Prologue
Matagal na panahon ko na rin talagang planong bumalik sa Pilipinas upang mag-aral at ngayong nakasakay na ako ng eroplano ay labis ang tuwa ang nararamdaman ko.
“Finally!” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng eroplano. Nakaupo ako malapit sa bintana samantalang si Kuya Riki naman ay nasa aking tabi, mahimbing na natutulog habang suot ang kaniyang malaking headphone. Nakikita ko sa ibaba ang mga kabahayan na pinaliligiran ng anyong lupa at tubig at lalo iyong nagpa-excite sa akin dahil sa wakas ay narito na ako sa Pilipinas.
Si Tito Bang kasi, ayaw pa akong payagang umuwi. Baka raw makipagbasag-ulo na naman ako sa mga kaklase kong puro harot lang ang alam.
Well, masyado akong naiirita sa mga babaeng ganoon. Yung puro make up na lang para magpaganda sa room tapos iyong mga pulbo pa nilang halos pumasok na sa baga ko dahil sa sobra nilang pagpagpag sa kamay bago ilagay sa mukha. Sa sobra kong pagka-irita noon ay binato ko siya ng eraser ng blackboard na puno ng chalk kayaʼt napa-guidance ako nang mga araw na iyon. Kaya naman, napagdesisyunan ni Tito Bang na dalhin ako sa America upang ilayo ako sa kanila.
Nang makababa kami ni kuya Riki ay diretso lang siya sa paglalakad patungo sa labas ng airport samantalang ako naman ay halos madapa upang maabutan siya.
Bwisit naman ʼtong lalaking ʼto! Ang hirap kayang hilahin ng kaniyang maleta tapos may maleta rin akong akin. Sumbong ko talaga siya kay Tito Bang kapag nakauwi kami sa bahay.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay may naghihintay nang isang pulang kotse. “Dalian mo na riyan at baka ma-late ako sa pupuntahan ko,” maangas na wika ni kuya Riki habang suot ang kaniyang itim na salamin sa mata at ang kaniyang headphone ay nakasampay naman sa kaniyang batok.
As usual, maybe he called one of the drivers before we travel back to the Philippines and made them commute to go back to the house.
“Kung tinutulungan mo kaya akong ilagay sa trunk ang gamit mo! Eh ʼdi sana mapapadali ang buhay mo, senioro!” sarkastikong wika ko sa kaniya habang inis na inis na inilalagay sa compartment ng kotse ang pareho naming maleta.
Bago ko pa man mailagay ang aking maleta sa compartment ay pinaharurot na ni Kuya Riki ang kotse niya.
“H-hoy! Kuya Riki!” malakas na sigaw ko habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng kaniyang pulang kotseng walang bubong.
Putangina! Bwisit! Isusumbong ko talaga siya kay Tito Bang pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Hindi pa naman kasi ako nakakabili ng sim card kasi ibang network provider ang sim ng phone ko ngayon. Wala rin akong dalang pera kung sakali upang ipambili ng bagong sim. Paano na ako makakarating sa bahay?!
Tinadyakan ko ang malapit na basurahan saka sinampal-sampal iyon. Halos masira na rin iyon ngunit nang mapansin ko na nakatingin sa akin ang mga taong naglalakad-lakad malapit sa aking tayo ay mabilis kong itinayo ang basurahang walang laman.
“Si Kuya Riki naman kasi eh!” nakabusangot ang mukhang wika ko sa aking sarili habang nagdadabog sa may tabi ng kalsada, sa labas din mismo ng airport kung saan ako iniwan ni Kuya Riki. Sino ba naman kasing tatagpuin ng mokong na iyon para mas piliin niya kaysa sa akin?
Argh! Nanggigigil na ako dahil sa galit at baka mamaya, kung sino na ang mahablot ko at hampas-hampasin. Kapag hindi talaga ako nakapagtimpi!
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa likod ng aking bulsa upang tingnan ang oras. Mag-aalauna na pala ng hapon habang ako ay narito pa rin sa labas ng airport, naghihintay na baka bumalik si Kuya Riki para sunduin ako.
Isang pamilyar na tunog ang aking narinig mula sa kalsada kayaʼt mabilis na napatingin ako roon. “Akala mo maiisahan mo ako ngayon,” bulong ko sa aking sarili saka hinagis ang aking maleta sa loob ng pulang sasakyang umaandar. Mabilis na tumakbo ako upang tumalon sa loob at walang kahirap-hirap akong napasakay sa loob ng kotseng walang bubong.
“Anong akala mo sa akin, Kuya Riki? Hinding-hindi ako magpapaiwan sa airport no! At saka isa pa, bakit ba ang hilig hilig mong mang-iwan? Isusumbong talaga kita sa daddy mo mamaya kapag nakauwi na tayo!”
Naisara ko nang mahigpit ang aking mga mata at napahawak nang mahigpit sa aking kinauupuan nang agarang tumigil ang kotse. Hinintay ko na lumapat ang aking noo mula sa head dress ng upuan sa unahan gayong nasa likod ako ng kotse umupo.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at kaagad ding rumehistro sa aking dibdib ang kaba gayong halos mamatay ako nang dahil sa gulat.
Agad na itinunghay ko ang aking ulo saka sumigaw, “Papatayin mo ba...” Kaagad na napahina ako ng aking boses nang nakatingin sa akin nang masama ang lalaki na nasa unahan.
“GET. OUT. OF. MY. CAR... NOW!” Mabilis na kinuha ko ang maleta ko na nasa aking kaliwa saka lumabas ng kotse.
Puto! Napahawak ako lalo sa aking dibdib nang mapagtantong hindi pala siya si Kuya Riki. Punyemas naman, Amalea! Ano bang pumasok sa kukote mo para tumalon sa kotse ng ibang tao?! Halos maalog ko na ang utak ko sa kakapukpok sa ulo dahil sa kahihiyang ginawa ko.
“S-sorry!” Pilit ko siyang nginitian nang sabihin ko iyon ngunit seryoso lang ang kaniyang mukha bago muling pinaandar ang kotse.
“Bwisit!” sigaw ko sa gitna ng kalsadang walang halos dumadaan na sasakyan. “Unang araw ko pa lang sa Pilipinas. Mainit na nga ang panahon, mainit pa ang dugo ko! Bwisit kayong lahat!”
Napabuga na lang ako ng hangin sa sobrang inis. Gusto kong manapak ng tao, kahit gawin ko lang munang punching bag ngayong araw para mawala ang galit ko.
Tumawid ako sa kalsada para magtungo sa tabing kalsada, hila-hila ang maleta ko. Nang makarating ako sa maliit na poste ng ilaw ay naupo ako saka sumandal doon.
Malayo-layo rin naman ang itinakbo ng kotse ni kuyang walang puso kanina kayaʼt hindi ko alam kung saang lupalop ako ng Pilipinas matatagpuan. Wala rin namang naghahanap sa akin kaya siguro, matutulog na lang ako rito sa malamig na sahig ng tabing kalsada. Akala ko pa naman magiging maganda ang unang araw ko sa Pilipinas, mukhang taliwas talaga ang pahiwatig ng aking pagkagalak na makatungtong muli rito sa Pilipinas.
Isang marahang kulbit mula sa aking balikat ang naramdaman ko kayaʼt agad na napalingon ako upang tingnan kung sino iyon.
“H-hi! C-can I ask something?” nakangiting saad niya kayaʼt tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Maamo ang kaniyang mukha kayaʼt hindi ko lubusang maipaliwanag kung bakit biglang gumaan ang aking pakiramdam. “D-do you know where is this place?”
Ipinakita niya sa akin ang isang maliit na litrato ngunit hindi naman ako pamilyar sa kaniyang ipinapakita sa akin gayong ngayon lang ako muling bumalik ng Pilipinas at wala akong ideya kung saanng lugar matatagpuan ang nasa litrato. “Oh! I am sorry. I am no of help. I am also not familiar with this place since I just arrived here in this country,” I said, showing him my baggage beside me. “Anyway, where are you from, then?”
Hindi ko inaasahan na makikiupo siya sa tabi ko kayaʼt marahan akong umayos nang upo. “America,” simple nitong sagot na nagpalaki ng aking mata.
“Oh! Thatʼs good! I was from there, too,” I simply added. Basa ko sa kaniyang reaksyon ang pagkagalak gayong parang nabuhayan siya ng loob nang sabihin ko iyon mula sa kaniyang simpleng pagngiti.
“Where in America?” he asked, diverting the topic to where I live.
“Just somewhere, far far away,” I told him which makes him nod as a reply.
Isang lalaki na naglalakad sa aming harap ang nahagip ng aking mata kayaʼt mabilis akong tumayo upang kausapin siya.
“M-Manong!” tawag ko sa lalaking sa tingin ko ay nasa 40s o 50s na siya. Lumingon din naman siya kaagad. Bakas sa lalaki ang kulubot sa kaniyang noo at magkabilang tabi ng kaniyang mga mata. “A-alam niyo po ba kung saan ito matatagpuan?” Lumapit ako kay manong saka ipinakita ang litratong ipinakita sa akin ni kuyang hindi ko pa kilalang taga-America raw.
“Ahh, hija, doon lang ito sa Big Hit St.” Itinuro ni manong mula sa kaniyang likuran kung saan iyon matatagpuan at naniningkit mata ko namang tiningnan kung saan siya nakaturo. “Puwede kang sumakay na lang sa tricycle at magpahatid, hija,” dagdag ni manong habang nakangiti saka umayos nang tayo.
“Ah, ganoon po ba? Maraming salamat po,” saad ko habang nakangiti. Tumalikod din naman kaagad si manong saka naglakad patungo sa kaniyang pupuntahan.
Nang inilingos ko ang aking ulo pabalik kay kuya ay agad na nanlaki ang aking mata nang nasa harap ko na pala siya. He pulled me closer to him, pressing my head against his chest. I can feel his hand covering the back of my head as some small debris fall above us.
Parang naging mabagal ang oras nang kulungin niya ako mula sa kaniyang mga braso habang halos marindi ako sa pagsalpok at matinding pagpreno ng parehong sasakyan na nahagip kanina ng aking mata bago ako hilahin ni kuya.
Nang tumigil ang nakakatakot at nakaririnding tunog ay mabilis din siyang kumalas mula sa kaniyang pagyakap sa akin.
“Are you okay?” he asked me, worried. He even checked my body if something pierces my skin but to no avail, he didnʼt see anything.
Hindi ako makapagsalita sa bilis ng pangyayaring iyon. Did I just witness a car crash right before my eyes?
“Are you alright?” he asked again kayaʼt bumalik ang aking ulirat sa kaniyang naging tanong.
“Y-yes, I-Iʼm okay,” I told him, trembling and stuttering. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ng aking mga mata. Ganito ba talaga ang dadatnan ko sa aking pagbalik sa Pilipinas? “A-anyway, t-thank you,” I said, giving him a slight smile.
“Thatʼt pretty close to us,” he said. “Mabuti na lang at malayo-layo sa ating kinatatayuan ang pagbangga ng dalawang sasakyan.”
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tama siya. Kung nagkataong malapit sa amin ang pagsalpok ng dalawang sasakyang iyon, siguradong sugatan kami kapag nagkataon.
Pero teka, nagtatagalog siya?
“Nagtatagalog ka?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya na napakamot naman siya sa likod ng kaniyang ulo.
“O-oo?” sagot niya habang napapakunot ang noo.
“Nevermind. Anyway, my name is Amalea Kim, and you are?” I gave him my right hand and he somewhat hesitates to shake my hands.
Before I retrieve my hands from waiting, he spoke. “I am Jay. Jay Park,” simple nitong tugon saka nakikapagkamay sa akin.
“Oh! Nice and tricky name but thank you for saving me,” I nod at him and then give back the almost-crumpled picture of the school he maybe will attend to. “Puwede ka raw sumakay sa tricycle at magpahatid na lang sabi ni manong kanina,” dagdag ko na ikinatango niya lang.
Kaagad na nagtungo ako sa aking maleta saka hinila iyon. “S-saan ka pupunta?” kibit balikat na tanong niya sa akin kayaʼt agad na tumigil ako sa aking paglalakad saka hinarap siya.
“Chasing my semi-trauma,” maikling tugon ko sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo. “A car crash almost took my life a while ago, us, and now, I am chasing for it to buy some time. By the way, see you around then.” Tumalikod naman ako nang wala na akong narinig na kung ano mula sa kaniya.
Ako naman ay diretso lang sa paglalakad patungo sa kung saan nangyari ang aksidente. Halos punuin ng mga kotse ang kalsada dahil sa nakaharang sa daan habang ang parehong kotse ay halos hindi na makilala gayong parehong nalapirot ang bumper at likod ng sasakyan. May mga tao ring nakiusyoso roon at maging ako ay makikiusyoso na rin.
I hope, people inside the two cars are just wounded and no one died from that incident.
Itutuloy...
Authorʼs Note:
Hi! This is my first time to create a fanfiction story and sorry na kaagad kung hindi niyo gusto ang story na ito. Maaari naman kayong magbasa ng ibang story and I am not forcing you to read this.
Anyway, I am Jayhoon stan. I hope we get along together, co-engenes out there. I love you all :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top