doll 4

Kylene Acevedo. That's me! Ang pinakamaganda at pinakamalas na nilalang sa buong mundo!

Matagal nang wala ang mga magulang ko. They died, I guess. Guess lang naman. Kinupkop ako ng tita ko, my only relative here in the Philippines. Nag ibang bansa kasi lahat at karamihan ng iba kong relative ay hindi ko kilala. Namatay si tita dahil sa cancer kaya ginamit ko ang tuition ko sa pag-aaral ang pambayad sa hospital.

Naisipan ni Kassie na sa kanila nalang ako makitira kaya gora lang. Ang mean nung tatay niya pero wala naman akong magawa dahil ako na nga itong nakikitira lang naman ako. Kaibigan ko si Kassie since first year highschool kaya close talaga kami nun.

Nakakapag-aral pa ako. Home school. At si Kassie ang teacher, huehue. Matalino naman si Kassie kaya may tiwala ako sa kanya na tama ang tinuturo niya sa akin.

One day, habang naghahanap ng trabaho ay tinext ako ni Kassie na pinapagalitan siya dahil sa akin. Sa totoo lang, mabait sa akin ang mommy niya kaya medyo nagtaka ako kung bakit bigla nanging ganoon ang mood ng mommy niya. Pagdating ko sa bahay ay tinatapon na ni tita ang mga damit ko. Siyempre halata naman na pinapalayas niya ako. Buti nalang ay binigyan ako ng pera ni Kassie, huhuhu. Kundi magiging pulubi ako! Sayang ang ganda ko!

Luckily, nahanapan rin ako ng trabaho ni Kassie kaya pinuntahan ko iyon at nag-apply. Ang bongga ng bahay nila! Yung motto na mala-"living the luxury life". Magfefeeling mayaman tuloy ako, haha!

At sobrang saya ko nung tinanggap ako ng mga amo ko! Jackpot pa dahil ang taas ng sweldo na binibigay nila! Iyon nga lang ay...

May manika akong kailangan na alagaan. Ang tinatawag nilang anak. Si Chase Damier.

Ayoko talaga sabihan na baliw sila pero... MYGAWD LANG?

Ang creepy talaga! Bago sila umalis kanina ay may hinabilin naman sila sa manika. Akala ko kanina iyon na yun eh pero meron pa pala!

- Wag dudumihan o susulatan ang manika.
- Wag takpan ang mukha ng manika.
- Lagi siya ilagay sa sofa at buksan ang tv.
- Sundin ang manika.

Natakot talaga ako doon sa "sundin ang manika" part like whut? Ang creepy talaga at natatakot ako kaso kailangan ko talaga ito! Sana hindi killer itong manika, baka mamaya ma-annabelle ako niyan! (>~<)

At hanggang ngayon hindi ko mahanap iyong cap ko! Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko ay bumaba ako para mag-luto. Nilagay ko muna yung manika sa sofa at dumiretso na kaagad sa kitchen para mag-luto. My peyborit Adobo~

Medyo kinakabahan talaga ako sa totoo lang kaya naman sumilip ako sa may sofa at nakitang nag-iba ang pwesto niya at may note doon sa coffee table. Nagdalawang isip pa ako kung pupunta ba ako doon or stay nalang kaso baka bigla ako patayin nung manika kay naglakas loob akong pumunta doon.

"Huhuhu~"  bulong ko habang papunta doon.

Mabilis kong kinuha ang note saka lumayo ng kaunti sa manika.

You forgot to turn the tv on.
-C

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa manika. BUSH. It's a possessed doll! Paano niya nasulat ito?! OMAYGAD, someone help me! Nanginginig kong kinuha at binuksan ito. Napunta ito sa Disney Channel, bahala siya manood ng cartoon. HUHUHU!

Natatakot ako sa tingin ng manika kaya naman tinakpan ko ito ng pillow. Tumakbo ako papunta doon sa niluluto ko. Pagkatapos mag-luto ay naghanda na ako ng table, kung saan kakain kaming dalawa ng manika. Natatakot talaga ako!

Pumunta ako sa sofa para kuhanin yung manika kasi nga "kakain" na kami kaso di ko siya mahanap doon! Bukas parin yung tv kaso wala na siya doon at yung pillow na ginamit ko para takpan ang mukha niya ay nasa sahig na.

Hinanap ko siya kaagad at kung saan na ako pumunta. Pumasok ako sa kwarto niya kahit na super na natatakot ako kase medyo madilim dito. Kahit na duwag ako ay chineck ko parin sa ilalam ng kama niya pero waley talaga. Napatingin ako sa likod ng pintuan niya dahil may nakakuha ng atensyon ko.

Yung paborito kong cap na itim. Kinuha ko ito at balak pa sanang ilagay sa kwarto ko naman kaso baka coincidence lang na meron rin siyang ganito at baka patayin niya pa ako, yoko pa mamatay! (>~<)

Isa nalang hindi ko pa napupuntahan. Ang kwarto ko. Dahang-dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at naging statwa nang makitang nakaupo siya sa higaan ko na para bang hinihintay niya ang aking pagdating. Napatingin ako sa tabi niya. Isa ulit na note.

Nanginginig ako kinuha iyon at binasa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang basahin ang nasa note.

You broke two rules already :)
But I'm not gonna give any punishments yet
-C

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top