Epilogue

"Mommy... am I beautiful?" Nagulat ako sa tanong ni Zeria. Inaayos ko kasi ang buhok niya, pareho kaming nakaharap sa salamin.

"Of course, baby. Ikaw ata ang pinaka maganda."

"Sinasabi niyo lang ata yan dahil anak niyo ko eh."

 

"Hindi ah. Nagsasabi ng totoo si mommy."

Sa loob ng 12 years, naging maayos naman ang pagsasama namin ni Hanzen. Naging sobrang saya kami kasama si Zeria. Sayang nga lang at nasa Canada ang parents ni Hanzen, pati sila Hannah at Riley. Sumugod kasi ang ama ni Riley, kaya natakot sila.

"Mommy, bakit yung mga classmates and friends ko, wala si lang picture nung wedding ng parents nila. Bakit ako junior bride ng wedding niyo ni daddy?" Ano ba naman tong batang to. Yung mga random thoughts niya, talagang ibino-voice out niya.

"Because that's our second wedding. Nung una, nasa tiyan pa lang kita." Five years old na kasi si Zeria nung ikinasal kami ni Hanzen sa church. Gusto ko kasi kasama siya sa kasal namin. Yung hindi na siya magliligalig.

"Eh di ang sweet sweet niyo talaga ni Daddy, kasi two times kayong ikinasal..."

 

"Hmm, siguro." Shett! Kinikilig ako.

Dapat kasi maaga talaga kaming ikakasal ni Hanzen sa simbahan, kaya lang pinakiusapan ko ulit siya na pag lumaki na si Zeria. Para naman makasama namin ang anak namin sa isa sa pinaka masayang araw namin ni Hanzen.

"Mommy... pwede na ba kong mag boyfriend?" Napatigil ako sa pag aayos ng buhok ni Zeria. Naipatong ko yung suklay sa may table. Tapos naupo ako sa katapat na upuan at hinawakan ang kamay niya.

 

"May nanliligaw na ba sa'yo?"

 

"Marami po..."

 

"May gusto ka ba sa kanila?"

 

"Wala po..."

 

"Siguro, pwede ka ng mag boyfriend, kung sa tingin mo kaya mo ng i-handle ang relation niyo. Kung alam mong mature ka na. It all depends on you. Kasama sa pagha-handle ng isang relasyon ang limitations. Kailangan alam mo yun. Dapat din... sasabihin mo samin ng daddy mo. Ipapaalam mo dapat kay mommy, para sasabihin namin sa'yo kung dapat ba o hindi..."

 

"Thanks mom. But don't worry, I haven't found the right guy... or maybe I did, but they're not meant for me..." Nginitian ko si Zeria at hinawakan ko ang pisngi niya. What a lovely daughter. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap niya ko.

"Nakakainggit naman... hindi niyo sinasama si daddy diyan sa usapan niyo." Pumasok si Hanzen sa room ni Zeria.

 

"Halika dito daddy, iha-hug din kita." Lumapit si Hanzen at niyakap kami.

Wala nga sigurong perfect, pero para sakin perfect na tong pagsasama namin. Perfect na tong family namin.

"Sana po, may mga kapatid pa ko." Nagkatinginan kami ni Hanzen sa sinabi ni Zeria. Tapus napalunok ako.

"Wag kang mag alala, Zeria, gagawa kami ng mommy mo." Napahagikgik si Zeria sa sinabi ni Hanzen. "I love you, daddy... I love you, mommy."

"I love you too, baby." Sabay na sabi namin ni Hanzen.

"Oh ano, tara na? Baka ma-late tayo sa recognition day niyo, Zeria."

"Oo nga po. Si daddy kasi, nag patagal pa."

"Pinagkakaisahan niyo nanaman ako." Nakangusong sabi ni Hanzen habang kinukuhanan kami ng picture ni Zeria. Maraming awards ang na-achieve ni zeria ngayong grade 6 siya. Pero kahit hindi niya nakamit yung mga achievement na yan, proud pa din ako.

Sabay sabay kaming lumabas sa kwarto at dumiretso kami sa may kotse.

Pwede rin naman pala naming i-consider ni Hanzen na magkaroon pa ng isang anak. Pwede naman siguro yun. Siguro naman nakalimutan ko na ang sakit at hirap sa panganganak, medyo nakaka-trauma eh.

Pero sobrang saya ko na talaga na si Zeria ang naging anak namin... mabait, magalang, mapagmahal at sweet. Bonus na na matalino siya.

(c) Eilramisu

BAKIT PUTOL ANG EPILOGUE? DAHIL PO... BASTA, JUST CLICK THE EXTERNAL LINK. MWAHAHAHA

AT ETO NA NGA, NAKAABOT PO KAYO SA PINAKADULO. SANA PO SUPORTAHAN NIYO ANG MGA SUSUNOD KO PANG STORIES.

SA LOOB PO NG HALOS APAT NA BUWANG ITINAKBO NITONG 'HIS BABYSITTER' SINUPORTAHAN NIYO PO AKO. HINDI NIYO KINALIGTAAN ANG HBS SA MGA READING LIST NIYO. HINDI NIYO KINALIMUTANG MAG VOTES AND COMMENTS. ALAM KO NAMAN NA MARAMING MGA SILENT READERS SA INYO, MARAMI DING MOBILE READERS... AT KAHIT ANO PANG KLASENG READERS KAYO, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT.

HINDI AABOT NG MILLION READS ANG HBS, KUNG HINDI DAHIL SA INYO. KAYA MARAMI PO TALAGANG SALAMAT.

SANA PO SUPORTAHAN NIYO ANG STORY NI ZERIA MARLISS ELIZALDE MONTEVERDE. ANG...

 

'HIS WEDDING PLANNER' :")

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top