doll 3
Dear Diary Milk,
Sobrang saya ko ngayon kase tinanggap nila ako as their maidddd hekhek!!!! As in, no hesitation nila akong tinanggap. Tamo, pang star hunt tong dating ko! HAHA KORNIK
Kaso ang ikinatakot ko lang is yung conditions nila at kung paano sila umasta doon sa manika. As in they are treating it like their child! Super crepeh!
Ganitow kasey, nung nakapasok na ako sa baranggay ang tahimik talaga pwera lang sa mga lasinggero sa isang kanto. Walang masyadong tricycle at tao. Pero inisip ko nalang na baka ganito lang talaga dito. Then pumunta na ako sa haus 143 and na shook kaagad ako sa super taas na gate. LIKEY WOAH?
Kumatok ako ng kumatok kahit na ang hirap tsaka sigaw ng sigaw ng muntanga. Taas ng geyt ey! Tapos lumabas yung isang guy na may katandaan na, mga nasa 40's na siguro tapos pinapasok niya ako. Huli na nung nakita kong may kamera at doorbell, putspa.
Edi daretso kami sa loob. Sobrang ganda nung haus nila, TO THE MAX. Kala mo mga nasa palasyo ka!! Nahiya tuloy ako sa itsura ko huhu mukha akong zombie!
Tapos kinausap nila ako sa may dining room habang pinapakain nila ako, AT ANG SARAP NG PAGKAIN NILA! Sinabi ko na magaaply ako and without hesitation they said yes! Kaya super happy talaga ako! Pero medyo nawala yun nung bigla nila nilabas yung manikang lalaki na halos 3ft ang tangkad.
"Siya si Chase Damier." pakilala ni Ms. Damier. "Ang anak namin."
Nanlaki pareho ang mga mata ko at hindi ko rin naiwasang magtanong. "Yang manika po?"
Akala ko magagalit siya at palayasin na rin niya ako pero mas lalo lang siyang ngumiti na medyo ikinataas ng balahibo ko. "A-Ahhh..."
"At dahil isa ka ng maid ng bahay na ito, isa sa mga tungkulin mo ay maging maid niya."
HUH? NUNG MANIKA? LIKE WUT WUT LANG? Super creepy talaga!!! Pero napatango nalang ako. Tinitigan ko yung manika pero sa isang direksyon lang iyon nakatingin. Putspa, umaasa ba ako na titingin iyon sa akin? QAQA MAS NAKAKATAKOT YUN.
"Eto ang mga tungkulin mo sa kanya." Sabi ni Mr. Damier habang binibigay sa akin ang papel. Binasa ko naman iyon.
TASKS:
- Clean the doll.
- Dress the doll.
- Feed the doll.
- Tell good night stories to the doll.
- Give a good night kiss to the doll.
- Always take the doll with you.
PUSANGGALA
"Aalis kasi kami ni Gina kaya walang mag-babantay sa kanya. Masaya kami at naisipan mong mag-trabaho dito."
Pumeke ako ng ngiti.
"10,000 ang sweldo mo kada month, papadalhan ka nalang namin." Ngiti ni Mr. Damier na ikinatunay din ng ngiti ko. JACKPOT BABEH
WEYT LANG, papadalhan? Ibig sabihin matagal pa silang babalik dito? Stuck ako kasama nung manika na creepy?! OH NO!!!
May iba pang hinabilin sa akin yung mag-asawa tulad ng:
Bawal mang-invite sa bahay kahit na kaibigan pa yan.
Bawal lumabas ng bahay.
May tagadala ng pagkain at kagamitan sa bahay, siya lang ang pwede pumasok.
I-lock lahat ng pintuan at bintana ng mabuti.
Wag bubuksan ang mga nakakandadong mga pintuan.
Shet lang? Ang weird ng mga rules nila!!! Pero umoo nalang ako kase eto nalang ang meron ako.
Pagkatapos nilang umalis ay nag-simula na akong ayusin ang gamit ko sa aking naka-assign na kwarto, which is katapat ng kwarto nung manika. HUHU NATATAKOT AKO!
Mamaya maging isa na akong character sa horror movie kung saan papatayin ako ng manikang iyon!
Tapos eto pa! Nawala yung cap kong color black, paborito ko yun ey! Nilapag ko lang siya sa may sofa tapos nawala siya bigla kaya naman napatingin ako doon sa manika na naiwan sa may dining room.
PUTEK SEND HELPEU!
Ang scaredy cat,
Kylene
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top