Chapter 18

Kinabukasan...

Kanina pa nagugulantang ang buong pagkatao ni Raindrop dahil sa kapanipanibagong weird na ikinikilos ni Calm. Simula kahapon ay tila parang bumait ng 30% ang binata. Nagugulat na lang siya dahil sa tuwing nakakasalubong niya ito ay nginingitian at binabati na siya. Kagaya nalang kanina nang pumunta siya sa canteen. Binati siya nito ng ‘good morning’ at sinabayan pa sa pagkain. The usual Calm won't ever do that, like seriously.

Tapos ngayon, pumasok ito sa opisina niya na nakangiti. “Hey, let's have a lunch together. I'll bring you to a well-known restaurant near here. My treat.” bungad nito sa kanya.

“Huh?”

“Come on!” then he grabbed her hand and drag her outside the office. Siya nama’y nagpatianod na lang dahil pinaprocess pa rin ng utak niya ang nangyayari.

Pagkalabas ng building ay pinagtinginan kaagad sila ng mga tao. Halos lahat ay kinikilig dahil hawak hawak pa rin ni Calm ang kamay niya.

“Ang sweet pala talaga ng Alpha! Accck!”

“Gusto ko na rin mahanap ang mate ko.”

Nakapasok siya sa kotse ng binata na hindi niya namamalayan. Bigla siyang napatitig sa binatang nasa kanyang tabi’ng handa nang magdrive.
“Mayor.” tawag niya rito, tiningnan naman siya nito. “Calm will do.”

“Ah... Okay.”

“So?”

“May malubha ka bang sakit?”

“What?”

“I mean, mamamatay ka na ba kaya sinisimulan mo nang magbagong buhay, at sinisimulan mo sa pagiging mabait saakin?” seryoso talaga siya sa kanyang tanong.

Calm just stare at her with his usual stoic face. “pfft.” seconds later ay humagalpak ito ng tawa.

Mas lalo siyang nagulat. Hindi niya inaakalang makikita niya itong tumatawa at masayang masaya. Though she's really shock witnessing this another version of Calm yet this also makes her heart flutter. Seeing him laughing as if his first time to do it is really a beautiful scenery.

“Happy yarn?” komento na lang niya.

Tumigil naman ito at sa isang iglap ay bumalik sa pagiging emotionless.
“Luh tumigil, wag mong pigilan. Ang cute mo nga eh.”

“Tsk!”at minaobra na nga ang kotse.

Kaagad naman silang umorder pagkarating sa nasabing restaurant. Tahimik lang din silang kumain at paminsan-minsa’y nag-uusap ng kung ano-ano.
Feeling nga niya’y parang nasa date sila. Pero siyempre kaagad niyang binalewala ang makamundong imahinasiyon dahil napakaimposible talaga. Talagang nasapian lang ng mabait na spirito ang binata kung kaya't ganito ang pakikitungo nito sa kanya.

“Ah maiba ako Ma–Calm pero seryoso bakit parang bumait ka ata saakin? I mean, usually hindi ka naman ganito,” tapos nag-smile siya na parang ginagaya ang binata. “Ganito ka nga palagi eh,” at ginaya rin niya ang pagiging stoic nito. “Ganoon.”

Pinagkatitigan lang siya ng binata, mga mata nito’y punong puno ng paghanga para sa kanya na hindi naman niya pansin.

‘Dear goddess, give me sanity to control myself. She's seducing me for being cute, no doubt.’ bulong nalang ni Calm.

“Ano ‘yon?”

“Just eat Raindrop.”

“Ohhh!” gulat siyang tinuro ito. Hindi na ata niya mabilang kung ilang beses na siyang nagulat dahil lang sa kaharap na binata.

“What?”

“This is your first time calling me by my name!”

“Tsk.”

Meanwhile, Chill and Reno are meters away from them. Spying or more likely actively doing their job as a professional Marites of Altamir’s pack.

“I never thought your brother knows how to put expressions on his face.” Reno commented

“I do too. This is really interesting!” Chill replied.

Kung titingnan sa malayo ay nagmumukha talagang tanga at wala sa katinuan ang dalawang binata. Ikaw ba naman makakita ng dalawang lalaking nasa restaurant, nakaupo sa isang table, nag-uusap habang nakayakap sa isa’t isa at ginagawang shield ang plato?
Sa totoo lang kanina pa sila nakita at nahalata ni Calm. “Can’t believe I'm related to these morons.”

“Alam mo, kanina ko pa nahahalatang bulong ka ng bulong. Iisipin ko na talagang plinaplastik mo ‘ko!” biglang saad ni Raindrop kay Calm.

Hindi na nagkomento pa ang binata at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ng tahimik.

***

“So the rumor is true. Calm Altamir already found his Luna. The game would be interesting then.” Bran commented while secretly looking to the two who are eating.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito mula sa kanya. Para ngang familiar ang likod nito.

Sinubaybayan niya pa ang mga ito hanggang sa matapos ang mga itong kumain. Ganoon na lamang ang gulat at pangamba niya nang makilala niya ang babae.

Ito ay walang iba kundi ang matalik niyang kaibigang si Raindrop.
“No way.”

I'm sorry for the slow updates. Been very busy at school eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top