*Twenty Three*

Pinagmamasdan ko ngayon si daddy matulog. Grabe, ang laki talaga ng resemblance namin. Kaya minsan nagtatampo si mommy pag sinasabing si daddy lang ang kamukha ko. Si ate, medyo konti lang yung nakuha kay daddy. Mixed talaga, kaya maguguluhan ang titingin kung sino ang kamukha, pero pag dating sakin, lahat sila sinasabing kamukha ko si daddy.

Alam kong magiging successful ang operation ni daddy. Kahapon ko lang din nalaman na may cancer si daddy. Iyak ako ng iyak nung nalaman ko yun. Hindi ako makapaniwala. Ang lakas lakas ni daddy eh. Tapus biglang meron pala siyang congestive heart failure at may cancer pa. I really can't believe it. Nung nalaman ko yun, halos hindi na ko umalis sa tabi niya.

Akala ko simpleg sakit lang sa puso. Pero mali ako. Nanghihina na si daddy, pero sabi ko sa kanya, hihintayin pa niya yung apo niya sakin. Alam ko naman na matagal pa yun. Kaya matagal pa din siyang mag i-stay. After mag pa heart transplant ni daddy, he will undergo chemotheraphy. Kailangan naming mag pakatatag para sa kanya, at kailangan din niyang magpakatatag para samin.

After ng operation niya bukas, alam kong kakayanin na niya lahat lahat. Hindi na siya mag i-stay ng sobrang tagal sa hospital. Sana kasi hindi niya tinago dati samin na may sakit siya. Umabot pa tuloy sa point na kailangan na niya ng heart transplant. Pwede naman noon na treatment lang.

"Mommy Ciala... ay, sleep lolo Monchi" Nagulat ako nung biglang pumasok si Reese sa room ni daddy.

"Baby! Sinong kasama mo?"

"Si daddy po. Kaso ang bagal niya mag walk. Kaya I left him na."

"Pa-kiss nga ako. Grabe, namiss kita baby! Mas lalo kang gumanda." Ngumiti lang si Reese at niyakap ako.

"How about me? Hindi mo ba ko namiss?"

"Hanzen!" Ngumiti ako sa kanya at lumapit para yakapin siya. Goodness, parang ang tagal tagal ng four days. Yes, four days akong hindi nakauwi. Gusto ko kasi nasa tabi lang ako ni daddy. Gusto kong bumawi sa kanya. I really miss them.

Hinalikan ako ni Hanzen sa lips.

"Oops! SPG mommy at daddy." Natawa ako sa sinabi ni Reese. Nakikita niya kasi sa TV yung warning ng MTRCB. Nilapitan ko siya at hinalikan ulit sa noo. Si Hanzen naman, nilapag yung dala niyang fruits sa may table.

"Ayan? SPG pa din ba?"

"Hindi po. Sweet! Palang candy clush lang." Waaa! Naalala ko yung candy crush ko. Pag naglalaro kasi ako sa iphone, laging nanunuod si Reese. Naiinis ako dahil hindi ako makaalis sa level 65. Gusto ko nang pasabugin yung gumawa ng level 65 na yun. Shett lang.

"Dad... kanina ka pa ba gising?" Pag angat ko kasi ng ulo nakita ko si daddy na nakatingin samin, nakangiti.

"Para talaga kayong isang masayang pamilya." Sabi ni daddy na binaliwala yung una kong tanong.

Si Reese naman tumuntong sa isang upuan sa gilid ng kama ni daddy at naupo siya sa tabi nito.

"I wish she's my leal mom. Pala I have mommy and daddy."

"Mommy mo nanaman siya, Reese eh. Hindi naman kailangan na nanggalin ka sa kanya para maging mommy mo siya." Napakamot naman ng ulo si Reese at nakakunot ang noo. "Someday, you will understand us."

"When will that day come?" Juskoo. Nasobrahan ng utak si Reese. Pwede ba niyang i-share sakin yun? Iinom na nga din ako ng Promil, yung gatas ni Reese.

"Someday baby. Just wait."

Nakatulog si Reese dito sa may couch. Nagkulitan pa kasi sila ni daddy. Hindi rin naman nagpatinag ang isang yun. Parang ako daw kasi si Reese nung bata, makulit at bibo. Yan ngayon, pareho silang tulog.

"Sasama ka na ba samin ni Reese pag uwi?" Tanong sakin ni Hanzen.

"Hindi pa. Baka mag isa na lang akong uuwi. Tutal nandyan na din naman yung kotse ko." Pinakiusapan ko kasi si ate na dalhin yung kotse ko. Para di na ko mahirapan.

"Susunduin na lang kita bukas after the operation para naman makapagpahinga ka din. Namamayat ka na."

"Kaya ko na Hanzen. You don't have to worry."

 "Ciara..."

"Promise. Uuwi ako bukas." Wala na siyang sinabi sakin at hinalikan na lang ako sa noo.

 Kasalukuyan nasa operating room na si daddy. Alas otso na nang umaga at dalawang oras na siya dun. Hindi na nga kami mapakali ni mommy eh. Madaling araw na ko nagising. Di kasi ako makatulog ng maayos. Tumawag din kanina si Hanzen.

Kanina pang nagpapawis ang kamay ko. Pakiramdam ko nga ako ang inooperahan. Siguro kung pinagdonate nila ko ng dugo, baka hinimatay na ko. Kaso ayaw nila, nagpilit na nga daw ako na ang magbabantay, mag do-donate pa ko.

"Mommy, magiging successful ang operation. Maupo ka lang. Baka ma stress ka nyan." Kanina pa kasi patayo tayo si mommy eh. Di mapakali. Si ate Claire naman tahimik lang na nakaupo.

 "Tita Rita, how's Tito?"

"Jorgen..." Dinaluhan ni mommy si Jorgen. Nakakahiya yung last na encounter namin. Naghabulan pa kami na parang mga sira lang ang tuktok. "He's still in the OR."

"Relax Tita Rita. Tito Monchito is brave. We all know that."

Naupo lang si mommy. Gusto kong magpunta sa chapel. Kaya naman tumayo ako.

"Excuse me." Naglakad na ko papuntang chapel. Hindi naman ganun kalayo, nasa taas lang ng floor na to.

Naupo ako. At mataimtim na nagdasal. Pagkatapos kong masabi lahat sa Kanya. Nag stay pa ko dun ng ilang sandali, saka ako tumayo. Pero nagulat ako nung nandun din si Jorgen.

"K-kanina ka pa ba nandyan?"

"Medyo. Pwede ba tayong mag usap?"

"S-sige." Tapus naupo ulit ako.

"Kamusta ka na?" So awkwardddddd.

"O-okay lang naman. Happy and... contented."

"I see. Nasabi na sakin ni Claire ang lahat."

"So, okay na tayo?"

"Maybe... yes."

"I'm sorry."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Walang may kasalanan. Pag sinaktan ka niya... nandito lang ako. Maybe I can help."

"Thanks Jorgen. Tatandaan ko yan." Silence. Silence. Silence. Damn! This is so awkward. "And, sorry pala dun sa huling pagkikita natin. Hindi ko naman gusto na takbuhan ka. B-bugso lang ng damdamin."

"Ah! Haha! Yun ba? Ako nga dapat mag sorry sa'yo. Di na dapat kita blinackmail. Ayun, naghabulan pa tayo."

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag ring yung phone ko.

"Excuse me." Tumayo ako at lumabas ng chapel.

"Ciara. How's Tito? Tapus na ba yung operation?"

"Nasa OR pa siya Nina. Wala pang update about the operation. Kaya we assume na okay naman."

"Good thing..." Marami pang sinabi si Nina, pero di ko na lang masyadong inintindi.

"Nina, I'll call you later. Mag uusap pa kami ni Jorgen." Ginawa ko na lang excuse si Jorgen, eh kanina habang busy sa pag sasalita itong si Nina, sumenyas si Jorgen na mauuna na.

"Jorgen? You mean, your fiancè?"

"Ex fiancè."

"Well, okay. Good luck." Napailing na lang ako.at nag punta na sa tapat ng OR, kung san ini-operahan si daddy.

 Nandun pa rin sila mommy at ate. Lumapit na ko at naupo.

"Wala pa din ba?" Umiling si mommy.

"Nakapag usap ba kayo ni Jorgen?"

"Yes!"

"Good. At least, okay na ang lahat. Malinaw na. Then, how about your boyfriend." Sabi ni mommy na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend.

"We're okay. Doing fine. Mahal niya ko at ganun din ako, mahal siya."

"Ilang buwan mo pa lang siya nakikilala, tapus boyfriend mo na agad."

"Mom... si Jorgen nga kahit isang araw di ko pa nakikilala, pero gusto niyo kong ipakasal agad sa kanya. Isn't it so unfair?"

"Ciara!" Saway sakin ni ate Claire. Lahat na lang kami nanahimik. Lahat ng sasabihin nila sakin na masasama or laban sakin. Lahat yun merong balik sa kanila. After all, hindi naman ako mag kakaganito, kung hindi sila nag kaganon. Oyeah~~ Gusto ko yun ah!

Inuulit ko. Hindi naman ako mag kakaganito, kung hindi sila nag kaganon. Siguro meron silang karapatan na pagsalitaan ako ng kahit anung gusto nila. Pero sila rin mismo yung gumawa ng butas nila.

After six long hours. Natapus din ang operation. Okay naman na daw si daddy. Nasa ICU pa nga lang siya ngayon. Pero pwede ng bisitahin mamaya.

"Ciara, anak. Umuwi ka na muna at mag pahinga. Alam ko naman na these past few days eh pagod ka at puyat. Pag nagising ang daddy mo, sasabihin na lang namin na pinagpahinga ka muna namin."

"Sige mommy. Thanks." Niyakap ko lang siya ng mahigpit. "Sorry." Nginitian niya lang ako at nag sorry din siya. Nag beso lang ako kay ate. "I-kiss niyo na lang ako kay dad pag nagising na siya." Tumango na sila at kinuha ko na yung gamit ko. Makakapag pahinga din ako sa bahay mamaya. Hayss. Ang sarap matulog, lalo na kung wala na masyadong aalalahanin. Nagpunta na kong parking lot at nag drive papuntang bahay ni Hanzen. Pero naalala kong bumili ng pasalubong, kaya dumaan muna ko sa grocery store.

"May bisita?" Bulong ko sa sarili ko nung nakita ko yung pulang Mazda sa tapat ng gate. Nagpark na lang din ako. Ipapapasok ko na lang mamaya sa driver.

Pag pasok ko, wala sila sa living room. Kaya nag punta ko sa dining area. Kasi lunch time pa lang naman, nandito din si Hanzen, kasi minsan hindi na siya pumapasok pag Saturday. Naririnig ko yung boses ni Reese. Pero di ko maintindihan, kaya diretso lang ako dun.

"Baby!" Lumingon sakin si Reese, tumayo siya at nagmadaling magpunta sakin. Si Hanzen naman tumayo din. Kanina pag pasok ko, poker face lang siya, pero ngayon ngiting ngiti. Niyakap ako ni Reese at kiniss ko siya sa forehead.

 "I have something for you little cutie."

"Wow!" Tapus nagtatatalon siya.

"How's daddy?" Salubong sakin ni Hanzen at hinalikan ako sa lips. Hayy, ang swerte ko talaga.

"He's fine now. Nasa ICU siya nung umalis ako. Pero ililipat din agad sa room niya."

"That's great. So pwede na kaming bumisita bukas ni Reese."

"Yehey!! Lolo Monchi." Tuwang tuwa si Reese. Malapit kasi sila ni daddy.

"I suppose, na di ka pa kumakaen ng lunch?" Marahan na lang akong tumango. "Ikaw talaga! Come and join us. But before anything else, can I hug you? Namiss kita eh." Napangiti na lang ako sa kilig. My gulay, this man is killing me softly. Kaya naman hinalikan ko siya sa lips. Magkadikit lang. Baka kasi ma SPG ulit kami kay Reese.

Nagulat ako nung biglang parang may umubo. Kaya napatingin ako sa table. Nakalimutan ko, may kasama pala silang mag lunch. Pagtingin ko, nakatingin din siya samin, tapus nakatayo siya at medyo nakasandal sa upuan. Lumapit siya sakin at nag lahad ng kamay at nakipag kamay din.

 "I'm Xienna... Xienna Dizon." Medyo nanigas yung likod ko at kinilabutan ako. Bakit nga pala nakalimutan ko na dadating ang isang ito? Damn!! I'm not prepared. Pero, hindi niya dapat mahalata.

"Ciara Elizalde."

"Oh! Hanzen's new girl." Damn! What an evil smile, or imagination ko lang yun? Talagang kailangang diinan ang NEW?????

"He's one and only girlfriend." Then I smirk. Talagang kailangang diinan ang ONE AND ONLY GIRLFRIEND. Period!!!



(c) Eilramisu

IMPORTANTENG BASAHIN!!


Ayan na!! Nag harap na sila. The ex and the present. Gusto ko lang mag pasalamat kay Czarina aka EinauhCookies. Mwahahaha. Tama ba? Hindi ko pa magawang cover yung ginawa mo, kasi di pa ko nakakapag computer. Cellphone lang po ang gamit ko.


Anw, may isa pang gumawa ng cover eh. Sa meebo niya binigay yung link. Ang problema, yung name niya sa meebo ay puro numbers and letters. Kaya di ko nakita yung username niya. Please, kung sino ka man. Magpakilala ka sakin. Haha! Para mapasalamatan din kita. Thank you sa'yo... sa INYONG LAHAT!!

HINDI KO MAN PO MA-REPLY-AN LAHAT NG COMMENTS NIYO. PERO LAHAT NAMAN PO YUN NABABASA KO AT NAPAPANGITI AKO. KAYA SALAMAT PO SA PAG SUPORTA!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top