*Twenty Two*
Hindi naman kami masyadong nag usap ni Hanzen kanina nung nag dinner kami. May iniisip ako, at ganun din siya.
Tulog na si Reese pag dating namin. Ngayon, nagmamasid lang ako dito sa terrace. Mga post light lang at yung mga ilaw sa mga ibang bahay yung nakikita ko Tahimik na din ang paligid, patay na nga yung ilaw sa kwarto ko eh.
Paano kaya kung mabigay ni daddy yung mga conditions ko? Talaga bang kaya kong umalis dito at iwan yung trabaho ko, si Reese, lalong lalo na si Hanzen. Pero parang masagwa din tignan na nagra trabaho ako sa loob ng bahay ng boyfriend ko. Tapus tatlong beses ng may nangyayari samin, yung aksidenteng nalaglag yung towel dahil sa kagwapuhan niya. Nung nasa may tabing dagat kami, at nung sinagot ko siya, hmm, more like NASAGOT ko siya. Pero wala naman akong pinanghihinayangan dun. Nagpapasalamat pa nga ako kasi smooth sailing ang lahat ng samin. Sana, dirediretso na yun at wala ng humadlang pa.
Medyo nagulat ako nung may yumakap sakin. Hmm, sino pa ba? Scent pa lang, skin pa lang, hawak pa lang, kilalang kilala ko na kung sino. Pero di ko siya namalayan na lumapit sakin.
"Mukhang ang lalim lalim ng iniisip ng sweetie ko ah. Mind if you share?" Umiling ako at humarap sa kanya. Aba, eh lugi ako kung siya lang ang makakayakap sakin. Dapat ako din tsa-tsansing.
"Iniisip ko lang si daddy."
"Magiging okay naman ang lahat eh. I'm sure, kakayanin yan ni daddy... mo." I chuckled. Talagang feel na feel na niya.
"Ako ba, hindi mo naiiisip?"
"Hmm, hindi."
"Ang daya mo naman. Bakit hindi? Eh ako nga lagi kitang iniisip."
"Lagi ka kasing nagkukulong sa puso ko. Kaya di ka na makapunta sa isip ko." Kei, korni. So what? Di naman ako single. Mwahaha!!
"Talaga? Eh ikaw nga kambal eh. Nasa isip na kita. Nasa puso ko pa."
"Ang korni mo." Hihi, kinikilig ako. Pero pakipot first, before anything worst.
"Ang bango mo." Anu ba!! Wag dyan, may kiliti ako dyan. Hinahalikan kasi ako sa neck. Eh mahina ako dun eh. Weakness ko pala yun... pero pag dating lang sa kanya.
"What if... bumalik na ko samin." Natigilan siya sa pag halik sa neck ko.
"I don't wanna be selfish. But... damn... I'm not liking that idea."
"Hanzen..." This is so hard. "ayoko din. Kaya nga, i'm having a second thought. To leave or not to leave. Hindi ko kayo kayang iwan, pero kailangan ako ni daddy..."
"I'll talk to him. Kailangan din kita Ciara. I hate competing with your dad, as much as I hate the thought that you're leaving us... that you're leaving me." Mas lalo akong naguluhan. Pero, eto na kasi yung buhay ko ngayon eh. Mahal ko si Hanzen, at ayaw kong mahiwalay sa kanya. Lalo na at ang layo ng Alabang sa Quezon City. Hindi ko rin kakayanin. Siguro nga kaya ko ng talikuran yung mga bagay na hinahangad ko noon. Pero hindi ang mga bagay na nakakapag pasaya sakin ngayon.
Pwedeng, hindi pa ko handang mag pakasal. Pero iisipin ko pa ba yun? Eh kung hindi pa naman ako niyayaya eh. Bakit ko aalalahanin ng sobra. Sa tingin ko din naman, hindi mag mamadali si Hanzen. Kakaumpisa pa lang namin saming relasyon. Matured na siya, kaya alam niya na yung mga ganung bagay, hindi dapat padalus dalos.
"You're idling."
"Hmm, okay. It's up to you. Hindi pa rin naman ako sure kung babalik ako sa kanila." Hinalikan niya ko sa noo at iginiya na sa kama ko.
"Tabi tayo matulog ha? Pakiramdam ko kasi, kahit nasa tabi kita, miss na miss pa din kita." Iiieehh! Wag ka nga! Kinikilig ako.
Haaaaay! Ang sarap sarap ng tulog ko. Pinaghele pa kasi ako ni Hanzen, ang galing kumanta ng kumagz na yun. Samantalang ako, parang kinalahid na basag na baso sa yero. Dahil pag ako ang kumanta, tiyak na mangingilo ka. Poor me! Sa sex appeal lang ako pinagpala ng husto, pero pag dating sa ibang talents, olats ako. Medyo marunong naman akong sumayaw. Medyo lang ha, iba yung marunong sa magaling.
"Mommy Ciala, arl you okay na?" Tanong ni Rilet sakin habang pinupuno ko yung tub ng water. Gusto niya daw kasi ng bubble bath.
"Baby, ikaw dapat ang tanungin niyan. Wag mo na isipin yung nangyari nung isang araw ha?" Hayss, kung masama siguro ako na brainwash ko na to sa nanay niya. Pero I can't do that, hindi kasi yun yung tama.
Yung mentality kasi ng iba, talagang kaka-iba. Nadapa na nga yung tao, ingungudngod mo pa yung pag mu-mukha sa lupa. Ako kasi, iba yung pag-iisip ko minsan. Pag nadapa ka, unti unti kitang hihilahin pataas, kasi pag binigla ko, masasaktan ka lang.
Ganon yung ginagawa ko ngayon kay Hannah, I'm still helping her. Hindi man sa gusto niyang paraan na ibigay ko na lang sa kanya si Reese nang ganun ganon na lang, dahil tiyak na susugurin siya ni Hanzen. Pero at least, tinutulungan ko siya na mabigyan siya ng chance na mabisita si Reese.
"Mag swim swim din si barlbie." Sabi ng bata habang nakatayo sa gilid ng tub at nilulublob niya sa water yung dalawang barbie na hawak niya. Talagang kahit gaano ka advance minsan yung pag iisip niya. Hindi mo pa din maiaalis na dalawang taon lang siya at ang gusto talaga niya ay ang maglaro ng maglaro. She's too sweet and innocent to experience such thing that her mother did to us.
After mag bubble bath ni Reese, sa may lanai na lang kami nag lalaro, delikado na sa may garden, baka kasi malingat nanaman ako, at tuluyan na siyang di makita kasi pinuwersa na siya ni Hannah na sumama sa kanya.
Habang nag lalaro siya ng barbie sinusubuan ko din siya ng favorite cake niya.
"Mommy, eat din barlbie ko."
"Reese, busog pa ang mga barbie. Kaya hindi sila mag a-aah."
"Sayang." Tapus binalik na ulit niya ang atensyon sa hawak na barbie. "Nasan kaya yung mommy ko na tunay. Kasi gusto ma meet ng barlbie yung lola nila." Juskoo, bakit ganito mag isip tong batang to?
"Ako, pwede naman akong maging lola ng mga barlbie mo eh. Ikaw ang mommy nila, ang tawag mo sakin mommy. Kaya, lola nila ko."
"Yung babae, mommy ko daw po siya. Pelo, ang bad niya. "
"Eh, baby, h-hindi ko din alam eh." This is sooo hard. Ang hirap mag sinungaling sa bata. Hindi ko pa naman nature ang pag sisinungaling.
May sasabihin pa sana si Reese, kaya lang biglang nag ring yung telephone. Nagmadali siyang pumunta dun at hinabol niya si Reese.
"Good morlning." Ang cute talaga ni Reese. Minsan nga feeling ko four years old na siya. "Tita xienna!!" What??
"I'm fine... you?... Yeheyyyy! Arl you going to sleep herle again? Yeyy!! Can't wait... bye! Love you too."
Pagkababa ni Reese ng phone, nag tatatalon na siya.
"Yeheyyyy! Tita Xienna! Tita Xiena!" Talon lang ng talon si Reese, kumikendeng pa siya. Tuwang tuwa siya sa Xienna na yan ha?
"Baby, that's enough. Baka mapagod ka."
"Mommy Ciala... mommy Ciala. Tita Xienna's going herle!"
What?? Why?? Ngayon pa lang parang gusto ko ng mag impake ng gamit ko, para lang wag mag kasalubong yung landas ng Xienna na yan. Anung gusto niyang palabasin? Na friends pa din sila ni Hanzen, pagkatapos niyang piliin yung career niya? Thankful ako dahil dun, at least talagang meant to be kami ni Hanzen. Pero yung pupunta pa siya dito, the hell. Amung gustong mangyari? Second chance? Eh engage na nga siya. I'm jumping into conclusions? Yes!! Cause that Xienna girl will be jumping to my FUTURE husband. Period!!
"Ciara bakit ang tahimik mo? May problema ba?"
"Wala naman. Pagod lang siguro ako." Kumakaen kami ngayon ng dinner dito sa bahay. Bumisita kasi ako kanina kay daddy. Sa isang araw naman, isasama ko si Reese, para maaliw din si daddy. Nabo-bored na nga daw kasi siya dun eh. Next week na din yung operation niya. So far, okay naman kami. Di ko pa rin nakakausap si mommy. Busy daw kasi siya sabi ni ate Claire.
"Daddy! daddy! Tita Xienna will--"
"Baby aaaah!" Sinubuan ko si Reese. Naiinis na kasi ako pag nababanggit ang pangalan ng Xienna na yan. Hindi na maganda sa pandinig ko.
"Tita Xienna will visit us..." Sinubuan ko ulit siya. Napansin ko naman na parang napatigil si Hanzen sa pagsubo sa spoon na hawak niya. "next week." Nasamid naman ako kunwari para maagaw ko yung atensyon niya, kaya inabutan niya ko ng tubig.
"Are you okay, Ciara?" He ask.
"Ikaw? Okay ka lang ba??" Natigilan siya sa tanong ko. Fine! Hindi ako nag seselos. Naiirita lang.
Kumain na lang ako ng kumain, sinusubuan ko din si Reese, nung suko na kami pareho sa pagkain, tumayo na ko.
"Come baby. Let's take a shower bago matulog." Binuhat ko siya at tumalikod na lang. Narinig ko pang mag sigh si Hanzen.
Pagka shower namin ni Reese, dun ko muna siya pinahiga sa kama ko. Kinuwentuhan ko pa siya. Para makatulog na.
"And they live happily ever after. Good night baby." I kissed her forehead at binuhat ko na siya para ilipat sa crib niya. Tulog na din kasi siya eh. Pumasok na din naman ako kaagad sa kwarto ko at nahiga. Inaantok na din ako.
Naalimpungatan ako nung may humahalik sa mukha ko at parang nay sumusuklay sa buhok ko.
"H-hanzen.. What are you doing here? What time is it?"
"Past one, sweetie."
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hindi ako makatulog eh."
"Why?"
"Nagtatampo ata ang love ko eh." Tapus bigla niya kong siniksik at hinalikan sa noo.
"Hindi no. Magpunta ka na nga sa kwarto mo. Tutulog na ko."
"Tabi tayo matulog."
"Hanzen..."
"Please. Hindi kasi ako makatulog eh, kasi alam kong nag tatampo ka sakin. Ipaghehele ulit kita. Basta tabi lang tayo."
"Pag iisipan ko pa. Matutulog na ko."
"Teka... akala ko pag iisipan mo?"
"Oo nga. Baka pag gising ko, alam ko na yung sagot."
"Ciara naman eh."
"Dali na. Tutulog na ko."
"Please Ciara. Pleaseee."
"Puro ko please. Akala ko ba ipaghehele mo ko?" Natigilan sandali si Hanzen. Ay!! Slow!!
"Yes!!! I love you sweetie." Tapus hinalikan niya ko sa lips. Smack lang. At nagsimula na siyang kantahan ako, habang osinusuklay yung kamay niya sa buhok ko.
(c) Eilramisu
Ayan.. nag update na ko. May tanong po ako, okay na po ba yung cover ng His BABYsitter? Di po kasi yun yung mga bida. Kaya balak kong mag palit.
Gawa niyo po ako ng cover please??? Mwahahaha. Makapal ako eh. Nasa may gilid kung sino si Ciara at Hanzen. Di kasi ako magaling mag edit ng picture. Hahahaha. Ang saya saya naman. Wag masyadong malaswa, okay? Just send me the link, oryt? Makakaasa po ba ako sa inyo?
Thanks.. love yah all!!
Teka, may readers ba kong galing kanina sa Isetann Recto? mga around 4pm. Hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top