Kabanata XVII

/ Kabanata XVII /

"Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko, Ryker," saad ni Mirielle sa binata.

"Damn, Mirielle! If that's the case, I will let you find yourself. But not in this stupid reason!"

"I need to continue my study in Canada, Ryker. My family's business depends on me. Ako ang aasahan ng family ko... like yours. If we stay together hindi tayo mag-go-grow. Sorry, Ryker, but I'm done with our relationship. I am breaking up with you now," Mirielle said, in a cold tone.

"Ganoon lang ang four years, Mirielle? Naisip mo ba ang mga pinagsasabi mo?! You know how much I already invested in this relationship. Tapos ngayon ibabasura mo lang dahil sa lintik na paghahanap ng sarili mo?"

"Ganyan ba kakitid ang utak mo, Ryker? I'm not doing this for myself, but it is also for our own good. No matter what you'll say, I won't change my decision," she said. After saying those words, she left.

Ilang araw din na nagpakalasing si Ryker simula ng break-up nila ni Mirielle. Hindi niya lubos akalain na sa loob ng apat na taon ay bigla na lang mawawala ang pinanghahawakan niyang relasyon. Hanggang sa unti-unti niya itong nilimot at naghanap ng libangan upang kalimutan ang lahat.

Pinasok nito ang showbiz at nagtagumpay din siyang maging sikat. Nagkaroon siya ng ilang katambal ngunit hindi nauwi sa isang relasyon na pangarap niya. Ayaw niyang maging imahe ng ibang kapwa niya artista, na pinagtambal lang ay naging magkarelasyon na. Naging busy din siya sa pagte-train na i-handle ang business ng family nila.

Nag-aral siya ng Business Management pero hindi niya tinapos, sumunod ay kumuha siya ng engineering, pero siya pa rin ang sumalo sa business ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Naging subsob din siya sa pag-aaral hanggang sa pinilit niyang kalimutan ang nakaraan niya. Now, he's happy with his life knowing that he is graduating from his course. Also he knew that someone is already occupied his heart again.

*****

Nagkayayaan ang magkakaibigan na mag-inuman. Si Ryker na lang ang kulang sa kanilang apat kaya hinihintay nila ito. Habang umiinom ay napansin nina Asher at Don na tulala si Milio. Tinapik naman ni Asher si Atticus para ipaalam ang na-obserbahan nito sa kaibigan.

"Bakit parang namatayan kaya yata diyan, bro?" tanong ni Asher, sabay akbay sa kanina pang tulalang kaibigan.

"W-wala. May iniisip lang ako," sagot ni Milio.

"Is it that guy from your department?" usyusong tanong ni Don.

"Yeah," tipid na sagot niya.

"Paano mo sasabihin ngayon kay Ryker na pareho pala kayo ng taong nagugustuhan?" nababahalang tanong ni Atticus.

Inamin na rin ni Milio sa mga kaibigan ang tunay niyang nararamdaman kay Amaris. Laking gulat din ng mga kaibigan dahil alam nilang isang malaking problema ito. Gusto ng dalawa nilang kaibigan ang iisang tao. Siguradong hindi papayag si Ryker na maagaw ang taong natitipuhan niya.

"I-I don't know. Basta ang alam ko gusto ko rin si Amaris," deretso nitong paliwanag.

"Malaking problema 'yan, bro. We know Ryker. Nakukuha niya ang lahat ng gusto niya and he can set aside our friendship para lang sa isang bagay," paliwanag ni Asher. "Remember when he broke up with Mirielle? Nagbago ang mabait na Ryker na nakilala natin noon. Ngayon, everything he wanted ay nakukuha niya."

"At ngayon lang ulit natin ulit nakikitang bumabalik na ang dating Ryker..." napahinto si Atticus, "dahil sa taong nagugustuhan niyong dalawa," aniya pa nito.

"Gusto niyo bang sukuan ko na lang si Amaris. Gano'n ba ang gusto niyong mangyari, huh?" may bahid ng pagkadismaya na sabi ni Milio.

"We are not telling you to let go your feeling towards Amaris. We are just afraid na baka 'yan pa ang panggalingan nang away niyong dalawa," tugon ni Don.

"Kailangan niyong pag-usapan ang tungkol diyan, Milio. Kayong dalawa lang ang makakapag-usap ng maayos tungkol diyan. Ayaw ka lang naming makita na masasaktan sa huli. If you really Amaris, then be true to yourself also. Don't hide what you feel dahil lang masasaktan mo ang kaibigan nating si Ryker," paliwanag ni Atticus.

"At wala kaming pinapanigan sa inyo. Mahirap kasi 'tong pinasok niyo, pare," singgit naman ni Don.

"Speaking of Ryker, nandiyan na siya," pagputol sa usapan ni Asher.

Napaayos ng upo sila Don, Asher, at Atticus, habang walang pakialam naman si Milio sa pagdating ni Ryker. "Parang ang seryoso yata nang pinag-uusapan niyo. Ano ba 'yan?" bungad ni Ryker sa kanila.

Nagkatinginan sina Don, Atticus, at Asher. Sumenyas naman si Asher kay Atticus na kaagad nakuha kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Anyway, I'll go in the toilet," paalam ni Atticus.

"Ako rin. Maiwan na muna namin kayo," dagdag naman ni Asher.

"Sama ako," pagtaas ng kamay ni Don.

Tumayo ang tatlo sa kanilang pwesto. Tumango si Atticus kay Milio. Nagpapahiwatig ito na oras na para kausapin nito ang kaibigan. Mabilis namang tumakbo ang tatlo patungong men's room nang makahalata si Ryker.

"What's going on?" nagtatakang tanong ni Ryker kay Milio.

"Wala. Hayaan mo na ang tatlong 'yon. Kilala mo naman sila," sagot lang nito.

"Teka lang, Milio. Have you seen Amaris in the campus today?"

Nagtaka naman si Milio sa biglaang tanong ni Ryker. Hindi ba't siya dapat ang nagtatanong tungkol doon. Lalong-lalo na nitong mga nakaraang araw ay palagi silang nakikita niyang magkasama.

"No. I barely saw him since last month. I thought magkasama kayong dalawa, kaya hindi ko siya gaanong nakikita," sagot ni Milio "Besides, you told me to stay away from him, right?"

Napangiti si Ryker. "That's not what I meant, Milio. You can be with him if he needs your presence."

"Na kinuha mo ang atensyon na dapat sa'kin," pabulong na sabi niya.

"W-what did you say? I'm sorry. Maingay kasi," tanong ni Ryker.

Tumingin si Milio kay Ryker, "Ang sabi ko, hindi niya na ako kailangan dahil nandiyan ka na. At alam kong ayos na siya dahil napapadalas na rin ang pagsasama niyong dalawa."

"Yes, you're right. But I wonder every time na hindi pumapasok si Amaris. I am just concerned. Ano kayang problema niya? Did he open up something to you?"

"Wala naman. Last time we talked, you texted him to have dinner with you."

Ngumiti ulit si Ryker nang maalala niya ang pag-imbita kay Amaris na kumain sa labas. "Yeah, wala kasi sila mom and ate Verity sa bahay. Kaya niyaya ko na lang siya kumain sa labas."

"How was it?" usyusong tanong ni Milio.

"He's actually a nice person. Alam ko naman 'yon noong unang kita ko sa kaniya pa lang. Ang saya niya kasama kahit masungit minsan. Hindi rin naman siya maarte tulad ng mga nakilala kong babae," nakangiting pagku-kwento ni Ryker.

"That's why you fell in love to him?"

"Maybe..." nakangiti pa rin siya, "I could say na love at first sight nga talaga itong nararamdaman ko sa kaniya. Well, if you can still recall the time when I texted you to look for him," he continued.

Milio nodded. "And that prank in the cafeteria."

Naging seryoso si Ryker. "Thank you, bro, for taking care of him."

May kirot man sa dibdib ay pinilit ni Milio na ngumiti. "Minsan ka lang namin makitang masaya, Ryker. Kaya susuportahan ka namin," tugon ni Milio, bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Anyway... can you do me a favor?"

"Sure," sagot kaagad ni Ryker.

"Huwag mo siyang sasaktan... kahit para na lang sa akin."

Napakunot ang noo ni Ryker. Hindi niya ma-gets kung bakit iyon ang ibinilin ni Milio sa kaniya. "Huh? Why did you ask? Besides, I won't hurt the person I choose to love."

"Basta. If that day happen, ibalik mo na lang siya sa'kin," seryosong saad pa nito.

"Wait, mukhang seryoso ka yata, huh?"

"Please, do what I am asking, Ryker. Hiling 'yan ng kaibigan mo."

Hindi na talalaga maintindihan ni Ryker ang gustong sabihin ng kaibigan. Kaya hinarap niya ulit ito.

"Tapatin mo nga ako, Milio. May gusto ka rin ba kay Amaris?"

"Ahhh..." Natameme si Milio sa tanong ni Ryker. "Ibig kong sabihin eh-"

"Sagutin mo ang tanong ko sa'yo, Milio."

Nakaramdam ng kaba si Milio nang pilitin siya ulit ni Ryker. Nakita niya sa mata ng kaibigan ag seryosong tingin sa kaniya. Hindi niya alam kung aaminin niya ang totoo o hindi.

"O- Oo" maikling sagot nito. "Pero bilang malapit na kaibigan, Ryker."

Napahinga ng malalim si Ryker. "Ganoon naman pala, eh. H'wag kang mag-alala, bro. I'll take care of him. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya."

Ngumiti ulit si Milio sa kaniya, "Thank you," maikling sagot niya.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kinuha ni Ryker ang isang baso at nilagyan ito ng wine sabay ininom. Kinuha rin ni Ryker ang kaniyang cellphone sa bulsa at nakitang nag-iwan ng mensahe si Amaris.

Amaris has sent a message...

Lingid sa kaniyang kaalaman ay nasulyapan ni Milio ang kaniyang lock screen bago pa ito dalhin sa mensahe ni Amaris. Nagkaroon ng kirot sa dibdib ni Milio nang makita ang lock screen ng kaibigan.

Alam niyang si Amaris ang lalaking nakatalikod na iyon, habang nakaupo sa ilalim ng isang puno. Para itong nagsusulat habang nakatingin sa malayo.

"He's inviting us to their fiesta," nakangiting balita ni Ryker.

Napabalik sa sarili si Milio nang marinig ito. "Mabuti naman," tugon niya.

Tumayo si Milio sa kaniyang inuupuan. Pinulot ang kaniyang cellphone na nakalapag sa center table nila. Akmang aalis ito ngunit pinigilan siya ni Ryker.

"Where are you going?"

"Kailangan ko na palang umuwi. May aasikasuhin pa pala ako na kailangan ng office bukas," tugon niya. "Pakisabi na lang sa tatlo na nauna na ako."

"Are you alright? Mukhang may problema ka yata?"

"I'm well. Mauna na ako."

Nagmamadaling naglakad si Milio palabas ng club. Hindi na niya binaling pa ang mga taong nagsasayawan na nabubunggo niya. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang dalhin siya ng kaniyang mga paa sa parking space ng club. Pumasok na rin siya sa kaniyang sasakyan.

Bakas sa mukha ni Milio ang sakit na kaniyang nararamdaman. "This is the last time I'll cry. Yes! I'm fuckin* hurt!" tugon niya sa sarili.

"I really need to let go of my feelings, Amaris," huling sambit niya bago paandarin ang sasakyan.

@phiemharc - Hindi Tugma (K17)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top