Kabanata XI
/Kabanata XI /
Nakatayo sina Amaris, Cleo, Janea, at Erzhian sa harap ng field. Nag-plano kasi silang sabay magpunta sa kanilang building dahil kay Amaris. May sasabihin daw kasi si Amaris sa kanila, kaya nagsama-sama silang apat. Mabuti na lang at alas-nwebe pa ang first class nila. Saktong alas-siete pa lang naman.
"Sigurado ka bang okay ka na, Amaris?" nag-aalalang tanong ni Janea.
Ngumiti lang si Amaris. "Marami lang talaga akong iniisip kahapon," sagot niya.
"Exactly! Baka dala lang nang nangyari sa'yo. Anyway, I am happy to see you again, my beshewaps. So, ready ka na ba?" singgit ni Cleo.
"Parang araw-araw, may bago kang tawag sa akin," pabirong sabi ni Amaris. Kahit papaano ay nakangiti na siya.
"Ano nga kasi? G ka na ba talaga?" pangungulit pang tanong ng kaibigan.
"Chai," maikling sagot nito.
"Huh? Anong chai ang pinagsasabi mo, Amaris? Kung sa bagay mukhang tiyahin nga naman si Cleo," natatawang sabi ni Erzhian.
"Bwetet (bwis*t) ka palagi sa buhay ko!" inis na sagot ni Cleo.
"He said, yes. Salitang Thai 'yon. Ginamit niya lang ang natutununan niya sa foreign course nila," paliwanag ni Janea, "tara na," anyaya niya kaagad sa tatlo.
Naglakad sila sa lilim ng mga puno patungo sa kanilang building. Abala rin ang mga estudyante na kanilang nadaraanan sa kani-kanilang mga ginagawa. Hindi naman maubusan ng kuwento si Cleo hanggang sa nakarating sila sa kanilang clinic.
Elusive Publication House
Iyon ang karatula na nakadikit sa pinto ng isang maliit na silid. Ito ang clinic ng mga staff ng kanilang publication, kung saan sila nagkakaroon ng mga meetings o nagsusulat para sa release ng susunod na issue.
"Hey, people!" bati kaagad ni Cleo sa mga taong naghihintay sa loob ng clinic, "I am glad to inform you that we have a new scouted member in our pub. Charan!"
Napalingon naman sa kaniya ang mga tao sa clinic. "Huh? Sino naman? Akala ko ba tapos na ang scouting ng pub?" nagtatakang tanong ni Blendina- ang kanilang sports editor.
"Hep, hep, hep! Walang sinabing tapos na. Okay? Kaya manahimik ka na lang diyan," tutol ni Cleo.
Halata naman na hindi magkasundo ang dalawa, kaya hindi na rin sumagot si Blendina.
"Sino naming new scouted member ang tinutukoy mo, kulit?" tanong ni Piloso- ang kanilang Associate Editor. Ito ang isa sa mga close ni Cleo sa publication house.
"Sige, anong gusto niyong unahin ko? Mag entertain ng mga tanong niyo o ipakilala ko siya?" naiiritang tanong ni Cleo sa mga kasama.
"Batuhin kaya kita diyan," hirit pa ni Piloso.
"Charing lang."
"Hi, guys! I would like you to meet our new member, Amaris Redeo," singgit ni Janea, seryosong ipinakilala ang kaibigan.
Nasa likuran ngayon ni Janea nakatayo si Amaris at si Erzhian. Nakangiti lang si Erzhian habang si Amaris ay walang reaksiyon sa mga kasama. "Amaris, these are our staff in the school publication," pakilala naman ni Janea.
"Akala ko naman kung sino. 'Yong topic of the campus lang naman pala," saad ni Blendina. Kaagad niyang ibinaling muli ang kaniyang pokus sa ginagawang pag-e-edit sa computer.
"Hi! I'm Magin," pagpapakilala naman ng naka-eye glasses na babae, "I'm the feature editor of the elusive publication. How about you? Anong magiging posisyon mo rito sa pub?"
"Ah, eh-"
"He's one of our contributors, Magin. Magsisimula muna si Amaris mula sa baba," sabat ni Janea.
"Okay. That's awesome. Nice meeting you then." Agad namang naglahad ng kamay si Magin upang makipagkamay kay Amaris.
Tinanggap naman ni Amaris ang pakikipag-kamay sa kaniya. "Nice meeting you too," maikli niyang saad.
"I'm Justy," pagpapakilala naman ng naka-army cut na lalaki. "The cartoonist."
"I'm Piloso, the associate editor. Welcome to the fam," pagpapakilala naman sa kaniya.
"Hoy, Blendina? Ano? Tutunganga ka lang diyan, girl?" naiiritang tawag ni Cleo sa naka-braid at may pink na pin pa sa buhok na Sports Editor.
Humarap naman ito ng nakataas ang kilay. "Do I need to introduce myself? Huwag na, makikilala mo rin naman ako rito," sabi niya, bago muling bumalik sa kaniyang pinagkakaabalahan.
"Itong babaeng 'to, alagad talaga ni Santanas!" gigil na sabi ni Cleo.
"Okay lang. Tama na 'yan," awat ni Amaris sa kaibigan.
"Ganyan talaga kapag una pa lang. Masasanay ka rin, hindi ba, my love?" akbay naman ni Erzhian sa kaniyang nobya.
"Siguro," sagot sa kaniya. "Anyway, maiwan ka na muna namin Amaris kay Cleo. May ico-cover lang kami ni Erzhian sa fourth year."
Tumango lang si Amaris at ngumiti naman sa kaibigan. "Feel at home ka lang dito, Amaris. Don't be shy you're part of our family na," thumbs up naman ni Erzhian.
"Wait," pagpigil ni Blendina.
"Ano naman 'yan, chaka?" naka-crossed-armed na tanong ni Cleo.
Matalim lang na tinitigan siya ni Blendina bago muling ibinaling ang tingin kay Janea at nagtanong, "Who will cover the incident about, Mr. Redeo?" bored na tanong nito. "Wait, hindi ba't ikaw ang victim?"
Tumango lang si Amaris bilang sagot.
"So, dahil ikaw din naman ang victim, then you'll be the one to cover the incident, right?"
Mukhang kumain ng maanghang na sili si Cleo, "Hindi pa siya pwedeng mag-"
"Sige, ako na," usal ni Amaris.
"Okay ka na? Happy? Sabihin mo lang hindi ka maka da-moves kay Ryker, kaya ayaw mong ikaw. Babaeng ribbon na 'to," asar na sabi ni Cleo kay Blendina.
"Unlike you, puro bunganga ka lang, tsk," tugon nito at hindi na pinansin si Cleo.
"Tse ka rin. Wala akong pakialam sa opinyon mo," sagot niya.
"That's enough. Kailan pa ba kayo magbabati, huh? Blendina, do your task, at ikaw Cleo... guide Amaris," awat ni Janea.
Nakatingin lang ang ibang mga writers sa dalawang nagbabangayan. Samantalang inismidan lang siya ni Blendina.
"We need to go," yaya ni Janea kay Erzhian.
"See you, Ms. EIC," magiliw na saad naman ni Magin, bago tuluyang nakalabas ng clinic sina Erzhian at Janea.
"Okay ka naman sa unang assignment mo, 'di ba? Mabuti na rin 'yan at makapagpasalamat ka naman do'n? I hope magkausap kayo ng masinsinan. Marami siyang gustong sabi- este marami kang dapat na sabihin sa kaniya," nakangiting sabi ng kaibigan.
"Huh? Ano naman ang dapat kong sabihin sa kaniya?"
"Basta marami. Kaya dali na!"
Hinatak kaagad siya ni Cleo palabas ng clinic. Sumunod lang ito habang hawak pa rin siya sa kaniyang pupulsuhan. Nakarating din sila sa field habang nakababad sa tirik na tirik na araw. Hinarap siya ni Cleo at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
"You have to talk to him," seryosong saad sa kaniya ni Cleo.
"Who?"
"Ryker," tugon nito. "You have to thank him for saving you. Ilang linggo na rin ang lumipas, pero hindi pa rin kayo nag-uusap. This is your chance."
"O-oo, gagawin ko naman 'yon eh, pero hindi ngayon, okay?" sabi niya. Alam ni Amaris na may utang na loob siya kay Ryker. Alam niyang si Ryker ang taong naging tagapagtanggol niya.
"Nope. Ngayon na dapat kaya bilisan mo na!" taliwas ni Cleo sa kagustuhan ng kaibigan.
"Ano ba ang nangyayari? Bakit parang atat ka yata na makausap ko siya? Hindi ba mainit ang ulo mo sa kaniya?"
"Basta, sumunod ka na lang, okay? Sige na, hanapin mo na siya. Kailangan na ng article tungkol diyan dahil noong nakaraang linggo pa 'yan. Babush," pagpapaalam sa kaniya ni Cleo.
Naiwan si Amaris na nagtataka sa inasal ni Cleo. Hindi niya alam kung bakit naging biglang seryoso ang kaibigan. Madalang lang kasi nitong nakikita si Cleo na seryoso magsalita, may kabuluhan ang pinagsasabi, at iyon ay kung importante o may sense ang kaniyang sinasabi. Hindi na rin nagsayang ng oras si Amaris at nagtungo na sa College of Engineering building.
Nakipagsiksikan siya sa maingay at masikip na gate ng building. Saktong lunch break na rin kasi ng ilang mga estudyante kaya nagdadagsaan ang mga lumalabas sa building. May ilan na nakakakilala sa kaniya kaya napapalingon ang mga ito. May iilan din na tila nagninging ang mga mata dahil sa nakita nilang wangis ni Amaris. Karamihan sa napukaw niyang atensyon ay ang mga babaeng ng Engineering Department.
Hindi naman ito pinansin ni Amaris at kaagad na pumasok sa kabubukas lang na elevator. Pinindot nito ang 5th floor kung saan makikita ang block nila Ryker. Pagkabukas ng elevator sa fifth floor ay agad niyang nakita ang papasok na sanang si Milio.
Hindi pumasok ng elevator si Milio nang makita si Amaris. "Bakit ka nandito? Teka, kamusta ka na? Bakit ka naman pumasok? Hindi ba kagagaling mo lang sa ospital?" nagtatakang sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Milio, pagkalabas nito ng elevator.
"I'm good. No worries," nakangiting tugon ni Amaris. "Anyway, where is he?" agad na tanong nito.
"Si-sino? Si Ryker?"
"Yes."
"Hindi siya pumasok sa last subject namin. Baka naunang umuwi. Tumawag kasi ang Mommy niya, he needs to check their company, kaya nauna nang umuwi siguro," tugon naman sa kaniya ni Milio. "Bakit mo nga ba siya hinahanap?"
"I need to interview him for our publication article," maikli nitong tugon.
"About that incident?"
"Yup, and I need his statement kaya ko siya hinahanap," paliwanag ni Amaris, "Wait, so it means magkaklase kayo ni Ryker? Akala ko ba Education student ka?" nagtatakang tanong ni Amaris kay Milio ng mapagtantong nasa building ng Engineering ito.
"Yes. I have a back subject in Mathematics in the Modern World kasi, and luckily may subject sila ni Ryker ngayon. Kaya nakisabay na rin ako rito para maka-graduate sa March," paliwanag naman nito.
"Ganoon pala! So, saan ko siya pwedeng makita-"
Kring!
"Wait lang, Amaris," awat sa kaniya ni Milio nang may biglang tumawag sa telepono. "Hello po?"
@phiemharc - Hindi Tugma (K11)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top