One

"Sige na oh! Pumayag ka na!"

"Nina, nagtapos ako ng business ad. Tapus gusto mo kong maging babysitter?"

"Dali na. Pumayag ka na kasi Ciara, kawawa naman kasi yung kaibigan ng pinsan ng boyfriend ko. Magisa niya lang pinapalaki si baby Reese. Isa pa, malaki ang sweldo, 20 thou. Mag bi-babysit ka lang, kikita ka na ng malaking datung. Libre naman ang bahay at pagkain, kuryente at tubig. Malaki ang bahay na titirhan mo, maganda pa. Mas malaki pa yun sa mansyon n'yo. Hindi ka na rin mandidiri dito sa pangit mong apartment na puro bubblegum ang bubong, matakpan lang ang butas."

Ang hirap maging mahirap, kailangang magtiis, kung di ko lang kailangan ng pera, di ako kakagat sa offer nitong babaitang to.

"Isa pa, pinaghahahanap ka ng magulang mo, kaya di ka makaka-apply sa company. Di mo magagamit ang pinag-aralan mo." Idagdag pa yun. Sakit talaga sa ulo!!

"Hanggang kailan ba tatagal yang trabaho na yan?"

"Hanggang kailan gusto mo. Payag ka na ba?"

"Pasalamat ka nangangailangan ako ng pera." No choice, kailangan kong lapain ang offer na yan.

"Aba, baka ikaw pa ang magpapasalamat sakin. Kung wala akong boyfriend, malamang, ako na ang mag aapply dyan sa pagiging babysitter na yan. Ke yummy yummy ng magiging amo ko. Naku, kahit kalahati lang ng sweldo ko ang ibayad sakin, oks na oks na ko." Isa pa to ang OA.

"Kailan ba magsisimula ang pagiging katulong ko?"

"Anung katulong? Mag bi-babysit ka, ok? Hmp, bukas magpunta ka na dun, bibigay ko sayo yung address."

"Oh, eh anu ba tagalog ng babysit? BATA UPO? Hindi naman diba? Katulong pa rin ang kakalabasan ko nun."

"Basta, sige na. Alis na ko. May date pa kami ng jowarski ko."

Hooo, sa kama lang din ang tapos nyan, bakit kailangan pa ng segway.

Haysss! kung hindi ba naman kasi sa kaabnormalan ng magulang ko, eh di dapat wala ako sa kinasasadlakan ko ngayon. Ready-ng ready na nga akong i-manage ang lahat ng business namin. Pero, anung nangyari? Rebelde! Kaw ba naman kasi na celebration ng graduation mo, isisingit ang Engagement party. Pwe! Masyado silang nakikiuso sa laos na arranged marriage. Hindi ko naman ginugol ang apat na taon ko sa kolehiyo para maging isang ulirang asawa.

Buti nga sa engagement ako nag disappear, eh pa'no kaya kung shotgun wedding yan? Eh di pipiliin ko ng magpatiwakal kaysa naman magpabuntis.

Limang buwan na rin ako nagtatrabaho sa ibang company. Yung huli kong trabaho, isa akong clerk sa isang maliit na company, nung nalaman nila yung family problem ko, kinausap ako, kesyo ayaw daw nilang madamay. Di ko naman sila masisisi, anu nga lang ba kasi yung company nila sa company ng magulang ko. Kaya nag resign na lang ako, di na ko sumabak pang mag apply sa iba pang company, ayokong maging ganun din ang kakalabasan. Kalat na yung mukha ko sa iba't ibang ads, ang daming kaek-ekan. Bakit hindi sila mag pakasal dun sa fiancee blah blah ko? Ang gusto ko pag graduate, manage agad ng company namin. Ayaw ko pa naman sa lahat yung sinisira ang mga plano ko sa buhay.

Tapus anu ako ngayon? Magiging isang hamak na babysitter? Pinasusyal lang eh, yaya pa rin ang tagalog nyan.

Graduate ako ng BSBA - Bachelor of Science in Business Administration, pero anung nangyari? Nag-shift ako sa BSBS - Bachelor of Science in BabySitting.

Gusto ko na lang humagulgol sa sobrang katatawanang pangyayari sa buhay ko.

Tinignan ko na lang yung cellphone ko na nag-vibrate. Si Nina lang pala, buti nga maaasahan yang loka kong kaibigan. Hinahanapan ako ng trabaho.

'Eto yung address, Corner 69 , Block 8, Lick St. Superlove Village'

Hays, panibagong hamon nanaman to for sure. Kailangan ko na lang lakasan ang loob ko, para makaahon ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top