14
c h a p t e r 1 4
"Thunder, di ka pa ba matutulog?" I asked him for the nth time before rolling my eyes.
"Nope..." he answered for the nth time.
We've been talking on the phone for over an hour now. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-sasawa sa pangungulit sa akin. Alas dose na nang madaling araw pero hindi pa rin siya inaantok. He insisted that we have to talk about what happened kanina.
Kanina pa din ako namumula kapag pilit niyang pinapaala ang- make out session namin kanina. God. Si Thunder lang ang lalaking nakahalik at nakahawak sa akin nang ganoon.
"Marshmallow..."
I rolled my eyes."Thunder, antok na ako. May pasok pa tayo bukas. Ayokong magmukhang zombie bukas."
Inayos ko ang higa ko at muling binalik ang cellphone sa kabilang tenga ko. I rubbed my palms on my pillow.
"Mas okay na 'yun para walang makalapit na ibang bastardo sa'yo bukas. At least you're still beautiful in my eyes..." he said in a husky voice na siyang nagpakiliti sa loob-loob ko.
Fūck you, Thunder. Fūck you for making me feel this way. Ayokong aminin pero kinikilig ako sa sinasabi niya. Hopefully, hindi siya nagbibiro- na maganda pa rin ako sa paningin niya kahit mukha akong zombie.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at napapikit ng mariin para pigilan ang tili'ng gustong kumawala sa bibig ko. Damn it, Zeleny..
"Zeleny? Are you still there? Are you sleeping."
Gusto kong matawa sa pagsasalita niya. Para siyang nakikipag-usap sa sarili niya. I can't help but grinned nang hello ito ng hello mula sa kabilang linya.
Nanatili akong tahimik at nag-iingat na hindi gumawa ng ingay.
Gusto ko na talagang matulog. Sa ganitong paraan baka ibaba na niya ang tawag at sumuko na sa pangungulit. At least iisipin niyang natutulog na ako.Kahit ano naman kasing pilit kong ibaba at ignorahin ang tawag niya ay hindi talaga ito titigil at susuko sa pagtawag.
Kaya nga nagulat ako nang i-check ko ang phone ko pagkatapos ng dinner namin ay meron na akong 105 missed calls mula sa isang unknown number, na si Thunder pala.
Nanatili kong pinakinggan ang boses niya mula sa kabilang linya. Narinig ko itong bumuntong hininga.
"I guess you're sleeping." parang dismayado nitong usal.
Nakahinga ako ng naluwag. Finally, ibababa na niya ang tawag. Lumipas ang ilang segundo at chineck ko pa ang phone ko para tingnan kung patay na talaga ang tawag- pero napakunot ang noo ko nang hindi pa rin nito binababa ang tawag.
Hinayaan ko lang at ibinalik ulit ang phone sa tenga ko.
"Good night, baby. Dream of me."
And that moment... ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makakilos- at biglang nawala ang antok ko. Nagising ang buong diwa ko sa mga salitang binigkas ni Thunder at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sumunid niyang sinabi.
"I like you a lot, Zeleny."
Oh god.. is the leader of the Alphas' confessing his feeling to a fake sleeping Zeleny?
Bumuntong hininga siya ng malalim.
"Fuck, this is so gay...this is so stupid. Why am I saying this to a sleeping person." he mumbled.
I can imagine his face na para siyang stress na stress. He groaned.
"Good night, Zeleny..." he whispered at tuluyan na niyang binaba ang tawag.
My phone is still beeping pero iba ang nasa isip ko. Si Thunder.
***
At nagkatotoo na nga ang prediksyon ko. Mukha na naman akong zombie kinabukasan pagpasok ko ng school- at dahil na naman iyon kay Thunder. Tungkol sa pag-amin niya. Dahil sa mukha siyang tanga kagabi.
Goddess have fallen... how can I remove him in my system?
Pagod kong hinilot ang sentido ko habang tahimik na naka-upo sa desk ko. Sinadya ko talaga maging maaga para hindi na ako maabutan ni Thunder sa gate. Sa ngayon tatlo pa lang kaming estudyante dito sa loob ng classroom.
Gusto ko siyang iwasan. Iiwasan ko talaga siya. Kailangan ko muna siyang kalimutan kahit ilang minuto o oras lang. Hindi na maganda 'to. Simula kagabi, naging iba na ang pagtingin ko kay Thunder- hindi ko lang siya mapaliwanag. Hindi ko mapaliwag- parang may nag-improve sa loob-loob ng katawang lupa ko.
At kailangan kong malaman kung ano iyon.
Lumipas ang ilang minuto at hindi ko na namalayan ang pagdami ng mga tao sa loob ng classroom. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madami na ang mga estudyante na dumadaan sa hallway.
I'm sure some of them kung bakit sila dumadaan sa hallway na ito ay dahil nandirito ang classroom ng the Alphas. Simula noong ilipat ang classroom nila, marami nang mga kababaihan ang tumatambay sa gilid ng hallway dito. Nakakairita lang minsan dahil maiingay ito.
"Leader!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa kahabaan ng hallway. Grabe naman kung makasigaw ang isang 'to.
Napakunot ang noo ko. Leader?
Isang tao lang ang kilala kong tinatawag na leader dito sa school.
Nagulat ako nang makarinig ako ng mga yabag ng mga taong tumatakbo.
Oh my god! My sunog ba? Anong nangyayari?
Napatayo ang iba kong mga kaklase para tingnan ang nangyayari sa labas. Nakakatakot. Parang may komosyon na nangyayari. Nakita ko na nagsilabasan ang mga kaklase ko kaya napilitan akong tumayo at lumabas na lang... baka may sunog talaga.
Pagkalabas ko agad kong kinalabit ang isang kaklase ko. "Anong nangyayari? May sunog ba?" pagtatanong ko nang lumingon ito.
"Hindi. Nagkikipag-away na naman daw kasi si Thunder sa baba..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang iyon. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Napapikit ako ng mariin at nagpasalamat muna sa kaklase ko bago ako nakipagsiksikan sa mga tao.
Nakakainis. Ano na namang gamot ang nainom ni Thunder at tinutupak na naman? Bwesit!
Bumuntong hininga ako ng malalim.
For now.. Kailagan ko munang pakalmahin si Thunder. God help me.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakikipagsiksikan sa kumpulang tao sa soccer field. Rinig ko ang malakas na sigawan ng mga ito. Lalo na ang boses ni Thunder na halatang galit na galit.
"Leader, tama na yan-"
"Pütang ina! Don't touch me. I'm gonna kill that bastard!"
"Leader, duguan na siya, oh.. tama na yan."
Nagulantang ako nang makarating ako sa wakas sa harapan.
"Thunder..." wala sa sarili kong sambit habang tulalang tinititigan ang lalaking duguan na nakahandusay sa damuhan.
Kita ko din ang panlilisik ng mata ni Thunder na may bahid ng dugo sa suot nitong uniform at nakalugay ang mahaba niyang buhok na naliligo na sa pawis.
Mabilis akong napasugod nang akmang lalapit pa si Thunder sa kawawang lalaki. Agad kong hinila ang dulo ng uniform niya at sinigaw ang pangalan niya. Agad itong napalingon sa akin at nanlaki ang mga mata.
I stared at him intently telling him to stop. Agad na binaba nito ang kamao at hinawakan ang aking pulso.
"Tama na." madiin kong sinabi sa kanya.
He looked away, clenching his jaw. I held his palm at pinisil iyon ng mariin.
"Halika na, Thunder." I pulled him.
He shook his head and took a deep breathe. Tumingin siya sa lalaking nakahandusay pa rin sa damuhan.
"You're lucky you're gonna be alive for now..." he thretened.
"Thunder, let's go, tama na please..."
He shook his head and incircled his arm around my shoulder possessively. Hindi ko nalang ininda ang pag-akbay niya sa akin. Ang mahalaga maka-alis kami dito at hindi na mapatay ang kawawang lalaki.
Hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi ko siya kinikibo kahit kanina niya pa tinatawag ang pangalan ko. Nagamot ko na din ang mga sugat niya- kamay nito. Dahil siguro sa tindi ng suntok niya sa lalaking binugbog niya.
"I said I'm sorry, Zeleny. Nabadtrip lang talaga sa gagong yun."
Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. "But it doesn't mean you have to kill the poor guy dahil lang dyan sa kabadtripan mo. My god, Thunder..." sinapo ko ang no ko at hinilot iyon dahil parang nahilo ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina.
Hindi tuloy ako nakapasok sa susunod kong subject. Bakit ba kasi mas pinili kong samahan ang unggoy na 'to?
"I'm sorry, it's still your fault..."
"What? Bakit ako?"
He clenched his jaw and gripped the steering wheel tightly. "Hindi ka nagtext sa 'kin na nauna ka na palang pumasok. I told you last night... sabay tayong papasok."
What? Wala akong maalala. I never heard him say that. I bit my lip at pilit na inalala kung may sinabi ba talaga siyang ganun kagabi.
Hindi ko mapigilang mamula nang maalala ko ang confession niya kagabi. Arg, baka sa sobrang pag-iisip ko dito ay nakalimutan ko na ang iba niyang sinabi.
I shook my head. God, I have to stop.
Nagulat ako nang biglang paandarin ni Thunder ang sasakyan niya.
"Thunder you asshole, saan tayo pupunta?" nagpa-panic kong sabi dito at hinawakan ko ang kamay niya. Oh my god, hindi pa tapos ang klase.
I heard him chuckled. "Pupunta tayo sa bahay."
What?
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top