*Special Chapter*

Nag simula ako sa hirap. Tama siya... isa akong orphan. Sabi ng mga madre na nag aalaga samin dati, sanggol pa lang ako nandun na ko. Siyam na taon na kong nakakulong sa bahay ampunan. Hindi ko alam kung anu bang meron sakin at walang gustong umampon sakin. Mabuti pa yung mga bagong mga bata sa bahay ampunan... may pamilyang gustong kumupkop sa kanila. Pero ako? Isa lang ako sa mga nadadaanan ng mga paningin nila pag pumipili sila ng batang aampunin. Gabi gabi akong umiiyak dahil yung mga naging kaibigan ko dito umalis na sila.

  

Dumating ang pagkakataon ko na makaalis dito. Eleven years old ako ng sa wakas! My aampon na sakin. Naging ayos naman ang lahat. Maganda ang pakikitungo sakin ng mga umampon sakin. Wala silang anak, dahil sterile daw si mama. Sa call center siya nag ta-trabaho. Si papa naman, manager sa bangko. Okay na sana eh. Pero nagbago ang lahat.

  

Isang gabi... nagising ako. Malakas ang ulan, may bagyo daw kasi. Nagulat ako sa harap ko ng tumambad sa harapan ko si papa na hawak hawak ang ari niya. Sabi niya wag daw akong maingay kung hindi... papatayin niya ko. Dun nagsimula ang kademonyohan niya.

  

Paulit ulit at malaya niya kong namomolestya dahil wala si mama. Pag minomolestya niya ko, wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi ko aakalain na sa murang edad... magiging rape victim ako. Parang hinihiling ko na lang na sana... hindi na ko nanghangad na makaalis sa bahay ampunan.

  

Nakahanap ako ng pagkakataon na makalayas sa bahay nung natutulog si mama, ang hayop ko namang papa ay nasa trabaho.

 Nagtrabaho ako para sa mag kapera at makakaen. Gutom na gutom akong papunta sa karinderya na pinagtatrabahuhan ko ng nahimatay ako sa gitnang ng kalsada nung patawid ako. Nagising na lang ako na nasa hospital na. Isang bakla ang muntik ng makasagasa sakin. Buti nakapag preno siya nung nakita akobg nakahandusay sa kalsada. Nung nalaman niya ang tungkol sakin. Tinulungan niya ko. Pinakulong niya ang walang hiyang umampon sakin. Iyak ng iyak sakin noon si mama. Humihinga siya sakin ng tawad. Wala naman siyang kasalanan.

  

Si Mama Pearl, yung bakla, na ang bagong umampon sakin. Pinalitan niya ang dati kong pagkatao. Pinangalanan niya kong Xienna. Tinuring niya kong parang anak. Binihisan, pinag aral, at tinulungan niya kong bumangon. Siya ang naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa modelling world. 

Dun ko nakilala si Hanzen. Sa kanya ko lang naranasan ang pagmamahal bilang isang babae. Hindi niya ko pinilit na may mang yari samin. Ako pa ang pumilit sa kanya. Dahil gusto kong malaman niya na bahagi na siya ng pagkatao ko... ng katawan ko. Hindi na siya nagtanong kung bakit hindi na ko virgin. Wala akong narinig sa kanya na ganun. Wala ring gustong makipag kaibigan sakin nung mga panahon na yun... matapobre sila. Mayayabang!

  

Nagkita ulit kami ng kaibigan ko sa bahay ampunan... si Hannah, yung kapatid niya. Bilang lang ang nakakaalam na ampon siya. Tuwang tuwa siya sa muli naming pagkikita.

  

Pero may tumututol sa relasyon namin... ang magulang ni Hanzen. Mabait sila sa lahat... pero hindi ako kabilang dun. Ayaw nila sakin. Pero tuloy pa din ang relasyon namin ni Hanzen. Hindi pinapaalam ng magulang ni Hanzen, lalo nang mama niya, na ayaw nila sakin. Dahil sakin nila mismo diretsong sinasabi yun. Hindi ko na lang pinapaalam kay Hanzen. Dahil ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.

  

Sigurado na ko na si Hanzen ang makakasama ko sa buong buhay ko. Nagtagal kami ng apat na taon. Pero kinailangan kong lumayo. Dahil kagustuhan ni Mama Pearl na magpunta ako sa France. Gusto niya na may mapatunayan ako sa magulang ni Hanzen, dahil alam niya ang tungkol sa pagka disgusto sakin ng magulang niya.

 Pinapili ako ni Hanzen... pero ang sinabi ko lang sa kanya... babalikan ko siya. Kaya tinalikuran niya ko at umalis.

  

Madami akong naging offer sa France. Nag aral din ako dun kasabay ng pag mo-model ko. Gusto kong tumaas ang value ko kahit na pinababa ako ng nakaraan ko.

  

Pagbalik ko galing France, kinailanganna gumawa ako ng ingay. Kaya napag pasyahan ni Mama Pearl na engage na ko sa isa sa pinakamahusay na male model, yun ang ingay na ginawa niya.

  

Pero may humaharang sa pagbabalik ko... si Ciara. Sagabal siya samin ni Hanzen. Kaya gagawin ko ang lahat lumayo lang siya samin.

  

Nung gabi na naabutan ko si Hanzen sa kusina. Kumukuha siya ng tubig... para daw kay Ciara. Gumawa ako ng paraan para ako naman ang pagtuunan niya ng pansin.

  

Kung kailangang gumawa ako ng kwento... gagawa ako. Sinabi kong nakita ko ang fiancè ko na may kahalikan na iba... kaya kailangan ko muna ng bakasyon. Kailangan ko munang lumayo sa kanya. At nagtatago ako sa bahay niya.

  

Pumayag siya... dahil sa awa. Nung nakita ko si Ciara na nagtatago, bigla kong hinalikan si Hanzen. At nag diwang ang puso ko nung umalis siyang umiiyak.

  

Nagalit si Hanzen sakin nun, inilayo niya ko sa kanya at tinitigan na para bang isa kong nakakadiri na specimen. Natatandaan ko pa ang sinabi niya sakin nung gabing yun.

 "Ano ba Xienna? Bakit ka bigla na lang nanghahalik? Mahal ko si Ciara... hindi ko siya lolokohin. Kaya tigilan mo na ko Xienna."

  

"Ako pa din naman ang mahal mo diba? Nasasaktan ka pa din diba? Tayo na lang ulit Hanzen."

  

"Nasasaktan ako... oo. Dahil akala ko may nararamdaman pa din ako sa'yo. Pero wala na. Lahat ng sakin ng puso ko...napalitan na ni Ciara yun ng saya. At wala ng makakapagpalit na nun. Siya lang, Xienna. Si Ciara lang." Tinalikuran niya ko habang umiiyak ako. Kaya niyakap ko siya kahit nakatalikod siya sakin. 

"Sorry! Sorry Hanzen! Nabigla lang ako. Hindi na ko uulit. M-masaya nanaman ako sa inyong dalawa ni Ciara eh. Sorry! Wag kang magalit sakin."

  

"Ayaw kong may ibang makakaalam nitong pag uusap natin. Lalo na si Ciara." Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at iniwan akong umiiyak.

  

Nung umalis si Ciara sa dining room, nagalit sakin ng sobra si Hanzen. Sinabi niya na pagbalik niya galing office, dapat wala na ko sa pamamahay niya. Tinanggap ko na lang yun. Pero hindi ako magpapaka loser. Dahil babalik ako para bawiin siya.

  

Galit na galit ako kay Ciara nung nakita ko siyang pababa ng hagdan na may dalang bag. Kung sana nga siya talaga ang talo. Pero ako. Ako ang kailangang umalis. Ininis ko siya nun ng todo. Ginalit ko siya. Pero ginalit din niya ko dahil sa sinabi niya na gusto ko lang ng atensyon. Nagalit din ako dahil alam niyang isa lang akong orphan. Pati si Riley, napatulan ko dahil kay Ciara. Isa ako sa mga tumulong kay Hanzen na magalaga kay Riley nung sanggol pa siya dahil wala ang mga magulang ni Hanzen.

  

Nadamay si Riley ng dahil kay Ciara. Siya lang naman ang dahilan ng lahat kung bakit ako nagkaganon.

  

Nakita ko si Ciara na umiiyak sa isang coffee shop kasama ng isang babae, pamilyar sakin yung babae. Nung lumapit ako sa kanila, ininis ko siya... dahil narinig ko lahat ng pag uusap nila. Nung kinausap ako nung babae... natandaan ko siya. Siya si Nina, ang isa sa taong kinaibigan ko pero wala akong napalang friendship sa kanya. Dahil ayaw niya din sakin. Kaya ayaw ko na din sa kanya.

  

Nung napaisip ako na wala lang kay Hanzen yung monthsary nila, pinasundan ko kaagad si Hanzen sa tauhan ni Mama Pearl. Nalaman ko na may balak gawin si Hanzen.

  

At dahil ayaw ni Ciara ng kasal...tutulungan ko siya. Gagawa ako ng paraan para tuluyan siyang umalis sa buhay ni Hanzen na masahol pa sa basag na paminta ang magiging pagkatao niya.

  

Anu pa bang mawawala sakin kung gagawin ko ang plano ko sa plano ni Hanzen para kay Ciara. Walang wala pa yung sa hirap na pinagdaanan ko. Kaya tinawagan ko ang "fiancè" ko.

  

"Wag kang mag alala Ciara, nagsisimula na ko." Bulong ko sa sarili ko at napangiti na lang ako sa kawalan habang minasmasdan ko sila ni Nina na para bang napaka seryoso na ng usapan nila. Tumayo na ko sa bench at nagpunta na sa parking lot na halos lahat ng makasalubong ko... sinasamba ang kagandahan ko. 

Kung hindi man ako ang piliin ni Hanzen. Gagawa ako ng paraan para walang makinabang...

  

(c) Eilramisu

May hula na ba kayo kung anu ang major problem nila?? Haha. Congratulations po sa mga nakahula na POV ito ni XIENNA.

Nalaman niyo pa yung sikreto ng pamilya ni Hanzen about Hannah. Nalaman niyo na din na may balak si Hanzen. Pero ano yun?? At ano rin ang balak ni Xienna? Hahahaha =] Relax relax muna.

Kaya rin po kayo 'NABIBITIN' sa update... kasi obviously...on going pa po itong HBs. Para lang din yang teleserye na aabangan mo pa kinabukasan... masubaybayan lang ="]

 

Saka pa po ang POV ni HANZEN =")

Magdiwang!!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top