Chapter 21

“Elíptica sweetheart I already told you Raindrop is there. Didn't I?”

“Yes you did.”

“But why did you still continue to attack them?”

Walang emosiyon siyang tiningnan ng asawa, “The plan must go on Bran!” may diing sabi nito.

“I know that sweetie, pero may nagbago. Nandoon si Raindrop, sa ginawa natin ay baka mapahamak siya. Hindi dapat siya madamay rito. Wala siyang kinalaman.”

“I don't want to ruin our plan just because of her.” may pinalidad na talaga sa boses nito.

“She’s our friend. My best friend, I don't want to put her in danger. Hindi siya damay rito.”

“Well now, SHE IS! She's a special friend of mine too, but I cannot undo our plan just for her especially that she is mated and a Luna of those disgusting werewolves. Damay na siya rito Bran. If cutting ties with her is the only option for our plan to get successful, gagawin ko Bran. I'll bear it, huwag lang masayang ang ilang taon nating paghahanda.”

Hindi na siya nakasagot sa asawa. Alam niyang hindi na magbabago ang isip nito at naiintindihan niya iyon. ‘Sh*t! Hindi dapat ganito ‘to! Raindrop hope you'll stay safe, I'll do something to get you out of it.’

Tila nasa kalagitnaan siya ng panaginip habang pinapanood ang hindi mabilang na mga naglalakihang lobo na naglalaban-laban. Nakapako ang tingin niya kay Night or perhaps kay Calm na swabe kung makapatay ng kalaban. Dumako naman ang tingin niya kila Chill, Reno, Flower, Nick at sa mag-asawang Altamir na siyang mga lobo na rin.
Lahat ng mga tao na naging lobo na nagmula sa bayan na ito ay pinapalibutan siya. Hindi hinahayaang ang mga rogues na makalapit sa kanya.

“I must be crazy!” hindi makapaniwalang saad niya.

‘Jusko Raindrop sinasabi ko sayong gumising ka na!’ pangungumbinsi niya sa sarili. Pero kahit anong pangungumbinsi niya sa sarili ay wala pa ring nagbabago.

Totoo nga’ng nangyayari ang ganitong kababalaghan. Kanina lang nagdrudrum at kumakanta-kanta lang siya tapos ngayon ay para siyang nanonood na ng fantasy movie.

Napakabilis ng pangyayari, namalayan na lang niya na natalo na ng mga kasamahan niya ang mga lobong nanlusob. Mas lalo pa siyang nawiwindang dahil sa tuwing nasasawi ang mga lobo ay nagiging tao (na mga walang saplot) ang mga ito.

“Are you okay? Are you hurt?” wala sa sariling napatingin siya kay Calm na bigla na lang sumipot sa harap niya. Hindi man lang niya namalayan na nakabalik na ang lahat sa pagiging tao at may iba ng kasuotan.
Nawindang nga talaga siya ng subra.

“H–huh? Ako? A–ayos lang? A–HAHAHAHAHAHAHA oo pri ayos lang ako. HA HA HA HA HA t–ta*gin* HOOO! Ayos lang talaga ako. N–nasaksihan ko lang naman na naging mga lobo kayo, tapos ang dami pang patay sa paligid. Medyo umalog lang utak ko oo.” may pagkasarkastikong sagot niya rito. Nakipagpaligsahan siya ng titigan dito. Hinahanap niya sa sarili ang takot para sa binata pero nakakapagtakang wala siyang maramdaman. Gulantang lang talaga.

“Let me get you out of here.”

Tumango lang siya bilang tugon. Nakapaligid na rin sa kanila sina Flower. Ang mga ito’y hindi manlang magawang  tumingin sa kanya. Maski siya’y ganoon din.

“Raindrop hija I hope that you will still stay after all this thing you witnessed.” sabi ni Mrs. Soledad bago umalis sa eksena kasama ang asawa.

Tahimik lang siyang sumunod kay Calm paalis sa lugar. Maya-maya’y nadatnan niya lang ang sariling nasa bahay na ng mga Altamir. “A–anong gagawin ko rito?”

“You’ll stay here.”

“A–aahh g–ganun? B–bakit?”

“Are you afraid of me?” bigla naman siyang napatingin dito.

“Dapat ba akong matakot?”

“No.”

“Okay.” Hindi man siya makaramdam ng takot sa binata ay hindi na niya magawang maging kampante pa. Hindi mga tao ang mga kasama niya rito, hanggang ngayon ay parang aattakehin pa rin siya sa puso dahil sa nasaksihan.

Maraming nasawi, she supposedly treating them right now but the situation is really different, hindi pala hayop lang ang mga iyon.

Napaupo na lang siya sa may couch kahit hindi pa man siya inaalok ng kasamang binata. Tulala siya at hindi alam kung ano susunod na gagawin.

“Look at me.” rinig niyang sabi nito na kanya namang sinunod. Katabi na niya pala si Calm.

Tinitigan niya lang ito, hinihintay ang susunod na sasabihin.
“I... I'm sorry that you witnessed such thing.”

Wala siyang masagot. Walang tamang salita ang gustong lumabas sa bibig niya kung kaya’t tango nalang ang sinagot niya rito.

Magsasalita pa sana si Calm nang biglang dumating si Reno. Parehas silang napatingin sa bagong dating. “Alpha, we need you out there.”  na siyang tinanguan din ni Calm.

“Give me a sec.” saka tumingin ulit sa kanya.

“Please follow me.” utos nito sa kanya. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod dito.

Tahimik na sumunod sa kanya ang dalaga. Ngayon ay nasa loob na sila ng kanyang kwarto.
Kailangan niyang puntahan ang mga nasasakupan niya kung kaya’t iiwan niya muna ang kapareha sa kanyang silid. He actually planning to make Raindrop stay here for good, mas safe ito pag malapit lang sa kanya.

“Stay here, I'll be back.”

“Okay.” Tanging sagot lang nito sa kanya.

Ilang minuto niyang tinitigan ang dalaga, sinasaulo ang bawat detalye ng mukha nito.

Hindi na niya napigilan ang sarili at yinakap na niya ito. “P–please don't leave me. I–I’ll explain everything later. Just p–please do bear it. Don't l–leave me my Luna.” pakiusap niya habang may tumutulong luha na sa kanyang mga mata.

He never thought he'll cry for a mere human, but here he is, crying on the shoulder of the human he love. Hindi man nito sabihin sa kanya pero ramdam na ramdam niyang iiwan siya nito. Ayaw niya iyong mangyari, hindi na niya kayang mawalay pa ang dalaga sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top