Chapter 26

“Kailan ka ba aalis?”

“Later.”

“Kailan na later ba iyan? Aba’y apat na oras ka nang nakaupo riyan, wala ka bang balak na umalis? I'll gonna go to work na.” simula nga kaninang pagkarating ng binata ay hindi na ito umalis sa pagkakaupo sa sofa. Ang swerte nga nito’t hindi na ito linapitan ng kanyang mga alagang pusa. Nakaligo’t nakabahis na siya pero hindi talaga natinag itong si Calm.

“I’ll go with you then.”

“Hindi puwedi.”

“Why? As far as I can remember, I'm allowed to visit my cousin's hospital.”

Hindi na nakasagot pa si Raindrop. Oo nga pala’t pinsan ng binata si Serene na siyang director at may-ari ng kanyang pinagtratrabaho‘ang hospital. Speaking of which ay naalala na naman niya ang pagkompronta niya rito.

“Explain everything you know director!”

“Woah calm down.”

“I know you're one of them, I just want to know why you lured me there?”

“I did not lure you. It's your fate, I just helped a bit.”

“What?”

Nginitian lang siya nito at hindi na sinagot.

Nakaupo pa rin si Calm while doing something on his phone. Si Raindrop naman ay hinahanda na ang pagkain para sa kanyang mga alaga na good for 2 meals. Matatalino mga pusa niya kaya alam ng mga ito paano at kailan ang tamang pagkain habang wala siya.
Matapos maghanda ay binalikan niya ulit ang binata. “Hey!” tawag niya rito,  hindi manlang siya nito tiningnan at tutok na tutok lang sa phone nito.

“These photos really make me wanted to kill someone.” bulong nito na rinig naman niya.

“Tumayo ka na. Aalis na ako.” hindi na lang pagpansin niya sa sinabi nito.

“So the ex-fiance you were talking about was Nick.” he stated before letting her see his phone screen.

“Luh stalker.” saad niya nang makitang nag-iscroll ito sa mga photos niya sa facebook.
“Hindi ko pa pala nadedelete ‘yan, psh.” dugtong niya pa.

He can't name the jealousy he is feeling right now. The photos of them were really look so sweet. May ilan pa sa mga picture na nakahalik si Nick sa pisngi ng dalaga.

‘This bastard!’

“So he was the one who made you cry those past few weeks or perhaps those past years.” he stated again without any emotions in his voice.

Raindrop just realized that Calm knew her past with Nick. Naikuwento niya pala rito ang heartbreak niya.

“Yeah.” sagot niya rito, hindi manlang pansin ang pagbabago ng mood ng binata. She's really dense sometimes.

Sa wakas at tumayo na si Calm. Sabay silang lumabas ng bahay.

Calm insisted to drive her on her workplace. Mapilit ang binata kaya hindi nalang siya umangal.

“I can’t go with you anymore.”

“Oh? Nagbago ata ang isip mo?”

“My mind just reminded me that I need to kill someone.” Seryosong pahayag nito, tuloy ay bigla siyang napalunok ng laway.

“Hindi ka naman ata seryoso niyan diba?”

Nginitian naman siya nito, ngiting nakakapanindig balahibo. “I’m dead serious.”

Mukhang nawalan ata ng kulay ang mukha niya.
“Of course just kidding.” dagdag pa nito.

Lumabas na siya sa kotse nito at nagpaalam ng huling beses.

Meanwhile, Calm called their chopper to fetch him.

“Get me her at Serene’s hospital. Faster!” walang emosiyon niyang saad bago binaba ang tawag.

Pinark niya muna ang kotse sa garahe ng hospital bago dumiretso sa rooftop. Doon niya hihintayin ang sundo.

Habang naghihintay ay maraming klaseng torture ang naiisip niya.

“Just what kind of torture I would give to that motherf**k*r?” kausap niya sa sarili.

2 hours later...

Matapos ang ilang oras na paghihintay ay dumating na rin sa wakas ang chopper na maghahatid sa kanya pabalik sa kanilang pack.

Hindi mabasa ang mukha ni Calm. Sa loob loob ay gusto na niyang sumabog.

“I shouldn't bid a goodbye too early.” bulong niya.

Pumasok na siya sa helicopter at sumalubong sa kanya ang kanyang kapatid na tudo kaway at pangiti-ngiti sa kanya.

“Yow!” salubong nito sa kanya.

“BAKIT ANG TAGAL NIYO!?” sigaw niya sa kanyang beta na siyang piloto ng helicopter, hindi manlang pinansin ang kapatid. Tiningnan lang siya nito at nagkibit balikat.

“You should know that our place is way too far from here bro. Abnormal na nga ang pagpapatakbo niyan eh, muntik na humiwalay iyong kaluluwa ko.” sagot nalang ni Chill sa kanya.

“Tsk.”

“Ano pala ang kailangan mo kay Nick bro at kinakailangan pang igapos ‘yon? Sumakit tuloy tainga ko sa putak ni Flower.” tanong ng kapatid sa kanya.

“You will know when we get there.”

“Pasuspense eh.”

Sinimulan na ulit paandarin ni Reno ang sasakyan. Matapos muli ang dalawang oras ay nakabalik na sila sa kanilang Pack.

“Pucha bakit nga ba ako sumama? Ang utak ko umaalog-alog pa.” reklamo ni Chill matapos makababa sa helicopter. Si Calm at Reno naman ay tahimik lang na bumaba at dumiretso sa kinaroroonan ng kanilang delta leader.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating din sila sa basement ng municipal building na kung saan nandoon nakagapos si Nick.
Nadatnan nila itong mahimbing na natutulog habang sinalubong naman sila ng putak ni Flower.

“Sa wakas nandito na kayo. Ano ba ang trip niyo’t ginapos niyo itong asawa ko?” mataray na tanong nito sa tatlong binatang bagong dating.

“Ask our alpha.” si Reno

“Basta ako, inosente lang.” segunda naman ni Chill.

Habang si Calm naman ay pinuntahan ang kinalalagyan ni Nick. Walang emosiyon niya itong tiningnan.

“I’ll gonna kill this bastard.” anunsiyo niya sa tatlo na siyang nagpagulat sa mga ito.

“EHH??!” Flower, Chill, at Reno.

****

Belated Merry Christmas and advance happy New Year everyone 🎄❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top