Kabanata XX

/ Kabanata XX /

Maraming tumatakbo sa isip ni Amaris habang naglalakad siya pauwi. Bitbit niya ang kwaderno na inagaw sa kaniya ni Ryker kanina. Lutang na lutang ang kaniyang isipan habang siya'y naglalakad. Hindi na nga rin niya namalayan na nakabanggaan niya ang isang babae.

"Ano ba't kasi-"

"Sorry," mabilis na paumanhin ni Amaris, nakayukong nagsalita sa nabangga.

Nasa tapat na siya ng botika. Hindi niya alam kung saan siya papunta ngayon.

"A-Amaris? Saan ka nanggaling? Bakit ka umiiyak?"

Napatingala si Amaris nang mabosesan ang nagsalita. Kaharap niya ngayon si Cleo na biglang nabalutan ng pag-aalala.

"Napaano ka?" tanong pa ng kaibigan.

"W-wala."

"Amaris? Kilala kita," hinawakan ni Cleo ang kaniyang kamay, "kahit nga araw nang pagtuli sa'yo alam na alam ko. Kaya wala kang maitatago sa akin," may biro pa nitong sabi. "Hintayin mo 'ko rito at may bibilhin lang ako, okay?"

Nagmadaling pumasok sa botika si Cleo para bilhin ang gamot na iniutos sa kanya. Ilang minuto rin bago ito nakalabas. Hindi naman umalis si Amaris sa kaniyang pwesto hanggang sa makalabas si Cleo.

Sinabayan si Amaris ng kaibigan na maglakad pauwi sa kanila. Hindi rin naman kalayuan ang bahay nila Cleo at ang sa kanila ni Amaris.

"Uyyy, isaw!" turo ni Cleo, nang makita ang paborito ni Amaris. "Ilan sa'yo?" tanong nito sa walang-imik na kaibigan.

"I'm not in the mood to eat."

"Asus. Manong sampung isaw at dugo nga po," sabi ni Cleo sa nagbebenta. "You need to tell me everything later, ha? Oh! English 'yon!"

Hindi umimik si Amaris. Parang wala siyang gana na sakayan ang mga hirit na biro ni Cleo.

Naghintay sila ng ilang minuto bago naihaw ang order ni Cleo na isaw at dugo. Iniabot ni Cleo kay Amaris ang limang dugo at isaw. Kinuha naman ito ng binata.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakalagpas na sila sa bahay ni Cleo. Matatanaw na rin ang bahay nila Amaris sa 'di kalayuan. Nagpasya munang magpahinga ni Cleo sa tabi ng kalsada at sumunod na lang si Amaris. Nakaupo sila sa gilid, habang busy sa kinakain si Cleo.

"Himala, wala kang gana kainin 'yang binili ko? No worries, hindi kita sisingilin. Libre ko na iyan para sa 'yo. Kaya kainin mo na 'yan, agi," may pagbibiro ulit na sabi ni Cleo.

Napangiti ng bahagya si Amaris.

"Hayun at ngumiti ka rin kahit papaano. Bakit ka nga ba umiiyak kanina? Saan ka rin nanggaling at gabi ka na nakauwi?"

Kaunting katahimikan ang namayani. "Nagpahangin lang," maikling sagot ni Amaris.

"Ganoon kalayo sa bahay niyo? Nagpahangin lang? Haler? Buang ka ba? Pwede naman magpahangin sa loob ng bahay niyo. Hindi naman sira ang electric fan niyo pagpunta ko last time, hindi ba?"

"Kailan ka kaya matututong magseryoso sa usapan?" may inis sa boses nito.

"Sorry na. Ito naman masyadong high blood. May dalaw ka ba? Char."

Pinantirikan lang siya ng mata ni Amaris. "Nagkita kami kanina," putol niya sa usapan nila.

"Nino?"

"Nagkita kami ni Ryker."

"What?! Seryoso? For real? O to the M to the G! Paano siya nakarating ditto, eh, ang layo-layo ng bahay no'n?"

"Yes," sabat ni Amaris, "but his safe place is here."

"Huh? Anong safe space, eh mukhang war face lugar noong kumag na 'yon. At tsaka, safe se- eh, basta alam mo na 'yon. Iyon lang ang alam ko," nakangiting sabi ni Cleo.

"Oo. Doon kami nagkita ulit ni Ryker... pagkatapos ng una naming pagkikita sa parehong lugar."

"Oh goodness! Ibig sabihin doon mo nakuha ang mga impormasyon na inilagay mo sa article na pinasa mo?"

Tumango si Amaris.

"Sa lugar na akala natin walang sinuman ang nagpupunta. Yeah, it's weird. Pasensiya ka na, Cleo, kung ngayon ko lang sinabi," napayuko si Amaris, "at doon ko rin siya pinatawad sa ginawa niya sa akin. Ang araw ding 'yon."

Bumilog ang mata ni Cleo sa narinig. "Bati na pala kayo? Tapos nagkikita na kayo? OMG! Sampalin mo nga ako kung totoo ang narinig ko!"

Hinawakan ni Cleo ang kamay ni Amaris at sinampal sa mukha niya.

"Ouch!" sabi niya, nang nasaktan sa sarili niyang kalokohan. "Totoo nga. Pero bakit ka umiiyak kanina kung nagkita pala kayo?"

"Dahil dito." Iniabot ni Amaris ang kaniyang notebook kay Cleo.

Laking gulat naman ni Cleo nang buksan nito ang notebook. Nakita niya ang nakasulat at ang picture na nakaipit doon.

"Nakita niya 'to?"

Tumango lang si Amaris bilang tugon.

"Shems! Baka na misunderstood lang niya kung bakit hawak mo ang picture na 'to. Hindi mo ba naipaliwanag sa kaniya?"

"Natakot ako. Napipi ako. Hindi ako nakapagsalita nang makita ko ang galit sa mukha niya."

Hinaplos ni Cleo ang likod ng kaibigan. "Kilala mo ako, Amaris. Maloko lang ako, pero pagdating sa ganitong sitwasyon ay kakampi mo ako. Ayaw kong manghimasok sa kung anong mayroon kayong dalawa. Pero, tatanungin kita ng deretsahan. Mahal mo na ba siya?"

Natahimik si Amaris. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng kaibigan. Naguguluhan siya.

"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit sa lalaki ako nagkakagusto. Pinipilit ko naman ibaling sa babae ang atensyon ko, pero bakit ayaw ng puso ko? Naguguluhan ako, Cleo," paliwanag ni Amaris. "Natatakot ako na baka walang tumanggap sa akin dahil ganito ako. Hindi ko alam-"

"Shhhh... tahan na." Mabilis na dinamayan ni Cleo ang umiiyak na kaibigan. "Nagmamahal ka lang. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka ng kapareho mo. Hindi 'yan mali. Kahit kailan hindi naging mali ang sundin kung ano ang gusto mo. Wala kang dapat ikabahala. Tanggap kita bilang kaibigan mo. Kaya kakampi mo ako, okay?"

"Ano na lang ang sasabihin ni Mama kapag nalaman niya na hindi tunay na lalaki ang anak niya? Madi-disappoint siya. Ayaw kong mangyari 'yon. Siya na lang ang mayroon ako," umiiyak na sabi ni Amaris.

"Kahit kailan hindi ka magiging disappointment sa akin. Tanggap kita kahit sino ka man, anak. Anak kita at hindi mo kasalanan bakit ka ganyan. Huwag ka ng umiyak, anak."

Napalingon si Amaris sa nagsalita. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ang kaniyang ina. Nasa likod nila nakatayo ang ina nito.

"Ma?"

Napatayo silang dalawa. Kaagad na inakap ni Amaris ang ina. "Ma, sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo. Pinilit ko naman na magbago pero hindi ko kaya. Sorry, Ma."

"Anak, wala kang dapat ihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. Sadyang iba lang talaga ang tinitibok ng puso mo. At kahit sino pa 'yan susuportahan kita. Anak kita kaya wala akong ibang hiling kundi ang makita kang masaya."

"Thank you, ma."

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Amaris. Tila nabawasan ang bigat na kaniyang nararamdaman nang masabi na rin niya ang matagal niyang itinatago. Nakawala na rin si Amaris sa kahon na bumabalot sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng sa wakas ay inamin niya na rin sa kaniyang sarili ang tunay niyang kasarian.

*****

Lukot ang mukha nang umuwi si Ryker. He went to the kitchen and gets a bottle of wine. Nagtungo naman siya sa sala dala ang bote ng inumin. Nilagyan niya ang baso ng alak at ininom ito. Lumilipad ang kaniyang isip habang nakakalahati na niya ang alak.

"Bakit, Amaris? Sino siya?" paulit-ulit na tanong niya sa kaniyang sarili.

Hindi pa rin maka-move on si Ryker sa larawan na nakita niya. Ramdam sa kaniya na nasaktan siya ng sobra sa nangyari kanina. Ayaw pa rin matanggal sa kaniyang isip ang nakita niya sa larawan at kung paano siya tinalikuran ni Amaris.

"Nagbago ka na-"

"Sino ang nagbago, damulag? Mukhang ang laki yata ng problema mo ngayon, huh?" tanong sa kaniya ni Verity, habang nakita ang parang baliw na kausap ng kapatid ang sarili nito.

Napalingon siya sa nakapantulog na suot ng kapatid. Galing ito sa direksiyong kung nasaan ang kusina.

"Nothing," he replied.

"Okay," tugon naman ng kaniyang ate. "Mabilis naman akong kausap. Just make sure that you won't knock in my room when you need me."

Bitbit nito ang baso ng tubig bago umalis. "Goodnight, damulag."

Akmang aalis na ang kaniyang ate kaya agad naman niyang pinigilan ito. "Wait! Bakit gising ka pa?"

"I get a water. Nauhaw lang. Oh, ikaw? Bakit gabi ka na nakauwi?"

"Nothing," sagot niya ulit.

"Hindi mo na ba talaga ako pipigilan?" tanong ni Verity. "Okay, sige pagkatapos mo diyan umakyat ka na at magpahinga. You have a class tomorrow."

"Can you stay for a while?" mabilis niyang sabi.

"Good!" Mabilis na umupo ang kaniyang ate sa sofa kaharap niya. Ipinatong niya ang baso ng tubig sa center table. Naka-cross hands lang ito habang matalim na tinititigan si Ryker.

"Why are you smiling?" naiiritang tanong ni Ryker.

"Nothing," answered by her sister, holding its smile. "The last time I saw you on that aura was when Mirielle- Oh sorry! That trash broke up with you."

"Tsk."

"Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ulit?"

Nagulat si Ryker sa tanong ng kaniyang ate. "W-what do you mean?"

Ngumiti ito. "I knew everything about him. Alam ko na siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan."

"Aren't you mad at me?"

"Huh? Why would I? You know what, Ryker? If you are happy to be with him, I'll support you. You just following what your heart dictates, and who am I to judge? I am just your pretty sister, remember?" Verity replied, exuding a total confidence.

"Iyan ang hindi natin natuturuan, damulag- ang puso. Hindi natin 'yan tinuturuan kung sino ang pipiliin niyan. Kasi kusang namimili siya, especially sa sitwasyong hindi tayo handa minsan. It's natural, damulag. Kung sa kaniya ka nagkagusto hindi iyon dahil sa pinilit mo. Iyon ay dahil naramdaman mong gusto mo siya. Besides, mabait at matalino naman siya. Good look is a plus factor sa kaniya. And I don't see any problem with him."

Lubos pa rin ang pagtataka ni Ryker. Hindi niya alam kung si ate Verity niya pa rin baa ng kausap niya. Mukha kasing sinaniban ng magandang kaluluwa ang kaniya ate.

"H-how did you know him?" asked Ryker, stuttering and wondering still.

"Remember that day na umalis ka lang sa office ni Dad. Pinasundan ka sa akin ni mom. Nakita ko kung saan ka nagpunta. Sinundan kita at nakita ko siya. Iyon ang unang kita ko sa kaniya. At first, akala ko kaibigan mo, not until I saw you on that state. So, I've concluded na hindi mo lang siya kaibigan... dahil may mas malalim pa doon, am I right?"

Napangiti ulit ng bahagya si Ryker. "Stupid."

"Don't worry, damulag, kakampi mo ako. But you have to tell me why you almost finish drinking that wine?"

Huminga ng malalim si Ryker. Alam niyang makikinig ang kaniyang ate kung iku-kwento niya kung bakit siya wala sa mood ngayon. Simula pagkabata ay kakampi na niya ang kaniyang ate. Ikinwento na nga ni Ryker kay Verity ang lahat simula kung paano siya nagkagusto kay Amaris.

"Akala ko ba lahat ng gusto mo nakukuha mo?" biro ng kaniyang ate.

"Tsk."

"I'm just kidding. So, what's your plan?"

"I don't know either."

"Nag-away kami."

Nagulat si Verity. "Oh, hindi pa kayo mag-on pero may misunderstanding kaagad. Well, alam ko namang kasalanan mo."

"Yeah," pag-amin ni Ryker. "Kaya ayaw niya akong kausapin."

"Gusto mo bang tulungan kita?"

Hindi sumagot si Ryker. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Got it! I have a plan," masayang balita ng kaniyang ate.

"What is it?"

@phiemharc - Hindi Tugma (K20)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top