Chapter 9

May canteen ang office building kung kaya’t nandoon ngayon si Raindrop, nagbrebreakfastt. Wala naman kasing mini kitchen sa guess room niya kaya nakadepende ang pagkain niya sa canteen ng building.
Magana ang pagsipsip niya ng kanyang kape habang linilibot ang tingin sa paligid. Kaunting tao lang ang nakikita niya. Ang ilan ay mga trabahante sa canteen at yung iba ay mga nag-ooffice work dito, isa na nga siya doon. Iniisip din niya kung ano ang magandang gawin na aayon sa kanyang trabaho. Pansin niya kasing hindi masiyadong nag-aalaga ng mga hayop ang mga tao rito. Wala nga siyang nakikitang may nag-aalagang pusa o aso. Balak kasi niyang icheck ang mga ito, titingnan kung may mga injured o hindi kaya kung may mga parasites na. Hindi bali at kukunin na niya ang data na hiningi kay Reno.

Ganoon na nga ang ginawa niya. Matapos niyang manatili sa canteen ay napagpasiyahan niyang puntahan ang office ng secretary ng mayor. Nadatnan naman niya itong tutok sa computer. Kay aga aga ay busy na sa trabaho.

Umupo siya sa isang silya na nasa harapan ng office table ni Reno. Hindi na niya kailangan sabihin pa rito ang pinunta dahil inunahan na siya nito. “Ito ang mga data na kailangan mo.” abot nito sa kanya ng isang folder habang ang paningin ay nasa computer pa rin.

Tinanggap niya na lang ito at nagpasalamat.
“Ahm Reno, mayroon bang animal clinic dito?”

“Wala.” simpleng sagot nito. Hindi manlang siya talaga nito tinapunan ng tingin.

Bumalik na siya sa guess room niya at doon inalisa ang mga data na nakuha. Kunot noo naman siya nang makita ang laman niyon.

“Ito lang?” Pinakli pakli pa niya ang papel pero wala na talagang iba. Ang tanging data na nandoon lang ay ang tungkol sa animal farm na napuntahan na niya, at hindi lalampas sa bente kataong may sariling alaga. Kung titingnan, kaunti lang talaga.

“Bakit parang hindi naman na ako kailangan dito?”

Bahala na. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay tumulung kung may mainjured na mga hayop sa lugar na ito.

Napukaw ang atensiyon niya sa kanyang cellphone nang ito’y mag ring. Sinagot naman niya kaagad ang tawag nang makita kung sino ang caller.
“Hello director.”
“Hey Ms. Illama. How's your life there?”
“I’m good... I guess.”
“Ayos naman ba ang pakikitungo ng mga tao diyan sayo?”
“Yeah, so far. But there's one person ang mainit ata ang dugo saakin.”
“Who?”
“The mayor of this town. Calm Altamir.”

Ilang katahimikan muna ang namutawi sa kabilang linya. Akala nga niya ay binaba na nito ang telepono pero naka-on call pa naman. Maya-maya pa’y narinig nalang niya ang tawa nito.

“As expected HAHAHAHA!” sabi nito sa kabilang linya.

“Eh?”

“AHAHA–ah N–nothing. Pagpaseniyahan mo nalang ang pinsan ko. Ganyan lang talaga yan.”

Napatulala naman siya sa narinig. “Pinsan!? Pinsan mo ang magkapatid na Altamir!?” Gulat niyang tanong sa director.

“Yeah. Hindi ba obvious sa apelyido ko?”

Napaisip naman siya. Bakit nga ba hindi niya napansin? Serene Altamir.

“Hindi ko napansin.” Iyon nalang ang nasabi niya. Sapo sapo ang noo dahil sa kaignorantehan.

“Oh well, napatawag lang talaga ako para kamustahin ka. Mukhang okay ka lang naman diyan kaya bye bye.” Saka nito pinatay ang tawag, hindi manlang siya hinayaang makapagpaalam.

***

Kasalukuyang nasa animal farm si Raindrop habang ginagawa na ang trabaho bilang veterinary doctor. Hindi masiyadong hassle ang ginagawang pagchecheck sa bawat hayop dahil hindi naman ito aabot ng tatlong daan. Ayon sa data ay aabot lamang ang mga ito sa bilang na 245. Lahat na ng mga hayop ay nandiyan na sa bilang na iyan. Maaasahan din ang mga nagtratrabaho sa farm kung kaya’t mas naeenjoy niya ang ginagawa. Saka may isang buwan siyang pananatili sa lugar kung kaya’t malaki talaga ang time niya para gawin ang kailangang gawin.

“Patak ng Ulan!” napalingon siya nang tawagin siya ng nag-iisang taong tumatawag sa kanya ng ganyan.

“Bulaklak.” tawag niya rin dito. Flower is the actual name of this new arrival person. Nagkakilala sila dito lang din. Si flower kasi ang tagapamahala ng farm na ito and they became close that instant because of their some similarities. Nagkalagayan agad ang loob kaya kung makaasta silang dalawa ay parang magkakilala na ng ilang taon.

Kasalukuyan siyang may hawak na isang piglet. Ang huling piglet na susuriin niya. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa baboy kung kaya’t tinurukan niya na lang ito ng vitamins gaya ng ginawa niya sa iba. Pinakawalan din naman niya ito pagkatapos.

Sa totoo lang, nalulungkot na siya sa sasapitin ng mga baboy at ibang mga hayop na naririto. Alam naman niyang source of foods ng mga tao ang mga hayop na ito, this is an animal farm after all. ‘Bakit naman kasi walang animal shelter dito eh?’ Eh ‘di sana mag eenjoy siyang magtrabaho doon kasi tiyak na hindi magiging pagkain ang mga hayop na nandoon. Baka may makita pa siyang exotic animal species.

“What’s that long face of yours gurl?” tanong ng bagong kaibigan. Naglalakad na sila pabalik sa munting bahay kubo ni Flower. Feel na feel talaga ang probinsiya vibes sa lugar na ito ni Flower.

“Wala lang gurl. Pagod lang.” sagot naman niya.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang nag-uusap ng kung ano-ano. Madaldal ang bagong kaibigan kung kaya’t nabawasan ang stress niya kakaisip sa mga hayop.

Kunot noo naman siyang napalingon sa babae nang bigla itong napatigil sa pagsasalita at paglalakad. Tuloy ay napatigil din siya. Mas lalo siyang napakunot noo nang makita ang nag-aalalang ekspresiyon nito.
“Anong problema Bulaklak?”

“Rogues. May nakapasok na rogues.” wala sa sariling sambit nito.

“Huh? Rogu...es?” Napakurap-kurap siya sa kanyang nasaksikhan. Sa isang kisap-mata ay wala na sa kanyang tabi ang kaibigan.

Tama ba ang nakita niya? LITERAL bang nag ala-flash si Flower?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top