Chapter 28
“Now, where will I begin?” napakalamig na sambit ng Alpha habang malamig din na nakatingin sa kanya.
Sila Reno, Chill at Flower ay tuluyan nang lumabas sa basement dahil sa utos na rin ng alpha. Gustohin mang mag-stay ni Flower sa loob pero wala itong magawa sa awtoridad ni Calm.
Nararamdaman na rin ni Nick kung bakit ganito na lamang ang galit sa kanya ng kanilang alpha. Siguradong alam na nito ang nakaraan niya kay Raindrop. Tanggap na niya kung ano man ang gagawin sa kanya ni Calm. After all, he deserves to be punished from all the things he did to RD.
Nakagapos pa rin siya habang nasa harapan niya ang alpha. Masiyadong malamig ang tingin nito sa kanya at hindi niya kayang tumingin dito pabalik.
“Sorry alpha.” tanging sambit niya.
Hindi siya nito sinagot, bagkus ay lumapit pa ito sa kanya. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang maluwag na ang taling nakagapos sa kanya. Pinakawalan siya nito.
“Hindi dapat ako ang sinasabihan mo niyan Nick.” malamig pa rin ang tinig nito.
Hindi pa rin niya magawang tumingin ng diretso kay Calm. Nahihiya siya. Tumayo lang din siya nang utusan siya nito.
Galit siya, galit na galit siya sa taong nasa harapan niya ngayon at ang galit niya ay sinamahan pa ng selos. Ex ba naman ng luna niya at dahil ex nga ito ay maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Hindi niya mapigilang mag ngitngit sa selos at inggit dahil malamang ay mayroon na ring nagawang intimate stuffs between his Luna and this motherf**k*r, sa pagkakaalam pa naman niya’y ilang taon ring nagsama ang dalawa. Hindi katanggap-tanggap!
“Fuck! I’m freaking jealous right now, shit!” medyo may kalakasan na sabi niya. May ngising namumuo sa kanyang mga labi, ngising hindi mo na lang hihilinging makita pa.
Hindi na nga ni Calm napigilan ang sarili at sinuntok na niya ang delta. Ibinuhos niya sa isang suntok ang lahat ng emosiyon niya.
Natumba si Nick at walang makikita sa kilos nito ang panlalaban. Pinunasan lang nito ang namuong dugo sa labi.
Hindi pa nga nakakatayo ng maayos si Nick ay sinuntok niya ulit kaagad ito. Hindi pa siya nakontento at sinuntok niya pa ito ulit hanggang sa ang suntok ay hindi na mabilang.
“You dare to hurt her and made her cry you d*mn sh*t! Anong karapatan mo? Of all the things alam mong hindi ka karapatdapat sa isang nilalang na hindi naman nakatakda sayo. You are a freaking werewolf yet you let yourself to be in a relationship with the one who was not meant for you. Of course you found your mate and decided to leave her alone without any explanation, and the worst part it was in the day of your wedding!” sinasabi niya ang mga salitang yan habang sinusuntok ang walang kalaban-labang binata.
Maya-maya pa ay tumigil na rin siya. Marami ang dugo na nasa kanyang kamao. Walang buhay sa matang tiningnan niya si Nick na ngayo’y punong-puno na ng dugo sa mukha.
“Pasalamat ka at hindi kita puweding patayin dahil kung nagkataon kahit sa kamatayan ay hindi ka makakaranas ng kaginhawaan.” tinalikuran na niya ito. Marahas na binuksan niya ang pinto, lumabas, at padabog din na sinara.
Nadatnan niya sa labas ng basement si Flower–na umiiyak– at ang kapatid, “Call a medic, save his ass.” sabi niya sa mga ito bago tuluyang umalis sa lugar.
Ang lalim ng buntong hininga ni Raindrop habang nakatitig sa kisame ng kuwarto. Kasalukuyan siya ngayong nakahiga, pinipilit makatulog pero ‘di naman dinadalaw ng antok. Ginugulo siya ng isip niya kung siya ba’y babalik na sa Altamir pack or talagang mamumuhay na lang siya ng normal. ‘Pero paano ako makakapamuhay ng normal kung minuminuto nasa kanya –kanila ang isip ko?...
Oo na, sa kanya na rin! Pati utak ko may nagwawar na rin. Kainis!’
Maya-maya’y may ngiting gumuguhit na sa kanyang labi, “Hoy Kirara.” tawag niya sa kanyang pusa na nasa dibdib niya na natutulog. “Sa tingin mo in love na ba ako doon sa asong ‘yon?” pagkakausap niya rito, malamang hindi ito sumagot sa kanya.
“Pero hindi dapat diba? Kasi ako purong tao, at siya ay may lahing aso. Literally! Saka ayaw niya sa inyo. Paano ko pakikisamahan ang isang asong takot sa pusa? Hay nako Kirara ang laki naman ng problema ko.” patuloy niya pa.
Naalala na naman niya iyong mga moments na muntikan na siya nitong halikan, iyong hinalikan din siya nito, iyong mga yakapan din nila saka iyong mga sweet words na sinabi ni Calm.
Hinawakan niya ang mukha niya at impit na tumili. Nagpagulong-gulong din siya sa kama. Nadagdag ang kilig na nararamdaman niya nang maisip ang guwapong mukha ng binata.
“Accckkkkk sheeeeet ayoko na! Malala na ito!! In love na nga ako. Waaaah mama help!”
At nakatulog nga siyang puno ng kilig ang puso.
Kinabukasan, masayang masaya si Raindrop na nagising. Ang lawak lawak ng ngiti niya habang hinihintay ang pagkulo ng tubig na kanyang sinaing. Hindi siya ngayon nagmamadali dahil sabado naman at wala siyang pasok.
Lininis niya ang buong kabahayan, iba talaga pag in love. Nagiging inspired.
Nang kumulo na ang tubig ay nagsimula na rin siyang magtimpla ng kape. Kinuha niya ang pandesal na binili kanina upang ipang pares sa kapeng tinimpla.
“Masiyado na talaga akong in love sa aso, kahit sa ilusiyon mukha niya ay parang totoong totoo.” she sighed while looking at her front. Nandoon kasi si Calm titig na titig sa kanya. Lumapit pa ito at umupo sa harapan niya –sa kabila ng table. Kumuha ng pandesal at kumain.
“Wow! Ang lala ng imagination ko. Masiyadong vivid, akalain mong pati itong illusion Calm ay nakikipandesal din.” kausap niya sa sarili.
‘Huh? Nakikipandesal?!’
Nanlaki ang mata niya nang mapagtantong hindi imagination ang nagaganap sa harapan niya.
“Anak ng aso! Bumili ka ng pandesal mo!” pagkakausap na niya kay Calm na hindi niya alam kung bakit nandito na naman.
“Tsk. Ang damot.” bulong nito na rinig naman niya.
“Bakit ka na naman nandito?”
“I missed you.”
Bigla ata siyang namula dahil sa straightforward na sagot nito.
“Tsk, kinilig ka na naman.” patuloy pa nito nang hindi kaagad siya nakasagot.
“Hindi ah! Bakit naman ako kikiligin?” sa tinig ay nagmumukha tuloy siyang defensive.
“Coz you're in love with me.” confident na sagot nito, tuloy ay mas lalo siyang namula at ‘di na makapag-isip ng ibabanat.
“See! Hindi ka nakasagot. In love ka nga saakin.” may ngiting sabi nito.
“Manahimik ka na nga. Sinisira mo ang araw ko eh.” nasabi na lang niya habang namumula na talaga at ‘di makatingin ng maayos sa binata.
Napasipsip na lang siya sa kape, pantanggal hiya manlang.
‘Ano ba Raindrop!!? Huwag ka naman masiyadong pahalata.’
“Let’s date. Day off mo naman kaya magdate tayo.” pahayag nito.
“Hindi puwedi. May gagawin ako!” sheeeeet puweding puwedi.
“Hindi kita tinatanong. It doesn't matter if your answer is yes or no. Magdadate tayo sa ayaw at sa gusto mo.” pinal na sabi nito.
“Pssh, desisyon yarn?” yeah sure, why not daddy acckkk!
Doon lamang niya napagtantong ang landi ng isip niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top