meron?" Napatingin naman ako sa nagsalita sa kabilang gilid ko at nakitang si Zeid iyon.
"I'm not sure. Mismong si Ceasar di rin alam eh." Sagot ko naman.
At totoo nga ang mga salitang iyon. Maya-maya lang dumating na ang apat na seniors. Lahat naman kami ay bumalik sa mga sailing upuan para pakinggan ang sasabihin nila.
"Good morning everyone." Bati ng isang babaeng long haired at may suot na eyeglasses at school uniform. May suot din siyang school ID at may silver template pang nakasabit sa uniform niya. Maliit lang iyon at dahil medyo malayo sya ay di ko rin mabasa kung ano nakasulat doon.
Just wondering, ano kaya yun? Wala akong maalalang part ng school uniform and mga ganoong template. Fashion style? But a brooch would be better kung part lang talaga iyon ng fashion niya.
"I apologize for disturbing you just right after your class." Seryoso at ramdam ang authority sa pagsasalita nung babae.
"I am the student president of College of Business Management and a Business Management representative in the Student Council. The people behind me are the secretaries."
Woah. Student Council still exist in college huh? And siya ang president ng course namin? Amazing.
"We're here today to announce that by the end of this month is the upcoming election for the new Student Council, new secretaries in each course, and new class president in each section."
Narinig ko naman ang konting ingay mula sa mga kaklase ko dahil sa narinig. Kahit si Paolo ay napapasalita na samantalang kami ni Zeid ay tahimik na lamang na nakikinig.
"If you're interested to join the student Council or be a secretary in this course. Just please go talk with us in the office of this building. As for the choosing a class president, that will be handle by yourselves. You will have only weeks to choose who will be the president of this section. That's all. Thank you." At maliit na siyang ngumiti samin matapos magsalita. Mabilisan lang din siya lumabas kasama ang mga secretary niya.
Mas lumabas naman ang ingay ng mga kaklase ko dahil sa anunsyo. Mas nafocus ang mga kaklase ko doon sa usaping pagpili ng class president kesa sa doon sa pagsali sa student council or maging secretary.
"Sino ba dapat piliin natin?"
"Parang gusto ko maging class president."
"Ako ang deserving maging class president!"
"Matagal pa naman bago ang botohan diba?"
"Kahit matagal pa, dapat isa-isahin na natin ang qualities na dapat meron bago maging class president."
"Dapat yung responsible talaga."
"Mabait din pero disiplinado parin."
"Dapat chix yung maging president natin."
"Mas mainam siguro na lalake naman ang maging president. Puro na babae eh. Duga!"
Ang dami ko pang naririnig na kung ano. Narinig ko nga din ang boses ni Raquisha na nagsabing siya daw ang deserving maging president pero natabunan lang naman din ng boses ng iba pa naming kaklase.
"President daw. Interesado ka ba sa posisyon?" Mahinang tanong sakin ni ni Zeid habang busy ang lahat pag-usapan kung sino dapat maging class president.
"Not really." Sagot ko naman kay Zeid. After all, never naman talaga ako naging class president dahil sa Student Council sa Willstone Academy.
Hmm. New Student Council election, huh?
Nagpaalam naman na kami kay Paolo na mauna na kami ni Zeid lumabas. Busy parin kasi si lang lahat pag-usapan ang magiging class president ng section namin. Na kalimutan narin nga ata nila na lunch break na namin.
Saktong 12 na ng tanghali nung dumating kami ni Zeid sa cafeteria. Nandoon narin si Jhaycee, at ang new couple saming barkada na si Keana at Brine.
"Tagal nyo ah." Bati samin ni Jhaycee pagkatapos ay sumubo ng fries.
Naupo naman ako sa tabi ni Keana na ang katabi sa kabilang gilid ay si Brine. Si Zeid ay obvious namang tumabi agad kay Jhaycee. May tatlong shake at isang malaking fries box sa gitna ng table. Iyon yung kinakain ni Jhaycee.
"Ah kasi may dumating pa kanina sa room namin. May inannounce tungkol sa class president at student council." Sagot ko naman kay Jhaycee. Napa-tango naman siya at napalingon nalang kay Zeid nung may sabihin ito sa kanya sa mahinang boses.
"Student Council?" Napalingon naman ako kay Keana dahil sa tanong niya.
"Yup. Incoming election by the end of this month daw. By the way, yung nag-announce samin ang member ng Student Council." Sabi ko habang nakikikain sa fries nila Jhaycee.
"Woah. Bakit samin walang ganyan." Komento naman ni Brine.
"Umalis kasi agad tayo ng classroom nyo. Gutom na gutom ka na kamo diba?" Sagot naman ni Keana kay Brine.
"Ah. Sabi ko nga eh." Nasabi nalang ni Brine at saka sumipsip sa shake niya.
"Interesado ka bang sumali sa student council?" Tanong naman sakin ni Keana.
Napaisip naman ako sa tanong niya. Am I interested? Maybe yes. Well, bilang isang estudyante na buong high school years niya ay kasali siya sa student council, it is really normal to be interested. Right? Pero mas mabuting saka ko nalang intindihin yun. Mahaba ang buwan na ito. Pag malapit na saka ko nalang iintindihin.
Sasagot palang sana ako sa tanong ni Keana nung biglaang napasalita si Brine at may bagong dumating sa table namin.
"Uy! Si Angeloy!" Napalingon naman kaming apat sa tinurong direksyon ni Brine at saktong nakita nga namin si Angeloy. Naghahadali pa siya ng pumunta sa pwesto namin.
"Yo!" -Zeid.
"Na-late ka ata pre?" Tanong naman ni Brine sa kanya.
"Ahh... May pinuntahan pa kasi ako." Hingal na Hingal pang sambit ni Angeloy. "Tinulungan ko pa kasi si Jaraica." Dugtong pa niya.
Nagtaka naman kami sa sinabi niya. Tinulungan si Jaraica? Bakit?
"Huh? Bakit? May nangyare ba?" Tanong ni Jhaycee.
"Okay lang ba bestie ko? May nangyare ba? Ano?" Nag-aalala naman tanong ni Keana. Agad naman siyang pina-kalma ng katabi na si Brine.
Napakunot naman ang noo samin ni Angeloy. "Huh?"
"Don't 'huh?' us. Tinulungan mo si Jar tungkol saan?" Tanong ko naman.
Parang nagets naman na niya bigla kung bakit ganon nalang ang reaction namin. Tsk. Slow as usual.
"Wait!" Napa-taas pa dalawang kamay niya na parang sinasabing kumalma kami.
"Jar is okay. Even the tip of her hair is good." Napa-buntong hininga pa siya. "You don't need to worry guys." Dugtong pa niya.
"Sabihin mo muna ano nangyare para di kami mag-alala." Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Uh... ano kasi..." At bigla pa siyang namula at napahawak sa batok at muka siyang nahihiya.
"Uy! Ano?" -Jhaycee.
"Okay ka lang pre?" -Zeid.
Nakita ko pang mas lalo siyang nahiya kaya mas nagtaka ako pati itong mga kaibigan ko.
"Seriously, Geloy? Will you tell us or not? Masama na ata talaga nangyari sa bessy ko eh!" -Keana. And she's panicking already.
"Kalma lang Kea. Pre? Sabihin mo na kasi kung ano nangyare." -Brine. Pinapakalma din niya si Keana.
Namula na ang muka ni Angeloy sa di ko malamang dahilan. Ano ba talaga nangyare? Is it really embarrassing at namula pa buong muka ni Angeloy?
"Angeloy?" Pagtawag ko sa kanya. Muli nanaman siyang napa-buntong hininga. Mukang nilalakasan din niya ang loob niya para sa kung ano man sasabihin niya samin.
"Well..." Napalingon pa siya sa ibang direksyon at mas nahihiya pa talaga siya. "Basta, wag kayong tatawa ah."
"Ano nga muna kasi?" -Keana.
"Fine. We'll do your condition." -Jhaycee.
"And? Can you tell us now?" Tanong ko naman.
Napa-buntong hininga muli siya for the 4th-- 4th? Or 3rd palang? Ay ewan! Basta nakaka-ilang beses na siya ng buntong hininga. Yun na yun. I really wonder what really happened.
"I-i help her... with her clothes and a piece of napkin. She got her period today unexpectedly." At mas lalo pang namula ang muka niya matapos sabihin iyon.
Natahimik ang table namin. Tanging ingay mula sa cafeteria ang maririnig. Naka-tingin parin sa ibang direksyon si Angeloy at nararamdaman kong parang mas gusto na niya mag-palamon sa lupa kesa ang harapin kami.
"Oh my gosh..." Napatakip pa ng bibig si Jhaycee at tinignan ako. Di ko rin mapigilan ngumiti dahil mukang pareho kami ng naalala. The scene that happened 5 years ago.
Napatayo naman si Zeid at Brine at agad lumapit sa tabi ni Angeloy. Nasa kaliwa si Brine at si Zeid naman ay nasa kanang gilid ni Angeloy. Nagtaka tuloy na tinignan ni Angeloy ang dalawa.
"Isa kang alamat pre." Sambit ni Brine habang tinatapik pa balikat si Angeloy.
"Dagdag pogi points yan. Magiging kayo na sigurado mamaya. Congrats pre." Sambit naman ni Zeid habang tinatapik din si Angeloy sa balikat.
Iniwas naman na bigla ni Angeloy ang katawan mula sa tapik nang dalawa at tinignan ito na parang nakakadiri. "Tigilan nyo nga yan. Parang nababading na kayo sakin eh." Sabi niyang parang nandidiri nga at nag-tawanan nalang kaming lahat sa sinabi niya.
"Kinikilig lang yan sa sinabi niyong magiging sila na mamaya ni Jar." Pang-gagatong naman sa asaran ni Keana na mukang nawala na ang panic na nararamdaman kanina.
Kami naman ni Jhaycee ay halatang may naiisip na iba. May kilala kaming lalake din na tinulungan ang isang babae dahil sa biglaang pagkakaroon ng menstruation. If you think about it, it's kind of an embarrassing act yet it is marvelous.
.
Flashback.... (Book 1, Chapter 31)
Nahikab na rin ako sa sobrang antok at pagod ng may naramdaman akong nagflow. Napahinto ako at nanlalaki mga mata ko.
May nagflow sa may lower region ko.... wag nyo sabihing naihi ako? Pero imposible naman ata yun. Kakaihi ko lang kanina sa malapit na banyo. Infairness nga eh, kahit bundok toh may public restroom pa rin. Sosyalin!!
Pero may pinoproblema talaga ako eh. Kung di yun ihi, di kaya.... di kaya.....
"Mira? Ayos ka lang?" Tanong ni Jhaycee. Naka-tingin silang tatlo sakin.
Shet. Nararamdaman ko nang sumasakit puson ko.
Bakit ngayon mo pa ako dinalaw? Kung kelan camping namin staka wala ako sa bahay?
"W-wala. Ayos lang ako ha-ha-ha." Ayaw na meh! Masakit na puson ko huhuhu.
"Ah okay." At bumalik na sila sa paglalakad. Sumabay ako. Pumasok na kami sa tent. Sila nireready na yung pantulog nila pero ako eto, naghahalungkat kung may dala ako para malagyan ko at di ako magka-tagos.
Pero shit lang. Wala akong dala huhuhu!
Teka baka may dala etong mga kasama ko? Tama. Manghihingi na lang ako-- teka? May narinig akong humihilik. Paglingon ko sa kanila ay mga bagsak na sila.
Lumabas ako ng tent dala ko ang isang... isang underwear at jogging pants. Aym rily fayn.
Dumiretso ako sa public restroom kahit nakakatakot dahil tahimik at madilim. Tulog na sila habang ako, eto namomroblema.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang salamin at tatlong cubicle. Tapos may narinig pa akong nag-flush.
M-may tao? O-omg!
At lumabas na ng cubicle ang isang lalake na deserve masabihan ng thank you.
"Ano ginagawa mo dito? Tulog na silang lahat oh." -Rhobert.
After nyang magtanong naiyak na ako. Di ko alam kung ano nakakaiyak sa sinabi nya pero naiyak na talaga ako.
"Oy! Bakit ka umiiyak!!?"
"K-kasi ang laki ng problema ko ngayon!!" At umiiyak pa rin ako.
"Ano bang problema mo?" Di ko sya sinagot at umiyak pa rin ako.
"Hoy ano nga?"
"A-ang sakit ng puson ko. Wala pa akong dalang napkin. Ang laki ng problema ko!!!!'' Umiiyak pa rin ako srsly?
"Napkin? Yung gamit sa babae?" Tanong nya.
"Oo! Napkin! Kailangan ko ng napkin!!!" At lumakas na pagiyak ko.
"S-saglit lang! Ikukuha kita!" At lumabas na sya ng banyo.
Kukuha nya ako? Talaga? Sana lang ikuha nya talaga ako. Subukan nya akong paasahin iuuntog ko sya sa pinto ng banyo na toh.
Ewan ko pero parang ilang segundo lang lumipas at nandito na sya at binigyan ako ng napkin. Napahinto ako sa pag-iyak saka napatingin sa muka nyang namumula.
Ang cuuuuuute!
Pero bago yun, kinuha ko muna yung napkin saka pumasok sa isang cubicle at nagpalit na ng damit.
Habang nasa loob ay narealize ko na medyo nakakahiya yung ginawa kong paghingi ng tulong sa kanya. Ayos lang kung sa babae kaso sa lalake ako nanghingi ng tulong? Myghad!
Pero ang masasabi ko na lang talaga ay kailangan ko na sya sabihan ng thank you bago matapos ng tuluyan ang araw na toh.
Lumabas na ako at nakita ko pa rin sya na mukang hinintay talaga ako at namumula pa rin muka nya.
Napatingin sya sakin at agad lumapit. "Ayos ka na ba?" Halatang nag-aalala sya.
"Oo. Medyo masakit puson ko pero normal lang yun kaya tiis ganda na lang."
"Hay buti naman at ayos ka na." Napa-buntong hininga pa sya.
"Ahm... Rhobert?" Eto na. Kailangan ko nang sabihin.
Tumingin sya sakin. "Bakit?"
"Ahm... gusto ko lang sabihin na... ano... na thank you! Thank you sa lahat ng tulong na binigay mo sakin ngayong araw." Saka ko sya nginitian ng matamis.
"Wala yun. Mahalaga ka sakin na tutulungan kita kahit ano pang problema yan."
End of Flashback....
.
See? Konting lalake na lang ang willing tumulong sayo sa ganoong kalagayan. It really is a marvellous thing.
"Tigilan nyo na nga pang-aasar sakin! I just helped her, okay!?" Namumulang dipensa samin ni Angeloy at mas lalo namin di napigilan tumawa.
"Ayiiee!!" Pang-aasar parin namin sa kaibigan at mas lalong nalukot ang kanyang muka pero namumula at nahihiya parin. Pinagtitinginan na nga rin kami nang ibang kumakain sa paligid.
Napa-buntong hininga naman siya habang namumula ang muka. Oh. Is this the sign of...?
"Fine! Isipin nyo na gusto ninyong isipin. Can we just go and eat!?" Frustrated and blushing face, huh? First time ko ata makakita ng ganito.
And yep! It is the sign of losing! Sumuko na siya sa pang-aasar namin sa kanya!
"Oo nga pala. Kain muna tayo." Biglang naalala naman ni Zeid.
"May 30 minutes na lang pala tayo bago magumpisa ulit ang klase." Sambit naman ni Brine habang nakasilip ang sa kanyang wristwatch. Saglit lang iyon at tinaas na muli ang paningin.
"Ayan. Nag-sayang kayo ng oras dahil sakin." Naiiling na sabi ni Angeloy.
"Worth it naman! Bleeh!" At binelatan pa ni Kea si Angeloy.
"Worth it kasi totoong may chance na talagang maging sila!" Panggagatong muli ni Jhaycee. At nag-apir pa sila ni Keana at para nga talagang kinikilig pa kahit pinagti-tripan lang talaga si Angeloy.
"Tigil na! Kumain na nga kayo. Kain na tayo. Order na tayo mga pre." At mukang sumuko na talaga si Angeloy at inaya na si Zeid at Brine.
"Anong sayo, bebe ko?" Tanong ni Zeid kay Jhaycee using their cringey but cute pet names.
Napansin ko naman ang pagpula ng mag-kabilang pisngi ni Jhaycee. Probably dahil dun sa tinawag sa kanya ni Zeid. Mukang hanggang ngayon ay di parin siya nasasanay sa tawagan na iyon.
"Yung usual kong order or kung ano sayo, yun na lang din. Any of the two." Sagot naman ni Jhaycee at umiwas na ng tingin.
"Keana? Yung madalas mo bang inoorder o iba naman?" Tanong naman ni Brine sa girlfriend niyang si Keana na mukang nag-iisip ng oorderin na pagkain.
"Hmm. Sige iba naman. Let's eat carbonara? Di rin naman ako ganon kagutom. And! Coke please." Pagbanggit ni Keana ng pagkain na gusto niyang orderin.
"Sure then." -Brine.
"Sama na ko sa inyo umorder--" Di pa ako natatapos magsalita ay biglang sumabat si Angeloy.
"I'll order your food, missy. Kahit inasar nyo ko kanina, gentleman naman ako at baka masuntok din ako ni Rhobert kapag nalamang hinayaan ka namin pumila sa mahabang pila na yun sa counter." Sambit ni Angeloy at di ko nalang napigilan tumawa sa huli niyang sinabi that includes Rhobert.
"Takot ka?" Muli nanaman akong natawa. "Wag ka mag-alala dun haha. Pero thanks agad! Isang bento box lang and mineral water ay okay na. Bayaran ko nalang pagbalik mo." Pagbanggit ko naman ng gusto kong kainin ngayong araw.
Ngumiti nalang sakin si Angeloy at saka sinabing, "Roger ma'am."
"Tara na." Pangunguna ni Zeid sa kanilang tatlo at nag-umpisa na silang pumunta sa pila habang may pinag-uusapan na kung ano ano pa man iyon.
"Guys!"
Napalingon naman ako kay Jhaycee dahil sa pag-tawag niya sa atensyon namin. Ganun din naman kay Keana, napalingon siya kay Jhaycee dahil sa pag-tawag nito.
"Walang halong biro. Feeling ko malapit nang maging in a relationship si Jar at Angeloy! Omggg!" Excited na sambit ni Jhaycee.
"Yup. And that would be really nice. I mean, since grade 8 pa halata na may feelings sila sa isa't-isa! Deserve nila ang isa't-isa. " Pagsang-ayon naman ni Keana sa sinabi ni Jhaycee.
"Well..." Napalingon naman silang dalawa sakin dahil sa pagsasalita ko. "It's up to them kung gagawin na ba nilang into next level ang relationship nila ngayon. Dugtong ko.
"Angeloy is a good man. We all know that. Kahit una natin siyang nakilala na pasaway at rule breaker, he's a real gentleman and caring. Maeffort pa katulad kanina!" -Keana.
"Yas! Kung ibang lalake yun, pagtatawanan pa for sure si Jar dahil sa kahihiyan. Ang effort at gentleman lang talaga ni Angeloy." -Jhaycee.
My girl friends here are very supportive. I wonder kung naalala pa ni Jhaycee na may chance maunahan siya.
"Nako Jhaycee! Kabahan ka na! Mauunahan ka pa ata ni Jar na ngayon palang nagkaka-mabutihan na sila ni Angeloy. Samantalang kayo ni Zeid, 5 years nang meroong iba pero di parin nagiging officially in a relationship." Pang-aasar ko naman saking bestfriend.
Dahil naman sa sinabi ko ay nanlaki ang dalawang mata ni Jhaycee at natawa si Keana.
"Wha-- bakit napunta sakin ang usapan!?" Jhaycee exclaimed.
"Ay! Oo nga! Kabahan ka na Jhay!" Pang-aasar din ni Keana kay Jhaycee at mukang natamaan naman si Jhaycee.
"S-stop it! Si Jaraica pinag-uusapan natin diba!?" See? Effective ang pang-aasar namin.
Dahil sa reaksyon ng muka niya na nanlalaki ang dalawang mata at namumula ang pisngi ay napatawa kami ni Keana. Laughtrip naman kasi talaga ang reaksyon ng muka niya ngayon.
Maya-maya lang din naman ay dumating na ang boys at tinanong pa kami kung bakit tumatawa. Napalapit pa nga si Zeid kay Jhaycee at nag-aalala dahil sa itsura ng muka nito. Muka ding nahiya si Jhaycee kay Zeid. Siguro dahil sa pang-aasar namin na 5 years na may namamagitan sa kanila ni Zeid pero hanggang ngayon di parin official.
But the truth is, all I hope for my bestfriends is to be happy. Sana officially maging masaya at tanggap na sila Jhaycee at Zeid. Sana matuloy na ang matagal nang hinihintay ni Jaraica na pag-ibig nila ni Angeloy. Sana maging stable palagi ang relationship at maging happiness na talaga nila Keana at Brine ang isa't-isa.
And syempre to my Rhobert, I wish him all the best, the luck and I wish to continue spending more years with him with all my love and heart.
Natapos na kaming kumain at nag-hiwalay na. Oras na ng klase nila Angeloy, Brine at Keana. Ganun din naman kay Jhaycee. Kami ni Zeid naman ay buong hapon nang bakante at napag-desisyonan namin na sa library nalang muna maghintay. Pero mag-isa lang muna akong naglalakad patungong library ngayon dahil hinatid pa muna ni Zeid si Jhaycee sa klase nito.
Habang naglalakad ay busy akong nakatingin sa mga libro at papel na hawak ko. Related iyon sa reporting next week.
Hmm. Maayos naman yung topic na napunta sakin. It's actually quite interesting and catchy. Since sa library lang din naman kami tatambay ni Zeid ay uumpishan ko narin magresear--
"AWW!!!"
Sa isang biglaang pangyayare ay napaupo ako, nabitawan ko din ang mga hawak na gamit at kasalukuyang iniinda ang sakit ng pwet at ulo dahil sa untog na iyon. Napapikit rin ako sa sakit kaya di ko rin alam kung saan ako nauntog. Ang tanga ko naman at nakakahiya kung sakaling sa pader ako nauntog.
"Miss!? Are you okay?"
Dahil sa isang pamilyar na boses ay napadilat ako at ang unang bumungad sakin ang school uniform ng lalake at may suot na ID lace na para sa Computer Engineering course.
"Oh.. Mira, ikaw pala yan. Are you okay?" Mas naging worried ang pamilyar na boses.
Mas lalong napa-angat ang paningin ko at naniniwala na ako sa sarili ko dahil tama nga ang hula ko sa kung sino ang may pamilyar na boses.
It's the first ever guy that I became closed other than my cousin and brother.
It's the first guy that is not a family related who make me feels that everything will be okay together with a former friend.
He's the first ever... guy who make my heart beats fast because of love.
And he's also the guy, the first ever guy who broke my heart. The first guy who caused my heartache. The first guy who makes me cry because of love.
"C-cyrus? C-yrus Espinoza? What are you doing h-here?"
--------------------
Votes and comments everyone! Thank you!
P.s. Happy birthday to our main character, Mira Aguinaldo (December 12) and to me (December 11)!
Multimedia Side: Mira Aguinaldo
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top