Babysit ~ Forty Eight

Dalawang araw din akong na-admit sa hospital. Para daw makasigurado na ligtas kami ng baby ko. Dalawang araw ko ding hindi pinapansin si Hanzen. Kahit na napapansin yun ng parents niya at ni Hannah, hindi na sila nagsasalita pa.

"Uuwi na sila mommy at daddy bukas."

 

"Talaga? Okay na daw ba si daddy? Kamusta na sila?"

"Naka-recover na si daddy. Okay na siya."

"A-alam ba nilang na-hospital ako?"

"Hindi ko pa nasasabi."

"Wag na ate... please? Ayoko ng magalala pa sila. Sasama na ko sa'yo mamaya, iuwi mo na ko sa bahay. Gusto kong makasama sila mommy at daddy."

"Pero Cia--" Naputol ang sasabihin ni ate ng may pumasok sa kwarto.

"Hija. How are you?" Si Mommy Mandy pala.

"I'm fine, Mommy Mandy." Gumilid si Ate Claire at hinarap si Mommy Mandy.

"Good afternoon." Matipid na sabi ni Ate kay Mommy Mandy. Tinanguhan lang siya at nginitian.

"Ahm, Mommy Mandy, kapatid ko po, si Ate Claire. Ate si Mommy Mandy, mommy ni Hanzen."

"Claire Elizalde, ma'am." Iniabot ni ate ang kamay niya.

"Elizalde?"

"Are you, ladies, related to Monchito Elizalde?" Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Ate Claire, nagkibit balikat na lang ako.

"He's our father."

"Oh! goodness." Pumasok si Hanzen sa kwarto ng may dala dalang mga prutas. Kaya binalingan siya ni Mommy Mandy. "Hanzen!! Bakit hindi mo sinabi na Elizalde pala itong si Ciara."

"Hindi niyo naman naitanong. D'you know them?"

"Monchito's a college friend of mine. He's one of my crush, anyway." Nagulat ako sa kaprangkahan ni Mommy Mandy. Ganon din siguro si Ate Claire. "Ano palang ginagawa nila sa China, Ciara?"

"N-nag pa opera po si daddy. B-bukas na po ang balik niya, kaya gusto ko pong umuwi sa bahay namin. Sasama na po ako kay Ate Claire. Diba?" Humarap ako kay ate at nakakunot ang noo niya. "Nakausap mo na yung OB, pwede na kong lumabas, right?"

"P-pero Ciara--" Tinignan ko ng masama so Hanzen.

"I wanna see my parents."

Wala na ring nagawa si Hanzen kaya hindi na siya nagsalita. Ramdam din nila Ate at Mommy Mandy ang tensyon kaya hindi na lang sila umimik. Inayos ni Ate yung mga gamit ko. Nag c.r lang sandali at paglabas ko, si Hanzen na lang ang naiwan sa kwarto.

"Sasama ako sa inyo. Ayaw kitang hayaan."

"Hanzen, pwede ba? Ayaw nga kitang makasama, ipagpipilitan mo pa? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo?"

"Kahit anong sabihin mo sakin... hindi pa rin magbabago ang isip ko." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso. "Yung video... Ciara hindi ako yung nasa video."

"Paano mo mapapaliwanag sakin kung bakit Hanzen ang iniuungol ni Xienna?"

"Gawa gawa lang niya yun."

"Oh baka ikaw ang may gawa gawa niyan?! At paano mo din maipapaliwanag yung yakapan niyo? Hanzen tinanong kita kagabi, tinanong kita kung saan ka pa nagpunta. Pero inilihim mo sakin na nagkita kayo ni Xienna. Niyakap ka pa niya. Ilang beses mo na lang naman akong niloloko eh."

"Tinawagan niya ko... pumayag ako na magkita kami dahil importante ang sasabihin niya. Humingi siya ng sorry. Isa pa, gusto ko na rin matapos ang issue noon, gusto kong aminin niya sa'yo na hindi totoo yung video. Gusto ko, pagyayayain na kitang magpakasal, yung malinis ako. Naisip ko na ayoko ding pakasalan mo ko ng may bahid ang tiwala mo sakin."

"Hindi ko alam Hanzen. Hindi ko alam kung dapat pa ba kong maniwala sa'yo. Bitiwan mo na ko."

"Please Ciara." Hinatak ko siya pataas ng lumuluhod na siya.

"Wala ring mangyayari kahit na lumuhod ka diyan. Hindi niyan mapapabago ang desisyon ko."

"Paniwalaan mo lang ako. Sinisigurado kong matatapos na ang lahat nag tungkol kay Xienna."

"I've had enough, Hanzen. I've really had enough." Iniwan ko siya dung nakatayo, ayoko ng makita pa ulit na umiiyak siya. Napansin ko kasing namumuo na ang luha sa mga mata niya, ayokong masaksihan ang pagtulo ng mga luha niya.

Nakarating kami sa bahay namin ng hindi kami nag uusap ni Ate Claire, alam niya siguro na may problema kami ni Hanzen kaya hindi na siya nagtanong pa.

Hinihintay ko na lang ang pagdating nila mommy at daddy. Ayaw akong pasamahin ni Ate Claire. Mabuti na daw tong nandito ako sa bahay, makakapagpahinga ako. Panay pa rin ang text sakin ni Hannah simula kahapon nung lumabas ako sa hospital. Kanina naman tumawag siya, gusto daw kasi akong kausapin ni Riley.

Napatayo agad ako ng marinig ko na bumusina ang kotse. Kaya naman lumabas ako ng bahay, nakita ko si daddy na bumababa sa kotse kaya naman halos patakbo ko siyang nilapitan.

"DADDY!!!!"

"My prince-- awww."

"Oops, sorry daddy!" Napalakas ata yung yakap ko sa kanya.

"Kia... mag iingat ka sa mga kilos mo, isipin mo yang apo namin ng daddy mo. Aba kung makapaglakad ka, akala mo hindi ka buntis."

"Eh mommy, na-miss ko lang naman po kayo ni daddy eh." Nilapitan ko siya at niyakap ko din.

"Ang sarap naman dito, buo ang pamilya ko. Hali nga kayo, para naman mayakap ko kayo." Lumapit kami nila mommy at ate kay daddy at nagyakap yakap kami. "Mahal na mahal ko kayo." Nagkatinginan kami ni Ate Claire.

"We love you too, daddy." Sabay naming sabi ni Ate.

Sabay sabay kaming lahat na nag dinner. Maaga ring nagpahinga sila daddy dahil pagod sila sa biyahe. Marami daw silang pasalubong, pero bukas na lang daw nila ibibigay yun, kasi nga pagod sila. Alas otse pa lang ng maisipan ko na ding mahiga at magbasa muna ng libro. Nung nangangalahati na ko, nagring nnaman amg cellphone ko. Si Nina pala, tumatawag.

"Bruha!!" Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga. Ang lakas kasi ng tili ni Nina.

"May balak ka bang bingihin ako?"

"Wala naman. Excited lang kasi ako sa ibabalita ko sa'yo."

"Ano ba yun?"

"Kung naunahan niyo kami ni Hanzen sa baby, naunahan naman namin kayo ni Jake dahil magpapakasal na kami."

"Aaaaaaahhhh!!!!" Napatili ako sa sinabi ni Nina. Pati ako na-excite sa lovelife ng bestfriend ko.

"Wag mo nga akong unahan sa pagtili."

"Hahaha. Natutuwa lang naman ako sa inyo eh. Congratulations best!!"

"Naku! Habang hindi pa kayo kasal, kukunin kitang maid of honor ko."

"Talaga? Kailan ba ang kasal?"

"Next year, June"

"Ay. Ang sama mo naman."

"Bakit? Anong masama dun?"

"Haller, kakapanganak ko pa lang nun no."

"Kaya nga June eh, ang sagwa naman kung yung maid of honor ko nauna pa saking mabuntis."

"Tsee! Tigilan mo ko."

"Teka, kamusta pala kayo ni Hanzen?" With that, biglang sumikip ang dibdib ko. Bakit ba kailangan palagi na isama si Hanzen sa usapan? Sa bagay... hindi naman pala alam ni Nina. Hindi ko siya naia-update tungkol samin ni Hanzen.

"Negative..."

"Nega-- what?? Why? Akala ko ba okay na ulit?"

"Akala ko din Nina. Akala ko din."

"What happened?"

"I'm tired Nina. I need a rest."

"For now, I'll not force you to share. Pero gusto kong malaman ang nangyayari sa bestfriend ko."

"Not now, Nina. Maybe next time. I'm sorry. Alam kong madaya ako."

"Naiintindihan ko, Ciara. Sige na, magpahinga ka na. Nasa QC ka ba?"

"Oo... dumating na sila daddy kanina."

"Okay... pupunta ako diyan bukas. Bye bye!"

Kasama ko ngayon si Nina dito sa mall, nag go-grocery kami. Balak ko kasing ipagluto mamaya sila mommy at daddy, kaya nagpasama na din ako kay Nina, tamang tama lang nga yung dating niya.

"Nata-touch naman ako kay Tita and Tito, talagang hindi nila nakalimutan yung size ng paa ko." May pasalubong din kasi si Nina galing kila mommy.

"Syempre, mag ka size lang naman tayo ng paa. Paano nila yung makakalimutan."

"Ay, oo nga pala."

"Teka, may theme na ba ang wedding niyo?"

"Wala pa. Hindi pa naman masyadong pinag uusapan yun ni Jake. Medyo matagal pa naman eh, almost six months pa. Ang inaalala ko yung christmas. December na eh."

"Sa bagay. Tama ka." Sa bilis ng mga araw, hindi ko na namamalayan na December na nga pala. Malapit na ding mag birthday si Hanzen... hay! Hindi na dapat siya ang inaalala ko. "Kulang pa yung ingredients ng tomato sauce, and giniling na baboy. Pati na rin pala ng pasas, red and green bell pepper, and potatoes. Dun lang ako sa meat section."

"Sige, may titignan lang ako dun." May itinuro si Nina pero hindi ko na napansin kasi namimili ako ng patatas.

"C-ciara... can we talk?" Nagulat ako sa nanginginig na kamay na humawak sakin. Nung nakita ko kung sino yung, parang ponagsisisihan ko kung bakit ako nagprisinta na mag luto.

"Wala akong panahon Xienna."

"Kahit five minutes lang, or three. May gusto lang akong sabihin sa'yo."

"Don't waste my time, you can now leave."

"Alam ko naman na hindi mo talaga ko kakausapin. Sinubukan ko lang talaga. But anyway, na-check mo na ba yung laman ng usb? You should watch the video there. It's a must Ciara. Kung gusto mo talaga maliwanagan. Kung gusto mong mabigyan ng sagot yang mga naglalarong tanong sa isip mo."

Nakalimutan ko yung tungkol sa USB... saan ko nga ba nailagay yun? Pagkaharap ko sa pwesto ni Xienna, wala na siya dun. Nakita ko na lang siya na papalayo sa pwesto ko. Malayo na siya at hindi ko na siya mahahabol.

Dapat kong makita yung USB na yun. Argh! San ko ba nailagay yun??

(c) Eilramisu

WAAAAA, LAST THREE CHAPTERS NA LANG GUYS =0 INCLUDING THE EPILOGUE =))) SA EPILOGUE NIYO NA PO MALALAMAN ANG TITLE NG NEW STORY KO =) AHIHIHI :")) 

EXCITED NA KO SA NEW STORY KO =)) YEHEYYY. MAG BUNYI =))) 

SALAMAT PO NG MARAMI SA WALANG SAWANG PAGBABASA NG 'HBs'. I REALLY REALLY APPRECIATE IT =) LOVE LOTS ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top