8
c h a p t e r 0 8
Alam niyo yung larong tago-taguan or Hide and Seek sa english. Oo, yun!
Isang linggo ko nang iniiwasan si Thunder — or to be more clearer— ilang linggo ko na siya pinagtataguan. Katapos nang nangyari sa araw na yun, nakaramdam agad ako ng ilang.
Kung hindi pa kami naaubutan ng janitress na naghahalikan ay malamang nasa ibang level na kami nun. Diyos ko ano ba 'tong iniisip ko.
"Bastos!" I shouted at sinampal siya ng malakas. Pagkatapos no'n agad akong tumakbo na hindi man lang siya nililingon. Sobrang nakakahiya.
Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko ngayon. Like— bakit niya ako hinalikan? Bakit siya galit sa'kin that day? Bakit niya ako sinundan sa CR ng girls? At anong ibig sabihin ng sinabi niyang 'you're mine'?
I am his, ganoon ba? His toy?
Ayoko nga. Ayokong may nang aakin sa 'kin. Sakal na nga ako kay Papa at Kuya dahil sa pagiging over protective nila. Tapos may dadagdag pang isa.
Kaya naman ginagawa kong alibi si Aaron para iwasan si Thunder. Palagi na kaming magkasama syempre kasama yung dalawa.
So far, effective naman.
He never attempted na lumapit sakin. Pag pupunta akong CR palagi na akong nagpapasama. Ayoko ng maulit ulit yung nangyari last week.
No, way!
"Zeleny?"
Di ko siya type kasi long hair siya!
So pag umikli yung buhok niya type mo na?
"Zeleny."
No way! No. No. A big NO.
"Zeleny? Hey!"
Napahinto ako sa pakikipagtalo sa bruha kong konsensya ng biglang may pumisil sa ilong ko at nagulat ako ng kanina pa pala ako tinatawag ni Aaron.
Shit. Nakalimutan kong kasama ko pala siya. Na-abduct na naman kasi ang kaluluwa ko ni Thunder. Kainis. Get out of my head!
"Are you okay? Kanina pa magkasalubong ang kilay mo." natatawang tanong sa 'kin ni Aaron.
Natigilan ako nang bigla niyang hawiin ang buhok ko sa balikat. He smiled. Napatanga naman ako sa ginawa niya at mabuti nalang na digest ko agad.
"H-Huh, Oo, okay lang ako. I was just—uhm— thinking?" patanong kong sagot.
You're thinking? That's new.
Arrrggh, bakit ba kasi ako binigyan ng panginoon ng bruhang konsensya.
"Oh, anyway.. malapit nang mag-bell, hatid na kita?" nakangiting yaya ni Aaron. Nagui-guilty tuloy ako sa panggagamit ko sa kanya.
Sorry, ikaw lang ang only escape ko from Thunder.
Tumingin ako sa wrist watch ko. And he was right, malapit na pala matapos ang lunch. Ngumiti ako kay Aaron.
"Pwede ba?" nahihiya kong tanong.
Say yes. Say yes. Say yes.
"Of course, tara?" tumayo na siya at nilahad ang kamay sakin. Napatingin ako sa kamay niya at dahan-dahang inabot iyon.
Magkahawak kamay nilakad ang hallway patungo sa classroom ko. Nailang nga ako dahil pinagtitinginan kami ng mga studyante, na parang kilig na kilig pa habang tinuturo kami.
Naku po, baka kung ano na naman ang isipin nila. People, we're just friends.
Sinulyapan ko si Aaron na nakangiti lang ng malapad at parang hindi affected sa mga bulong-bulungan ng mga studyante. Malapit na kami sa classroom ko ng may naaninag akong pamilyar nabulto ng isang lalaking nakasandal sa railings.
Nasa tapat siya ng room namin.
Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba at ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko.
Anong gagawin ko?
Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Aaron ng lumingon siya sa direksyon namin. Umaliwalas ang mukha niya at napatuwid siya ng tayo ng magkasalubong ang mga mata namin.
Pero agad ding nagbago ang emosyon niya ng pagsadahan niya ng tingin ang magkahawak naming kamay ni Aaron.
Tumigil na kami sa tapat ng room ko. Nakita ko ang ginawang pagsulyap ni Aaron kay Thunder pero agad din siya tumingin sakin at ngumiti ng malapad.
"Hintayin kita mamaya?" malambing niyang tanong.
Napalunok ako at sinulyapan si Thunder sa gilid. He was glaring— at Aaron.
"S-Sige. S-Salamat, ha? Ingat ka."
Ngumiti siya. "I will. See you later."
Tumango ako. At sinulyapan ulit siya Thunder. Nakakuyom ang kamay niya. Para siyang susugod maya-maya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng classroom.
The bell rang at kasabay nun ang pagpasok ng aming science teacher. Nag-check muna siya ng attendance bago niya sinimulan ang pagtuturo.
Tahimik ang lahat ng kaklase ko habang nakikinig sa lecture ng teacher. Sumasabay sa pagtuturo ang ingay na nagmumula sa kabilang classroom.
As expected sa 4-E. Kahit anong saway naman sa kanila hindi pa rin sila magpapaawat.
They're the epitome of delinquent, jerks, and fucktards —wait— where did I get that?
Napahinto sa pagtuturo ang guro namin ng biglang maghiyawan ang kabilang classroom.
"Wow, they're having fun." biglang bigkas ng teacher namin. Tinukod nito ang kamay sa mesa at umiling. Hindi natapos ang hiyawin mula sa kabila at mas lalo pa iyong lumakas. And they're cheering.
"Sir?" biglang tawag ng isa kong kaklaseng lalaki na parang nagtatanong kung magpapatuloy pa ba siya.
"Just a minute, Mister. We can't proceed dahil sa ingay mula sa kabila. It's distracting our class." tugon ng teacher.
Wala ng umimik sa'min. At tiniis ang maingay na ingay mula sa kabila. Aisst .. kung bakit ba kasi hindi sila maawat. Nakakairita.
Sumandal ako sa upuan ko at nagkagat nalang ng kuko. Napatulala nalang ako sa white board at binasa ang mga nakasulat.
Nanatili tahimik ang buong klase sa loob ng ilang minuto. Hanggang sa— biglang bumukas ang pinto.
Lahat kami'y napalinggon dahil sa lakas ng pagkakabukas nito. Napatuwid ako sa pag-upo at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang salarin.
Si Thunder.
Shit. Anong ginagawa niya dito?
Nakita kong nilibot niya ang mata niya sa buong silid. Para akong nabuhusan ng mainit na tubig ng magtama ang mata namin. He smirked at mabilis na naglakad sa loob.
Inawat siya ng teacher pero hindi ito natinag at dumiretso lang ng lakad hanggang sa huminto siya sa harap ko.
Tiningala ko siya at napalunok. Yumuko siya at pinantayan ang level ng mukha ko. Ngumisi siya.
"Let's talk." nakangisi niyang sambit.
Nanlaki bigla ang mata ko. Bago pa man ako makasagot ay walang sabi-sabing binuhat niya ako ng parang sako dahilan para mapatili ako napasinghap pati na rin iba ko pang mga kaklase.
"Aaaaah! Bitawan mo ako! Sir! Sir tulong po! Thunder! Ibaba mo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
Oh god. Anong kabaliwan 'to?
"Mister Radford! Stop this madness!" rinig kong sigaw ng teacher.
Humigipit ang hawak ni Thunder sa hita ko at hinarap ang teacher.
"Shut up! Just continue teaching, you old man!" he snapped—leaving the old man—este the teacher gawking.
I can't believe it. Ginanun lang niya yung teacher. Wala ngang sinasanto ang isang 'to.
Nakalabas na kami sa classroom. At hindi ko na alam kung saan kami pupunta ngayon. Shit. Sumasakit pa yung ulo ko dahil sa posisyon ko ngayon.
"T-Thunder, ibaba mo na ako. N-Nahihilo ako." nanghihina kong sabi. Napapikit ako at tumigil sa pagpupumiglas. Parang na alerto ito at dahan-dahan niya akong binaba sa may hagdan.
"Fück! Are you okay? Fùck! S-Sorry." nagpapanic siya?
Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo sa dibdib habang sapo ko pa rin ang ulo ko.
"You jerk! Bakit mo ako binuhat? Jerk! Nageskandalo ka pa talaga! Buysit ka! Hindi ka pa nakontento sa pambabastos mo sa 'kin nung nakaraan! Gago ka!" galit na sigaw ko habang pinapalo siya sa dibdib.
Pero parang baliwala lang sa kanya ang pagpalo ko at nanatiling tahimik habang nakatitig sa 'kin. Walanjo, natutunaw ako. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinabunutan. Wala akong pakialam kung gumanti siya sa'kin. Basta galit ako. Pinahiya niya ako. Bwesit.
Hinawakan lang niya ang dalawang kamay ko kaya natigilan ako at napatitig sa kanya. Na-conscious agad ako dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Ang ganda ng mata niya. Ang kapal ng kilay. Ang tangos ng ilong. Ang bango.
Napakagat ako ng labi at napayuko ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya at mahinang bumulong...
"Stop avoiding me. Masakit."
Dun ako napatingin sa kanya. Kita ko kung gaano siya kaseryoso. And before I knew it... hinalikan niya naman ako.
Hinawakan ko siya sa balikat para itulak pero ang malakas siya. Hindi man lang siya natinag sa pagpupumiglas ko.
"No! Tama na!" Iniwas ko ang mukha ko at sumigaw sa kanya. My heart is beating crazily. The electricity of his touched are over flowing.
"Ssshh..." he whispered bago nahuli muli ang labi ko.
Napapikit ako at dinama ang lambot ng labi niya. Nagsimula nang gumalaw ang labi niya at mas diniin ang mukha niya sa 'kin. My lips automatically moved and kissed him back. I don't know what am I doing this. Nawawala ako sa sarili.
Pinagsalikop niya ang kamay namin at mas nilaliman ang halik niya. Napaungol ako ng bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko. Napaatras ako at napatingin sa kanya. He licked his lips at ngumisi.
Napasinghap ako at sinapo ang bibig ko dahil sa gulat.
Then I realized something— he kissed me—again —and I kissed him back this time.
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top