doll 7

Dear Diary Milk,

Pumasok ako doon sa kwarto nung manika pagkatapos kong gawin ang mga morning routines ko tapos naabutan ko siyang nakaupo habang nakatingin sa pintuan habang suot-suot ang black cap na nahanap ko kahapon.

HOWLEY. Akin pala talaga iyon! Akala ko coincidence lang na magkamukha kami ng cap, huhu.

Medyo hindi na ako natakot sa nangyari at pinagpatuloy nalang ang dapat kong gawin.

Kinuha ko ang cap pagkatapos saka itinabi ito ngunit may naamoy akong kakaiba. Parang nag-iba yung amoy ng cap ko? Naging mabango?

Pabango ng lalaki? Ganern lang kaya hindi ko sinadya na amoyin rin yung manika kaso magkaiba talaga. Chineck ko rin yung mga gamit niya kaso wala akong nakitang pabango.

Luh?

Nagtataka,
Kylene

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top