Kabanata XIII

/ Kabanata XIII /

Napahilot na lang si Ryker sa kaniyang sentido. Galit siya dahil sa gusto ng ama niya para sa kaniya. "Anak, sundin mo na lang ang gusto ng Daddy mo. This is for your own good din naman. Sige na."

"Mom? Pati ba naman ikaw? Akala ko ba magkakampi tayo? Alam mo kung anong ginawa sa akin ng babaeng 'yon. Sorry, Mom. But, I can't do that," pagtatanggi niya, "Excuse me."

"Damulag! Saan ka pupunta?" pagpigil sa kaniya ni Verity.

"I have to unwind. Nasasakal lang akong magtagal dito," he replied before leaving the office.

Tumango ang kaniya ate bilang pagsang-ayon sa kaniyang pag-alis. "Sige. Mag-usap na lang tayo sa bahay," sabay tugon ng kaniyang ate.

Mabilis na naglakad palayo si Ryker sa opisina ng kaniyang ama. Nababalot siya ng galit dahil tila ramdam niya na bigla siyang pinagkaisahan. Hindi niya makuha ang punto ng kanilang diskusyon. Kanina lamang ay tahimik niyang sinalubong ang kararating na pamilya galing New Zealand at Canada. Ngunit lumabas siyang bitbit ang sobrang sama ng loob sa kanila, maliban sa kaniyang ate.

Ayaw niyang pinipilit siya sa isang bagay na hindi niya gusto. Iyon ang naramdaman niya nang gatungan pa ng kaniyang kuya ang pagpipilit na makipagbalikan siya kay Mirielle. Kahit kailan ay pinangako niyang hindi na siya makikipagbalikan o makikipag-usap sa babaeng iyon. Pero naungkat na naman ang nakaraan nila dahil sa epal niyang kuya.

Mirielle Vengancia is a goddess-like woman. She is a daughter of the Chief Executive Officer of Vengancia Perfume and an owner of Vengancia Airlines. She is the only daughter of both business elites in the Philippines. Everybody adores and loves her. She is indeed an epitome of divine and grace. Pinag-aagawan din siya ng mga lalaki.

Malapit na magkaibigan ang mga Levious at Vengancia. Kaya hindi rin maikakaila na hinahangad ng kanilang pamilya na magkatuluyan ang kanilang mga anak. Ito ay isa sa mga paraan upang mas lalong umunlad at tumibay ang negosyo na kanilang pinamamahalaan. Nangyari man ang kanilang kagustuhan ngunit hindi ito nagtagal.

Ilang buwan din ang nakalipas bago nila nalaman ang paghihiwalay nina Ryker at Mirielle. Nagkaroon ng third party sa pagitan nilang dalawa. Kaya ganoon na lamang ang galit ng pamilya ni Ryker sa kaniya. Iyon ay dahil hindi ipinilit at ipinaglaban ni Ryker ang unica hija ng mga Vengancia. Hinayaan niya itong agawin sa kaniya ng iba.

Bunsod ng nangyari, nagkaroon ng malaking gap ang dalawang mayamang pamilya. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na sinusuyo ng mga Levious ang pamilya ni Mirielle upang masara ang malaking deal ng kanilang pinaplanong business.

"Bakit ako na lang palagi ang dapat sumalo ng mga responsibilidad, dad?" umiiyak na napatanong ni Ryker, habang hawak ang manobela ng kaniyang sasakyan.

*****

Patuloy lang sa pagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Ryker. Hinayaan niyang dalhin siya nito sa lugar kung saan man nito gustong magpunta. It's already 5:45 pm, ngunit hindi pa rin siya humihinto sa pagmamaneho. Patuloy lang niyang binabaybay ang daan.

Napahinto siya sa tapat ng isang tahimik na kalsada pagkatapos ng mahabang byahe. Pinarada niya ang kaniyang sasakyan sa tabi bago bumaba. Tinunton niya ang daan papasok sa masukal na lugar. Sinusundan lang nito ang daan hanggang sa nakarating siya sa gusting puntahan ng kaniyang mga paa.

Napatigil si Ryker sa paglalakad nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi niya kaagad nakilala kung sino iyon. Nakaupo lang ito habang hawak ang isang notebook na pinagsusulatan niya. Nakasuot ito ng itim na sombrero habang payapang nakaupo lang. Palinga-linga rin ito sa paligid at patuloy na pinagmamasdan ang tanawin. Natanaw ni Ryker ang nakasanayang tingnan na lugar sa tuwing may pasan siyang problema. Ang buong lawak ng kanilang lugar.

Lumapit na rin siya sa lalaking nakaupo sa ilalim ng puno. "What are you doing here?" he asked, annoyed. Nasa loob ng kaniyang dalawang bulsa ng suot na short ang kaniyang kamay. Nakilala niya naman ito ng unti-unti siyang lumapit sa pwesto ng lalaki.

Napatingala sa kaniya ito. Agad naman siyang pinukulan ng ngiti nang makita ang kaniyang presensiya. "Hmm, I really enjoyed the view here. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito. The view is so refreshing."

"Paano ka napunta rito? How did you know this place?"

"Someone recommended, I guess."

"So, why are you here?" he asked again.

"I need you," Amaris replied confidently.

Ryker's eyes widen after hearing what Amaris had said, "W-why?"

"Kailangan ko kasing makuha ang statement mo tungkol sa nangyari," paliwanag ni Amaris.

"Ikaw na ba talaga 'tong kausap ko? Bakit bigla kang naging mabait sa akin?" sunod-sunod na katanungan sa isip ni Ryker.

"Tutunganga ka na lang ba diyan?" nakangiting sabi ni Amaris.

Napatingin sa kaniya si Ryker. "Sorry, may iniisip lang," sagot niya. "H-how are you? Kumusta na ang pakiramdam mo? Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa campus?" he continuously asked.

Napalunok naman ang binatang kausap sa sunod-sunod na tanong nito. "Hey! Hinay lang, mag-isa lang ako rito. Para kang timang sa mga tanong mo. Una, I asked your friend Atticus kung nasaan ka. Ang sabi niya maaga ka raw umuwi kasi important matters daw. So, I asked him again kung saan kita pwede hintayin at sabi niya dito kita makikita. Kaya naghintay ako rito. Kasi raw matagal ka nang hindi nakikita sa campus. Pauwi na nga sana ako mabuti at dumating ka rin-"

"Ilang oras kang naghintay?" putol nito sa mahabang litanya ng binata.

"Hmmm, three hours ata," sagot nito, tila iniisip pa ang oras ng kaniyang paghihintay.

"Three hours?!" gulat na reaksiyon ni Ryker. "Ibig sabihin tatlong oras mo akong hinintay? Bakit hindi pa pwedeng ipagpabukas 'yan? Paano naman kung may nangyaring masama ulit sa'yo rito? Paano kung may magtangkang-"

"Hey, hey, hey! kumalma ka, okay? I can handle myself. Besides, pre-occupied lang ako kahapon, kaya siguro 'yon nangyari."

"Si Cleo, si Cleo ang nagsabing malubha ang lagay mo kahapon. Tapos ngayon nandito ka at hinintay ako dahil lang diyan? Sana umuwi ka na lang at nagpahinga o 'di kaya ipinaalam mo na lang sa kaibigan ko."

"Si Cleo ang nagsabi sa'yong malubha ang lagay ko? Naku, naniwala ka naman doon? Loka-loka kaya ang babaeng 'yon," natatawa nitong sagot. "Oh! Anyway, for formality na lang din, Mr. Levious. I am Amaris Redeo, news correspondent of The Elusive Publication." Amaris extended his hand waiting for a response.

Ryker shook hands to him after. "Ryker Levious, I think you know me, galit ka nga sa akin dahil-"

"Opss!" pag-awat nito sa sasabihin ni Ryker, "I'm here not to blame you of what happened. Alam kong hindi mo kayang gawin ang ganoon sa kahit sino. Just forget what happened in the past, Mr. Levious. Kalimutan na natin 'yon dahil alam na naman natin kung sino ang may pakana.

And, I know na hindi ka naman masamang tao. Lahat naman tayo may ganoong ugali na itinatatago, kaya na ge-gets kita. Anyway, I am here not because of that agenda, but I'm here dahil I have some questions to ask. Afterwards, I'll leave and I won't interrupt your peaceful life here," he smiled, explaining.

"Ryker na lang. Sobrang pormal naman ng Mr. Levious. Sige, I am willing to answer your questions," tugon ni Ryker.

Umupo sila sa damuhan ng burol habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Tanaw na rin nila ang unti-unti na pagliwanag ng mga gusali at bahay sa ibaba nito. Nagsimula na ring mag-interview si Amaris kay Ryker tungkol sa gagawin niyang artikulo. Marami rin silang napag-usapan na hindi parte ng transaksiyon talaga ni Amaris. Nagkaroon sila ng oras upang kilalanin ang isa't-isa.

Tila naging magkaibigan ang dalawa sa mga sandaling ito. Tuluyan na ngang ibinaon sa limot ni Amaris ang nangyari sa una nilang pagkikita; at ang iba pang hindi magandang nangyari. That's the least thing he can do to move forward. Besides, alam ni Amaris na si Ryker ang dahilan kung bakit siya buhay hanggang ngayon. He was saved by his enemy before, and the only way to repay for that heroine act is to set aside the anger he had for the guy.

"Gabi na. Uuwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni nanay," pagputol ni Amaris sa kanilang masayang kuwentuhan.

"Ihahatid na kita," alok ni Ryker.

"Ayos lang. Maglalakad na lang ako. Malapit din naman ang bahay namin dito," tugon ni Amaris.

"Sasamahan na lang kita pauwi sa bahay niyo."

"Huwag na kasi-"

"Please! You know Levious never beg for someone unless they are spec- I mean, unless they really insisted," tugon nito.

Wala nan gang nagawa si Ryker, "sige na nga, mapilit ka rin. Dali na!" anyaya nito sabay pinagpag ang kaniyang pantalon na nadikitan ng mga tuyong damo.

Iniwan ni Ryker ang kaniyang sasakyan at sinamahan si Amaris sa paglalakad. Nakarating din sila sa baranggay nila Amaris kung saan napuno na nang ingay ang paligid. Malapit na rin kasi ang piyesta sa lugar nila Amaris, kaya ganoon na lang kabuhay ang paligid kahit gabi na. Napadaan pa sila sa peryahan bago tuluyang umuwi.

Silence swallowed them. Kay pinutol na ni Amaris ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "I love your place, huh. Pwede bang maki-share ng spot doon minsan?"

"Huh? What did you say? You love me?" tugon ni Ryker, hindi klarong narinig ang sinabi ni Amaris dahil sa ingay sa paligid.

"I said, pwede bang maki-share ng spot sa pwesto mo doon sa burol? Love, love ka diyan!" tapik nito kay Ryker.

A wide smiled drawn to Ryker's face. "Sorry, ang ingay kasi," nakangiting sabi nito.

"Wow!" tumakbo si Amaris sa nakitang nag-iihaw. "Isaw, gusto mo?" he offered.

Napalunok ng biglaan si Ryker. He never eats street foods. But, he had no choice and handed the chicken's intestine offered by Amaris. The next he did shocked Amaris. He ate it.

"Hmmm... not bad," he said.

"Akala ko ba hindi ka kumakain ng streetfoods?" tanong ni Amaris.

"Wala akong choice," biro ni Ryker. "Besides, hindi rin pala ganoon ka pangit ng lasa."

"Tara na nga at kung ano pa diyang masabi mo," anyaya ulit sa kaniya ni Amaris.

Limang minuto silang naglakad mula sa peryahan hanggang sa bahay nila Amaris. Nakarating din sila sa tapat ng bahay nito.

"I really had a great day. Thanks for allowing me to accompany you," Ryker said.

"Naku, maliit na bagay."

"And, I really love the people here. They are all happy people. I mean, masaya at maingay, hindi nakakabingi."

"Well, tahimik nga naman sa subdivision kung saan ka nakatira, kaya hindi na nakapagtataka. Don't worry, I'll invite you in our fiesta."

"You insisted. Hindi kita tatanggihan," ngiting tugon ni Ryker.

"Anyway, I never expected na magiging fun ang araw na 'to. Akala ko kasi napaka-antipatiko mo. You're an asshole sa campus kasi, especially our first meet. Bawasan mo rin minsan kaya marami kang nakakaaway, eh."

Napakunot ang noo ni Ryker, "What's antipatiko?"

"Hmmm... suplado na lang. Sige na, umuwi ka na. Salamat sa paghatid sa akin pauwi," pagpapasalamat ni Amaris.

"It's always my pleasure."

"Thanks for this," turo niya sa kaniyang notebook. "You made my first article special. Good night!" he smiled.

"Goodnight!" tugon naman ni Ryker.

Pumasok na si Amaris sa kanilang bahay. Pinagmasdan lang ni Ryker ito hanggang sa maglaho.

"Thank you for helping me forget my problems for a while," he muttered. Nakangiti rin nitong nilisan ang bahay nila Amaris.

@phiemharc - Hindi Tugma (K13)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top