Babysit ~ Twenty Seven
Nagising ako na masakit ang ulo. Alas sais pa lang ng umaga. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Hindi ako pwedeng magpahilahilata lang dahil dun. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Nag ayos ako ng sarili. Gusto kong magmukhang kaakit akit sa paningin ni Hanzen. Gagawa ako ng way para magsisi siya sa kagaguhang ginawa niya behind my back. Nasasaktan pala siya sa engagement ni Xienna ha? In his face.
Pagkatapus kong mag shower. Pumili ako ng isusuot. Siguro, nag aayos pa lang din si Hanzen. 8 pa ang pasok niya. Medyo naalimpungatan pa ko kagabi nung tumabi siya sakin. Pero di ako nag pahalata.
Nagsuot ako ng cotton micro mini skirt. Para nag su-sway. Pumili din ako ng spaghetti strap na sando. Inaayos ko talaga yung bra ko, para kitang kita yung cleavage. Blinow dry ko pa yung hair ko. Mas wavy, mas sexy. Nag spray din ako ng favorite perfume ko. Na hindi pa siguro niya naaamoy sakin. Kasi madalas, angel's breath lang ang ginagamit ko. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Huh! Tignan natin ngayon Hanzen.
Nagpunta muna ako sa kwarto ni Riley, nag timpla ako ng milk niya. Tapus hinalikan ko siya sa pisngi at inayos ko yung bangs niya.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining room. Nandun nga si Hanzen. Pagpasok ko, napatunganga siya sa itsura ko. Sino bang hindi? Eh gago kasi siya eh. Pumayag siyang magpahalik.
Napansin ko siyang tumayo, para siguro salubungin ako. "Good morning sweetie. Ang aga mo--"
Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa kusina, kumuha ako ng coffee, at ng isang basong tubig. Kumuha na din ako ng bread sa toaster.
"Gusto mo bang ipaghanda kita Ciara?" Tanong ni Manang Celia.
"Ah, wag na po. Ako na lang. Nag breakfast na din po ba kayo?"
"Oo, kakatapos lang naman nila Lucia."
"Nasan po pala si yaya Lenks?"
"Namalengke lang pagkatapos namin kumaen."
"Ganon po ba? Sige po manang, punta na po ako dun." At tinuro ko ang papunta sa dining room. Kaya nagpunta ko dun dala dala ang tray ng breakfast ko. Nagulat pa nga ako nung nakita kong nakatayo pa din si Hanzen at naka pameywang pa. Yung isa naman niyang kamay, nakalagay sa baba. Gwapo na sana. Kikiligin na sana ako sa itsura niya. Pero, pakshett! Pag nakikita ko yung labi niya, naaalala ko yung kagaguhan na ginawa nila.
"Ciara, may problema ba?" Tanong niyang di ko pinansin. Naupo ako, at nagsimulang kumain ng toasted bread, kumuha pa ko ng bacon na nakahain para sa kanya.
Walang nagawa si Hanzen kundi ang maupo ulit. Hindi siya kumakaen. Nakatingin lang siya sakin.
"Good mor..." Masiglang bati ni Xienna. "ning." Ha! Akala mo na-drain ang energy. Naupo na din siya, pinaghain siya agad ni manang Celia.
Tahimik lang kaming kumakaen. Walang nagsasalita. Kailangan kong gumawa ng way. Kailangan nilang matakot.
Uminom ako ng tubig. "Grabe! Ang sarap ng water. Nakakauhaw. Uhaw na uhaw kasi ako kagabi eh. Naubusan ata ng distilled water." Sumulyap ako sandali kay Hanzen na pinagpapawisan. Hah!! May ceiling fan na tutok na tutok samin. Medyo nilalamig pa nga ako.
"Kagabi lang talaga ko nauhaw ng sobra. Ang tagal mo kasing kumuha ng tubig, Hanzen eh. Bakit nga ba?" Nakatingin lang ako kay Hanzen habang tinatanong yun. I wanna see his reaction.
"I-i'm sorry." Hindi ko alam kung san siya nag so-sorry.
"Pero alam niyo, nauhaw lang ako, nanaginip na ko na... naghahalikan daw kayo." Pagkasabi ko nun, nasamid si Xienna. Nag uuubo siya. "Oh, gusto mo din ba ng water?" Nagmamadali si manang Lucia na abutan ng tubig si Xienna, si Hanzen naman nakatitig lang sakin at panay ang lunok. "Sa bagay, sino nga ba naman ang hindi masasamid sa panaginip ko... eh binangungot lang naman ako!" Pagkasabi ko nun, diretso lang ako sa pag kain, medyo naiilang ako sa mga titig sakin ni Hanzen, pero hindi ko na pinansin. Ugatin man siya sa pagtitig sakin, hinding hindi ko siya papansinin. "I'm done." Tumayo ako naglakad ng diretso. Gusto ko ng fresh air.
"Ciara..." Narinig kong sabi ni Hanzen, pero di ko na lang pinansin.
Ayokong mag punta sa garden, dahil may naaalala lang ako dun, kaya lumabas ako ng bahay. May ibang nag ja-jogging, kasama yung mga pet nila. Eh kung mag jogging din kaya ako at lagyan ng dog chain si Xienna?
Naglalad lakad lang ako hanggang sa nakararating ako sa park. Naupo lang ako sa swing at nag masid masid. Sa pinaka dulo ng park, may grupo ng mga senior citizen siguro na babae na nag e-aerobics. Nakakatuwang tignan laso synchronize talaga yung kilos nila. Nakakaaliw. May mga lolo din pala. Nakatitig lang ako sa kanila, namalayan ko na lang na basa na pala yung pisngi ko. Naalala ko kasi yung sinabi ni Hanzen lay Ciara. Nasasaktan siya. Kung nasasaktan pa siya, ibig sabihin... mahal pa niya? At ako? Ano ako sa kanya? Rebound? Damn!
Pero naramdaman ko naman na minahal niya ko eh. Hindi dapat ako magpaapekto. Sigurado akong sinadya yun ni Xienna. Inaakit niya si Hanzen. Nagsisimula na siya, kung ganon? Ayokong mag padala sa selos. Pero shett talaga, baka kung iba pa nga nasa sitwasyon ko, sinugod na silang dalawa at isinako pagkatapus ibinitin sa puno. Pero hindi eh, mahal ko si Hanzen. Ipaglalaban ko siya, gustong siya mismo ang umamin na hinalikan siya ni Xienna at nagpahalik siya. Hindi ko man naabutan ang buong pag uusap nila. Pero anu yun? May pahawal hawak pa sa braso? Anung ginagawa nila? Kiss and make-up??
Martyr na kung martyr. Pero ang gusto ko lang naman maging mabuting girlfriend. Ayokong maging nagger at isusumbat niya sakin yun. Ayoko siyang sakalin. Kahit na nasa isang relationship kami, ayokong saklawan ang buong pagkatao niya. Pero eto ba ang kapalit ng pagiging maluwag na girlfriend? Ang nasasaktan? Damn this!!
"Alam mo ineng, kung may problema ka, hindi nadadaan yan sa iyak. Hinaharap yan." Narinig kong sabi ni lola na may hawak hawak pang malaking walis tingting.
Nag iimpake ako ngayon ng gamit ko. Hindi ko pa lalayasin si Hanzen, mag papa-miss lang. Gusto ko muna siyang bigyan ng time na makapag isip. Pupunta ko kay daddy sa hospital. Gusto ko ng may makakausap. I need him.
"Mommy sama ako."
"Riley, baka magalit si daddy Hanzen eh. Hindi tayo nakapag paalam sa kanya. Sandali lang naman ako dun. Babalik din ako agad."
"Sinong mag titimpla ng milk ko?"
"Si daddy Hanzen."
"Hindi masalap."
"Eh di si yaya Lenks. Tatawag ako lagi dito. Nandito pa naman si t-tita Xienna mo diba?" Tumango lang si Riley at niyakap ko siya. Sabay kaming bumaba. Naabutan namin si Xienna sa living room at nag babasa ng magazine. Napansin din niya agad kami.
"So, aalis ka na... for good?" Hindi ko siya pinansin. Diretso lang akong naglalakad pababa sa hagdan habang hawak si Riley at yung travelling bag ko na medyo maliit. "Pano kung sabihin ko na hindi panaginip ang lahat? At talagang nangyari yun?" Tumigil ako sandali sa paghakbang, pero di ko pa din siya nililingon at nagpatuloy ulit sa pag baba. "Sabi ko naman diba? Ako ang magtatagumpay. Heto ka at umaalis... sa harap ko pa." Naglakad siya papunta sakin at huminto sa pinaka first step ng hagdan. Talagang sinalubong pa niya ko?
"Kung inaakala mong nag tagumpay ka na, nag kakamali ka. Hindi pa Xienna... hindi pa. Babalik din ako ka agad. At pagbalik ko, sisiguraduhin kong ikaw ang mag iimpake at luhaang aalis dito."
"Hah! Sa pag alis mo, sisiguraduhin ko na wala ka ng babalikan."
"Ganyan ba talaga ang orphan?" Diniinan ko ang salitang orphan at kita sa mukha niya na nagulat siya. "Gagawin ang lahat, may umampon lang. Makakuha lang ng atensyon. Sa tingin mo, sino satin ang mukhang manghuhuthot? Sino sa tingin mo ang poor satin? Ako ba yon? o ikaw??" Pagkasabi ko nun, naramdaman ko na lang ang kamay ni Xienna na dumapo sa kaliwang pisngi ko. Narinig ko na biglang umiyak si Riley, lumapit siya kay Xienna at pinagpapalo ito.
"Bad ka! Bad! Bad! Bad!!" Hinatak ni Xienna ang braso ni Riley.
"ANO BA? MANAHIMIK KA NGANG BATA KA! ANG INGAY INGAY MO!!" Mas umiyak si Riley dahil sa pag sigaw ni Xienna at nasasaktan siguro si Riley sa paghatak sa braso niya.. Kaya hinawakan ko ang braso ni Xienna. Niyuyugyog ko siya para tumigil siya.
"Bitawan mo si Riley." Para siyang so Hannah, pareho silang baliw. Mga baliw sila. Sinampal ko ng malakas si Xienna dahilan para bitawan niya si Riley. Nagulat ako nung bigla niyang hinatak ang buhok ko. Shett! anung alam ko sa ganitong pisikalan?
"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko." Sinabunutan ko na lang din siya. Inabot ko yung kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Pinisil ko yung palad niya na bandang ibaba ng thumb niya. Narinig ko siyang umaray at napabitaw siya sa buhok ko. Nandun na pala sila Manang Lucia na pumipigil samin ni Xienna.
"Wala akong pakialam sa mga pinagdaanan mo, dahil may sarili din akong pinagdadaanan. Hindi ko na kasalanan kung isa kang orphan!!"
"Pagbabayaran mo to Ciara. Sisiguraduhin kong luluha ka. Tandaan mo yan." Tumakbo siya paakyat sa kwarto niya. Nikayap ko si Riley na umiiyak pa din.
"Hush! Baby, everything's okay." Maya maya din ay dala na ni Xienna ang mga gamit niya at lumabas ng bahay. Pagbagsak niyang sinara ang pintuan.
"Isasama ko po muna si Riley. Hindi siya pwedeng nandito lang. Marami na siyang napag daanan. Baka mag ka trauma siya kung maiisip niya lang yun."
"Kung anu ang makakabuti Ciara. Kami na ang bahala dito." Iniabot ko si Riley sa kanila at kumuha ako ng gamit ni Riley at inilagay sa bag. Inayos ko lang ang suot ko at nagsuklay. Shett, ang sakot ng anit ko. Punyeta yung baliw na yun.
Mamaya ko na sasabihin kay Hanzen, o kaya bahala na sila Manang.
Nag drive ako papuntang mall, hindi kami pwedeng magpunta sa hospital ng ganito ang kalagayan namin ni Riley.
Nang nakarating kami sa mall, inaliw ko talaga si Riley, ayokong matanim sa isip niya ang nangyari kanina. Gusto kong makalimutan niya ang nangyaring ka biolentehan ni Xienna.
Nakita ko na may mascot ni Jollibee sa harap ng jollibee sa mall. Nagpunta kami dun ni Riley, tuwang tuwa siya na nilaro si jollibee, nakipag sayaw pa siya. Dun na din kami kumaen. Pinicturan ko pa sila ni Jollibee.
Nagpunta naman kami ni Riley sa Pink Box pagkatapus kumaen, pinagawa ko siya ng bracelet na personalized. Nakalagay yung name niya dun. Binilan ko din siya ng dresses and shoes.
Sino kayang nag sha-shopping para kay Riley? Awkward naman kung si Hanzen. Bumili kami ng ice cream sa Fiorgelato.
"What else do you want baby?" Nag isip si Riley, pero natagalan siya. "How about carousel?" Tumango tango siya.
Mung nagpunta kami sa carousel, pinaalalayan ko siya dun sa lalaki na dun nag tatrabaho. Enjoy na enjoy si Riley, pinipicturan ko lang siya. May video pa nga siya eh. Nung nag stop na, nagpunta kami sa WOF. Pinasakay ko din siya sa mga parang kotse na hinuhulugan lang ng token.
Ang dami dami pa naming ginawa ni Riley, nakalimutan ko lahat ng problema. Sobrang nag enjoy ako. Siguro ganito talaga na pag feeling na may anak ka. Makakalinutan mo talaga lahat. Pano pa kaya kung totoong anak ko si Riley, ano kayang pakiramdam na magkaroon ng anak? Parang ang sarap sa feeling.
Hindi kami pwedeng mag punta sa hospital. Kasi wala naman matutulugan dun. Kaya tinawagan ko si Nina. Ilang ring lang sinagot na niya agad.
"Napatawag ka?"
"Can I ask you a favor?"
"Sure, what is it?"
"Can we stay there? Over night?"
"Why? Sinong kasama mo?"
"Si Riley."
"WHAT??? WHY? KINIDNAP MO BA SI RILEY??!!"
"Huh? No! Shut up! Dyan ko na lang ie-explain." Papunta na kami dyan. Binuksan ko na yung engine ng kotse at nag drive papunta kila Nina.
(c) Eilramisu
Nararamdaman ko na. Mwahaha!!! Kayo ba? Ramdam niyo na din ang KAGULUHAN?
Sa mga readers din po ng Mysterious Campus Singer, mag a-update ako pag pareho ng chapter 33 ang ipa-publish. Para sabay na update, sabay din na ending =)))
Love you all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top