Babysit ~ Thirty Five

Dire-diretso lang si Xienna na pumasok sa loob ng bahay. Wala talagang manners. Hindi ko na lang isinara ang pinto dahil alam kong lalabas at lalabas din siya dito.

Hindi ko pinahalata na buntis ako nung tinitigan niya ko. Lumibot ang tingin niya sa buong kabahayan.

"Nice furnitures. Hindi ko alam na may taste ka pala pagdating sa mga ganitong bagay." Puri o insulto. Kung anu man ang gusto niyabg iparating, wala na kong pakialam. Ang gusto ko lang hilahin na siya palabas ng bahay ko.

"Syempre. Hindi ako katulad mo na mapakla." Sumimangot lang siya at binalik na lang ulit niya ang tingin niya sa buong living room.

"This is a perfect place. Buti na lang at alam mo ang Law of Balance, perfect place for a stupid... like you." Look who's talking. "Grand staircase..." bastusan? Feel at home? May paupo upo pa siyang nalalaman. "...comfy couches, big LED television--"

"The last time I checked, you're an international model... hindi ko alam na kaya pala ng utak mo na maging isang architect. Hindi na siguro ako magtataka kung pati ang pagiging GRO... na master mo." Matalim niya kong tinitigan na agad ko namang ibinalik sa kanya ang titig na yun.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Masyado na atang nagiging matalas ang dila mo Ciara. Baka maging mapurol yan sa ikukwento ko sa'yo." Kwento? Napakunot ang ulo ko sa sinabi niya. Pati pala ang pagiging kutsero, prinactice niya.

"Tell me what you want and what you need." Nakataas kong kilay sa kanya. Bahagya niya kong nilapitan. Pero lumagpas siya sakin at nagpunta sa shelves na puro family picture. Simula noong mga bata pa si daddy at yung kapatid niya... hanggang sa'min na pamilya niya.

Humarap ako sa kanya. Tinitignan niya ang mga picture namin.

"Magpapasalamat lang naman ako dahil umalis ka na sa buhay namin ni Hanzen. Ngayon... masaya lang akong i-share sa'yo na... malapit na kaming ikasal. Eto naman talaga yung plano namin bago ako umalis. That lover boy... hindi ko naman alam na uso pala sa kanya ang sweet revenge. Pinapagselos lang pala ako. Kaya eto... sobrang happy na namin. We patch things up." Napahawak ako sa dibdib ko at pinipigilang umiyak. Dafuqq! Nagpunta siya dito para lang dun? Para lang ipamukha ang pagkatalo ko?

"P-paano mo n-nalaman na nandito ako?" Hindi ko alam kung bakit yun pa ang naisagot ko. Baliw na kung baliw... tanga na kung tanga... pero ayaw ko ng marinig pa ang tungkol sa kanila ni Hanzen. Kinukurot ko na lang ang dibdib ko para hindi nanaman ako umiyak sa harapan niya.

"Nagkataon lang na nakita kita kanina sa mall. You know... may model search kasi... isa ako sa judges. Good thing, pauwi na ko sa piling ni Hanzen nung makita kita. Kaya, I just follow you. Looks like... fate really want me to thank you." Tinalikuran ko siya at naupo ako sa isang single couch. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Ang sakit sakit na ng lalamunan ko sa kakapigil sa pag iyak.

Narinig ko ang papalapit saking tunog na nililikha ng stilleto niya sa tiles ng sahig. Naupo siya sa kabilang couch at hinawakan ang isang kamay ko. Hindi ko na magawang tanggalin dahil nanghihina na ako. Napasinghap ako sa sunod niyang sinabi.

  

"Since nandito na rin naman ako. Ii-invite na din kita sa wedding namin. Ipapadala ko na lang dito ang engagement ring." Napatingin ako sa kanya at hinawi niya ang buhok niya at nakita ko ang isang engagement ring. Hawig siya nung ring na hawak ni Hanzen nung nag propose siya sakin. Pero mas malaki lang ang diamond ng ring ni Xienna.

  

"Umalis ka na dito Xienna." Mariin kong utos sa kanya at tinapik ang kamay niyang nakahawak sakin.

  

"Why? May nasabi ba kong masama?"

  

"Umalis ka na habang kaya ko pang magpigil." Tumayo akong nanginginig ang mga tuhod ko. Pero nanatiling nakaupo lang siya at halatang peke ang pagkagulat sa mukha niya.

"Hey! Hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang na mag thank you sa'yo at i-invi--" Hindi na talaga na kaya ng temper ko kaya sumigaw na ko.

"UMALIS KA NA HANGGA'T KAYA KO PANG MAKITA NA MAAYOS ANG PAGMUMUKHA MO NA LUMALAYO SA BAKURAN KO." Napapitlag siya at halatang gulat na gulat. Napansin ko naman si Mameng Aida na humahangos papunta sakin.

  

"Anung nangyayari dito? Maria... sino siya?" Hindi ko na napansin ang tanong ni Mameng Aida. Nakatuon ang atensyon ko kay Xienna na hindi man lang natinag sa pagkakaupo. Mamatay na nga siya kung hindi pa rin siya tatayo, prenteng prente pa din siya sa pagkakaupo.

  

"GUSTO MO BANG HILAHIN KO PA NG ISA ISA YANG BUHOK MO PARA LANG MAKALADLAD KA PALABAS NG BAHAY KO??!!" Pakiramdam ko umatras lahat ng luha ko at napalitan ng galit.

  

Dahan dahan lang tumayo si Xienna. Hindi talaga siya natatakot sa pwede kong gawin sa kanya? Inayos niya lang ang laylayan ng dress niya pati na ang buhok niya na parang pinapainggit pa niya sakin ang engagement ring na suot niya.

  

"Hindi mo man lang ba kami iko-congratulate ni Hanzen dahil ikakasal na kami?"

  

Napahawak ako sa braso ni Mameng dahil sa palagay ko bibigay na ang mga tuhod ko. Naramdaman ata ni Mameng ang panginginig ng kamay ko kaya kinuha niya yung mahabang flower vase sa may gilid ng couch na inuupuan ko kanina.

  

"Hindi ka ba aalis dito malanding binibini? O kailangan ko pang basagin tong vase sa makati mong katawan?" Iniamba ni Mameng Aida ang vase kaya napatakbo si Xienna sa pinto ng wala sa oras.

"H-hintayin kita sa kasal namin, Ciara." Ang huli kong narinig kay Xienna at nagtatatakbo na siyang lumabas ng bahay.

Tuluyan na kong napahagulgol sa mga nalaman ko. Buti na lang at inalalayan ako ni Mameng na maupo, hinahagod lang ng kamay niya ang likod ko at minsan ay yayakapin.

  

"Wag ka ng umiyak Maria. Makakasama sa'yo yan."

  

"Ma...meng ang s-sakit sa...kit." Pinilit kong magsalita sa pagitan ng mga hikbi ko. "S-sabi niya a...ko ang m-mahal niya. Han...da naman akong patawarin siya. K-kailangan k-ko lang ng... o-oras para magpahi...lom ng sakit. Pero d-doble tri...ple pa ang sakit na n-nararamdaman ko."

  

"Maria makakasama sa inyo ng anak mo. Wag ka ng umiyak. Teka... sandali lang at ikukuha kita ng maiinom." Nagmamadaling umalis si Mameng sa tabi ko.

  

Naninikip na ang dibdib ko at sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng sobrang pag iyak. Napahawak ako sa tiyan ko.

  

"B-baby.. last na t-to. H-hindi na iiyak si m-mommy. I'll be strong for you." Bulong ko sa anak ko. Humahangos na dumating si Mameng at iniabot sakim ang baso ng tubig.

  

"Uminom ka Maria. Para naman mahimasmasan ka." Uminom ako ng konti. Kinuha ni Mameng yung baso sa kamay ko. "Sus maryosep naman oh oh! Paano kung mapahamak iyang anak mo?"

  

"O-okay na po ako. Magpa...pakatatag po ako p-para sa anak ko."

"Aba eh dapat lamang Maria. Wag mo na lang muna isipin ang sarili mo. Intindihin mo ang magiging kalagayan ng anak mo. Hindi pa yan nakapit ng mahusay sa'yo." Tahimik lang ako at ina-absorb ang sinasabi ni Mameng Aida. "Ang mabuti pa magpahinga ka na." Tumango na lang ako at nagpunta sa kwarto ko.

  

Nakatulog din naman ako kahit papaano. Ayoko ng ganito. Ayokong maburyo lang dito. Gusto ko naman na maging masaya para maging masaya at healthy din ang baby ko. Ayoko siyang magmukmok ng gaya ko.

Mag a-alas singko na din pala. Naligo na ko at nag ayos. Nagsuot ako ng simpleng dress at flats. Okay na siguro tong itsura ko. Nagbitbit na lang ako ng maliit na bag, para lagayan ko ng cellphone, wallet at mga vitamins ko. Nagdala na din ako ng blazer. Huminga muna ako ng malalim at binuksan ko ang pinto. Muntik kong atakihin ng maabutan ko si Mameng Aida na nakatayo dun at mukhang kakatok. 

"Sigurado ka na ba na aalis ka? Bakit hindi niyo na lang ipagpaliban ni Miguel ang pag alis? Baka makasama pa sa'yo yan."

  

"Mas makakasama po sakin kung nandito lang ako. Gusto ko naman po na makalabas."

  

"Oh sige. Ikaw ang bahala. Nandiyan na nga pala si Miguel sa ibaba. Hinihintay ka na." Nginitian ko na lang si Mameng at tinapik niya ko ng marahan sa may braso.

  

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko kay Miguel ng hindi niya napansin ang presensiya ko. Tumayo siya at inabutan ako ng flowers with his infamous smile. Hahalikan niya dapat ako sa pisngi pero bahagya akong umatras. "Let's go?" Aya ko sa kanya.

  

"You're very beautiful Ciara." Pag ko-compliment ni Miguel sakin.

 

"Thanks. Mameng... alis na po kami." Humarap ako kay Mameng at naglakad na ko papuntang pinto. 

"Miguel, ingatan mo iyang si Maria." Narinig kong paalala ni Mameng.

  

"Kahit hindi niyo po sabihin, yun po ang gagawin ko." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Miguel.

  

Nakakahiya kay Miguel dahil tahimik lang ako. Para nga tong silent date. Kasi minsan lang ako magsalita. Siya lagi yung nagkukwento. Pagmagtatanong lang siya, dun lang ako iimik. Pag tumatawa siya sa kwento niya, tatawa na lang din ako kahit hindi ko naintindihan kung anu ba pinagsasabi niya. Para hindi niya rin isipin na lumilipad ang isip ko.

Kung iba lang siguro ang nasa posisyon ko... malamang kikiligin na sila dahil isang adonis ang kasama ko. Sweet at thoughtful pa. Dinala pa niya ko dito sa isang fine dining restaurant. Medyo romantic yung ambiance kasi gabi na. Isa pa, Saturday kasi eh. Kaya maraming nag di-date. May magarang chandelier. May nag pi-play ng violin, piano, at bass. Napayuko ako kasi kung tutuusin, hindi dapat ang isang gaya ko ang kasama niya dito. Nakakahiya naman kasi sa kanya, kasi nakapatiyaga niya. Which is tinutulan ko talaga. Pero persistent eh.

Ayokong ma-offend siya pag nagsalita ako. Kaya pinipilit ko na ipakita ko na lang sa kanya na hindi talaga ako interesado. Ang sabi naman niya pagka daw ayaw ko talaga. Hindi na siya magpipilit pa. Gusto ko na siya mismo ang magsabi na suko na siya. Ayokong mag pakita ng motive, whether ayaw ko o gusto ko. Less talk, less mistake. Hindi naman niya ko pinakitaan ng masama. Naging mabuti pa siya kahit na two weeks pa lang niya kong kilala.

"Hey! Ciara. Are you okay?" Napaangat ang ulo ko sa nagsalitang si Miguel.

 "H-huh? aahh..." kinakabahan ako. Shett! Nakakahiya talaga. "O-oo naman. Okay lang naman a-ako." Sumimangot siya at ngumuso.

  

"Kanina pa kasi ako salita ng salita dito. Pero nakatulalae ka lang. Kaya I suppose na may problema ka." Umiling lang ako.

  

"I'm fine. I-I mean... I'm not."

  

"Bakit? May sakit ka ba? Okay lang ba si baby?" Hinawakan niya ko sa noo. Umiwas din naman agad ako.

  

"A-ang ibig kong sabihin... m-may iniisip lang k-kasi ako. Gaya nung... uhmm... pag a-undergo ni daddy ng operation sa China. Y-yun. Y-yun lang."

  

Bumuntung hininga si Miguel at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Hindi pa rin ako susuko, Ciara. Maaari ngang baka pag inimbitahan kita. na mag date ulit tayo, hindi ka na sumama sakin. Hindi naman ako titigil sa pag angkin ng puso mo." Nabawi ko kaagad yung kamay ko na hawak hawak ni Miguel.

(c) Eilramisu

Hay. Enjoy po sa update.

 

NOTE: ANG ISTORYANG ITO AY ORIHINAL AT GAWA LAMANG NG MALIKOT KONG IMAHINASYON. KUNG MAY MGA BAGAY, PANGYAYARI, LUGAR, ARAW, BUWAN, TAON, PANGALAN, EKSENA, AT IBA PA NA KAWANGIS SA IBANG STORYA O SA TOTOONG BUHAY AY NAGKATAON LANG AT HINDI SINASADYA.

 

Wag niyo po akong tanungin kung GINAYA ko ba ang His BABYsitter sa ibang story (na hindi ko naman alam o di ko pa nababasa) ay masyadong mabigat na paratang. Lalong lalo na kung ang pagtatanong ay parang nambibintang. Kung may problema kayo sa story ko, ia-approach niyo ako ng maayos.

 

Dahil tulad niyo... tao lang din ako na madaling kumonti ang pasensya. (It's not that i'm really affected pero respeto lang po) Feelingera ko =3

 

Next Update : SPECIAL CHAPTER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top