6
c h a p t e r 0 6
Kinabukasan, hindi ko nasadyang i-kwento kila Belle at Clara ang nangyari kahapon. I can't help it, nagtataka talaga ako sa inasal ni Thunder kahapon. It's confusing me.
Bakit parang concern siya kahapon? At bakit napaka-bipolar niya? He even called my brother 'kuya', which is pretty FC to me. I never knew he had this other side of him.
"OMG, ate! Nakakakilig!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ng dalawa matapos kong i-kwento. And now, they're hyper ventilating. Nakakahiya, pinagtinginan tuloy kami ng mga dumadaan dito.
"Sssshhh! Hinaan niyo lang yung boses niyo." bulong kong saway sa dalawa. Tumango naman ito.
Nasa labas kasi kami ng classroom ko. Since vacant namin ngayon dahil may play ang soccer team, kaya ayan pinuntahan nila ako. Mas gusto ko pang tumambay sa classroom kesa manuod ng laro.
Narinig ko ang sabay na pagbuntong hininga ng dalawa. Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang pag-twinkle ng mga mata nito. It's like they're day dreaming about something.
"What's wrong with you guys? Bakit kumikinang 'yang mga mata niyo." I snapped my fingers near their faces para makuha ang atensyon nila.
Pero anak ng blue unicorn. Walang epekto. Ugh, kinuha na naman ang kaluluwa nila.
"Oh Lord, bless their souls." I muttered habang nakatingala.
Binalingan ko ulit sila ng tingin to find out that they're still day dreaming. Bumuntong hininga ako pinabayaan ang dalawang mamasyal kasama ang kaluluwa nila.
Tinungkod ko ang siko ko sa sementong railing at dinungaw ang kabuuan ng campus.
Mula dito sa second floor ay tanaw ko ang ang soccer field. Umabot din dito ang inggay ng mga babaeng nagtitilian mula sa field.
I wonder what's happening?
Binalingan ko ulit ang dalawa.
"Psst! Punta tayo sa field, nuod na lang tayo." yaya ko. Hindi sila kumibo at nanatiling tulala sa kawalan. Kaya hinablot ko ang dalawa at hinatak palakad.
Nakarating kami sa field at mas lalong lumakas ang tilian. Hatak-hatak ko pa rin ang dalawa na busy pa rin sa pagde-day dream. Naghanap ako ng vacant na bleacher.
Yun! Sa may second row.
Agad ko namang iyong tinungo habang hatak-hatak pa rin ang dalawa. Para tuloy akong may dalang bata dahil sa dalawang 'to.
Bumuga ako ng malalim na hininga nang makaupo na kaming tatlo. Bakit ba kasi ang dami pang tao?
Tiningnan ko ang mga players at hindi na ako nagulat nang makita ko si Thunder at ang iba pang miyembro ng the Alphas. Soccer player ang mga yan eh. Magaling daw. Pero bakit base sa nakikita ko sa score board, lamang ang kabilang school ng limang puntos?
Nakikita ko ang nakabusangot na mukha ni Thunder habang naglalaro. Parang badtrip na badtrip ang isang 'to.
"Go Alphas! We love you!"
Nagulat naman ako ng marinig ko ang matinis na sigaw ng dalawang kasama ko. Sila Belle at Clara. Thank god nakabalik na ang kaluluwa nila.
"Ate! Ate! Cheer ka din, tingnan mo oh, natatalo na ang the Alphas." yugyog sakin ni Belle.
Sinimangutan ko siya.
"Anong kinalaman ko dun? It's not like, ako ang dahilan kung bakit pangit ang laro ng the alphas." pagdidiin ko sa pangalan nila.
"Eeehh, kasi naman ate, tingnan mo oh badtrip si Kuya Thunder. Cheer mo lang malay mo naman kasi ..." she giggled.
Pinanlakihan ko siya ng mata na binagbabantaang wag ituloy ang sasabihin. Ngumuso nalang siya at bumaling ulit sa field.
Halos mabingi ako ng biglang matilian ang mga nakaupo sa likod ko. Geez, nagsisi tuloy akong pumunta pa dito, basag na naman eardrums ko.
"Oh my, kita niyo yun ha? Nginitian ako ni Thunder! Shit! I love you, Thunder!" rinig kong tili ng babae sa likod ko.
Nilingon ko ito.
Si Grace, classmate ko 'to eh. Though hindi ko siya close, ang arte eh. Mortal enemies kami eh. Palagi ko nga 'tong inaasar eh.
Gusto niyo ng sample?
Tiningnan ko siyang nagtatalon habang namumula ang maputi nitong mukha. Mukha lang ha? The rest? Nevuuhhmind. Para siyang uhh-choco na gatas?
"Hey, Grace!" kunwaring masaya kong bati sa kanya. Napatingin siya at tinaasan ng kilay.
"Yes?" maarte niyang sabi.
Sunugin ko 'yang kilay mo eh.
"Pakihinaan naman 'yang tili mo, masyadong malapit sa tenga ko eh." I fakely asked nicely. Actually parang busina ng kotse eh.
"Wala kang pakialam kung malakas ang boses ko. Mind your own business, pwede ba?" mataray niyang sagot at inirapan ako. Aba! Upakan ko 'to eh.
"It's my business kapag damay ang eardrums ko. I'm just saving my ears from being damaged."
Humarap ako sa kanya at pilit na nginitian. "Alam mo, apply ka sa Toyota, naghahanap sila ngayon ng-"
"Model? They're looking for a model?" she asked excitedly.
I smile brightly. "No, ng busina. Naghahanap sila ng malakas na busina para sa mga kotse nila. Bagay ka dun, perfect fit. Maingay." I said.
Kasabay ng pagtayo ko ay biglang naghiyawan ang lahat ng tao.
"And the Alphas won the game! Congratulations!" rinig kong sigaw ng announcer.
Wow, kala ko matatalo sila eh.
Kita kong mabilis na pinundukan ang The Alphas, especially the girls. Tss. Ang daming nagpapapicture. Parang artista lang.
Nagmamadali akong lumakad para hindi na ako maipit sa crowd. Rinig ko ang pagtawag sakin nila Belle at Clara. May narinig pa akong galit na sigaw ng isang lalaki.
"Hey! Fúck! Get away from me!" Grabe ang lakas naman ng boses niya. Pero parang pamilyar.
Nagkibit balikat ako at hindi ko na iyon pinansin pa. Agad akong nag-exit sa field at tinungo nalang ang locker room ko. Hindi ko nalang hinintay sila Belle at Clara. Alam kong magpapaka fangirls na naman yung dalawa.
Nagulat ako ng buksan ko ang locker ko nang may biglang nahulog mula sa locker ko. Isang teddy bear. Wow, ang galing naman, paa,no kaya niya 'to napasok? Alam niya ba password ng locker ko?
Creepy..
Tiningnan ko ang stuff toy na nahawak ko at nakita kong walang nakapangalan kung kanino ito galing.
Tss. I have to change my password.
"You!"
Napaigtad ako sa gulat ng biglang may sumigaw sa tahimik na hallway. Nilingon ko ang salarin— and only to find out, si Thunder.
Teka, wait — bakit siya nandito?
Nagmamadali itong naglalakad papunta— sa'kin? Habang nakaturo— sa'kin? Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan siyang maglakad papunta sa direksyon ko.
Oh no! Ano na namang ginawa mo ngayon, Zeleny? Takbo na! Takbo!
Nakatulala pa rin ako habang hinihintay si Thunder na makalapit sa pwesto ko. Para siyang galit. Parang bull na susugod. Am I gonna die right now? Kasi sa tingin palang niya para na akong namatay.
Sandali, wala naman akong ginawa ah. Bakit siya galit? Ako nalang palagi. Ako na walang malay.
Mabilis siya nakalapit sa 'kin at agad na hinawakan ang magkabila kong balikat. Napapikit naman ako dahil hindi ako prepare sa sunod niyang gagawin.
Our father in heaven, hallowed be your name—
"Open your eyes. Look at me."
-but deliver us from evil like Thunder, Amen.
Dadasalin ko pa sana ang Hail Mary nang biglang akong natigilan nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang pisngi ko. Napadilat ko at halos maduli ako dahil sa lapit ng mukha ni Thunder.
Para akong natunaw habang nakatitig sa kanya. His eyes are so intimidating. Parang galit palagi.
"Hey, are you okay? You look...scared." bahid sa boses niya na parang concern siya. Or maybe I'm just hearing supernatural noises. In short— bingi na ako. Kasalana 'to ni Grace eh. Lagot siya sa'kin mamaya.
That snapped my thought. Ngayon ko lang napagtantong ang lapit ng mga mukha namin. Eyes to eyes, nose to nose, forehead to forehead. And we're almost close to...
"H-Huh? A-Ano?"
Kinagat niya ang labi niya na parang nagpipigil ng tawa. Halata eh! Namumula pa ang mukha niya! Pinagtatawan niya ba ako?
"I said are you okay?" ulit niya.
Mas nilapit pa ang mukha niya sa 'kin. Tuluyan na nga akong naduling. Kaya umatras ako at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. Ba't ba ang lapit niya sa 'kin?
Umatras ako hanggang sa makasandal ako sa locker ko. Good thing he didn't attempted to make a move closer.
"Wait teka nga, a-ano bang kailangan mo? At bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong.
Napaiwas siya ng tingin at mas lalong namula ang mukha niya. Kinagat niya muna ang labi niya bago nagpakawala ng malalim na hininga.
"D-Did you watch my g-game?" nauutal siya.
Kumunot naman ang noo ko at pinaningkitan siya ng mata. Bakit niya naman ako tinatanong? At anong klaseng tanong yan? So what kung hindi ako manuod ng laro nila?
"Yes, congrats. Bakit mo naman natanong?" Wait did his eyes just— twinkled? Or it's just my supernatural imagination?
Ngumiti siya at lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Oh look! May dimples siya!
"Good." Lumapit siya sa'kin at yumuko para pantayan ang ang mukha ko. Nahiya naman ako sa tangkad niyang 6'2.
Napalunok ng bigla niya ilapit ang mukha niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon. "You're really beautiful, Zeleny."
No way!
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top