Chapter 1 - Graduation Day

.

Mira's POV

Huminga muna ako ng malalim habang naka-harap sa salamin kung san kita buong katawan ko.

Suot ko ang puting toga at ang panloob ko ay yung school uniform namin.

Ayos na ayos ako ngayon. May make-up na ako. May naka-sabit pang bulaklak sa may bandang kanan ng dibdib ko.

Ayos na ayos ako pero di mawala wala sa katawan ko ang kaba at syempre, excitement.

Nagulat ako nung may kumatok sa pintuan ng kwarto at bumukas bigla ito. Biglang lumitaw ang muka ni daddy na naka-ngiti. Ramdam na ramdam ko ang good aura nya. Ofcourse he will be happy today.

"Ready, my daughter?" Ngiting-ngiti nyang tanong.

Kahit di ako sure kung ready ako ay ay ngumiti ako pabalik saka tumango.

"Then let's go. Baka malate ka. Girl number 1 ka because of our surname."

"Ahm. Saglit na lang po, please?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Kinakabahan talaga kasi ako ngayon eh!

"Okay if that's what you want. I'll give you 5 minutes. After an hour mag-uumpisa na ang graduation ceremony nyo." Sabi ni daddy saka lumabas.

Oh yes. Today is our graduation day. Akalain mo yun? Nalampasan namin yung 5 years na pag-hihirap namin sa high school?

Pero ayos lang. Worth it naman lahat. Worth it lahat ng pagdudugo ng utak namin. Worth it lahat ng parusa samin ng teacher namin. Worth it lahat ng paglilinis namin sa room namin. Worth it lahat ng matinding pagre-review para sa mahihirap na exam. Worth it. Super duper worth it.

Kahit papaano na-enjoy ko ang high school. No. Enjoy is an understatement. Super duper enjoy ang high school ko!

Kalokohan kami everywhere! Syempre, ang kukulit nila Keana, Jaraica, Angeloy at Brine eh.

Idamay pa natin si Jhaycee na nangunguna sa kalokohan. Kababaeng tao eh ang daming kalokohang alam gawin. Nahawa siguro kina Brine. Tsk tsk.

Tapos eto namang si Zeid Crisostomo! Nako! Di na nauubusan ng corny jokes sa katawan! And for you to be updated! Stay strong sya sa panliligaw kay Jhaycee. 5 years na syang nanliligaw para makuha ang matamis na 'oo' ni Jhaycee. Oh diba? Tyaga mag-hintay.

Nagulat na naman ako ng may kumatok sa pinto but this time, mas malakas kaya alam kong hindi yun si dad, or lolita at lalong hindi si ate Alice.

"Hoy Mira! Dalian mo! Pag ikaw nalate pag-tatawanan kita hanggang mamaya wahahahaha!" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong kupal masyado at ubod ng yabang.

Naka-fitted pants sya tapos polo at yung sleeves ay naka-tiklop hanggang braso nya. At aba naka-swiss watch pa ang loko! Damayan mo pa ng sunglasses na nakasabit sa damit nya. Maporma kuya nyo!

Well, dati pa naman sya maporma dahil playboy. Gusto mag-papansin sa mga magagandang babae! Pero in the end, nag-seryoso rin sya sa isang napaka-gandang guro ng Willstone Academy. The most beautiful and also, youngest teacher in Willstone. Ma'am Fatima Santos.

Kung dati ay 'dating' palang ang status nila eh last 2 years ay naging officially in a relationship sila sa after party ng graduation mismo ni kuya nung college sya.

And yes! May trabaho na si kuya dahil graduate na rin naman sya ng college sa course nyang business administration na magiging course ko din in my freshman year.

Sa kumpanya din naman nila dad sya nag-tatrabaho. Di sya pinayagan ni lolita sa ibang company eh.

"Hoy! Natulala ka naman sa kagwapuhan ng kapatid mo?"

"Kapal! Mas gwapo sayo boyfriend ko! Tara na nga." Sabi ko sabay kuha ng bag ko.

Pagkababa ko ng second floor ay bumungad sakin si lolita na sobrang lapad ng ngiti.

"Hija! I'm so proud of you." Sabi ni lolita sabay yakap sakin.

"Thank you po."

"You are really making yourself shining. I'm so happy and proud that you are the diamond of Aguinaldo's." I can't hide my smile from what lolita says.

Sana lang nandito din si mommy sa tabi namin pero alam kong nakikita nya kami mula sa taas at masayang masaya sya para samin. I know that and I'm very sure of it.

"Well well! We better get going. Mama, maiwan ka muna dito?" Sabi ni dad.

"Oo. Tulungan ko sila mag-handa for the big feast for my beautiful granddaughter."

Ehem. Wag nang pa-humble Mira. Maganda ka talaga like what lolita says.

Sumakay na kami sa kotse at nag-kukulitan kami sa loob dahil kasama namin si ate Alice na katabi ko dito sa likod at si kuya na nasa front seat.

Nag-kukulitan lang kami ng mag-vibrate ng malakas ang phone ko kahit nasa loob ng bag eh ramdam na ramdam ko yun.

Kinuha ko phone ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman kung kanino galing yun.

"Hay nako! Namumula ang prinsesa ng mga Aguinaldo oh! Ayiiee!" At sinundot-sundot pa ni ate Alice ang tagiliran ko.

"U-uy hindi ah!" Bakit parang uminit?

"Hindi daw! Naku! Wag ka na mag-deny Mira!"

"Probably her boyfriend. Pero mas gwapo pa rin talaga ako." Sabi ni kuya sabay tawa ng malakas.

Kapal ng muka. Kala mo naman napaka-gwapo nya.

Binasa ko yung text nya at halos mabilaukan ako sa nabasa ko.

I can't breathe! Oh my ghad!

From: Baby Loves <3
Baby, I miss your shiny hair, your cute nose, your expressive eyes, your soft hands, your beautiful voice, your presence. Everything about you. I miss them all. I'm waiting for you near the auditorium. Please come baby loves.

Di ko pa tapos basahin ay naka-recieve na naman ako message from him.

From: Baby Loves <3
Also, I love you.

Omg. Sheteng malupet!

"Alam mo Mira, mas mabuting itili mo na yan kesa kimkimin." Napatingin ako kay ate Alice sa sinabi staka sya kumindat sakin.

I guess she's right. Okay fine. 1...2...3...go--

"KYAAAAAA OMG KINIKILIG AKOOOOO!!!!" Tili ko to the highest level.

"What the fvck!!?"

"Pft. Haha! Itili mo lang yan Mira! Go!"

"WAAAAH!!! I CAN'T STOP THIS KILIG BUTTERFLIES OVER MY TUMMY!!!"

"Wag ka nga sumigaw Mira! Ang sakit sa tenga! Sisipain kita palabas ng kotse ko pag di ka nag-tigil!''

"Whatever. Dalian mo na nga lang! May imimeet pa ako sa auditorium." Kahit naiinis ako kay kuya eh di ko mapigilan ang ngiti ko pag naalala yung text nya.

"Sino? Si Rhob?''

"Halata naman Mister. Dami mong tanong! Dalian mo na lang!" Sigaw ni ate Alice kay kuya.

I'm so thankful na wala ng feelings si ate Alice kay kuya at nakapag-move on na sya. Thanks to my brother's bestfriend, kuya Nico. Isa pa yun. Di ko akalain na magse-seryoso din yun sa babae. Playboy din yun eh. Mana kay kuya, haha! Pero nag-seryoso sya kay ate Alice kaya ayun. Sinangayunan ko na lang din relationship nila.

Nakarating na kami ng school. Pahirapan pa ang pagpa-park dahil madaming aattend na kamag-anak or kaibigan ng ibang students sa graduation.

Pagka-park ni kuya ng maayos ay agad na akong lumabas ng kotse para tumakbo sa auditorium.

"Keep calm Mira! He can wait!'' Sabi ni kuya dahil nakita nya pagpapanick ko.

"Mira! 10 minutes only. Okay? After few minutes the ceremony will start." Sabi naman ni ma'am Fatz na nasa tabi lang ng kotse namin. Dito din pala sila nag-park sa tabi namin. Lumapit naman agad sya kay kuya at si kuya naman ay pinulupot ang braso sa bewang ni ma'am.

Snake moves. Whatever.

Tumakbo na ako papuntang auditorium at nilibot ko mata ko para hanapin sya. Walang tao dito. Malamang nandun sila sa graduation hall. Dun ang venue eh.

"Rhob?" Tawag ko sa kanya sabay tingin sa paligid. Pero di ko sya makita!

"Baby loves?"

"I'm here..." Parang tumaas ata lahat ng balahibo ko nung maramdaman ko hininga nya sa tenga ko. Hinarap ko agad sya at nakita ko syang naka-ngiti at naka-suot din sya ng white toga kagaya ko. Ang gwapo talaga nya.

"Miss me baby?'' Naka-ngisi nyang tanong.

"Ofcourse! Tinatanong pa ba yan?" I said laughingly then hug him tight.

Alam kong kakakita pa lang namin kahapon dahil nag-date kami pero namiss ko agad sya eh! Bakit ba?

He hug me back. This is the moment I want. Yung kaming dalawa lang habang yakap at kapiling ang isa't isa.

"Ang clingy mo talagang girlfriend." Sabi ni Rhob na natatawa after namin bumitaw sa yakapan.

Aba! Di ako clingy! Namiss ko lang talaga sya.

Hinampas ko nga sya sa braso nya. "Aww!" Daing nya.

"Grabe ka! Di ako clingy! Tsk."

"Haha! Aminin mo na. Okay lang naman maging clingy basta sakin lang." Sabi nya sabay kindat. Please stop winking. It made my heart fall for you many times!

"O-oo na..." Namumula ako for sure. Pishti ka Rhobert Castro! What are you doing to me!?

"Baby loves, stuttering eh?" Ohmyghad!! Di na talaga ako maka-tingin sa kanya.

"H-hindi ah! Tara na nga. Male-late pa tayo." Sabi ko saka sya hinila papuntang graduation hall. Di talaga ako maka-tingin sa kanya eh.

Pagka-dating namin sa hall ay nakita kong abala lahat. Mag-uumpisa na daw eh. Kaya kailangan na pumunta sa pila ng section nila.

12-2. Yun ang section namin ngayon.

And as usual, magkakaklase ulit kami nila Jhaycee, Jaraica, Keana, Zeid, Brine, Angeloy and my Baby Loves ofcourse.

Ang naiba lang samin ay si Jan Aubrey Isidro na nasa 12-1.

Maniniwala ba kayong 5 years kaming di ginagambala ni Jana? Na parang sumuko na sya sa laban?

Pero mas ayos na yun. Sa totoo lang ayaw ko naman na mag-away kami. Naging kaibigan ko din sya pero nawala lang dahil lang sa isang lalake.

"Tulala ka dyan, Mira? Smile naman sa camera!'' Nagulat ako nang may nag-flash ng camera sa harap ko. Ang sakit sa mata!

"Ano ba ate Alice!!'' Tumawa si ate Alice sa reaction ko. Sya yung nag-picture sakin.

"Maganda ka naman dito eh. Kaya relax lang." Natatawa nyang sabi kaya inirapan ko lang sya habang may ngiti sa labi ko.

Holding hands kami ni Rhob habang tinitignan ang lahat. Yung iba nagse-selfie. Yung iba nakikipag-usap sa kapwa estudyante na nakasuot ng toga. At ramdam na ramdam ko ang excitement ng lahat!

"Mira!" Nagulat ako ng bumungad sa harap ko sina Jaraica, Keana, Brine, Angeloy, Zeid at Jhaycee. Lahat sila malaki ang ngiti sakin.

"Hello!" Bati ko sa kanilang lahat na may malaki ding ngiti. Lahat kasi kami masaya dahil ngayon namin natapos ang high school life.

"Goodluck nga pala sa speech mo mamaya, Miss Valedictorian." Saka pa nag-wink sakin si Zeid habang sinasabi yun.

Yup. Tama kayo ng basa. Ako ang Valedictorian for this year's batch. Kaya nga ako kinakabahan na excited. Ngayon alam nyo na rason ko?

"Thanks Zeid! Bawi nalang tayong lahat sa college."

"Aasahan na namin libre mo mamaya ah?" Sabi ni Angeloy kaya binatukan sya ni Jaraica. Close din tong dalawa na toh eh. Di ko tuloy alam kung friendship pa ba namamagitan sa kanila or higit pa dun.

"Manahimik ka nga! Kakain mo lang tapos libre agad hanap mo? Hay nako!" Panunupalpal ni Jar kay Angeloy. Hay! Bahala na nga sila.

"Bh3! I'm so proud of you! Ikaw ang Valedictorian! Sayang lang at di umabot grade ko. Nataasan parin ako ni Jana kaya sya ang Salutatorian ng batch natin." Sabi sakin ng best of all bestfriends na si Jhaycee. Di naman halatang bitter sya noh?

Dati pa naman nagpapa-galingan na kami ni Jana kaso ako nanalo ngayon. Ewan ko nalang kung sa college eh kalabanin pa nya ako. Di naman sa gusto ko makipag-kumpitensya. She's eager to compete with me. Ayaw ko rin naman mag-patalo so here I am. The winner who will give a heartwarming speech for everyone later.

"Hayaan mo na yun. Atleast you try your best. Right?" Sabi ko na nagpangiti sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Aylabyu na talagaaa! The best ka talaga pagdating sa pagpapagaan ng loob ng iba eh." Grabe tong si Jhaycee. Balak pa ata mag-drama.

"Hephep! Tama na yan!" Nagulat naman ako nung pinaghiwalay kami ni Rhob sa pagyayakapan. "Nagseselos na ako ah! Pwede mo syang yakapin kaso 1 minute per day lang. Ako 24 hours!" Nagtawanan kaming lahat sa pinagsasabi ng boyfriend ko. Taray nito magselos. Sa bestfriend ko pa talaga ha? Sa bestfriend kong BABAE pa! Di naman ako lesbian saka loyal ako sa kanya noh!

"Ayan. May nagselos tuloy. Ako na lang yakapin mo bebe ko--aww! Aray!" -Zeid.

"Ikaw Crisostomo ha! Tigilan mo ko kung ayaw mong ma-busted!" -Jhaycee.

"Joke lang naman yun bebe ko. Wag na ka magalit. Wag mo na ko bustedin please!" At ayan na nga po. Umandar nanaman love scene nila Zeid at Jhaycee.

"Everybody please proceed to your line. The ceremony is about to start. Thank you!" Narinig naming sabi kaya nag-takbuhan kami sa pila ng section namin.

Maya maya nga lang ay nagumpisa na. As usual, yung umpisa isa isa kaming tatawagin, alphabetically arrange para pumunta sa stage at mag-bow sa lahat ng tao.

Mabilis lang nangyare at umabot na sa bigayan ng mga parangal. Una munang tinawag yung mga honors. Huli daw ako since ako pinaka-mataas rank sa kanila.

"Miss Jan Aubrey Isidro, our Salutatorian." At nagpalakpakan naman kaming lahat. Narinig kong tumawa si Jaraica na katabi ko lang. Sya yung G2 ng batch eh.

"Hula ko nasa bitter mode nanaman si Jhay." At tawa nga sya ng tawa. Well tama sya for sure.

Nakita kong naka-ngiti si Jana habang sinasabit sa kanya nung mommy nya yung medals nya dahil isa syang Salutatorian. Sa tingin ko deserve nya naman toh. Matalino din naman sya. And tumigil na rin sya kaya masasabi ko talagang deserve nya toh.

Napatingin sya banda sakin kaya nawala yung ngiti nya. Hay. Kelan ba mawawala galit nya sakin? Oo nga at tinigilan na nya kami pero halata namang galit parin sya sakin.

"And for today's batch Valedictorian! Miss Mira Aguinaldo!" Ay ako na pala. Di ko man lang napapansin.

Malaki ang ngiti ko habang umaakyat ang stage. Aba. Sino ba naman hindi masaya ngayon diba?

Nagbunga rin naman lahat ng pinagdaanan ko ngayong high school. Nung grade 7 pa nga lang ako ang ganda na ng pambungad. Nakilala ko ang lalake na mamahalin ko pala ng buong buo.

Pagkadating ko sa stage ay todo congrats sakin yung mga teachers na nandun saka principal na nanay ng boyfriend ko at ang President ng school nandun din.

Nandito na rin si daddy na parang naiiyak habang sinasabit sakin ang mga parangal ko. Sana talaga nandito din si mommy. Pero alam kong masaya sya para sakin.

"Congrats anak. You deserve all of this." Malaki ang ngiti ni daddy sakin habang sinasabi ito.

"Thank you daddy sa suporta at pagmamahal! I love you po." Sagot ko sa kanya at nagyakapan kami. Oh how I really wish that my mom is here.

"And now we are presenting the most awaited graduation speech from our today's batch Valedictorian!" Bigla naman kumabog dibdib ko sa announcement ng host ng event na ito.

"Ehem. Good day, ladies and gentlemen. Alam kong masaya tayong lahat ngayong araw na toh. Sino ba naman hindi sasaya eh sa wakas! After 6 years ay makaka-graduate na tayo ng high school."

"Masasabi kong masaya ang high school life ko. I've just met my true friends and my loveable boyfriend through the years."

"Hindi ka high school student kung di mo naranasan ang makagalitan ng teachers, kung di mo naranasan malate ng bongga. Di ka rin high school student kung di mo naranasanan makisabay sa kalokohan ng mga kaklase mo, kung di mo rin naranasanan na hindi gumawa ng assignment at mag-dahilan ng walang kwenta."

"Kung di mo naranasan ang lahat ng ups and downs ng high school life then you didn't experience high school. Para ka lang normal na tao na trip lang pumasok sa eskwelahan na ito. Hindi ka estudyante ng Willstone Academy kung di mo naranasan lahat ng yun. Well kahit na isa ako sa mga tinuturing na role model ng school, I am proud to say that I experienced all of it and I am a real student of Willstone Academy. Goodluck sa college, remember na ito na ang huling level at maa-achieve na natin ng tuluyan mga pangarap natin! God bless us all." At binitawan ko na ang microphone na may malaking ngiti sa labi at narinig ko naman hiyawan at palakpakan nilang lahat.

Mabilis na natapos ang graduation ceremony at naglapitan na mga ibang estudyante sa kaklase at kaibigan nila para i-congratulate ang isa't isa. Agad naman akong lumapit sa barkada ko. Nakita ko din naman sina kuya at daddy na busy kausap yung president ng school.

"Guys!" Excited kong sabi sa kanila.

"Omg! Congratulations Miraaaa!" Sinalubong ako ng yakap nila Jhaycee, Jar at Kea.

"Congratulations din sa inyo!" Yinakap ko din naman sila pabalik.

"Ehem. Naghihintay din ng yakap ang boyfriend." Napatingin naman kami sa boys nung magparinig si Brine.

"Ehem, ehem. Malapit na magkaroon ng bad aura ang boyfriend." Pagpaparinig naman ni Angeloy.

"Ehem, ehem, ehe--" -Zeid.

"Ehem?" Tinaasan ni Jhaycee ng kilay si Zeid na napangiti nalang ng alanganin. Pfft.

"Ehe-hehehe wala na pala akong sasabihin." Nasabi nalang ni Zeid habang nakatingin parin sa kanya ng masama si Jhaycee.

Napatingin naman ako sa boyfriend ko na seryoso lang muka kaya natawa ako. Gets ko naman sinabi ng boys na related sa boyfriend. Ako lang naman kasi may boyfriend sa barkada.

Nilapitan ko si Rhob kaya napansin ko pagpipigil nya ng ngiti at pinanatili ang serious face. Na-uh. You can't hide your smile to me, baby loves.

"Nagtatampo ka ba dahil sila niyakap ko tapos ikaw hindi?" Naka-ngiti kong tanong. Naka-tingin lang sya sakin ng seryoso.

Seryoso pa ha? Hm!

"Yown! Wala nang bad aura si boyfriend!" -Angeloy.

"Naks. Oy dahil samin kaya ka niyakap nyan. Nagparinig kami! Libre ah?" -Brine.

"Sa susunod kami naman ni Jhaycee magyayakapan-- joke." -Zeid.

"Tsk. Subukan mo lang ituloy sasabihin mo, babatukan talaga kita." -Jhaycee.

"May forever na ba talaga?" -Keana.

"Oo! Ayan oh, si Mira at Rhob. Yiiee!" -Jaraica.

Pinuno kami ng kantyaw ng buong barkada nung niyakap ko si Rhobert. Naramdaman kong nagulat sya pero niyakap rin naman nya ako pabalik. Wag ka na magtampo baby loves huh? Sayong sayo lang naman ang warm hugs and full of love kisses ko.

"Shut up guys." Sabi ni Rhobert sa kanila habang di parin bumibitaw sa yakap. Hinding hindi ako magsasawa sa yakapan na ito. I will love it 'till my death.

"Ayiiee!" Sigaw nilang lahat kaya tinakpan na ni Rhob tenga ko habang yakap ako.

"Don't mind them." Bulong saking tenga ni Rhob. Naramdaman ko tuloy ang lamig ng hininga nya na dahilan ng pagkakiliti ko saglit.

"Excuse me? Everyone kanina pa naghihintay ang pamilya nyo." Napatingala ako kaya nakita ko si kuya Marky na nagsalita nun. He's smirking at me! Halatang mang-aasar sya.

"Later? I can see mom going here." Tumango nalang ako kay Rhob at bumitaw na sa yakap.

Nagsikanya-kanya naman kaming lumapit sa pamilya namin. Malaki naman ang ngiti na sinalubong ako ni daddy. Ganun din si ate Alice.

"Congratulations my dear Mira!" At niyakap naman ako ni daddy kaya niyakap ko narin sya pabalik.

"Thank you po daddy!" Masayang sabi ko. Bumitaw na kami sa yakapan at napatingin ako sa tabi ni daddy na si ate Alice.

"Can I hug you too?" Nakangiti nyang tanong sakin. Ningitian ko rin sya at sinalubong agad sya ng yakap.

"Congratulations Miraaa! Akalain mong worth it lahat ng niluluto ko sa iyo para sa breakfast at pati narin yung pagiging human alarm clock ko sayo." Bumitaw na kami sa yakapan pero malaki parin ang ngiti sa isa't-isa.

"Thank you sa lahat ng effort, ate Alice." Taos-puso kong pasasalamat kay ate Alice. She didn't answer me nang biglang magtanong si daddy samin.

"Nasaan ba si Marky? I want a group picture of us."

"Si Marky po? Ayun oh." Sagot naman ni ate Alice sabay turo sa kanang side, napatingin naman kami at dun nakita si kuya at ma'am Fats na nagkukulitan.

"Di ka nagseselos, ate Alice?" Pabulong kong tanong kay ate Alice na katabi ko habang pinapanood ang kapatid ko at si ma'am Fatz na sobrang clingy sa isa't-isa. Take note, full of pang-aasar na boses ko iyon binulong kay ate Alice.

Natawa naman sya. "I don't need to be jealous. Magseselos ako kung si Nico at ibang babae yung clingy sa isa't-isa. At baka masapak ko si Nico at ang ibang babaeng makaka-landian nya pag ganon na clingy sya."

She really change. And masaya ako sa pagbabago na iyon. Hindi na nya kailangan magtiis sa sakit na nararamdaman para kay kuya. She deserve this happiness, she deserve kuya Nico. The same thing goes to ma'am Fatz, she deserve kuya.

Maya-maya lang lumapit na sila kuya and we take group pictures, family pictures, barkada pictures and ofcourse, picture na kaming dalawa lang ni Rhob.

"Oh! Eto na! Ready na ba?"

"Ready!" -Rhob.

"1...2...3... smile!" Sigaw ni ate Alice at ngumiti naman kami pareho ni Rhob sa camera habang naka-akbay sya sakin.

Masaya ang lahat. Tanggap ako ng pamilya ni Rhobert, at ganun din naman ang pamilya ko kay Rhob. Masaya ang barkada. Masaya sina kuya. Masaya sina ate Alice. Lahat kami ay kasiyahan ang nadarama. And I seriously didn't want this happiness to end.

--------------------

End of Chapter 1. Hope you vote and comment :)

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top