Kabanata XII
/Kabanata XII/
Naiwang pinagmamasdan ni Amaris ang lawak ng hallway sa fifth floor. Nakikita niya rin ang ilang estudyante na dumaraan kasama ang kanilang mga kaibigan. Pinagtitinginan kasi siya dahil sa kaniyang naiibang suot na uniporme. Bakas sa mga mata nila ang why-an-education-student-is-here look sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin at ibinaling ang tingin sa ganda ng view sa labas ng building.
"Mas maganda pala rito ang view kaysa sa building namin," nasabi niya sa isipan.
Mayamaya ay muling bumalik si Milio pagkatapos makipag-usap sa tumawag, "Auhm, Amaris."
Napalingon naman ito kay Milio. "Bakit?"
"I need to go. Mauuna na ako dahil kailangan ko pang pumunta kay Mr. Camacho for our thesis. Tumawag na kasi ang thesismate ko. Deretsuhin mo na lang 'yang daan. Sa last block, nandiyan naman sila Asher, Don, at Atticus, mga kaibigan niya 'yon. Tanungin mo na lang sila, huh. Mauuna na ako. Sorry, hindi na kita masasamahan," paliwanag ni Milio sa kaniya.
Tinapik niya sa balikat ang kausap, "Okay lang. Thank you ulit at mag-ingat ka."
Binaybay nito ang hallway nang makaalis na si Milio. Hanggang sa narating niya ang dulong bahagi ng palapag. Nakita nito ang block na tinutukoy ni Milio. Nang akmang bubuksan na nito ang pintuan ay bigla siyang nabangga ng pinto pagbukas ng tao sa loob.
"Ops! Sorry. Are you alright?" agad na tanong sa kaniya nang bumukas ng pinto. "A-Amaris?" nagtatakang sabi ng pangalan ni Amaris. Namukhaan siya nang taong bumukas ng pinto.
"I'm okay," sagot ni Amaris, hawak ang noong natamaan.
"B-bakit ka nandito? May kailangan k aba?"
Nagtaka si Amaris nang maalalang tinawag siya nito sa kaniyang pangalan, "B-bakit mo pala ako kilala?"
"Oh! By the way, I'm Atticus, kaibigan ni Ryker." Biglang naglahad ng kamay ang kausap, senyales na gusto nitong makipagkamay.
Tinugunan naman ito ni Amaris. "Ikaw ba ang kaibigan ni Ryker?"
Tumango lang ang kausap niya.
Nagkaroon ng lakas ng loob si Amaris magsalita. "Kailangan ko ng tulong mo. I need to talk with him. Nandiyan ba siya?"
Napakamot tuloy ng ulo si Atticus, hindi alam ang susunod na itatanong, "Bakit mo ba siya hinahanap?"
"I was assigned by the university's publication to cover the incident last two weeks ago. So, I badly needed to talk to him," he explained, "Can I?"
"Oo naman. Ikaw pa ba. Kaya lang, Amaris, wala siya rito, eh."
"Ganoon ba?" Biglang nalungkot na lang ang mukha ni Amaris. "Do you have any idea kung saan siya nagpunta? Sabi kasi sa'kin ni Milio, umuwi na siya at hindi pumasok sa next class niyo. Pwede mo bang sabihin ko saan ko siya makikita?"
"Okay, hinay-hinay lang. Ako lang 'to," pabirong sabi sa kaniya ni Atticus, dahil sa sunod-sunod na tanong.
"Sorry."
"It's okay. Para sagutin ang mga tanong mo, oo, kanina pa siya umuwi. Siguro alam mo naman kung nasaan siya ngayon. Dumating kasi ang parents niya galing Canada. Kaya, hayun, nagmamadaling umuwi."
"Hindi na ba siya papasok mamayang hapon?"
"Hindi na. Kilala ko 'yon."
Parang nawalan ng pag-asa si Amaris na makakausap si Ryker ngayong araw. Wala ang binatang hinahanap niya, kaya posibleng hindi niya matatapos ang kaniyang gawain.
"Sige, babalik na lang ako bukas. Salamat ulit, Atticus."
Ngumiti lang si Atticus sa kaniya. Tumalikod na siya sa kausap para lisanin ang building. Ngunit napahinto siya.
"Wait, Amaris," hinabol siya muli ni Atticus, "Pero may alam ako na kadalasang pinupuntahan niya. Kahit ngayong kikitain niya ang kaniyang pamilya. Kahit na magalit sa akin ang mokong na 'yon, wala akong pakialam basta ikaw," may kapilyuhang sabi ni Atticus.
Pinaliwanag ni Atticus ang dahilan kung bakit nagmamadali talagang umuwi si Ryker. Si Atticus din kasi ang mas malapit na kaibigan ni Ryker, kaya alam niya ang lahat tungkol dito. Sila lang din ang nakakaalam kung saan ito madalas na magpupunta.
Pagkatapos ng mahabang litanya ni Atticus naging klaro na ang lahat para kay Amaris.
"Sana makausap mo na rin siya. Matagal na rin kasing naghihintay sa'yo- I mean, matagal na kasing hindi namin siya nakakausap ng matino," nakangiting sabi ni Atticus.
"Sige. Thank you ulit," pagpapasalamat ni Amaris.
"Basta ikaw. Sige, bibili muna ako ng snacks sa cafeteria," tugon ni Atticus, bago iwanan si Amaris.
Lumabas na rin si Amaris ng building at agad na nagtungo sa kanilang block para hanapin si Cleo. Nilibot na rin nito ang cafeteria nila, ngunit hindi niya nakita ang kaibigan. Saktong alas-dose na ng tanghali at dagsaan na ang mga estudyante sa cafeteria. Imbes na kumain ay nagpasya si Amaris na hanapin muna si Cleo upang sabay na sila magtanghalian.
"There you go," sabay sabi nang makita ang kaibigan. "Cleo, kanina pa kita hinahanap at-" natutop ito ng makita ang kausap ni Cleo.
Nilingon naman siya ni Cleo nang marinig ang pagtawag niya. Ngunit, natulala siya sa kasama nito.
*****
"Ryker!"
Kaagad na nakita ni Ryker ang tumawag sa kaniya, "Mirielle?" tanong niya. "F*ck, what is she doing here?" sabay tanong ulit sa sarili.
Hindi pinansin ni Ryker ang tumawag sa kaniya. Nagmamadaling niyang tinunton ang loob ng kanilang company building. Kaagad itong pumasok sa elevator pagkabukas na pagkabukas nito. Mabilis siyang naglakad nang makarating siya sa ika-10 palapag ng building. Hindi na siya nag-atubili pang buksan ang pinto ng opisina ng kaniyang ama.
"Dad!" he said, without hesitation.
Nakaupo sa President's table ang kaniyang ama. Makikita rito ang ma-awtoridad at maangas nitong awra. Nakasuot ito ng itim na amerikana habang papadyak-padyak ang kaniyang isang paa sa sahig. Mukhang bagot na rin ito sa paghihintay sa alam niyang anak na sasalubungin siya.
Nakatayo si Ryker sa harap ng ama. Wala man lang kasiyahan sa mga mukha niya nang makita ito. "Akala ko ba next month pa ang uwi niyo? Hindi ba sabi niyo ni Mom before my graduation?" nagtatakang tanong ni Ryker sa ama.
Doon lang din namalayan ni Ryker na naroon din kasama ang mommy, kuya, at ate nito. Magiliw lang silang nakaupo sa sofa. Si Ryker ang bunso sa tatlong magkakapatid na Levious.
Laking gulat niya nang makita ang mga ito. "Mom!" sinalubong niya kaagad ng yakap ang ina.
"How was my little boy?" tanong ng ina.
"I'm doing well," maikling sagot niya.
"Syempre naman, mom. Damulag na 'yang baby boy mo," eksena naman na sabi ng kaniya ate. Samantala wala naming pakialam ang kuya nito.
Kauuwi lang din galing sa New Zealand ang mag-ina, dahil may inasikaso lang sila roon. Sumama lang ang kanyang ate dahil gusto nitong maglibang. Samantala, ang kaniyang ama naman ay nag-asikaso ng deal kaugnay sa kanilang business. Siya at ang kaniyang kuya Bri ang naiwan lang sa Pilipinas. Subalit suntok sa buwan din umuuwi ang kaniyang kuya sa kanilang bahay. Ngayon, ay kasama rin siya sa loob ng opisina ng kaniyang ama. Kaya may halong pagtataka sa mukha ni Ryker.
"It seems that you're not happy to see us, my sweetest child?" nakangiting tanong ng kaniyang mommy, sabay hinaplos ang kaniyang likuran.
"Of course, I'm happy, Mom. Pero, sana lang ay tumawag o nag-message kaagad kayo sa akin. Para ako na ang nagsundo sa inyo," tugon niya.
"It will not be a surprise if we informed you, Damulag," nakangiting bwelta naman ng kaniyang Ate Verity. "We told Mang Kano to fetch us kaya, hindi kana inabala nila Mommy."
"How childish?" annoyingly whispered by Bri.
"Pardon, kuya? Baka nga ikaw 'tong isip bata sa ating dalawa," saad ni Ryker. Mukhang napikon siya nang marinig ang sinabi ng kaniyang kuya.
"None. I said, tell your secretary to prepare us a lunch. I'm starving," asar na ngiti nito, sabay dampot ng magazine sa table.
Pinukulan niya lang ang kaniyang kuya ng masamang tingin. "Mom, if this is about handling this company, I'll take it. But, let me finish my studies," he explained.
His dad butts in. "Yes, Ryker. We understand where that's coming from. Of course, you're Mom and I won't pressure you. We just want you to have a promise with us. I mean, we want to have a validation coming from you. Unless, you really want to decline from our offer."
"Hanson? Don't pressure our bunso. Masyado mo naman siyang tinatakot. Alam naman nating paninindigan niya ang pangako niya. Hindi ba, anak?" pagtatanggol sa kaniya ng kaniyang mommy.
"Mom, masyado niyo na 'yang bine-baby. Kita mo naman malaki na 'yan at 'yang alaga niya. Marunong na 'yang magdesisyon sa buhay," patutsada naman ni Verity, "Dad, if he's not yet ready, hayaan niyo na po muna si Ryker na mag-enjoy. Ga-graduate pa lang siya, dad, kaya 'wag niyo naman siyang isubsob sa business kaagad," sabi naman nito sa ama.
"Isa ka pa. Ikaw na nagsabing 'wag i-baby 'yang si Ryker. Tapos ikaw naman palang ayaw siyang pahawakin ng business nila dad and mom," Bri complained, with a bit of irritation.
"Eh kung ikaw sana ang nag-handle ng business dito ni Dad, hindi maiipit si Ryker. Kaya nga lang puro ka gala at barkada, tama ako, 'di ba?"
Nag-init ang tainga ni Bri sa narinig, "bakit ikaw, ate? Nagreklamo ba ako ng lumand-"
"Enough that's stupid behavior of yours, Bri! Ate mo pa rin ang kausap mo!" pag-aawat ng kanilang ama.
Natahimik ang dalawa nang pagtaasan sila ng boses. "Anyway, anak. Nagkita na ba kayo ni Mirielle?" pag-iiba ng topiko ng Mommy ni Ryker sa namayaning saglit na katahimikan.
"I'm not interested, Mom," he replied, monotonously.
"Bakit hindi ka na lang makipagbalikan ulit sa anak na 'yon ni Mr. Vengancia? Total, maganda, at matalino naman 'yong nag-iisang babae nila," Bri insisted.
Ito na naman si Bri sa kaniyang pang-gi-guilt trip sa kapatid niya. "If you're the one who is interested to her, then court him. And be his nonsense boyfriend," sagot niya.
"Kung pwede lang, bakit naman hindi? You know what, Ryker? Masyado kang nadadala diyan sa mga kaibigan mo, eh. Mga cheap ang babaeng nililigawan. We are born not to waste our money to feed someone we love. Kaya nga natin gustong lumago itong kompanya, hindi ba? If that's the case, baka itakwil ka na lang balang araw," litanya ng kaniyang kuya.
"So be it. I'm not afraid after all, kuya. Do whatever you want, and I'll be taking my own business," seryoso niyang sagot.
Natahimik na lang ang kuya nito sa kaniya sinabi. Hindi niya inakalang ang kaya niyang maapi na si Ryker noon ay lumalaban na.
"Enough with that nonsense arguments, Ryker!" saway ng kanilang ama. "Yes, your brother has a point, and I totally agree with him. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, dapat makipagsundo ka sa anak ni Mr. Vengancia. Ako na mismo ang kakausap sa Daddy niya, para magkita kayong dalawa."
"Pero, dad-"
"My child! My rule!" awat ng ama, bago tuluyang pumasok sa silid-pahingaan nito.
@phiemharc - Hindi Tugma (K12)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top