*Twelve*
Nag la-lunch kami ngayon nila Reese at Sir Hanzen, feel na feel ko na para kaming happy family. Kasi naman, tumatawa si Sir Hanzen habang sinusubuan ko si Reese, panay kasi ang nganga. Parang di pinakain ng isang buwan. Malakas pang kumain sakin. Nakikita ko pa yung tingin ng mga tao samin. Aura lang yan!! Medyo pasimple ko pa ngang hinahampas si sir Hanzen sa balikat. Kasi nga feel na feel ko.
"Daddy swim! Swim! Swim!" Sabi ni Reese nung nasa labas na kami ng resto.
"Sure. Magpalit muna kayo ni Ciara ng damit, okay?"
"Tala mommy. "
Naglakad na lang kami papuntang cottage namin. Napapalingon din ako sa dagat na parang nangaakit na tinatawag ang diyosa na walang iba kundi ako.
Inuna ko munang bihisan si Reese. One piece lang yung suot niya, pero ang cute. Bata pa lang yan ang sexy na. Hindi kasi siya gaya ng ibang bata na malaki ang tiyan. Siya kasi tama lang, idagdag pa ang height niya na hindi pang three-year old na bata.
"Mommy kasing seki ko yung barlbie." Sabi ni Reese habang nagpapalit ako ng two piece.
"San mo naman natutunan yang sexy na yan?"
"Kay Tita Xienna. Ang sabi pa nga nya, pag tinanong daw ang ibig sabihin ng seki, tsabihin ko daw..." tapus huminto siya sa pagsasalita. Hiningal ata, daldal kasi "...tita Xienna." Sino ba kasing Tita Xienna na yan at parang napaka papel naman ata sa buhay ng anak--este alaga ko.
"Nag-iba na baby. Hindi na Tita Xienna ang ibig sabihin ng sexy."
"Anu po?"
"Mommy Ciara. Yan ang bagong definition ng sexy, baby. Look." Tiningala nya ko, tapus umikot ako sa harapan niya na feeling ko model ako ng Bench.
"Oo nga mommy, ikaw bago." I told you, sexy ako, kaya ultimo bata nagsasabi ng totoo.
"Tara na baby." Hinawakan ko siya sa kamay at lumabas na kami ng kwarto. Si Sir Hanzen naman nakaupo lang at nagbabasa ng libreng dyaryo.
"Daddy!!!" Sinarado niya yung dyaryo at tumingin samin ni Reese, at napako ang tingin niya sakin. Sabi na mga diba, ako ang bagong depinisyon ng sexy. Napansin ko napalunok si Sir Hanzen. Kita ko ang malademonyong abs niya, dahil naka broad shorts lang siya. Ang init ah!! May sunburn na agad ang mata ko sa pagtingin sa abs niya. Pinagpapawisan nanaman ako. "Daddy, ang seki namen no?"
"O-oo, tara na." Tapus umiwas siya ng tingin at tumayo. Hinawakan din ni Reese ang kamay ni Sir Hanzen kaya nung sinasarado niya yung pinto nagkakahawak pa din kami. Hanggang sa naglalakad na kami papuntang seashore hawak pa din ni Reese yung mag kabila namin kamay.
Nung naaabot na ng alon yung mga paa namin, nagulat ako ng bigla kaming sabuyan ni Reese ng tubig, syempre ang reaction namin gulat. Kaya nung nakabawi ako sa gulat, ginantihan ko siya. Kaya nag hahabulan na kami. Feeling ko ako si Eva Fonda, idagdag pa ang wind effect. Pero mas maganda ako. Tawa lang ako ng tawa dahil parang kiliting kiliti si Reese habang hinahabol. Syempre, hindi maiaalis ng kalalakihan ang pagtingin sa mala-diyosa kong ganda at katawan. Buti na lang di masyadong maaraw. More like medyo makulimlim. Pero hindi naman mukhang uulan.
Hinahabol ko si Reese, habang yung kalalakihan, may sunburn na din ang mata sa paghabol nila ng tingin sa body ko.
"Daddy! What arl you doing therl?" Sigaw ni Reese kay Sir Hanzen na akala mo isang statue. Malamang sa malamang, may sunburn na din ang mata nito dahil sa katawan ko. Nakasimangot siyang naglakad papunta samin. Para siyang ramp model. Ang abs niya talaga namang nakakagigil nag fi-flex ang mga muscles sa braso. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na mag dive papunta sa kanya at sisirin ang pinakamalaking tilapia.
"Tara, banda dun tayo." Sabi ni Sir Hanzen na itinuro yung medyo malalim na part ng dagat, actually hindi pala. Kasi low tide. Kaya malamang medyo malayo pa sa kinatatayuan namin ang lalim na hanggang dibdib.
"Ah! Naku, Sir Hanzen, wag na. Dito na lang kami ni Reese."
"Hindi siya mag eenjoy ng sobra sa pagtakbo sa shore, Ciara."
"Ha? E-eh, baka matakot siya."
"She knows how to swim, Ciara. Wala kang dapat ikabahala. 8 months pa lang siya, pinaturuan ko na siya mag swimming." Wow!!!
"A-ano kasi. Uhm.. I-i don't know how." I looked away. Siguro pag may ibang nakarinig sa sinabi ko, malamang mamamatay na sa kakatawa. Kasi ba naman, pa two piece two piece pa kong nalalaman. Eh hindi naman ako marunong lumangoy. Isa pa, pakialam nila? Kaysa naman yung iba na nakasalampak lang sa may buhangin na naka t-shirt at short. Yun obvious na hindi marunong. Pero ang tulad kong diyosa, hindi masyadong pa-obvious. Aura lang yan!!
Napansin kong nagpipigil si Sir Hanzen ng pag tawa.
"Daddy will teach you, mommy." Sabi ni Reese, tapus hinila ako papunta sa malayong part ng dagat. Sumunod na lang din si Sir Hanzen. Wala naman sigurong masamang mag-try di ba? At least, hindi ako mamamatay ng virgin. Isa pa, low tide naman.
Nag stop lang kami dun sa hanggang dibdib ni Reese yung tubig. Kaya naman niya na mas lagpas pa dun, pero natatakot kasi ako para sa kanya. Naririnig ko lang sa mga news na pwede daw talagang i-engage ang mga bata sa pag su-swimming. Pero wala naman akong kilala o nakikitang actual na batang nag lalangoy, at tinalo pa talaga ko.
"Don't worry, I'm here... for you." Sabi bi Sir Hanzen, tapus inilahad pa niya ang kamay niya. Syempre, inabot ko. Sabi nga ng matatanda, bawal tumanggi sa grasya lalo na at ito ang kusang lumalapit. Kaya ako, grab lang ng grab. "Reese, wag ka ng lalayo ah. Magagalit ako. Diyan ka lang banda, okay?" Tumango na lang si Riley, at nagpunta pa kami sa water level na hanggang dibdib namin.
Marunong si Reese mag swimming, actually, magaling siya. Panatag naman si Sir Hanzen, kaya pinalagay ko na rin ang loob ko.
"I'll teach you how to float." Akala ko, he'll teach me how to dougie sty--este dance. Anu ba nanaman tong naiisip ko.
Nung sinabi niya sakin kung pano, sinubukan kong ihiga yung upper part ng body ko sa braso niya na naka-stretched, tapus pumikit ako. Aalalayaan niya daw ako eh. May tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ko ipapahamak. Unti unti kong sinubukan itaas yung mga paa, na medyo mahirap talaga bago ko naiangat, kailangan talaga magaan lang ang pag katawan mo pag nag fo-floating, iba kasi ang weight ng tao sa tubig eh. Kaya feeling ko kasing gaan lang ako ni Reese. Binuka ko lang yung kamay ko. Anu kayang ginagawa ni Sir Hanzen habang nakapikit ako? Siguro sunog na ang mata nito pagsulyap sa dibdib ko. Aba, baka minamanyak na ko nito. Hindi pwedeng siya lang, dapat even.
Nataranta ako sa iniisip ko, kaya bigla akong nawalan ng focus sa pag fo-float at bigla na lang bumigat ang katawan ko, mas nag panic pa ko nung naramdaman kong hindi na nakaalay sakin si sir Hanzen.
"Help! Help!" Halos tumili na ko. Bigla naman akong hinawakan ni Sir Hanzen sa may bewang.
"Ciara, I'm here. Hindi ka dapat matakot. You did it. Good job! Well except dun sa muntik ka ng malunod dahil sa pag papanic mo." Hinawakan ako ni Sir Hanzen sa pisngi, tapus inililis niya yung ibang buhok ko na tumakip sa mukha ko. Hindi mapawi yung tinginan naming dalawa. Yung mga mata niya, full of promises. Ganito din ba siya sa iba? Nagturo na rin ba siya ng floating sa ibang babae? Ganito din ba siya tumitig sa ibang babae? Sa mga iniisip ko para ng kinukurot ang puso ko.
"Sorry!" Tumalikod ako sa kanya at naglakad patungo sa direksyon ni Reese, nakakailang hakbang pa lang ako, may humawak na sa braso ko hinatak ako.
Napapikit na lang ako nung maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. He explore his tongue inside my mouth. Hinawakan niya ko sa batok kaya mas lumalim ang halik namin. Pakiramdam ko 100°C na ang temperature ng dagat. Napahawak ako sa abs niya. Kaya mas lalo niya kong hinapit palapit lalo sa katawan nya. He close the inch between us. Huminto lang kami nung kinulang na kami ng hininga. Then he kissed my forehead at hinila na niya ko papuntang direksyon ni Reese.
Ako naman medyo gulat. Yes!! Gulat pa ako kasi usually ang mga lovers, after mag kiss, hinahalikan nung lalaki ang gf nila sa noo. So, anung ibig sabihin ng ginawa si Sir Hanzen. Hmp! Yan tayong mga babae eh, mapakitaan lang ng simpleng gesture, feeling natin gusto nila tayo. Kasi ang mga lalaki, nature na nila ang mag paasa. Mwahaha!!!
Naglakad lakad lang kaming tatlo nila Sir Hanzen sa dalampasigan, hanggang sa nakarating kami sa may pinakadulo, may malalaking bato pa dun, kaya naupo ako dun. Si Reese naman nag lalaro lang ng basang buhangin, gumagawa siya ng kung anu anong shape, lahat naman ng kinakalabasan bilog. Kaya pasimple akong natatawa. Ang cute cute niya kasi eh. No wonder, paglaki niya, marami siyang papaiyaking lalaki.
"Thank you pala." Napatingin ako sa nagsalita na si Sir Hanzen.
"Thank you for what?"
"Thank you for taking care of Reese. For letting her call you mommy."
"Ako nga dapat ang magpasalamat. Nung mga panahon kasing feeling ko nag iisa ako, bigla kang--kayong binigay sakin ng Diyos. At si Reese , pinapasaya niya ko. Kahit wala siyang gawin. Tinitignan ko pa lang nga siya sobrang laki na ng impact niya sa buhay ko."
"Eh ako?" Huh? Siya daw??
"What do you mean?"
"Malaki din ba ang impact ko sa buhay mo?" IMPACTO naman oh!! tinatanong pa ba yun? Sa sobrang LAKI ng anu nya, ng impact niya sa buhay ko. Hindi ako nagdalawang isip na papasukin siya. Kaya nga hindi na ko virg--I mean, hindi na ko nalulungkot, at natutunan ko na silang mahalin. Minsan talaga yun utak ko kinakalawang.
"Oo, steel brush ka nga eh."
"Bakit naman?"
"Minsan kasi nagagawa mong tanggalin yung kalawang sa utak ko. Kaya nga gusto kita eh." Bago ko pa mapigilan ang madaldal kong dila na parang may saliring utak. Nasabi ko na sa kanya ng walang alinlangan, pero merong kahihiyan. Gaddd! Bigla na lang akong umali sa pagkakaupo sa malaking bato at lumapit kay Reese na busyng busy sa paglalaro ng buhangin.
Hindi ko na lang muna papansinin si Sir Hanzen, para magisip siya kung nagjo-joke ba ko sa huli kong sinabi or hindi. Gumawa na lang ako ng maliit na bolang buhangin at ibinto ko kay Reese, gumaya naman siya sakin at binato din ako, nauna niyang batuhin si Sir Hanzen, kaya ginaya ko na lang din siya. Hanggang sa tatlo na kaming nagbabatuhan. Tumatakbo pa nga ako eh para hindi matamaan.
"Ciara!!" Sigaw ni Sir Hanzen, kaya napalingon ako sa kanya. Too late, bigla na lang may buhangin sa dibdib ko, yung pagitan. Tumatkbo palapit si Sir Hanzen sakin at nag so-sorry. Tapus tinanggal niya gamit ang kamay niya at nakukuryente ako sa ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat.
Gadd! Nag mu-moves like jagger si Sir Hanzen sakin. Shett!! Bakit di namin sabayan ng indakan?? Para mas maganda!!
"Damn! You're driving me crazy." Bulong ni Sir Hanzen na kami lang dalawa ang nakakarinig.
"Damn! You're putting my body on fire." Ginaya ko ang tono ng pananalita niya. Before I knew it, he was now kissing me, not minding all the people around us. Not minding Reese.
Mahal ko na ba tong lalaking to? Ganun din ba siya sakin? Or what he feels toward me was just a lust? Single naman siya. Pero anu yung tinutukoy ni Nina na complicated??
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top