Babysit ~ Forty Six

Nandito na kami sa loob ng mall nila Mommy Mandy at Hannah. Pagkarating namin dito dumaan muna kami sa coffee shop. Kasi sabi ni Mommy Mandy, para naman daw hindi siya mapagod agad sa pag sha-shopping namin. Mahaba pa daw kasi ang araw.

"Dumaan muna tayo sa iba't ibang boutique... hindi kasi ako nakabili ng mga pasalubong. Akala ko kasi wala pa itong si Hannah. Kaya dito ako babawi. At para din sa'yo Ciara. Hindi ka ba binibilhan ng damit ni Hanzen?" Tinignan ako ni Mommy Mandy mula ulo hanggang paa. Okay medyo kikay kasi siya, at ako? Ewan ko! Wala ako sa huwisyo na mag ayos. Nakasimpleng blouse lang ako, tapos leggings at flipflops. Sinuklay ko lang ng konti yung buhok ko at okay na ko. Ganito ata talaga pag buntis. Walang ganang mag ayos. Tamad sa lahat ng bagay.

"Kahit wag na po Mommy Mandy. Binibilhan naman po ako ni Hanzen... hindi ko lang po talaga gus--"

"Hayaan mo na ko... namiss ko kasi talaga ang mamasyal. Lagi na lang kasi ako nasa bahay, napapalibutan ng mga nurses ng Daddy Jerome mo."

"Oo nga, Ate Ciara. Ganyan talaga yan si Mommy pagdating sa shopping-an... ikaw ang uuwing luhaan dahil sa pagod." Pabulong na sabi ni Hannah, pero hindi pa rin nakaligtas yun sa pandinig ni Mommy Mandy.

"Iba na ang kaso ngayon no! Buntis si Ciara... hindi dapat siya mapagod."

Nagsimula na kaming maglibot libot. Akala ko naman ang gagawin lang ni Mommy Mandy, piling boutique lang ang pupuntahan namin, yun pala, inisa isa pa talaga! Juskoo! Baka manganak na ko agad agad nito sa pagod.

"Mommy, kanina ka pa pili ng pili. Hindi ka ba bibili?" Sabi ni Hannah.

"You know my taste, sweetie. Wala akong mapili na pumapatok sa style ko." Oh well! Ang sabi ni Hannah sakin kanina bago kami umalis... fashion icon daw si Mommy Mandy dati. Hindi ko alam kung paano, pero ang sabi kasi ni Hannah, dati daw artista si Mommy Mandy. "Dun tayo, mukhang magaganda dun." Itinuro ni Mommy Mandy yung katapat nitong boutique. Kaya naman no choice kami ni Hannah na sumunod kay Mommy Mandy.

Pagkapasok namin sa boutique, ang lawak agad ng ngiti ni Mommy Mandy. Tinignan niya kaming dalawa ni Hannah mula ulo hanggang paa. Sumenyas pa siya na umikot kami, kaya naman nagkatinginan kami ni Hannah tapos umikot din.

"Perfect!" Napakamot na lang ako ng ulo. Seriously, anong problema nun? Pinaikot lang kami tapos perfect? Okay! Ang labo!

Nagsimula ng mamili si Mommy Mandy ng mga damit na nakadisplay. Pagkakuha niya titignan lang niya yung harap at likod ng dress, tapos iaabot sakin o kaya kay Hannah!

Shett!! Mukha kaming alalay dito ni Hannah! Alam kong maganda pa rin naman ang katawan ni Mommy Mandy kahit na talagang wala na sa calendar ang edad niya. Siguro nga malapit na siyang magkaroon ng senior citizen card, pero hindi halata. Kasi maganda, makinis pa din, hindi kulubot ang balat, medyo kulot ang buhok niya na hindi umabot sa balikat. Mas maayos pa nga siya saming dalawa ni Hannah. Pero yung pinipili naman niyang dress, juskoo, medyo revealing ang likod, lahat sleeveless, kakaabot lang niya sakin ng halter na dress, tapos may inabot siya kay Hannah na tube na black dress.

"Alam mo Ate Ciara, mukha na tayong PA dito sa ginagawa ni mommy. Hindi ko alam na napunta lang siya sa states, pagbalik dito, super liberated na. Tignan mo naman tong mga damit na iniaabot niya satin. Saan naman niya gagamitin ang lahat ng ito?" Pabulong na sabi ni Hannah. Pareho pala kami ng iniisip.

"Hindi ko din alam eh. Ganito ba talaga mag shopping si Mommy Mandy?"

"Hindi. Ngayon lang. Dati kasi pag nag sha-shopping yan, hindi naman siya yung tipo na uubusin ang mga displayed items. Magtitira naman siya, isa pa, kasama niya yung bodyguard niya. Ewan ko lang kung bakit di natin isinama si Peping--" Napahinto si Hannah ng biglang humarap samin si Mommy Mandy.

"Kaya niyo pa ba girls?" Napatango na lang kami ni Hannah ng wala sa sarili. "Good, dahil kulang pa yang mga yan."

"Ate kaya mo pa ba? Hindi ba naiipit ang pamangkin ko sa tiyan mo?" Tanong sakin ni Hannah ng bumalik ang atensyon ni Mommy Mandy sa mga dresses.

"Kaya pa naman." Tinanggal ko kasi yung mga hanger para naman hindi sobrang bigat. Mahigit pa lang naman sa sampu itong mga damit kaya medyo kaya pa naman.

May iniaabot ulit si Mommy Mandy na dalawang dress samin ni Hannah. Kinuha lang namin yun.

"Done!" Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Mommy Mandy. Sa wakas! Lumapit siya sa cashier ay inuuna niyang inilagay dun ang dalawang dress na hawak niya. Nang naresibuhan na, isinunod yung hawak ko. Nagulat ako sa presyo ng lahat ng yun. Seriously? Eh pwede na kong bumili ng tatlong iphone5 sa halaga ng mga dresses na pinahawak niya sakin.

Pagkaabot sakin ng paper bags, isinunod niya yung hawak ni Hannah. "Mamaya niyo na sa bahay isukat yang mga pinamili natin."

"Samin itong lahat, mom?" Gulat na tanong ni Hannah.

"Yes! Kanino pa ba??" And I was like, OMG! Seriously. "Wala kasi akong pasalubong, dahil na-surprise tayong lahat sa isa't isa. Kaya dito na lang ako babawi."

"Ang dami po nito. Pero, o-okay po. Salamat dito." Sabi ko na lang sa kanya.

"Don't thank me, sweetie. I'm not yet done." Nagkatinginan nanaman kami ni Hannah at nakita ko siyang lumunok. Siguro kasi si Hannah, simple lang din siya, hindi siya gaya ng iba na punong puno ng kolorete ang katawan na nagmumukha na tuloy na sabitan. "Sa mga shoes naman tayo."

"Mom, I think, we should eat first. Gutom na kasi ako eh." Reklamo ni Hannah.

"Okay." Napili ni Mommy Mandy ang isang Ittalian resto. Pagka-order namin nagsimula na siyang magdaldal. "So, Ciara, ilang months na yang apo ko?"

"Four months po ngayong December."


"Nag pa ultra sound ka na ba? Anong gender ng apo ko?"

"Opo... last month. Pero hindi pa po nakikita ang gender sa ultrasound. Pag nag five months po, saka pa lang po malalaman."

Napahawak si Mommy Mandya sa pisngi niya. "Ay! Ang tagal naman... naiinip na ko." Kinuha ni Mommy Mandy ang cellphone niya at nagpipipindot. "Alam mo, kung ako din ang tatanungin, Ciara. Mas gusto ko na yung sexy ako pag ikinasal. Halata na yang tiyan mo. One more thing, wag kang magpakalosyang."

"Buti nga po napapayag ko din si Hanzen na iurong muna ang kasal."

"Anyway, I wanna meet your parents." Ha?? Wala sila mommy at daddy. Shett!! Paano na to??

"They're out of the country po kasi eh."

"Really? Where?"

"In China po." Naalala ko si daddy, kamusta na kaya siya? Okay na kaya yung operation? Hay! Tatawagan ko sila mamaya.

"Anong ginagawa nila du--"

"Here's your order Ma'am." Naputol ang sasabihin ni Mommy Mandy ng dumating yung busboy. Kumaen na din kami, walang nagsasalita samin habang kumakaen. Ano to? Galit galit muna? 

"Mommy... bakit naman pink ang pinipili mong crib?" Nakakunot ang noo ni Hannah na nakatingin kay Mommy Mandy na hawak hawak yung pink crib. Nandito kami sa loob ng department store, sa baby section. Mas naexcite ako sa paglabas ng baby ko nung makakita ako ng mga baby things.

"What't wrong with pink crib? Isn't it cute?"

"Cute nga... pero mommy, hindi pa natin alam ang magiging baby nila Ate Ciara. Hindi pa nga siya nakakapagpa-ultrasound eh."

"Basta! May feeling ako na babae din ang anak nila. Babae din ang apo ko. I'm hundred percent sure." Salitan ko lang na tinitignan si Hannah at Mommy Mandy habang nagtatalo.

"Eh pa'no kung lalaki pala? Sayang lang naman, di din magagamit."

"Hindi na ba sila magkakaanak pa ulit ni Hanzen? Basta... sigurado akong babae ang apo ko. Kaya etong pink crib ang kukunin ko." Napailing na lang si Hannah. Nanahimik na din siya, dahil siguro alam niyang hindi siya mananalo sa mommy niya. 

Napatingin ako sa labas ng store, medyo malapit kasi kami sa entrance/exit ng department store. Napatitig ako sa dumaang babae. Nagulat ako ng mamukhaan ko yun... si Xienna. Naagaw din ng pansin ko yung lalaking nakasunod sa kanya... si Hanzen? "What the hell??????" Napalakas ang boses ko... dapat sa isip ko lang yun... pero nai-voice out ko.

(c) Eilramisu

CIARA MARIA THERE >>>>>>

WAAAAA!! IDINI-DEDICATE KO TO KAY ATE BIANCE A.K.A 'SGwannaB' NATUTUWA KASI KO NA NI-VOTE NIYA YUNG TWO CHAPTERS NG HBS. 

MWAHAHAHAHA =) KILIG AKO =))

ANYWAY HIGHWAY STAIRWAY, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYO. SA WALANG HUMPAY NIYONG PAG SUPORTA SA HBS.... KAYA NGA PO INABOT NA NG 1M++++ READS. DAHIL PO YAN SA INYO. SANA PO WAG KAYONG MAGSAWA... THANK YOU TALAGA.

I LOVE YOU ALL GALS AND GUYS ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top