Kabanata X
/ Kabanata X /
"F*ck! Tumabi kayo!"
Binulabog nang malakas na pagmumura ang hallway. Nagmamadaling tinatakbo ang walang-malay na si Amaris ng lalaking nakakita sa kaniya. Wala itong pakialam sa mga estudyanteng nakakasalubong at minumura niya.
Napapatingin naman ang mga estudyante na nakakita sa kanila. Nagsimula ulit ang bulong-bulungan dahil sa nangyaring ito ulit kay Amaris. Parang nakakita ulit sila ng pagdi-diskitahan ngayong buwan.
"Ryker, anong nangyari?" tanong ni Milio, nang makita niyang bitbit si Amaris.
Si Ryker nga ang nakakita kay Amaris sa rooftop. Sakto namang naglalakad si Milio sa hallway kasabay ang maingay na mga estudyante. "I fuck*ng don't know!" he cursed, "I need to bring him in the clinic!"
Bakas ang takot at pag-aalala sa mga mata ni Ryker. Siya ang nakakita kay Amaris sa rooftop ng sinubukan niya sana itong puntahan upang kausapin. Subalit, nadatnan niya itong nakahandusay sa sahig habang hawak ang kaniyang ulo.
"Tabi! Tabi! Tabi!" sigaw ni Milio sa mga estudyanteng nakaharang sa daan. Habang sumusunod sa kaniyang likuran si Ryker.
Mabilis naman nila itong isinugod sa clinic. Mabuti na lang at hindi pa nakakauwi ang nurse-in-charge ngayon. Hindi na rin sila pinahintulutan na pumasok sa loob. Nagpa-iwan na lang sila sa labas.
Nakaupo sina Ryker at Milio sa upuan sa labas ng clinic. "Ryker, ano ba talaga ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Milio.
"I-I saw him lying on the rooftop, when I arrived. I don't even know what really happened to him," natatarantang sagot ni Ryker, "I can't bear to see him suffering. It was my fault."
"Wala kang kasalanan, Ryker. Alam naman natin na biglaan lang ang nangyari. Kailangan lang nating ipagdasal siya. Maybe, dala pa rin 'yon ng nangyari sa kaniya. It's recent, kaya ganoon na lang siguro ang reaksiyon ng kaniyang katawan."
Bigla silang napatingin sa kararating naman. "Anong nangyari kay Amaris?!" hinahapo-hapong tanong kaagad ni Cleo. Nabalitaan niya kasi ang nangyari sa kaibigan, kaya dali-dali itong nagtungo sa clinic.
Tinitigan muna ni Milio si Ryker bago nagsalita, "ako na ang magpapaliwanag," sabi ni Milio.
Dinala muna ni Milio si Cleo na malayo kay Ryker. Samantala, hindi pa rin umaalis sa Ryker sa clinic at nakatayo lang ito sa labas. Naghihintay pa rin siya ng balita tungkol sa kalagayan ni Amaris. Balisa pa rin siya habang patuloy na ipinagdarasal na sana okay lang ang binata.
Bumukas naman ang pinto ng clinic. Hindi na napigil ni Ryker ang kaagad na magtanong sa school nurse. "Ms. Nurse, kamusta na po siya?" tanong niya.
"He's feeling well now. Kailangan niya lang munang magpahinga. May factor pa rin ang nangyari sa kaniya. He was still in trauma dahil do'n. Huwag kang mag-alala, Ryker, magiging maayos din ang lagay ng kaibigan mo. Bigyan na lang muna natin siya ng oras kumuha ng lakas. O siya, maiwan na muna kita," nakangiting paliwanag sa kaniya ng school nurse.
Maluha-luhang napangiti si Ryker, "salamat po, Ms. Nurse."
*****
Makalipas ang ilang oras dumating na rin si Gng. Redeo. Sinundo niya si Amaris na ngayon ay nagkamalay na rin. Hindi na ito nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan. Inalalayan lang sila nina Cleo at Milio; habang pinagmamasdan naman ni Ryker sa malayo si Amaris. Sumakay na ang mag-ina sa taxi na naghatid din sa ina ni Amaris.
Inaamin ni Ryker na natatakot pa rin siyang harapin si Amaris. Alam niya na galit pa rin ito sa ginawa niya noong una nilang pagkikita. Ayaw na niyang maging dagdag pa sa sakit na iniinda ni Amaris ngayon. Sinundan niya lang ng kaniyang tingin ang unti-unting paglaho ng sinakyan nila Amaris.
He heaved a heavy sigh. He thinks his coward. Being strong wasn't enough to prove himself he's brave.
Nakaupo si Ryker sa isang bench habang nakaharap sa field. Pinagmamasdan nito ang papalubog na araw. Hindi niya inakala na ang pagbabalik muli ni Amaris sa unibersidad ay magbibigay ulit sa kaniya ng masasamang alaala.
Nasasaktan pa rin si Ryker sa nangyayari. Siguro nga naaalala pa rin ni Amaris ang nangyari sa kaniya sa unibersidad. Hanggang sa hindi na nito nakayanan kaya nakita niya itong nakahiga sa sahig. Na sa puso pa rin ni Ryker ang salitang 'sana' - na sana ay hindi na lang niya iyon ginawa kay Amaris noong una. Maybe, they were friends now.
"Can I seat with you?"
Napalingon siya sa nagsalita. Nakangiti ito sa kaniya na para bang wala itong dinadalang problema sa buhay. Tumango lang si Ryker bilang tugon. Wala naman siyang magagawa kung tatanggihan pa niya ang kausap.
Huminga muna ng malalim ang kauupo lang na kausap. "You know what? Akala ko talaga noong una, ang sama-sama mong tao. I mean, hindi ba? You are a famous artist-" napatingin sa kaniya si Ryker, "Ibig kong sabihin, noon bago ka nag-quit sa pagiging artista at model. At tsaka isa kang taga-pagmana ng mga Levious, haler. Kilala ang pamilya niyo kahit saang lupalop ng Pilipinas, baka nga pati sa ibang bansa. Sorry, hindi pa kasi ako nakakapunta doon. Iyon ang nakita ko kasi sa 'yo noong una kitang nakita ng personal, especially sa nangyari sa cafeteria. Kaya akala ko sobra ka pa sa mga kampon ni Santanas," pagku-kuwento ng kausap.
"Pero, habang tumatagal, nare-realize ko na may puso ka rin pala, 'no? I saw how concerned you are to my best friend. Alam ko na pinagmamasdan mo siya sa malayo, Ryker. Alam ko 'yon. Noong una ka pa lang lumabas sa kotse mo no'ng first day, natatandaan mo pa 'yon? Nakita kitang nakita mo siya- si Amaris. Ang tagal-tagal mo pa nga siyang tinitigan. Kaya pinilit ko ang kaibigan ko na lapitan ka. Pero, as what I expected, matigas ang ulo ng Amaris na 'yon kasi," nakangiting dagdag na kuwento pa ng kausaop, "Kaya nga nagulat ako ng bigla mo na lang siya ipinahiya sa cafeteria. Luckily, there's Mr. Milio Joshtine Esmajer who saved him from your stupidity," paliwanag pa nito, habang nakatingin sa malayo.
"I'm sorry for being stupid to your friend, Cleo," he replied.
"No, you don't owe me your sorry, Mr. Levious. To be honest, that time galit na galit na galit na galit ako sa'yo. Ganoon kita kinaiinisan, kinamumuhian, at kinasusuklaman. I even cursed you dahil sa nagawa mong pamamahiya sa kaibigan ko. Nawala na rin ang pag-idolize ko sa'yo dahil do'n. But, little did I know na ganoon ka pala magpakita ng affection sa isang tao. Sorry, if I misinterpret you.
"Nasaksihan ko lahat ng pinagdaanan mo sa campus na ito. Yes, senior ka namin at freshmen kami dito. Pero, for a short period of time, I saw your struggles, too. Ang daldal ko na pala, sorry," sabi ni Cleo, nang mapansin nagiging madaldal na siya.
He stared to Ryker before she continues to speak, "I just want to say thank you. Thank you dahil isa ka sa mga taong naging tagapagtanggol ng kaibigan ko- kahit alam nating hindi niya alam 'yon. You might perceive me as jologs, loka-loka, gaga o baliw, pero I do appreciate small act of kindness. Sana dumating 'yong araw na magkausap na kayo, na magkaayos na kayo. Na sana magbati na kayo. And, if you would allow me to be part of your journey to know him, I am glad to help you," nakangiting sabi ni Cleo kay Ryker.
A what-are-you-talking-about look registered on Ryker's face, "W-what do you mean by saying that to me, Cleo?"
Binigyan ng malawak na ngiti ni Cleo ang kausap, "Asus, kunwari ka pa diya. I know you love my best friend. Am I right?"
Natutop si Ryker. He doesn't know what to say after hearing those words from Cleo. "H-huh?"
"Don't deny it, Ryker. Masama ang magsinunggaling, 'di ba? But you are an exemption," nagbago bigla ang reaksyon ni Ryker, "I'm just kidding. Napaka-seryoso niyo talaga ni Amaris. Ang sinasabi ko lang ay masyado ka nang halata kasi. Halatang nagkakagusto sa kaniya. Don't worries, Mr. Levious, I won't judge you. Haler, we are in the 21st century na, kaya open-minded na ang mga tao ngayon- I mean, at least marami naman kaming open sa ganiyang bagay," tawa nito, "basta if you need my help, it would be my greatest pleasure to help a Levious."
"Thank you," maikling sagot ni Ryker. Wala na siyang maitatago pa. Alam na ni Cleo ang tunay niyang nararamdaman para kay Amaris.
"Mas thank you dahil iba ka pala sa inakala ko. Totoo nga, kahit ang demonyo may kakayahang magbago kapag nakakita ng anghel. Mabait ka rin pala at hindi rin totoo ang sinasabi ng iba tungkol sa'yo. Number one fan mo pa rin ako ngayon, kahit hindi ka na lumalabas sa big screen," pabirong sabi ni Cleo.
Napangiti na lang si Ryker sa mga pinagsasabi ni Cleo. Marami pang nai-kuwento si Cleo kay Ryker hanggang sa sumapit na ang takip-silim. Nagpaalam na rin si Cleo na mauuna na siya umuwi dahil pa-gabi na. Hindi na siya nag-abala pa kay Ryker nang mag-alok naman ito na ihahatid siya.
"Huwag na. Si Amaris lang ang may karapatan na makasakay sa sasakyan mo," pagtanggi ni Cleo.
Napangiti si Ryker. "Cleo," tawag siya sa dalaga.
"Yes, Mr. Levious?"
"Thank you again."
"My pleasure, Lodicakes. Oh! From then on, lodicakes na ang itatawag ko sa 'yo. Ayos lang ba?"
Tumango na lang habang nakangiti si Ryker. Minsan baliw nga talaga si Cleo. Kaya hindi na nakatanggi si Ryker.
Naglakad na palayo si Cleo. Sumakay na rin si Ryker sa kaniyang sasakyan. Hawak nito ang manobela, pero hindi pa rin tuluyang pinapaandar ang kaniyang sasakyan. Naisip niya ulit ang binilin ni Cleo sa kaniya.
"If you really love my best friend, please chase him and take good care of him."
Isang malawak na ngiti ang namutawi sa kaniyang labi, "I will," sambit niya.
@phiemharc - Hindi Tugmas (K10)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top