*Nineteen*

"REESE!!" Napabalikwas ako dahil sa nanaginip ako. Pagtingin ko sa paligid ko, nasa hospital room ako. Humahangos naman si Hanzen na lumabas ng cr.

"Ciara are you okay?" Lumapit siya sakin, niyakap ako at hinalikan sa noo.

"Where's Reese?"

"Nasa bahay siya."

"What about H-hannah?"

"Nakatakas siya nung hinimatay ka. Pinag alala mo ako ng sobra Ciara. Hindi ko alam ang pwede kong gawin kay Hannah pag malala pa dyan ang ginawa niya sa'yo. Kumusta yung sugat mo? Kumikirot pa ba?"

"Okay lang ako Hanzen, okay na ko. Hindi na masyadong makirot yung sugat. Malalim daw ba sabi ng doktor?" Nangingig ang kalamnan ko dahil sa may sugat ako sa braso. Hindi ganon kasakit, pero natatakot ako!

"Hindi naman gaano. Pero hindi mo muna pwedeng igalaw yang left arm mo."

"Si Reese, kamusta siya? Sigurado bang okay lang siya? Iyak siya ng iyak."

"Anu bang nangyari?"

"We're just playing her barbies, then Nina called me. Pagbalik ko, wala na si Reese, I saw her at the gate with Hannah, trying to get her. Ayun, nag aagawan na lang kami kay Reese, naging violent siya." Niyakap niya ko ulit. "I'm sorry. Muntik na niyang makuha si Reese sakin."

"Sssshh. It's not your fault sweetie. Kung siguro nakinig ako sa'yo na bigyan ng chance si Hannah, hindi siya mag kakaganon. I provoke her."

"Magiging okay din ang lahat. Trust Him." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo.

"Sorry kung hindi kita naprotektahan sa kanya."

"Hanzen... kung hindi ka dumating nung mga oras na yun, siguro malamig na bangkay na ko. Kung hindi naman, naging gripo na yung katawan ko." Napa buntong hininga na lang siya, tapus hinalikan ako.

Sabi ng doktor pwede na daw akong lumabas. Kaya inayos ko na yung gamit ko na dala ni Hanzen. Siya naman inaayos yung hospital bill. Naglalakad na ko dito sa may hallway ng hospital. Grabe! Minsan lang talaga ako nakapunta ng hospital. Natatakot kasi ako eh.

"Kia?" Hindi agad ako nakalingon, para kasing nag yelo ang mga paa ko. "Oh my! Kia." Nagulat ako nung nasa harapan ko na siya at niyayakap ako. Bigla na lang nag tuluan ang mga luha ko. Na-miss ko kasi na niyayakap ako ng ate ko. Kahit na may tampo ako sa kanya, siya pa rin ang bestfriend ko.

"Ate Claire." Napayakap na din ako sa kanya.

"What happened to you?" Sabi niya nung kumalas siya sa yakap.

"Naaksidente lang."

"Hindi yang sugat mo sa braso ang tinutukoy ko. Kia, you've gone for almost eight months. Tapus dito kita makikita sa hospital?" Tignan mo nga naman ang pag kakataon. Maraming magagandang hospital sa Quezon City. Pero dito ko pa siya makikita sa Alabang.

"Nag palamig lang ako."

"Ilang buwan mo balak mag palamig? Siguro naman hindi ka pa naninigas sa lamig?"

"Ate... alam mo naman na hindi ko kaya di ba? Hindi ko gusto." Alam naman niya yung tinutukoy ko. Yung pag papakasal. "Anyway, what brings you here?"

"He's sick." No way. "Ciara, he needs you."

 "Since when?"

"Since you left us."

"Why? Is it because the merging was cancelled?"

"No Ciara, he always care for you. Ayaw niyang mag pa heart transplant hangga't hindi ka niya nakikita."

"Bakit Ate? Hindi lang ba future ko ang kukunin niya? Kundi pati na din ang puso ko? Wala bang donor?" Sinampal niya ko. Oh great! Nasampal ako. Ha!! Alam kong nagtinginin yung mga nurse, doctor, visitors and other patient dahil sa malakas na sampal na natamo ko kay Ate Claire. Pero wala akong pakialam sa kanila.

"Right from the start Ciara, alam mo kung gaano ka kamahal ni daddy, alam nating lahat yun. Wala ako sa lugar para sabihin kung bakit gusto ka niyang ipakasal. Sa pagkakaalam ko, naglayas ka lang. Pero hindi ka nag ka amnesia. You're being selfish again Maria. Masyado kang na-spoiled ni daddy noon. Kahit ayaw na ayaw ni mommy na ini-spoiled ka, hindi nakikinig si daddy. Alam mo kung bakit? Kasi mahal ka niya. Kung pwede lang, ayaw ka niyang mag hirap. Ayaw ka niyang mag trabaho. If only he can provide you everything until his last breathe, gagawin niya. Dahil ikaw ang prinsesa niya. Nang dahil sa pagpipilit mo sa kanya noong mag college ka na mag ta-trabaho ka buong buhay mo sa company, tumutol siya. Wanna know why? Kasi ayaw ka niyang ma-stress at mahirapan gaya ng napag daanan nila ni lolo maipundar lang lahat ng meron sila. But look at you, sarili mo lang ang inisip mo. Masyado kang nag padalos dalos."

Tulo lang ng tulo yung luha ko. Para kaming tanga dito na gumagawa ng scene. Nakalimutan ko kung gaano ako kamahal ni daddy. Nakalimutan ko kung paano niya ko prinotektahan. Nakalimutan ko kung yung mga bagay na agad agad niyang sinusunod dahil gusto ko. Ang naaalala ko lang, nag rerebelde ako nung college ako, dahil sabi niya sakin, hindi ako mag ta-trabaho para kumita ng pera. Nakasanayan ko na yung pagrerebelde ko sa kanila.

"Nasa room 502 siya. He needs your presence. Kahit yun man lang Ciara maibigay mo sa kanya." Umalis na siya sa harapan ko at nagtungo na sa way niya kanina.

Nakatayo lang ako dun na parang baliw na umiiyak. Nahihirapan si Daddy dahil sakin. Pinapahirapan ko siya?

Nagulat ako nung nasa harapan ko na si Hanzen.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba? Kumikirot pa ba yung sugat mo? May problema ka? Gusto mo wag muna umuwi?" Hindi Hanzen. Wala dun. Wala.

"Dad's here. He's sick. It's my fault. It's my fault Hanzen!" Niyakap niya ko, dahil umiiyak pa din.

"You should visit him Ciara." Tumango tango lang ako sa sinabi niya.

"Please, accompany me. I can't go there alone. I can't."

"Hush sweetie. Hush."

Nung medyo okay na ko. Nag punta kami sa room 502, kung san naka admit si daddy. Literal na nanginginig yung tuhod ko. Kinakabahan ako, natatakot at nahihiya sa ka walang hiyaan kong anak. Inaalalayan nga ako ni Hanzen. Buti hawak niya ko sa right shoulder ko, kaya hindi ako natutumba.

Dahan dahan kaming pumasok sa room ni daddy. Naiyak nanaman ako sa nakita ko. Hirap hirap siya. Ang daming kung anu ano ang nakakabit sa kanya. Nandun si Ate, nag babalat ng prutas. Hindi siguro nila ko napansin. Nanunuod kasi si daddy ng tv.

"D-daddy." Hindi ko alam kung narinig nila ko. Pero sigurado akong lumingon sila sa kinatatayuan ko.

"Ciara." Agad na basag ang boses niya. "P-prinsesa ko."

"D-dad." Lumapit ako sa kanya at napahagulgol na ko sa iyak. "Sorry D-dad. Sorry!" Niyakap ko si daddy.

"Wag kang umiyak princess. Ssshh! Hindi pa ko mamamatay."

 "Sorry daddy. Naging makasarili ako. Sorry."

"Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga, nandyan ka na. Bumalik ka na sa bahay anak."

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Handa na nga ba kong bumalik sa bahay? Handa na ba kong harapin si mommy?

Handa na ba kong iwan si Reese? Paano kami ni Hanzen?


(c) Eilramisu

Mwahahaha. Sensya, di ako nakapag update kahapon. Kasi naglandian kami ng jowa ko. Batiin nyo ko. Hahahahaha. Two years and three months na kami ngayon. Woot woooot.


Thank you kay potchiebee, na touch po ako sa comment mo sa previous chapter. Kahit na kasalanan ng His BABYsitter kung bakit sunog ang ulam mo. Hahaha. Sensya naman po

Anw, sa cp lang ako nag update, kaya intindihin nyo na lang, di naka bold yung convo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top