16


c h a p t e r  1 6


Pagod akong bumuntong hininga at umupo sa gilid ng kama ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at napahilamos ng mukha. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabura sa isip ko ang kapilyuhan kanina ng unggoy na si Thunder. Para akong kinikiliti habang inalala ang paglapat ng kanyang labi sa akin.


Bloody hell, mukha hindi na naman ak makakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na 'yon.


I shook my head so fast hoping to forget my thoughts about him.


Huminga ako ng malalim at pumikit para kumalma. "It's fine, Zeleny. It's fine. He's a monkey you're beautiful. Kalimutan mo muna siya. Kalimutan mo please." pagsasabi ko sa sarili ko.


Nakarinig ako ng tunog ng busina mula sa labas ng bahay kaya napahinto ako sa pagco-concentrate. Tumayo ako at sumilip sa bintana para tingnan kung kaninong kotse iyon.

Si Dad at kasunod nito ang kotse ni Kuya. Nakahinga ako ng muluwag dahil hindi ko na nakita ang kotse ni Thunder sa gilid ng kalsada. Pahirapan pa kanina bago ko siya makumbinsi na umalis na. Gusto niya daw kasing pumasok sa bahay para makita ang loob nito.

Good thing at hindi ako naabutan ni Mommy nang buksan nito ang gate ng bahay namin. I shove all her question about kung sino daw ang naghatid sa akin. Kaya naman dali-dali akong umakyat papunta dito sa kwarto.

Alam kong gigisahin na naman ako nila mamayang dinner. Alam ko din na isusumbong ako ni Mommy kay Dad na may naghatid sa aking iba — instead of kuya.

My god. Kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko sa mga tanong ibabato nila sa akin. Hopefully hindi na magsalit si Kuya. He'll probably guess it's Thunder.

Hinubad ko na ang uniform ko at natungo sa banyo para mag half bath. I feel so sweaty. Inamoy ko pa ang sarili ko bago ako nag shower. There's no smell though, only my perfume. Talaga namang long lasting ang bango ng pabango ko.

Oh snap. Why do I sound like I'm endorsing a product?

Anyway, ilang minuto ang lumipas ay natapos na ako at nagbihis ng damit na pantulog which is a cotton short and a simple baggy shirt. This is my every night outfit.


Nakarinig ako ng katok mula sa pinto habang nagsuklay ako ng buhok. Napahinto ako at lumunok. Baka si Daddy 'to. Nagsumbong na agad sa kanya si Mommy? Oh my... bless me.

"P-Pasok..." nauutal kong sabi.

Hinintay kong mabuksan ito at sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Kuya. Nakasuot pa ito ng Jersy nila sa football at pawis na pawis ang noo nito. Mukhang galing lang siya sa practice.

"Why the heck you didn't call me na nakauwi ka na pala? I waited for you for almost 2 hours tapos nalaman ko na kay mommy na umuwi ka na pala. What the hell, Zel?" galit na sabi nito sa akin habang nakapamewang.

Oh no...

"K-Kuya kasi..." I stuttered.

"Don't you dare lie to me, Zeleny. I know the way you lie. The truth, now." he said sternly at diniin ang huling sentence niya.

Galit na galit nga si Kuya. Oh my god. The last time na nagalit siya sa akin ng ganito eh yung napilayan ako dahil umakyat ako sa isang puno para mailigtas yung pusa at ayun nahulog ako. Buti nalang ay hindi gaanong mataas yung puno.

Napatingin ako sa mata ni Kuya. Darn it, I guess hindi uubra sa kanya ang mga palusot ko. Pero hindi pwedeng malaman ng Kuya mo na pumunta ka sa bahay nila Thunder.

Napakagat ako ng labi at ngumisi.

"K-Kuya, pumunta po kasi ako sa bahay ng classmate ko. Uhm, may ginawa po kaming project eh."

"Don't you dare lie to me, Zeleny Marcelo! Ako ang taga gawa ng mga projects mo."

"Pero kuya, totoo po! Nagbagong buhay na ako." Damn it! Damn it!

"Anong klaseng project huh? You used to order me to make your projects pero bakit sinapag ka at ikaw ang gumawa ng sarili mong project? I know you, Zeleny. " pinaningkitan niya ako ng mata na para bang pilit na hinahalughog ang katotohanan dito.

"Kuya naman eh, totoo nga." I whined habang nagdadabog.

"Siguraduhin mo lang, Zeleny. Tatamaan ka talaga sa'kin kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin." he pointed a finger on me.


I pouted. "Promise talaga, Kuya."

"Then, who the hell took you home?"

God, this is so frustrating. Para talaga siyang detective kapag ganito ang sitwasyon. They're always paranoid about my safety.

"Eh di yung driver ng kaklase ko po. Kuya naman wag na ngang madaming tanong. At least I'm home— and safe. I'm sorry na kasi. I promise I won't do it again. I promise to text ko if nakauwi ako nang maaga para sa susunod hindi ka na maghintay." pagsusuko ko at yinakap ko na siya sa bewang.

Ngumiti ako kasabay ng puppy eyes sa kanya. He glared at me bago hinilamos ang palad niya sa mukha ko. Ako naman ngayon ang napasama ng tingin sa kanya.

"I've just washed my face, Kuya."

"So? Wala namang pinagbago 'yang mukha mo. Pangit ka pa rin." he teased as he did it again.

Pinalo ko ang kamay niya at tinulak siya ng mahina. "Eeew, umalis ka na nga. Amoy pawis ka pa."

"Ang arte nito. Kala mo naman ang bango mo." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"FYI, Kuya. Mabango po ako."

"Mukha mo. Itapon kita sa basurahan eh total doon ka naman pinulot nila Mommy." banat niyang muli.

"Kuya!" naiinis kong sigaw sa kanya. Darn it! Bakit ba ako palagi ang pikon tuwing nag-aasaran kaming dalawa. Ito palagi ang panlaban niya eh. Yung ampon daw ako at pinulot lang daw ako nila Mommy sa basurahan.

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. "Pikon agad. Bumaba ka na daw. Kakain na." hinalikan niya ako sa buhok ko at muling hinalamos ang palad niya sa mukha ko.

"Kuya! Argh! I hate you!" sigaw ko nang mabilis itong tumakbo palabas ng kwarto ko.

Inayos ko lang muli ang buhok ko na ginulo ng ampon na pangit kong kapatid. Kainis talaga si Kuya parang si— eh, nevermind.

Sumalubong sa akin ang boses nila Mommy at Daddy habang papalapit ako sa dining room para kumain. Nagtawanan ito na parang tuwang-tuwa sa mga pinag-uusapan. Dang! Sana makalimutan na ni Mommy ang kanina.


Yari talaga sa akin si Thunder bukas kapag magisa ako ng tanong ni Daddy ngayon. Dad's the most possessive man I have ever know pagdating sa amin ni Mommy. Samahan pa ng pwersa ni Kuya na isa ding over protective. Talaga namang tatanda dalaga ako nito.

Napatingin sa akin si Mommy nang marating sa dining room. She immedietly whispered something to Dad kung bakit natigilan ito at mabilis na napalingon sa akin.

Napalunok ako at pasimpleng pinunasan ang basa kong palad sa suot kong shirt. I gave out an awkward smile at lumapit kila Mommy at Daddy para bumeso.

"Hi Mom... Hi D-Dad." nerbyos kong bati sa kanilang dalawa.

"Hello, my bella. Sit down. Hintayin muna natin ang Kuya mo. He'll be here soon." sabi ni Daddy. Umupo ako sa right side ni Daddy habang nasa left side naman niya si Mommy habang katabi ko si Kuya ng upuan. Ito ang arrangement namin tuwing kumakain.

Napatingin ako kay Mommy na nakatingin din pala sa akin. I pouted my lips at her kaya napailing ito ng mahina. 


Please don't speak, Mom. Don't say anything. Please. Please.

"Zeleny, anak bakit hindi kayo magkasabay ng Kuya mong umuwi?"

There you go, ladies and gentlemen. I'm about to get grilled by my father. Did Mom already spilled the beans to my father?  Oh god, mapapasabak na naman ako nito.

The last time I was grilled by Dad was the time na we were in a restaurant at nadatnan niya akong nakikipag-usap sa isang lalaki na nakikipagkilala sa akin noon. Dad scared the poor man out and even threatened the man.

At dahil doon ay he grounded me for a month and that was the worst. Kaya ngayon, I can't risk my freedom again because of that monkey—Thunder.

Pasimple kong hinawi ang buhok ko kasabay ng pagpunas ng pawis na namumuo sa noo ko. Tumingin muna ako kay Mommy na nakataas ang kilay.

"Ah, D-Dad—" pagsisimula ko ngunit naputol agad ang sasabihin ko nang dumating si Kuya at nagsalita...


"They did a group project, Dad. Can you believe it? She made her own school project for the first time!" hindi makapaniwalang sabi ni Kuya.


Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag-epal ni Kuya.

"Is that so? That's good then. Ilan boys ang nasa grupo mo?" pagtatanong ni Daddy.


"Wala po, Dad. All girls po kami sa grupo ko." pagsisinungaling ko. Wengya! Sobrang lalim na ng pagsisinungaling ko. Pahamak ka, Thunder!

Tumango si Dad na parang nakontento siya sa naging sagot ko— or lies perhaps. Dang!

The dinner went well at hindi na muli akong inusisa nila Dad and Mommy. As well as Kuya na sinasamaan ko ng tingin dahil sa pagtadyak nito sa aking paa sa ilalim ng mesa.

Nang aasar na naman ang mokong. Alam niyang madali akong mapikon.  Sometimes I hate and love having a sibling.



***
© iorikun xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top