Chapter 24
Tagos lahat sa kanya ang mga binitawang salita ni Calm. Paano niya nagagawang matakot sa kanila? –when all this time ay hindi naman siya sinaktan ng mga ito, bagkus ay pinroktehan pa siya.
Paano niya pa rin nagagawang pagdudahan sila Flower, Reno, Chill, at lalong-lalo na rin itong nasa harapan niya... si Calm? Si Calm na sinabing mahal siya.
“I’m sorry!” tanging nasabi na lang niya rito habang nakatungo. Nanunubig na rin ang mga mata niya, sinusubukang pigilan ang pagtulo ng mga luha.
“Look at me.” puno ng panunuyo ang boses nito.
“Look at me... please.” sabi ulit nito nang hindi siya tumingin dito.
Nang tuluyan niya nang nakontrol ang pagtigil ng luha sa pagtulo ay unti-unti siyang tumingin dito.
Para namang nanghina ang mga tuhod niya nang makita ang may pagsuyong mata ng binata. Kanina lang ay ang lamig lamig ng tingin nito, ngayon nama’y para siyang babasagin sa kung papaano na ito tumingin sa kanya.
“Alam kong masiyado kang nagulat sa mga pangyayari, alam kong nalilito ka sa kung ano ang gagawin mo. But Raindrop, I want you to trust me.”
“Kaya nga ako nalilito Calm eh. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Natatakot ako eh, iyon ang alam ko. Iyon ang sinasabi ng isip ko. Pero bakit... bakit itong puso ko, kilalang-kilala ka? Bakit panatag itong puso ko sayo na kabaliktaran sa sinasabi ng isip ko?” Saad niya habang malalim na nakatingin sa binata –na ganoon din sa kanya.
Gusto niyang umalis dahil baka sakaling kung umalis na siya ay mawala na itong kalituhan ng isip at puso niya. Hindi niya pa rin masiyadong naiintindihan ang mate at Luna na sinasabi ng lahat pero pakiramdam niya’y hindi siya nararapat sa puwesto na iyon. May kaunting alam naman siya about sa myth ng mga taong lobo. Naintindihan niya na kung bakit Luna ang tinatawag sa kanya ng mga mamamayan dito.
“Pasensiya na sa mga sinabi ko kanina. Gulong-gulo lang talaga ang isip ko, gusto ko lang talaga takasan lahat ng ito, pero alam ko, nararamdaman ko na hindi puwedi. Bakit ganito? Bakit mismong sarili ko ang kalaban ko?” hindi na niya napigilan at tumulo na nang tuluyan ang kanyang mga luha.
Tinitigan lang siya ni Calm. Maya-maya pa’y marahan nitong hinablot ang kaliwang kamay niya at kinulong siya sa mga bisig nito.
Tightly hugging her while patting her back. Tahimik lang ito habang yinayakap siya. Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap siya nito. Marahang hinawakan nito ang mukha niya at pinahid ang kanyang mga luha. “You’re still pretty even when you're crying, don't you know?”
“Alam kong maganda talaga ako.” sagot niya rito habang pinapahid niya rin ang mga luha niya.
Bumitaw na si Calm sa pagkakahawak sa kanya. Napangiti rin ito sa sinabi niya. “Huwag kang ngumiti. Kasalanan mo kung bakit puno ako ng drama ngayon.”
“Hm.”
“Ikaw talaga si Night?” tanong niya nang bigla itong maalala.
“Yeah.”
“Wow! So all those times na sinusungitan mo ako, may Night akong tinuturing na alaga’t kaibigan? Hah! Gusto ko iyong lobo version mo. Mabait.”
“Whether I'm human or a wolf, I'm still kind, sayo nga lang.” hindi naman niya narinig iyong huling sinabi nito.
“Iyang mukha mo, ‘di kind. Pero kapag si Night ka, ang cute cute. Nakakapanggigil.”
“Tsk.” mukhang nag-iinit ata ang mukha ni Calm. Sa hiya ba, kilig o sa inis dahil sa munting pang-iinsulto ng dalaga?
‘My wolf is really flattered eh.’
“Anyway, I just decided that it's better for you to leave here.” pag-iiba nito sa usapan.
“Papaalisin mo pa rin naman ako dam–”
“Just for a while lady.” he cut her off.
“Anong–”
“Mas mabuting lumayo ka muna pansamantala rito. Rogues are in havoc these days. They probably going to attack again sooner or later. It is safer for you to be away from here... for now.
“Remember this my mate, babalikan kita. Make sure that you're ready when that time comes cause mark my words, I won't never let you go again.”
***
2 days later...
“Sergio, Wonder, Kirara, Shippo I'm homeeeeeee!!” tawag niya sa kanyang mga alagang pusa pagkarating na pagkarating sa kanilang bahay galing sa kanyang trabaho.
Agad naman siyang sinalubong ng mga ito. Kung maka-meow ang mga ito’y parang nagsasabing, ‘finally hooman you're home. We're starving, feed us. Now!’
“You guys missed me?”
“Meoooow!”
“I missed you too!”
Nakipagkulitan muna siya sa kanyang mga alaga. Nagbihis at pinakain ang mga ito.
Nang sa wakas ay mukhang tapos na ang mga dapat niyang gawin ay nagawa na rin niyang maupo sa sofa ng matiwasay. Tumabi naman sa kanya ang alaga niyang si Sergio, habang si Kirara ay umupo sa kandungan niya. Ang dalawa na si Wonder at Shippo ay hindi na niya mahagilap. Panigurado’y natutulog na ang mga ito sa kasuloksulokan ng bahay nila.
Nag scroll lang siya sa facebook ng biglang may nag request chat sa kanya.
Calm: Accpt my friend rqst. Now!
“Oh?” chineck niya ang fr niya at doon nga nakitang may friend request pala si Calm. Agad naman niya itong inaccept.
RainD: done. kailangan mo pala?
Calm: I just missed you, and now that we're chatting I still miss you!
Bigla naman nabilaukan ng sariling laway si Raindrop.
“Nakakagulat naman ‘tong lalaking to!” kausap niya sa sarili.
Calm: Hey! R u still there? Don't you dare to ignore me.
RainD: teka lang!
RainD: masiyado ka naman kasing straightforward. Kalmahin mo!
Calm: Tell that to your self. I'm sure your heart is now palpitating.
“Woah! Kapal naman ng apog nito.”
RainD: sapakin kita diyan eh.
Calm: Try. I'll just kiss u before u do.
Again, nabilaukan na naman siya.
Hindi na niya ito nireplyan. Kumain na lang siya ng haponan at natulog.
Kinabukasan ay nagising siya dahil sa lakas ng katok na nagmumula sa pinto. Tiningnan niya ang oras at nakitang alas kwatro pa lang ng madaling araw.
Napahilamos naman siya sa kanyang mukha at ginulo-gulo ang buhok. “Sinonghampaslupanganakngkwagongnambubulabogngmagandangtulogko??!!” napakabilis ng pagsasalita niya habang walang humpay na minumura sa isipan ang kung sino mang anak ng diyablong nambubulabog sa labas ng bahay nila.
Padabog niyang binuksan ang pinto, magsasalita na sana siya ng kanyang sermon nang bigla niyang makilala ang tao na nasa harapan niya. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya at kinurot-kurot ang sarili, nagbabakasakaling baka nananaginip lang siya.
“C–Calm? T–teka? P–paano... Ah... B–bakit ka nandito?”
“You haven't replied to my messages.”
“Iyon lang?”
“Yeah!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top