5
Dedicated kay ggraffe, kasi natutuwa ako sa kanya. :)
---
c h a p t e r 0 5
The class ended quickly, ni hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng school. Waiting for kuya.
My mind was occupied by Thunder. Napakagat ako ng labi ng malala ko ang titig niya kanina sa cafeteria.
Damn! Kinikilig ba ako?! I hope not.
Hindi pa rin mabura sa pandinig ko ang sinabi nila Belle kanina.
Is it possible?
May gusto si Thunder sa 'kin? I mean— what the heck? Why would he like someone like me? Maybe, naawa lang siya kaya hindi niya ako pinatulan?
Yeah, that's it. Pity.
Wag kang assuming Zeleny! Rawr! Kagatin kita diyan eh. Rinig kong sabi ni konsensya sa isip ko.
Kagatin ko din 'to eh.
Wait— asan na ba kasi si Kuya? Ba't ang tagal niya? Aissst .. baka maabutan pa ako ng The Alphas dito. Tiningnan ko ang relo ko. Pasado 6'o clock na. Patay— in any minute lalabas na ang mga 'yun. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Kuya.
Ako:
Kuya, yuhoo! Where are yoww? May mga rapist dito! Bilisan mo!
I grinned. That'll do the job. Tingnan nalang natin kung hindi yun magmadali. Actually, hindi naman talaga delikado sa area'ng 'to. Haalloo! Palaging may police na nakapalibot dito. Priority ng goverment ang school namin, kasi nga mga rich kids ang nag-aaral dito and those people are prone to crime like kidnapping.
Nawala ang ngisi ko nang marinig ko ang kalabog ng gate ng school. Nilingon ko ito mula sa kinatatayuan ko at nakita kong nakabukas na ang gate.
"Patay!" sambit ko ng makita kong nasilabasan na ang nga kotse ng The Alphas. Una lumabas ang pulang kotse, sumunod naman ay itim, then gray, then blue, then silver, and last but not the least ang puting kotse ni Thunder.
Don't judge me— yun lang ang alam ko.
Kinagat ko ang labi ko at tumayo ng tuwid ng nakita kong papalapit na ang mga kotse nila sa direksyon ko. Stay calm, Zeleny. They won't notice you. Inhale. Exhale. They'll just.. passed by.
Tiwala lang.
Relax, Zeleny. Rel- what the hell! Asan na ba kasi si Kuya? I'm freaking out right now! Pano kung tumigil sila, tapos— tapos— tapos patayin ako dito! Waaahh! Mama!
Mas lalo akong nagpanic ng nakita kong bumagal ang pagpapatakbo ng kotse ni Thunder. Relax— baka nawalan ng gas?
Gaga! Ang yaman ng mga 'yan, tapos mawawalan ng gas? Epal na naman ni konsensya.
True to my prediction, huminto nga ang puting kotse ni Thunder sa harap ko. Sumunod naman ang iba pang kotse ng ibang alphas na pinarada din ang kotse sa gilid.
Ayan na! Magkakasama na tayo sa wakas, Zeleny. Papatayin ka na ng mga 'yan. Ano matapang ka na? Sabi ulit ng bruha kong konsensya.
Bwesit na konsensya. Baliw na 'ata ako. Okay, stay cool, Zeleny.
Nagkasalubong agad ang aming mga mata nang lumabas si Thunder sa kotse niya. May suot itong beanie na bumagay lang sa mahaba nito buhok at seryoso itong nakatitig sa 'kin.
Ayan, pinagpla-planuhan na nila kung pano ka nila papatayin! bwesit na konsensya. Papatayin kita pag magkita tayo sa kinalalagyan mo. Isip ko.
Napaiwas ako ng tingin kay Thunder at pinaglaruan ang kamay ko na nasa likod ko. Binalingan ko ang mga kasamahan niya at nakangisi ang mga ito. Except sa lalaking may Silver ang kotse. I don't his name though. Seryoso itong nakatitig.
"What are you doing here all alone?" rinig kong tanong ni Thunder. Damn, his voice is husky— wait, sino bang kausap nito?
I pursed my lips at pasimpleng tiningnan ang likod ko. Wait—wala namang tao ah? Ini-engkanto ba 'to?
Kumunot ang noo ko at tiningnan si Thunder. Nakatitig pa rin ito sakin habang nakapamulsa. Hindi ko na pala namalayang nakalapit na ito sa'kin.
"Uhm- ako?" parang tangang tanong ko at tinuro ang sarili.
"Who else is here, tss.. stupid." masungit na usal nito. Maka stupid naman 'to, kala mo naman close kami.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "Stupid ka rin. Anong tawag mo sa sarili mo at sa mga kasama mo? Engkanto?" mataray na sabi ko.
Narinig ko ang tawanan ng mga kasama nito.Pinikit nito ang mata niya at huminga ng malalim.
"Jesus, this girl is feisty." he muttered. "Damn." mura na naman nito.
"Minumura mo ba ako?" malakas kong tanong. Nanlaki ang mata nito at mabilis na umiling. Mas lalong lumakas ang tawa ng mga kasama niya. Nilingon iyon ni Thunder at sinamaan ng tingin dahilan para mapatigil ang mga ito.
Binalingan ako ni Thunder. He glared at me. "Answer me, why are you here— all by yourself?" galit na tanong nito.
Wait— ano bang pakialam niya kung anong ginagawa ko dito? Can he just leave me alone.
"Ahm— hinihintay ang sundo ko?" patanong kong sagot.
I'm really confused. Ano naman sa kanya kung mag-isa lang ako dito?
Naglakad siya sa kotse niya at binuksan ang kabilang pinto ng kotse nito.
"Get in." madiing sabi nito. Nanlaki ang mata ko.
What? I don't understand.
"Ahm— ako?"
Bumuga ito ng malalim. "Yes, who else?" irita nitong sambit.
Aba! Ang sungit talaga, daig pa ang babaeng nagme-menopause. Demanding pa. Does he expect na sasama ako sa kanya? Ayokong mamatay 'noh!
Kunot noo ko siyang tiningnan.
"No thanks, may sundo ako." I crossed my arms. He clenched his jaw at padabog na sinara ang pinto ng kotse niya at pinalo pa ang bubong ng kotse nito.
What the? Galit na galit 'te?
"Woooh, easy lang leader." saway ng lalaking may gray na kotse at lumapit kay Thunder. I don't know his name either. Lumapit na iba niyang kasama sa leader nila.
Napalunok ako at umatras. Bigla naman akong kinabahan. They're gonna kill me already? Dear God, bless my soul.
"Baby!"
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Kuya. He was running fast. Dali-dali akong lumapit kay kuya at sinalubong siya ng yakap.
"Kuya." parang batang tawag ko.
"Are you okay? I'm sorry na-late ako, traffic eh." hinalikan ni kuya ang noo ko at hinagod ako sa likod.
"Wait—is that them? Yung rapist na sinasabi mo? Wait here, tuturuan ko ng leksyon ang mga 'yan."
"Kuya, stop! Mga schoolmates ko ang mga 'yan. I was just joking about the rapist thingy." He immediately glared at me while I beamed innocently.
"Peace, Kuya. I love you-" nagulat ako ng biglang may humablot sakin.
"Who is he?" madiing tanong ni Thunder. Jesus, he's glaring at Kuya.
Anong problema ng taong 'to?
Narinig ko ang sarkistong tawa ni Kuya. "At sino ka naman? Bitawan mo si Zeleny." naiiritang sabi ni Kuya.
Hinablot niya ang kamay ko at hinila. Pero hindi ako binitawan ni Thunder.
"Who.are.you?" mas madiing sabi ni Thunder kay Kuya.
Tumingin sa'kin si Kuya. "Ano mo ulit 'to?" tanong niya sakin.
"Schoolmate?" patanong kong sabi.
"Oh? Eh bakit parang boyfriend mo kung umasta ang isang 'to?"
Oo nga 'noh?
Hinarap ko si Thunder. "Uhm— yung kamay ko. Pakibitaw-"
"No!" sigaw ni Thunder.
Nagulat ako sa pagsigaw ni Thunder. Lahat kami'y napatanga sa inasal nito. Para itong batang ayaw maagawan ng candy.
Dali-dali lumapit ulit ang isang niyang kasamahan at hinawakan sa balikat si Thunder. "Leader, tama na 'yan. Kalma lang."
Hinawi niya ang kamay nito. "Who the heck are you? Answer me!" sigaw nito kay Kuya.
Oh god, are they going to fight? Why? Bubugbugin ba nila si Kuya?
"I'm her brother, asshole. Got a problem with that?" maangas na bigkas ni Kuya.
Natigilan si Thunder at nakita kong nanlaki ang mata niya. Para siyang nakakita ng multo. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at yumuko habang kinakamot ang batok niya.
"Fuck..." I heard him mumbled.
Ngayon para na siyang nahihiya? Bipolar ba 'to?
"Shit. Uhm— I'm sorry, kuya. I didn't mean to uhm— "
Napatanga ako kay Thunder. Did he just..
"Tss. Don't mention it. Come on, baby, hinihintay na tayo ni Dad." at hinatak na ako ni Kuya.
Nilingon ko ulit sila Thunder at nakita kong tinadyakan nito ang gulong ng kotse niya. Kumaway nalang ang kasamahan niya sakin. Alanganin din naman akong kumaway pabalik.
Haler, baka balikan nila ako ulit dahil hindi ako kumaway pabalik. Kaloka 'tong araw.
Pero bago pa man ako makasakay sa kotse ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Thunder...
"Don't wave at her, you fücktards!"
Wooh. High blood naman niya masyado. Ano naman kung kumaway sila sakin. Kala mo hari siya. I scoffed. Then I suddenly remember— I can't believe it. Did I heared hin right?
He called my brother— Kuya. FC ba siya?
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top