Babysit ~ Thirty Two
Bumusina ako sa gate ng bahay namin at agad naman akong pinagbuksan ng isang katulong. Pagkapasok ko sa bahay dumiretso na ko sa dining room. Sigurado ako nandun sila mommy nag bi-breakfast.
"I'm home." Masigla kong bati sa kanila. Kung pwede lang ayaw kong ipaalam sa kanila na may problema ako.
Agad naman tumayo si mommy at ate Claire na tuwang tuwa. Si daddy naman nakangiting nakatingin sa pagdating ko. Niyakap ako ni mommy.
"I'm glad that finally... you're here with us." Madramang sabi ni mommy. Bineso ko na lang si ate.
"So... are you staying here for good?" Tanong ni ate. Nag aabang lang ng sagot si mommy at daddy. Kaya ngumiti lang ako. Pero I'm sure... mababahala sila sa ngiti ko.
"I hope so..." Sinasabi ko yun habang lumalapit ako kay daddy at niyakap ko siya. Hinahagod lang niya yung balikat ko na parang sinasabi niya na 'everything will be alright'. Parang any moment gusto kong umiyak at sabihin yung problema ko... pero ayoko. Ayokong mabahala sila. Baka sisihin nila ang sarili nila... lalo na si daddy. Kagagaling lang niya sa hospital. Buti na lang nga nag decide sila na mag pa second opinion sa St. Luke's. Para dun na lang siya maga-undergo ng mga tests kasi mas malapit naman yun kaysa sa Alabang pa. Ayaw din kasi ni daddy na mag re-rent pa ng bahay kung meron naman daw kaming sariling bahay.
"Ang mabuti pa sumabay ka na samin mag breakfast." Sabi ni mommy at naupo na kami.
"Naku Maria!! Bumalik ka na nga!" Napatingin ako sa tumawag sakin...
"Mameng Aida!" Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap.
"Naku ikaw talagang bata ka." Namiss ko si Mameng Aida! Siya kasi ang nag alaga sakin nung bata pa ko hanggang sa paglaki ko. Love na love siya. Kasi siya na ang naging second mother ko. Matanda lang siya kay daddy ng eight years. Sabi nga ni daddy dalaga pa lang si Mameng Aida namamasukan na sa kanila. Ayan at hindi na nga nakapag asawa sa sobrang loyal samin.
Pagkatapos naming kumaen nauna na kong umakyat sa kwarto ko. Ganun pa din. Napalitan lang yung bedsheet at kurtina ko. Pero malinis. Hindi katulad nung umalis ako... nagkalat ang mga damit ko sa sahig sa pagmamadaling makalayas. Na-miss ko din tong kwarto ko. Almost a year na nabakante to. Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan.
Sa hindi malaman na kadahilanan bigla na lang akong humagulgol. Nanunumbalik nanaman ang sakit. Ang sakit na itinamin niya sa puso at isip ko. Ang sakit na wala naman gamot. Buti pa ang ketong nalulunasan kahit papaano. Pero itong sakit na nararamdaman ko... hindi ko alam kung may lunas ba.
I miss Riley. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Binasa ko ang new message sa cellphone ko... galing kay Nina. Siya pa lang ang nakakaalam na nagpalit ako ng number. Kahapon kasi nung pumasok siya sa work niya... pinabili ko siya ng bagong sim. Ayaw ko ng magkaroon ng contact kay Hanzen. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko siyang makalimutan.
'Kia... nagpunta dito si Hanzen kanina. Buti hindi kayo nagpang abot. Nagmamakaawa siya na sabihin ko sa kanya kung nasan ka. Nagpunta daw kasi siya ng hospital. Wala na daw dun si Tito Monchi. Buti nga umalis na siya. Kasi kinakabahan ako eh.... at naaawa. Halatang puyat na puyat siya.'
Mas lalo akong umiyak sa text ni Nina. Nasasaktan ako. Bakit ganun siya? Bakit kailangan pa niya kong hanapin? Malaya na sila ni Xienna. Wala ng hahadlang sa mga gusto nilang gawin. Anu pang gusto niya? Ang ipamukha sakin na kahit pinaglaban ko siya si Xienna pa rin ang gusto niya?
"Ciara?" Dali dali akong nagpunas ng luha at umayos sa pagkakahiga. "Ciara... gising ka ba?" Sabi ni daddy habang marahan na kumakatok.
"Y-yes dad. Tuloy ka... bukas ang pinto." Pumasoknga si daddy at naglakad papunta sakin at naupo sa gilid ng kama ko.
"Okay ka lang ba Kia?" Napaiwas ako ng tingin sa tanong ni daddy.
"Of course. I'm o-okay." Naramdaman ko ang hawak ni daddy sa kamay ko.
"Bakit ka umuwi?" Malumanay niyang tanong.
"Masama na ba kong umuwi sa sarili kong bahay?"
"Kia... may problema ka ba?" Tumingin ako kay daddy at umiling.
"Wala po..." Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Ama mo ako Kia... kilala kita kung may problema ka o wala. Sa itsura mo pa lang... mukhang kagagaling mo lang sa pag iyak." Sa sinabi ni daddy tuluyan na mgang umagos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"K-kia..." Lumapit si daddy sakin at niyakap ako. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Anung problema anak? Nag... away ba kayo ni Hanzen?" Mas lalo ako naiyak sa tanong ni daddy. Umiling ako para wag niya masyadong mapansin na yun nga ang dahilan.
"Na... na miss ko lang po ang bahay... ang kwarto ko... si Mameng Aida... at kayo po nila mommy at ate Claire."
"Sigurado ka ba na yun lang talaga? Paano ang trabaho mo? Paano si Riley?"
"N-nag... uhmm. H-humingi ako ng i-indefinite leave."
"Pag handa ka ng mag kwento... nandito lang si daddy."
"Thanks dad!" Hinalikan niya ko sa noo.
"Mag pahinga ka muna anak. Alam kong pagod ka. Papatawag ka na lang pag lunch na." Tumango na lang ako at nahiga sa kama. Kinumutan ako ni daddy gaya ng ginagawa niya.
"Daddy. Gusto kong mag punta tayo sa Antipolo. Sa bahay niyo dun."
"Okay. We'll talk about it later." Paglabas ni daddy napansin niya yung cellphone niya na umiilaw. Natakpan pala ng kumot kaya di niya napansin. Puro missed calls ni Nina. Kaya tinawagan niya ito. Nakaka dalawang ring pa lang sinagot na agad.
"Nina bakit ka napa--"
"Ciara. Nasan ka ba? Bakit ka nagpalit ng number? Kausapin mo naman ako. Please listen--" Ini-off ko kaagad yung phone ko nung makabawi ako sa pagka shock. Paanong na kay Hanzen ang cellphone ni Nina.
Napawak ako sa dibdib ko. Ang lakas lakas ng kabog. Kinabahan ako nung marinig ko yung boses niya. Napaiyak nanaman ako dahil naalala ko nanaman yung video.
Nagising na lang ako sa katok sa pinto. Nakatulog pala ko kakaiyak.
"Maria... si Mameng Aida mo ito. Bumaba ka na at kakain na."
"Sige Mameng. I'll just took a quick shower."
"Oh sige! Sumunod ka na lang."
Pagka shower ko, nagpunta ako sa walk-in-closet ko. Malaki ang salamin dun. Paghubad ko ng towel. Naalala ko bigla yung gabi na may nangyari samin ni Hanzen. Damn! Lahat na lang ba ng gagawin ko... kailangan ko siyang maalala? Pinipilit ko na nga na kalimutan siya. Pero bakit ganito? Naputol ang muntik ko ng pag iyak nanaman nung makita ko na parang lumapad ang balakang ko. Shett! Parang tumataba ata ako. Kaya siguro pinagpalit ako ni Hanzen sa isang model.
Pagkabihis ko bumaba na din ako. Ako na lang pala ang hinihintay nila.
"Oh halika na Ciara. Maupo ka na dito."
Ang dami dami nilang pinag usapan. Minsan lang ako tinatanong nila. Minsanan lang din ako nagsasalita at nakikisama sa pag uusap nila.
"Maria. May bisita ka. Nasa may garden." Ang sabi ni Mameng Aida sakin
"Sino po?" Tanong ko kay Mameng Aida. Nandito kasi ako sa may patio. Nag ka-kape.
"Si Nina. Kadadating lang niya. Eh pinapapasok ko. Ayaw naman ng tumuloy."
"Sige po Mameng. Pupunta na po ako dun."
Nakita ko si Nina na palakad lakad lang. Parang hindi mapakali. Panay din ang kagat niya sa daliri nito. Kaya nilapitan ko na siya.
"Nina. What brings you here?"
"Gadd Ciara. Sorry. Hindi ko alam na kinalikot na pala ni Hanzen yung cellphone ko. Desperado na ata siya."
"It's okay. Di ko na rin naman siya kinausap."
"Pero Ciara... si Hanzen kasi eh." Kinabahan ako sa sinabi ni Nina. Anung ibig niyang sabihin?
"Anung nangyari sa kanya Nina? Sabihin mo?"
"Nasa hospital..." Pakiramdam ko naubusan ng dugo ang buo kong katawan. Lalo na ang puso ko.
(c) Eilramisu
Waaaaaa. Hayssss. Pasensya na kayo sa previous chapter. Alam ko naman na pati kayo high blood sakin. Relax lang okay?
Love you all. Thanks =)))))))))))))))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top