Kabanata IX
/ Kabanata IX /
Kring!
Tumunog ang cellphone ni Ryker. Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa at kaagad na sinagot ang tawag.
"Ryker, nahanap na namin sila," bungad na sabi ni Atticus.
"Good. Hintayin niyo ako. Magbibihis lang ako," sabi niya, bago naputol ang linya.
Naipasa na sa kaniya ang location kung nasaan niya matatagpuan ang mga kaibigan. Pagkarating niya sa lugar ay agad siyang binungad ng nakakalokong ngiti ni Asher. Parang nakabingwit ito ng isang isda sa dagat at handing-handa na para ihawin.
"Nasaan na sila?" seryosong tanong ni Ryker.
"Nasa loob na po, kamahalan," sagot ni Asher, na pagkuwa'y yumuko pa.
Hindi ito pinansin ni Ryker at tumuloy nang pumasok sa loob. Hawak na nila ngayon ang grupo nina Reymar. Nasa isang warehouse nila ito dinala na siyang pagmamay-ari rin ng pamilya nila Ryker.
Kagabi pa lang ay ipinaalala niya na ang kaniyang grupo na sina Milio, Asher, Don, at Atticus na hanapin sina Reymar. Hindi naman siya nabigo kaya hawak na nila ang grupo nito. Iginapos ng mga kaibigan ang tatlo sa upuan.
Binungad siya ng demonyong ngiti ni Reymar. "Ikaw pala ang nasa likod nito, bata?" mahinahong tanong ni Reymar, nang makita ang kaniyang presensiya.
Hindi na nakapagtimpi si Ryker. Kinuwelyuhan niya ang kausap, "Anong ginawa niyo kay Amaris?!" nag-aapoy sa galit niyang tanong.
"Hoy, bata! Chillax lang. Wala kaming kinalaman sa sinasabi mo," sabi ni Reymar, mukhang walang takot sa kaniya, "hindi namin kasalanan kung mahina ang lalaking 'yon!"
"Sigurado ka?! Baka ikaw ang mahina?!" sabay singgit naman ni Asher. Binatukan pa niya ito.
"Oo, sigurado akong mahina siya. At ikaw naman duwag na nagtatago sa amo niyong tupa!"
Mukhang napikon naman si Asher sa sinabi ni Reymar, "Aba't!"
"Ako na," inawat ni Ryker si Asher, na maghihiganti pa sana.
Bogsh!
Hindi na nakapagtimpi si Ryker at sinunggaban ng suntok ang mukha ni Reymar. Hindi pa ito nakuntento sa isang suntok. Nakailang ulit pa niyang pinagsusuntok si Reymar kaya dumudugo na ang panga nito.
"Tama na 'yan, Ryker," awat sa kaniya ni Atticus.
"Kahit papatay mo ako rito, Ryker, hindi ko alam ang binibintang mo. Kaklase ko lang ang mahinang ugok na ipinagtatanggol mo!"
Ryker's teeth clashed as if he was ready to beat him again. "Mas ugok kang tarantado ka!" Muli ngang nagpakawala ng kamao si Ryker kay Reymar.
Mabalis naman siyang inawat ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang at hindi mas lalong napuruhan si Reymar. Ngunit hirap na itong imulat ang kaniyang mata.
Samantala, nanatiling tahimik ang mga kasamahan ni Reymar. Nakikita ang takot sa kanilang mga mukha sa kayang gawin ni Ryker sa kanila. They know what Ryker can do. He has the power to kick out them in school or worst from being expelled.
Nang kumalma ang sitwasyon ay muli itong binasag ni Ryker. "Ayaw ko ng makita ang pagmumukha niyo sa university!" ma-awtoridad na wika niya. "Habang may pagkakataon pa kayong mabuhay, sagarin niyo na."
"Anong plano mo ngayon?" bulong sa kaniya ni Asher.
Hindi nito muling pinansin ang kaibigan at muling nagsalita, "Aalis kayo ng kusa sa University na malayo kay Amaris. Wala akong pakialam kung saan kayong impyerno mapunta. Just make sure na hindi kayo magpapakita sa akin at kay Amaris. Pero, kung ayaw niyo, alam niyo na ang kahahantungan niyo," utos niya bago tuluyang nilisan ang warehouse.
"Ryker," tawag pa sa kaniya ni Milio.
Hindi na siya pinigilan ng mga kaibigan. Agad siyang pumasok sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaandar ito. Nagtungo siya sa lugar na palagi niyang pinupuntahan. Madalas siya doon kapag may nagiging problema siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kaapektado. 'Yong taong pinili niyang ipagtanggol ngayon, gusto lang naman sana niyang maging tampulan ng pambu-bully niya. Subalit parang natalo siya sa emosyon na aspeto.
Naglakad siya para marating ang tuktok ng burol. Naghihintay sa kaniya rito ang isang malaking puno ng mahogany na sinadyang itanim dito. Makikita naman sa di-kalayuan ang syudad kasama na ang asul na dagat. Dinadampian siya ng hangin sa kaniyang balat.
This place is considered to be sacred and solemn for him. Ryker promised himself that the only person he will let to witness the beautiful scenery on top of the hill, is the person he will be married then. Marami na siyang naka-fling, ngunit ni isa wala siyang dinadala sa lugar na ito. Mukhang hindi pa nga niya talaga nakikita ang taong mamahalin niya habang-buhay. Sa kabila nito, tanging mga barkada niya lang ang nakakaalam sa lugar na ito. Ngunit wala silang alam kung saan naman ito matatagpuan. Naikuwento lang sa kanila ni Ryker.
Nakailang nobya na rin si Ryker simula nang tumuntong siya sa college. Ngunit ni isa ay wala siyang seneryoso sa mga ito. Alam niyang may kulang sa kaniya at hindi pa rin niya ito nalalaman.
Hanggang isang araw, nakita niya ang taong nagpuno ng puwang sa kaniyang puso- he got attracted to Amaris on the first time he saw the guy. Alam niyang may kaunting atraksyon na siya kaagad kay Amaris.
Alam niyang mali- they were both men. Hindi pwede sa mata ng mga tao ang estado at ang nararamdaman na mayroon siya. Maraming madadamay kapag nalaman ng lahat na nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki. It's not only about an image of having a Levious blood. Alam niya ang kahahantungan ng lahat kapag ipinagpatuloy niya ang kaniyang nararamdaman. Marami ang maaapektuhan 'pag nagkataon.
Subalit hindi niya kayang pigilan ito. Ganito nga siguro ang pagmamahal na hinahanap niya. Iyong tipong hahamakin lahat masunod lamang ang binubulong ng kaniyang puso.
Dito lang siya nagiging masaya kaya hindi siya nagpatinag sa mga ito. Hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya sa taong biniro niya noon una. Ang taong magbibigay puwang sa kulang na hinahanap niya sa kaniyang sarili. Kay Amaris niya natagpuan ang lahat ng iyon.
Bawal man sa iba, pero alam niya sa kaniyang sarili na tama ang pumili ng taong tunay na tinitibok ng kaniyang puso. Hindi naman niya masisisi ito dahil doon talaga siya nagkaroon ng atraksyon. Naguguluhan pa siya pero alam niyang may gusto na talaga siya kay Amaris. Inaamin niya sa sarili niyang nahuhulog na siya sa binata.
"My heart knows, I love you- so, please don't leave me," he whispered in the air.
*****
Makalipas ang dalawang linggo.
Usap-usapan pa rin ang nangyari sa campus. May iilan na natakot dahil baka mangyari rin 'yon sa kanila. May ilan naman na wala talagang pakialam sa nangyari.
Magkakasama ngayon sina Cleo, Janea, at Erzhian habang ginagawa ang kanilang mga assignment sa publication. Isa na rito ang ma-feature ang insidente na kinasangkutan ng kanilang kaibigan na si Amaris.
"Balita ko, ilang araw nang hindi pumapasok si Ryker, ha," nagtatakang-tanong ni Cleo, habang sumisipsip sa straw ng biniling juice sa cafeteria.
Nasa harap sila ng kanilang building nakaupo. Kasama nila ang kanina pang walang-imik na si Amaris. Napatingin naman kaagad si Janea kay Amaris habang abala sa kaniyang sinusulat. Agad din naman na pinuklan ni Amaris ng tingin ang kaibigan. Samantala, nakatingin na pawang nagtatanong na is-there-anything-bothers-you look si Erzhian.
"Y-yes?" nagtatakang tanong ni Amaris sa tatlo. Mukha kasing kakainin siya ng mga ito.
"Ah, wala. Tahimik ka kasi diyan," sagot ni Janea. "Anyway, I'll interview you later after the class, okay lang ba?"
"How about Ryker? Sino ang mag-iinterview sa pag-save niya sa kaibigan natin?" singgit naman ni Cleo sa usapan. "Teka, saan nga ba ang lalaking 'yon? Hindi ko kasi siya nakikita ilang araw na."
"Baka na-busy lang ang ferson," sabat ni Erzhian, nang makitang medyo nagtataka si Amaris.
"Baka nga," gatong ni Janea.
"Ilang araw? It means, hindi siya nakapasok pagkatapos nang nangyari sa akin?" nagtatakang tanong ni Amaris sa mga kaibigan.
Wala namang naglakas loob na sumagot sa tanong niya. Bumalik muli si Amaris sa kaninang pagiging tulala. Nakatingin lang siya sa malayo habang pinagmamasdan ang pagdaan ng ilang mga estudyante. May mga pasa pa rin sa kaniyang mukha na hindi pa naghihilom.
"I'll join to the pub," malamig na aniya.
"Huh? S-saan?" pagtataka kunwari ni Janea.
"Sa publication? Sigurado ka ba, Amaris? Baka napipilitan ka lang," biro naman ni Erzhian, nang agad mabasa ang gusto ipahiwatig ni Amaris.
Tumingin ng matalim si Amaris sa kaibigan. Biglang tumahimik ang kanilang pwesto. Walang nagsalita maski si Amaris.
"Yehey!" masiglang pagputol ni Cleo sa katahimikan. Bunsod ng kaniyang ginawa ay agad siyang nakapukaw ng atensyon ng ibang nakaupo sa katabing learning area nila. "Sorry!" sabay peace sign nito.
"Yes. I'll join. I know you are still scouting for members. I'll cover the incident about what had happened to me. Ako ng bahala rito," tugon niya, agad na pinulot ang kaniyang bag bago umalis.
"Parang timang ang lakba na 'yon. Bigla na lang aalis. Parang palaging may dalaw kapag kausap," reklamo ni Cleo nang makitang nakalayo na ang kaibigan. "Akala ko nga natauhan na 'yon dahil sa nangyari. Beast mood pa rin ang frenny natin. Hays, mabuti na lang maganda ako ma stress compare sa kaniya, hindi ba?" tanong niya sa dalawa.
"I agree sa lahat ng sinabi mo, but I totally disagree sa maganda na tinutukoy mo," pang-aasar na sagot ni Erzhian.
"Kapag inggit, matutong itikom ang bibig, okay?" inis na sabi ni Cleo.
"Okay lang, at least may jowa... not like you."
"Edi, congrats, ha? Still, may girlfriend ka nga, wala namang time sa iyo," banat ni Cleo, "Bleh!"
"I can hear you," sagot ni Janea, kahit busy ito sa isinusulat.
"I'm just joking. Ito naman hindi na mabiro," tukoy niya kay Janea. "Ito kasing boyfriend mo, kulang sa nutrisyon- este sa atensiyon."
"Bastos 'tong babaeng, ha," pikon na sabi ni Erzhian.
"Bakit ba kasi ang seryoso niyong lahat ngayong araw? Hays, I have to go. Hindi ko kayang ma-stress sa 'yo," sabay tingin kay Erzhian, "kitakits na lang sa pub clinic, guysue. Babush," agad alsa balutan ni Cleo, bago pa man siya pagkainitan ni Erzhian.
*****
Tahimik na pinagmamasdan ni Amaris ang kalangitan habang nakaupo sa isang sirang upuan. Malayo pa rin ang isip nito dala ng nangyari. Nasa rooftop siya ng kanilang building. Obviously, he was still in great shocked of what happened to him.
He had to adjust after missing a lot of topics in class. Kailangan pa niyang humabol ngunit panay naman ang usig ng kaniyang alaala. Ayaw siyang patahimikin nito dagdag pa ang pagsagip sa kaniya ni Ryker.
Alam niyang si Ryker ang sumagip sa kaniya. Namukhaan niya ang binata bago pa man siya mawalan ng malay. He also heard the news that Reymar has been kicked out in the campus. His group were at fault of the incident. Yet, something bothers him.
May narinig siyang kasama ni Reymar noong dinukot siya. Tama nga na grupo ni Reymar ang dumakip sa kaniya noong araw na iyon. Ngunit may isa pang pamilyar na boses ang kaniyang narinig na nagsalita. Hindi niya lang nakita ang taong iyon. Kaya naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Parang bigla na lang siya binagsakan ng langit ng maraming problema. Kung kaya ay hindi niya ito masolusyunan ng sabay.
"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo Amaris, akin ka lang!"
"Kamusta na ang talunan kong kaibigan?"
Bumabalik sa kaniyang alaala ang mga pangyayari na pilit niyang nililimot. Hindi niya inakala na ganoon pala kasaklap ang magiging unang taon niya sa kolehiyo. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. He just need to finish his study to help his mother. Nakikita niya mismo kung gaano na naghihirap ang kaniyang ina para mapagtapos siya. Subalit ayaw maki-ayon ng tadhana sa kaniya.
"Ahhh!" sigaw nito sa kawalan. "Bakit sa akin pa?! Wala naman akong ginawang masama, ha?!"
Nagsimula na siyang humikbi. Lubha siyang nasaktan sa nangyari. Inalala rin niya ang naging pasanin ng kaniyang ina noong nasa loob siya ng hospital ng ilang linggo. Nakita niya mismo kung gaano nahirapan ang ina upang bayaran ang bills niya.
Ang dami niyang iniisip kaya sobrang bigat pa rin ng kaniyang nararamdaman. Kung tutuusin ay dapat masaya si Amaris dahil nakaligtas siya ngunit kabaliktaran ang nangyayari.
Suddenly, the voice again echoed on his mind. Natatakot siya sa boses ng mga ito. Hindi niya alam kung paano umakto ng maayos sa kalagayan niya ngayon. Patuloy niyang sinasabunutan ang kaniyang buhok dahil sa ala-alalang iyon.
"Sabi ko kasi sa 'yo, 'wag ka ng pumalag pa!"
"Tumahimik ka sabi, eh!"
"Matapang ka talaga, ha!"
Napaluhod siya sa sahig habang patuloy ang pag-iyak. Mukha siyang mababaliw sa nangyari na patuloy na sumasagi sa kaniyang isipan.
"Ahh!" sigaw niya ulit.
Napahawak siya sa kaniyang ulo. Ramdam niya na bigla itong sumakit. Parang mababasag ang kaniyang ulo sa tindi ng sakit. Hindi na niya alam ang nangyayari sa kaniya. Muli na naman niya itong naramdaman pagkalipas ng tatlong taon.
"Amaris!"
Narinig niya na may tumawag sa kaniyang pangalan. Hindi na niya nasubukang lingunin pa ito. Patuloy pa rin siya sa pag-inda ng kaniyang nararamdaman. Parang nawawala siya sa katinuan.
"Amaris, w-what is happening?!" dinig niya, bago pa siya mawalan ng malay.
@phiemharc - Hindi Tugma (K9)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top