Babysit ~ Forty Four

Ang awkward lang, shett! Nag di-dinner na kasi kami. Hindi ko naman nakausap ng maayos yung parents ni Hanzen.

Kasi kanina, nung lumapit si Hanzen, sumunod si Hannah. Tapos may konting drama pa. Umiiyak si Hannah, nag sorry din siya kaya napaiyak na din yung mommy ni Hanzen. Yung natapos yun, nilapitan ako ni Hanzen at hinila papunta sa parents niya kaya natuon nanaman sakin ang atensyon niya at umarko nanaman ang kilay. Tanda ko pa nga yung pag i-introduce ni Hanzen sakin sa parents niya.

"Mommy, daddy, this is Ciara... my girlfriend. Ciara, this is my mom, Amanda, and my dad, Jerome." Nagsalubong ang kilay ng mom niya nung sinabi ni Hanzen yun.

"Good afternoon po, Tita Amanda and Tito Jerome." Tumingin lang sakin si Tita, si Tito naman nakangiti. Binaliwala niya ang sinabi ko!!!!

"Since when?" Intimidating na tanong ng mom niya. Shett! Bakit ba hindi ako nagtanong ng tungkol sa parents ni Hanzen. Dafuqq!!

"Since April, mom." Tumango tango naman si Tita Amanda.

"What a beautiful lady. Ngayon pa lang alam ko na kung kanino ka talaga nagmana, Hanz. You got it, man." Nag blush naman ako sa sinabi ni Tito Jerome, kaya napayuko ako sa sinabi niya.

"Thanks dad." Tipid na sagot ni Hanzen.

"Ang buong akala ko, kami ni Jerome itong manunurpresa. Hindi ko alam na kami pala ang masu-surprise. First, Hannah is back. Second, you already have a girlfriend... again." Kung kanina, napayuko ako dahil sa pag ba-blush, ngayon naman dahil sa sinabi ng mom ni Hanzen. Gosh! I never thought that this meet-the-parent thingy was hard.

"Mom, this time, I'm very much sure."

"Ganyan din ang sinabi mo sakin ng ipinakilala mo si Xienna." Argh!! That bitch, again.

"Amanda!!" Saway ni Tito Jerome, Tita Amanda just sigh.

"Mom, trust me this time. Alam kong nagkamali ako nung una... pero iba si Ciara. Hindi ko siya maituturing na pagkakamali... and I never regret the day that I met her as well as I regret that I have loved that girl, Xienna." Aww, na touch ako sa sinabi ni Hanzen. Parang gusto ko siyang yakapin at halikan... as in, now na.

"Oh, well! I'll just take a rest. May jetlag pa ko." Tumalikod na yung mom ni Hanzen at napailing na lang si Tito Jerome. At gusto ko ng tumakbo palayo dito sa bahay nila. As in, now na.

"Pagpasensyahan mo na, Ciara. Baka nga pagod pa si Amanda."

"O-okay lang po yun, Tito Jerome."

Kaya ayan, ang awkward awkward habang kumakaen kami ng dinner. Shett lang talaga! Walang nagsasalita samin.

"Saan kayo nagkakilala nitong si Hanzen.... Shara? Tama ba?" Muntik pa kong mabulunan ng biglang magsalita si Tita Amanda.

"It's Ciara... Ki-a-ra. Dito po kami nagkakilala sa bahay niyo po."

"Dito? Nagkaroon ba ng event dito sa bahay?"

"No, ma'am. Namasukan po ako bilang babysitter ni Riley..."

"Namasukan??!! My goodness! Panibago nanaman ba itong kalokohang napasukan mo Hanzen?" And I was like, uhmm... shock?!! What the hell? KALOKOHAN? AKO? ISANG KALOKOHAN NA PINASOK NI HANZEN?? She's too much!!

"Mom! Pwede ba? Stop it! You're not making any sense!"

"Amanda, you're being harsh and judgemental again."

"No. I'm being honest here. First, kay Xienna. Binalaan na kita noon sa kanya, Hanzen. Pero anong ginawa mo? Kinausap mo ko at pinalubayan mo ang relasyon niyong dalawa. What happen? She left you... and now--"

"Excuse me!" Tumayo ako at lumabas ng dining room. Nagdiretso ako sa gazebo sa garden. Shett! Hindi ko alam na ganito ka-intense. Hindi ako ready. Hindi ako prepared. Hindi ko pa kaya. 

"Ate Ciara..." Napalingon ako kay Hannah! Sinundan pala niyo ko. Buti na lang nadistract ako, kung hindi... baka naiyak na ko sa sobrang frusrate. "Pagpasensyahan niyo na po si mommy. Ganon lang po talaga siya. Lalo na nung kay... X-xienna."

"Okay lang... ganon lang talaga siguro pag sa umpisa. Hindi naman niya ata alam lahat... hindi ata siya na-inform about sa relation namin na Hanzen."

"Buti nga po ikaw... nandyan si Kuya Hanzen para ipagtanggol ka. Kasi ako noon... pinagtatanggol nga ako ni Kuya Hanzen... pero alam ko naman na hindi din niya gusto si Kyle. Basta Ate... kahit anong mangyari... pagkatiwalaan mo si Kuya Hanzen. Alam ko naman na ikaw ang dahilan kung bakit niya ko binigyan ng chance na makasama si Riley. Nakita ko din kung gaano siya ka devastated nung mga panahon na wala ka... at dun ko na-realize yung katangahang ginawa ko sa'yo... nakainom kasi ako ng mga panahon na yun... katangahan din na i-threat ka over phonecalls. At alam ko rin yung mga nangyari between you and Xienna. Kaya alam ko na matatag ka... na kaya mo. At kakayanin mo dahil magkaka-baby ka na. Yun kasi yung pakiramdam ko noon nung pinagbubuntis ko si Riley... feeling ko ako na yung pinakamalakas na babae sa buong mundo."

"Thank you Hannah, ha? At least... bukod kay Hanzen... may iba pa kong makakausap. Medyo... magkabatch naman tayo. Kaya naiintindihan mo siguro yung situation ko. Hindi ko alam na ganito pala kahirap... sana nandito yung parents ko... para makakahingi ako ng advice sa kanila." Ngayon ko talaga naisip na kailangang kailangan ko ang parents ko. Gasino na lang yung patayan namin ni Xienna sa mga maaanghang na salita, compare dito sa, hopefully, future in laws ko. Parang maagang suicide to.

"Ciara..." Nakangiti akong lumingon kay Hanzen, pero hindi ko alam kung totoo ba yung ngiting yun or fake lang. Siguro nga... kahit na nagkasala siya... pakiramdam ko, pabigat na ko. Pakiramdam ko ang arte arte ko. Lumapit sakin si Hanzen at niyakap ako...

"Maiwan ko muna kayo..." Sabi ni Hannah, at umalis na din siya. 

"I'm so sorry... hindi pa rin pala siya nagbabago..."

"Hindi mo kasalanan, Hanzen. Baka nagulat lang yung mom mo."

"Whatever she feels, hindi pa rin naman tama na ganon yung iasta niya."


"Hanzen... tayo na lang yung umintindi sa kanila, okay? May mali din tayo... hindi natin naipaalam yung tungkol satin noon. Kaya natural lang na magugulat sila. Kasi umalis sila na kayo pa ni Xienna... nabalitaan nilang hiwalay na kayo at eto... pagbalik nila... ako na ang girlfriend mo. Hindi ko rin sila masisisi, kasi concern sila sa'yo."

"Hindi ganon ang pakikiharap sakin ng parents mo... kahit na alam nilang nagkaproblema tayo... kahit na alam nilang galit na galit ka sakin. Kahit na nagtatago ka na sakin... kahit na itinatago ka na nila sakin. Hindi sila ganon, kaya nahihiya ako."

"Paanong?"

"Ang mabuti pa... magpahinga ka na lang. Baka makasama yan sa baby natin..." Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa tiyan ko.

"Sorry baby ha... baka nai-stress ko na kayo ng mommy mo--"

"HANZEN!! SHE'S PREGNANT??" Napalingon kami ni Hanzen kay Tita Amanda na gulat na gulat na nakatayo. 

(c) Eilramisu

MAY NAGHIHINTAY PA PO BA NG UPDATE KO?? HUHUHUHU, NUNG WEDNESDAY PA KO HULING NAG UPDATE EH! KAYA MEDYO MATAGAL... 

PASENSYA NA PO KUNG NABITIN KAYO... KASI... BUKAS, MAG A-UPDATE DIN AKO AGAD AGAD. HAHAHA!! PAMBAWI NAMAN. TAPOS PIPILITIN KO DIN NA MAG UPDATE SA FRIDAY. MEDYO LUMUWAG NG KONTI ANG HECTIC SCHED KO... KAYA PARTEY PARTEY!!!! 

HAPPY 900K+++++ READS DIN PO. YOOOHOOOOO. NAKAKAIYAK SHETT! SALAMAT PO SA PAGSUPORTA.... T____T 

RAM PA PA PUM

RAM PA PA PUM

RAM PA PA PUM... PUM =)))))))))))

ANG SAYA KO LANG. LOVE KO KAYO. SANA HINDI KAYO MA-BORED SA STORY KO -__-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top