doll 5
Kinuha ko yung manika saka pumunta sa dining room para kumain. Hindi ko alam kung paano ko siya papakainin kaya inupo ko nalang siya at tinapat ang plato niya. Nilagyan ko ito ng kaunting pagkain kasi ako rin naman kakain niyan pagkatapos. Sayang naman kung itatapon ko nalang. Wala naman silang aso or pusa (T-T)
Pagkatapos ay dinala ko na siya sa kwarto niya. Pinunasan ko siya at binihisan tapos amfufu, aym nat manyak. Huhuhu, parang sa mga baby. ASDFGHJKL, mananahimik nalang ako!
Pagkatapos noon ay nag-kwento ako. "May babaeng nangangalang Kylene tapos crush na crush niya yung heartthrob ng school nila. Si Taeyong. Eh, snob si Taeyong kaya nagpakakapal ng mukha si Kylene. At dahil doon, naging sila. Yehey! Ok, goodnight."
Mabilis ko siyang kinumutan at balak ko na sanang umalis nung may narinig akong ingay galing sa kama niya. SHOOT. Yung huli kong task. Give goodnight kiss to the doll. Hmp!
"Ang weird nito." Bulong ko.
Mabilis kong hinalikan sa noo ang manika saka isinara ang pintuan ng kwarto niya. "Wag mo kong papatayin! Wag mo kong papanoorin matulog!" pahabol ko.
Tumakbo ako sa loob ng aking kwarto saka tinary matulog.
Shemay! Bakit feeling ko laging may nakatingin sa akin? Kahit dito ba naman sa loob ng kwarto ko? HUHUHU, PATULUGIN NIYO NAMAN AQ, perst nigh ko dito ey!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top