Babysit ~ Thirty

Pagkaalis ni Xienna, kinakabahan akong bumalik sa table namin ni Nina. Maniniwala ba ako na hindi siya ang tumawag kagabi? Pero kung hindi siya... sino naman? 

  

"Tulala ka dyan." Ang sabi ni Nina nung hindi pa ko nag sasalita.

  

"I'm just... wondering. But anw, back to Hanzen." Pagkabanggit ko ng pangalan niya, naiyak nanaman ako. "Hindi man lang niya ko tinitext or tinatawagan man lang. Hindi na ata ako importante sa kanya. Hindi naman ata importante yung monthsary namin."

  

"Ciara papayag ka ba na nagpakasal sa kanya?"

  

"Bakit mo ba tinatanong yan?" Napahagulgol nanaman ako... hindi ko kasi alam ang sagot eh.

  

"Gusto ko lang malaman. Si Hanzen kasi ang tipo ng lalaki na seryosohan ang gusto. Eh ikaw?"

 "Seryoso naman ako sa kanya ah!"

  

"What I mean is... marriage. Will you take it seriously?"

  

"Wag mo nga pagbuhol buholin ang utak ko. Hindi ko naman alam ang isasagot. Gusto ko din no. Pero mga after six years pa!!"

  

"Six years? Ang tagal pa nun Ciara."

  

"May tawad na nga yun no. Dapat nga papakasal ako pag 30 na ko. Pero makakatawad pa siya. Wag lang niya kong idadaan sa santong sarapan. Baka hindi nanaman ako makapag isip at bigla na lang sumigaw ng YES!" Napasigaw nga ako sa yes... kaya nagtinginan nanaman sakin ang mga tao. Napahigop ako ng coffee ng wala sa oras. "Pero... hindi ko naman pinag sisisihan na naging kami na. Alam ko naman na mahal niya ko. At kung kailangan ko talagang pumili. Pipili ako."

  

Ang dami dami pa naming pinag kukwentuhan ni Nina. Para nga lang akong hindi namomroblema. Nakalimutan ko na nga yung issue ko about Hanzen. Siguro kung wala siyang gagawin... ako na lang ang mag e-effort. Hindi naman kailangan na iasa ko sa kanya lagi ang monthsary namin. Ako... walang ginagawa. Hindi naman mahirap ang trabaho ko kay Riley. Pero siya... halos siya lahat ang may hawak ng company na iniwan sa kanya ng parents niya. Siguro nga tama si Nina. Kailangan ko lang magpaka matured.

   

Nagpasama na lang ako kay Nina na mag grocery. Mag pi-preprare ako ng dinner para samin ni Hanzen. Ang gusto ko para sa dinner namin ay garlic bread for appetizer, caldereta and hamonado for the main course and java rice, red wine, and tiramisu for the dessert. Excited na ko. Shett. First time ko to. Bumili na din ako ng mga scented candles. Anu kaya kung bumili na din ako ng rose petals?  

Hindi ko iniexpect na maiisip ko itong mga ganito bagay. Parang sanay na sanay lang ako. Pero di bale na. Maganda naman ako. Isa pa... napaka gwapo ng paghahandaan ko.

  

"Ciara. Nasira yung car ko. Pwede bang pasabay." Ang sabi ni Nina nung papunta na kami sa parking lot ng mall. Masyado kaming nag enjoy sa pag bili ng ingredients.

  

"Oo naman. Walang problema." Pagkasabi ko nun. Kinuha niya ang cellphone niya aat nag simula nananang mag text. Kanina ko pa siya napapansin na ganyan.

 "Sinong ka text mo? Si Jake?"

  

"H-huh? Ah... oo. S-si Jake nga." Tapus ibinulsa na noya yun cellphone niya. "Nga pala, Ciara. Ako na lang ang mag da-drive. Yung susi?" Hindi na ko nagtanong pa at ibinigay ko na lang yung susi ng kotse ko sa kanya. 

  

Iniayos ko muna yung mga pinanili sa may backseat at naupo na ko sa may passenger's seat. Pag ka start ni Nina ng makina ng kotse. Bigla kaming pinalibutan ng mga lalaki na puro naka black na tshirt at may takip din sa mukha.

  

"Nina. Shettt. Who are they?" Natatakot kong tanong kay Nina.

  

"Sorry Ciara..." Napatingin ako sa kanya na naguguluhan. Nagulat ako ng biglang nabuksan ang pinto sa side ko. Pilit akong hinahatak palabas ng mga lalaking nakaitim. Mga goons sila. Dafuqq.

  

"Nina... Nina help. Help me!!!" Bumaba si Nina ng sasakyan.

 "Wag niyo siyang sasaktan." Blangko lang ang expression ng mukha niya. Nang tuluyan na kong nakababa, hinawakan nila ang dalawa kong braso. May isa pang nag takip ng bibig ko. Nahilo ako sa amoy ng panyo... kaya napapikit ako.

  

Nagising na lang ako na nakasakay sa van. Nasa pagitan ako ng dalawang lalaking naka takip pa din ang bibig. May tali ako sa kamay. 

  

"SINO KAYO?? MGA WALANGHIYA KAYO! ANUNG KAILANGAN NIYO SAKIN? SAAN NIYO AKO DADALHIN?? PAG AKO NAKATAKAS DITO. IPAPAKULONG KO KAYO. IPAPABUGBOG KO KAYO SA TROPA KO SA LOOB. PAKAWALAN NIYO AKO!!!! SINO BANG MASTER MIND NITO? SI XIENNA? SABIHIN NIYO SA AMO NIYO HINDI AKO NATATAKOT SA KANYA. WAG NA WAG TALAGA KAYONG MAGKAKAMALI NA SAKTAN AKO. LAHAT MAY LATAY!!!"

  

Kahit anong sigaw ko... walang pumapansin sakin. Hindi nila ko pinapansin. Kahit lingon... hindi... wala. Magbabayad sakin ang pasimuno nito. Kung si Xienna man. Kakalbuhin ko talaga siya.

  

Nagulat ako nung bigla ako nilagyan ng blind fold.

"HAYOP KAYO! ANONG GAGAWIN NIYO SAKIN? BAKIT NIYO KO PINIPI--AAAAAHH!" Napasigaw ako nung maramdaman ko na umangat ako sa pagkakaupo sa van. "IBABA NIYO. SAN NIYO BA KO DADALHIN??!!" Pinaghahampas ko ang likod ng lalaking nag bubuhat sakin. Naririnig ko siyang umaaray... kaya ipinagpatuloy ko ang pag sapak sa likod niya.

  

Naramdaman ko na lang na ibinaba niya na ko. Tinanggal niya muna yung tali sa kamay ko. Kahit wala akong makita sumasapakppa din ako. Para akong tanga na sumasapak sa hangin. Ang hangin dito. Ang lamig lamig. Pagkatanggal ng piring ng mata ko, hindi pa agad ako nakapag adjust. Nung nakakakita na ko mg maayos. Biglang nagbukasan ang mga ilaw. Medyo nasilaw pa ko. 

  

Ang una kong nakita ay si Nina... nakatayo na siya sa harap ko.

  

"Nina?? Don't tell me ikaw ang may plano nito? Why? The last time I check, we're the best buddy. How could you do this to me? You traitor. Why did you do this to me?" Hindi niya pinansin ang tanong ko... lumapit siya sakin at niyakap ako. Kinuha niya ang kamay ko nung pagkatapus niyang humiwalay sa pagkakayakap. May inilagay siya sa palad ko.

  

"You can use your car if you wanna run away. Pag naguguluhan ka na. Pag hindi mo alam ang isasagot. Pag hindi ka pa ready. And, by the way... kinuha ko na yung mga ingredients sa car mo. Baka mabulok eh." Pagkasabi niya nun.. iniwan niya ko na naguguluhan pa din. Nilibot ko ng paningin ang paligid. Nasa roof top pala ako. Kaya siguro ang lakas ng hangin. May mesa sa gitna. Nakaayos yun at may dalawang upuan. May bulaklak pa sa may isang upuan. 

  

Bigla na lang akong napangiti. Mukha alam ko na kung sino ang master mind nito. Maganda ang buong rooftop. Para pa ngang helipad to eh. Ang lawak kasi. May nga balloons sa paligid. May iba't ibang kulay pa ng ilaw. Ang ganda talaga. Shett. Naparingin ako sa suot ko. Buti naka pink dress ako. Hindi naman ako naa-out of place sa itsura ko. Gadd!! Naiiyak ako.

  

May tumunog na instrument sa kung saan na hindi ko makita. Bigla na lamg lumitaw si Hanzen sa harapan ko na gwapong gwapo sa suot niyang three-piece suit. Ngiting ngiti siya na akala mo nag i-endorse ng Close-up. At may bigla akong naalala. Kaya naman sinugod ko siya.

  

"WALANGHIYA KA!! SIGURADO NA KONG IKAW ANG MASTERMIND NITONG LAHAT NG TO. KINUNTSABA MO PA SI NINA TARANTADO KA. PA-NGITI NGITI KA NA LANG DIYAN EH PAANO KAYA KUNG MAY NANGYARING MASAMA SAKIN HA?? HINDI MO ALAM KUNG ANUNG KLASENG KABA AT TAKOT ANG NARAMDAMAN KO KANINA. EH PAANO KUNG HINDI AKO DITO DINALA NG MGA GOONS NA YUN HA? PAANO NA LANG KUNG NAGUSTUHAN NILA AKO AT NADALA SA ALINDOG KO? ANU NG GAGAWIN MO KUNG MATULUYAN NGA NA MA-KIDNAP AKO." Wala pa ding tigil ang pagtugtog sa mga instruments kahit na ganun yung sitwasyon namin. Tuloy lang ang pagpapalo ko sa kanya. Siya naman iwas ng iwas. Hanggang sa nahawakan niya ang kamay ko.

  

"Hey sweetie. Kanina mo pa ko binubugbog ha! Nakakarami ka na. Hindi mangyayari na matutuluyan kang ma-kidnap. Dahil nandun ako. Kasama ako. Hindi ko hahayaan na may ibang humawak sa'yo. Ako kaya ang nagkarga sa'yo papunta dito."

   

"Proud ka pa? Dapat na ba kong magpasalamat sa'yo... ha?? Akala ko ng mga oras na yun mamamatay na ko. Walanghiya ka talaga!!"

  

"Kumalma ka lang nga." 

  

"Tseee." Hindi niya pinansin ang pag susungit ko. Inakay niya ko papuntang table at iniabot niya sakin yung flowers.

  

"For you babe. Happy fourth monthsary." Pagkasabi niya nun, hinalikan niya ko sa pisngi. Napangiti na lang ako sa inasal niya. Akala ko wala lang kwenta sa kanya ang mga ganito. Pero hindi ko maiisip na magagawa niya sakin to. Hinila niya yung isang upuan ang naupo ako dun. Ahhh, ang sweet.

  

"Thanks." Pasalamat na lang talaga siya. Mahal ko siya!!! Ngumiti lang siya sakin at naupo na din sa katapat ko.

 "You're beautiful." Sabi niya.

 "Binobola mo ba ko? Sa ganitong ayos? Maganda pa din?"

 "Of course. Kahit naka pj's ka lang... kahit naka two piece pa yan... and even naked. You're still the most beautiful and gorgeous gift, God has given me." Nag blush ako sa sinabi niya. Para akong high schooler na nililigawan ng crush ko. "And I want you for myself only."

  

"Thanks Hanzen. I thought you already forgot this special day. But I'm wrong... cause you're not. Can't you see... I don't expect these kind of surprise from you. Kahit na muntik ko ng mapatay si Xienna sa isip ko."

"Ikaw talaga... hindi na niya tayo guguluhin. Okay? Wala ng mang gugulo satin. Pinapangako ko sa'yo yan."

"Sana... last na talaga yun." May waiter na nag-serve ng mga food. Ang sasarap lang... kasi puro favorite food ko. Buttered shrimp at kung anu ano. Wow!! Biglang kumulo ang tiyan ko. May sinasabi sakin si Hanzen pero di ko maintindihan. "Teka Hanzen ah. Time first muna. Galit galit muna tayo, aryt? Gutom na ko eh." Tumawa lang si Hanzen. Tapus pinagbalat niya ko ng mga shrimp.

Pagkatapos naming kumaen, niyaya ako ni Hanzen na sumayaw. Kaya nagpaunlak na lang ako. Para bumaba yung kinaen ko.

 "Nabusog ka ba?"

 "Yes. Ang sasarap ng food."

 "Mabuti naman. Dahil kung hindi... papaalisin ko sila at hahanap ako ng ibang cook."

 "Ang sama mo. Okay naman eh. Nga pala, gusto ko lang mag tanong sa'yo."

 "What is it?"

 "Bakit parang wala lang sa'yo yung first up to third monthsary natin?"

"Hmm... hindi naman sa parang wala lang. Pero ang gusto ko kasi... fourth monthsary ang maging isa sa pinaka memorable. Fourth day of August, ng una tayong magkakilala.  Hindi man fourth day of the month mo ako sinagot, .  Aaaahhh. Nakaka-touch. 

  

"So... I am number four?" Pagbibiro ko sa kanya. May movie na ganun eh.

"No sweetie. You're my only one." Shettt. Shattap please!

"Wag ka nga. Isayaw na lang natin yan." Kinikilig kasi ako eh. Baka bigla akong himatayin. Mas humilig pa ko sa dibdib niya at sinabayan namin ng indayog ng musika. 

Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Bakit ba siya kinakabahan? Pero sa bagay... ako din eh. Kinakabahan. 

"Pakiramdam ko patanda na ko ng patanda. Gusto ko na rin magkaroon ng sariling pamilya. Yung galing talaga sakin. I wanna settle down." Huminto siya sa pagsayaw kaya naman ganon din ako. Kinabahan na talaga ako. Shett. Moment of truth. Gusto kong himatayin. Eto na ba yung sinasabi ni Nina sa coffee shop about marriage? Kaya ba niya ibinalik sakin yung susi ng kotse ko kasi alam niyang hindi pa ko sure? Kaya ba siya tanung ng tanong. Gaddd! What to do...

"If you're going to give me a chance... will you..." napalunok ako sa sinabi niya, "let me spend my remaining years, months, weeks, days, and hours with you?"

"W-why not..." Shett!! Stupid answer. I'm fvcking speechless and nervous and the same time.

 "Ciara... I love you very much. Will you marry me?"

(c) Eilramisu

CIARA MARIA THERE >>>>>>

Mwahahaha!! Ayan na nga po. Malapit na talaga. Konti na lang. Malalaman niyo na ang major problem nila.

Grabe... I'm so thankful and happy because of you're undying support for this story. Kahit na silent readers lang talaga yung iba sa inyo. Pero talagang nag ko-comment pa rin kayo =))

Sana hindi kayo magsawa at mapagod kakahintay ng update... at pagkainis dahil "BITIN" 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top