Chapter 25
Nakaupo na ngayon sa sofa si Calm kaharap si Raindrop na kung makatutok dito'y parang kakainin na ang binata ng buhay.
“Patay na patay ka ba talaga saakin o sadyang nagdrudrugs ka lang?”
Walang emosiyon naman siyang tinitigan nito. “Can I have some coffee?”
Pinanlakihan naman niya ito ng mata bago tumayo at walang pasabing pumunta ng kusina para ipagtimpla ng kape ang binata.
“DON'T PUT A SUGAR!!” sigaw pa nito.
Napapabuntong hininga na lang talaga si Raindrop sa inaasta't pinaggagagawa ng binata.
Nagtimpla na nga siya ng kape para rito, pati sarili niya'y tinimplahan niya na lang din. Panigurado'y hindi na siya ulit makakatulog.
Pagkatapos magtimpla'y binalikan niya na sa sala si Calm. Nadatnan niya ang binata na parang batang takot na takot habang nasa kasuloksulokan ng sofa, nakaapak ang paa sa may inuupuan.
“F*ck, why you keep hissing on me. Go away!! Shu shu!” pagtataboy nito sa pusang nagngangalang Wonder.
“Hiss! Hikssss!” Wonder, na parang tinataboy si Calm. Kasalukuyang kinakalaban ang binata.
“Oh c'mon! Don't come near me you thing!” sigaw nito kay Kirara na gustong lapitan ang binata para gawing tulugan. Mukhang nagugustuhan ng pusang ito si Calm. “Meow!”
“HOY RAINDROP- OH F*CK!! GET THESE EVILS OUT OF HERE!”
Habang ang dalawang natitirang pusa na si Sergio at Shippo ay nasa kabilang bahagi na ng sofang inuupuan ni Calm, natutulog. Mga walang pakealam sa kung ano man ang nangyayari sa paligid.
Hindi alam ni Raindrop kung matatawa ba siya o maaawa sa binata.
“Wonder, Kirara stop! Huwag niyong aawayin ang aso! Tahol na ng tahol eh.” para namang naintindihan siya ng mga ito. Tumigil na kakahiss si Wonder at umalis, habang si Kirara'y lumapit sakanya at umakyat sa kanyang ulo. Linapag niya ang dala-dalang tasa sa lamesa at umupo muli.
Ilang sandali pa'y huminahon na rin ang binata. Inayos na rin nito ang puwesto sa pagkakaupo. “Aso? Ako? Aso?”
“Oh bakit? Tutol ka? Aso ka naman talaga diba?”
“I'm a werewolf!”
“Aso pa rin iyon. Same family.”
“Hah!” he glared at her.
“Hoy, huwag kang makaglare glare diyan! Wala kang karapatan lalo na't nang disturbo ka ng natutulog.”
“It’s also your fault sweetie. You never replied to my messages, I got worried so I came here!”
“Kasalanan ko bang nagdrudrugs ka?”
“I’m not on drugs!”
“Oh eh ba’t ka galit??”
“I’m not angry!”
“Eh bakit ka nagtataas ng boses?!” sigaw na rin niya rito.
“Ganito lang boses ko!”
“Ganyan lang boses mo?! Sumisigaw?! Hah! Huwag ako, baka ‘di mo alam na rinig na rinig kong tinawag mong evil ang mga babies ko!!”
“Coz they are!”
“Anong they are?! They're so adorable and cute then tatawagin mo lang silang evil?! How dare you?!”
Dahil sa sigawan ng dalawa ay umalis sa ulo ni Raindrop ang pusang si Kirara at linayasan sila, ganoon na rin ang ginawa ng dalawang natutulog na si Sergio at Shippo.
“Oh kitams, ang lakas lakas ng boses mo umalis tuloy sila!”
“Malakas din naman boses mo ah and it's better that way tho. After all they're scary little monsters!”
“Alam mo namumuro ka na hah! Mga babies ko iyang iniinsulto mo! Saka, ang laki-laki mong tao, alpha ka ng pack niyo tapos takot ka sa pusa? How ironic!”
“You’re being out of lines now lady.”
“Ikaw din naman ah. Ikaw ang nau–” bigla naman siyang napatigil nang sa isang iglap lang ay pumaibabaw sa kanya si Calm. Ang lapit na rin ng mukha nito sa mukha niya.
“Ho–hoy! A–anong g–ginagawa mo? U–umalis ka nga!”
Walang emosiyon siyang tinitigan nito mula mata hanggang sa labi niya. Bigla tuloy siyang napalunok ng laway.
‘Jusko! Parang nakikita ko itong scene na ito sa kdrama ah! Hahalikan niya ba ako? Sheeeemss ‘di ako ready. Eme!’ sigaw ng utak niya.
“One more words from your mouth and I'll seal that with my lips!” he warned before letting her go.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top