Kabanata IV
/Kabanata IV/
Parang walang narinig si Ryker at dere-deretso siyang naglakad palabas ng kanilang block. Seryoso niyang tinatahak ang daan pababa ng building. Nasa ikaapat na palapag kasi ang block nila. Sa sobrang inis sa sarili ay hindi na siya gumamit ng elevator.
"Mr. Levious! Mag e-escape ka na naman sa klase ko? Aba't namumuro ka na, ha!" galit na sabi ni Mrs. Magdalen Singyutan, guro nila sa CPE 311, nang magkasalisi sila sa hagdan.
"Excuse me, Ma'am. May importante lang akong pupuntahan," sagot nito.
"This will be the last chance na pagbibigyan kitang hindi dumalo sa klase ko. At kung uulitin mo pa ulit 'to, baka hindi ka maka-graduate sa susunod na taon," seryosong sabi ni Mrs. Singyutan.
"Noted," maikli niyang tugon at tumuloy na sa paglalakad palabas ng building.
Dumeretso siya sa pool area ng University para magpalipas oras. Bukas ang pool side ngayon sapagka't papalapit na ang Sportsfest. Sa katunayan, hindi ito binubuksan kapag wala namang event o permission na gagamitin ito. Nagtungo siya sa male shower room at nagpalit ng susuutin. Napagdesisyunan niyang mag-ensayo para sa try-out mamayang gabi. He wanted to release the tension on his body and calm himself for a while. Nais niyang makapag-isip sa nagawa niya noon.
Nang papasok na si Ryker sa pinto ng banyo ay narinig niya ang nag-uusap.
"Akala mo naman kung sinong matapang, eh takot din naman pala kay Amaris," dinig niyang saad ng isang lalaki sa banyo.
"Kaya nga pare, eh! Di naman pala siga 'yong Ryker. Nadala lang ng fame niya," tawa naman nang kausap nito.
Napatigil siya sa labas ng pinto. Nabigla naman ang dalawang nag-uusap nang makita si Ryker na nakatayo sa harap ng pintuan. Agad naman niyang inambahan ito ng suntok dahil sa narinig.
"Anong sabi mo?! Duwag ako?!" galit na tanong nito, habang hawak ang kwelyo ng lalaking kakasuot lang ng uniporme.
"H-hindi," balisang sagot ng lalaki.
Akmang lalapit naman ang kasama nito sa kaniya ngunit pinigilan niya ito. "Sige! Lumapit ka! Mababasag ang bungo nitong kaibigan mo!" paghahamon ni Ryker.
"Ano?! Akala ko ba matapang ka?!"
"H-hindi. Pasensiya ka na, Ryker. Hindi naman naming intensiyon na maliitin ka. Mali lang kami nang nasabi," namumulang paliwanag nito.
Inambahan muli ng suntok ni Ryker ang lalaki, dahilan magkaroon ito ng konting dugo sa bibig. "Ulitin mo lang ang pinagsasabi mo at hindi lang 'yan ang makukuha mo! Naiintindihan mo?!"
"O-oo," tugon nito, sabay takbo kasama ang kaibigan.
Agad na pumasok si Ryker sa banyo at nagpalit ng susuutin. Pagkalabas niya ay tanging cycling lang ang suot nito habang hubad naman ang nasa itaas na bahagi. Iniwan niya ang kaniyang bag sa locker at kinuha ang google na gagamitin niya sa paglalangoy.
Nagtungo na rin siya sa pool area at nagsimula nang mag-ensayo. Isang oras din siyang nagbabad sa tubig at pabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool. Gayunpaman, hindi pa rin siya tumitigil sa paglangoy.
"I need to win this game," tugon nito sa sarili.
Mabilis na naman siyang bumulusok pailalim ng tubig. Mabilis niyang nilangoy ang dulo ng pool at bumalik muli. Wala namang tao sa pool ngayon dahil class hours pa ng iilan at hindi naman ito nakasanayan ding tambayan ng mga estudyante. Malaya niyang ginamit ang buong pool area hanggang sa napagod ito.
Nagbanlaw na siya at nagbihis para dumalo pa sa last subject nila. Akmang lalabas na sana siya ng pool area ng may biglang lumipad na papel sa harap nito.
Pinulot naman niya ito at mabuti na lang ay hindi nabasa. "A-Amaris Redeo?" basa nito sa papel.
Agad niyang nilibot ang kaniyang paningin sa buong pool area. Doon niya nakita ang isang naka-uniporme na lalaki sa taas ng watcher area sa pool. Mahimbing itong natutulog habang latag sa kaniyang harapan ang makakapal na tumpok ng photocopies.
"Your full name is Amaris Redeo. What a shameful name," mahinang usal nito sa sarili.
Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang maaliwalas na pagmumukha ni Amaris. Napangiti siya nang makita itong humikab. Halatang pagod ito sa pag-aaral. Mayamaya pa ay nagmulat na ng mata si Amaris at laking gulat niya nang makita sa kaniyang tabi si Ryker.
"Anong ginawa mo sakin?!" gulat na tanong nito. "Tulong! Tulong-"
Tinakpan naman kaagad ni Ryker ang bibig ni Amaris.
"Shhhh! Huminahon ka! Wala akong ginagawa sa'yo! At bakit naman kita pagnanasaan, huh? Pareho tayong lalaki, dude! Hibang ka ba?"
"O bakit ka nandito? Para ipahiya ako?"
"Hindi-"
"Ipapahiya mo na naman ako sa maraming tao. Alam ko na ang balak mo. Ganoon ka naman 'di ba? Matapang ka sa harap ng marami 'di ba?"
Hindi umimik si Ryker. "I just want to return your photocopy. Lumipad kasi sa baba kaya pinulot ko. I don't even know na nandito ka at natutulog which is ipinagbabawal ng campus. If you want, I can talk to the Dean dahil sa pagtulog mo rito."
"Go! Samahan pa kita eh," matapang naman na tugon ni Amaris. "Akin na nga 'yan!" agaw ni Amaris sa photocopy na hawak ni Ryker.
Mabilis na niligpit ni Amaris ang kaniyang mga gamit. Hindi na niya ipinasok ang kaniyang clear book sa bag dahil sa pagmamadali. Agad siyang bumaba ng bench at naglakad palabas ng gate ng pool area.
"Wait-" pagpigil sa kaniya ni Ryker.
Lumingon naman ito at tiningnan nang masama si Amaris. "If you want to play with me, hindi kita uurungan. I'm not afraid of you-"
"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari sa cafeteria," putol nito sa litanya sana ni Amaris.
Hindi naka-imik si Amaris sa narinig. He can't even believe na ang isang Levious ay marunong pala humingi ng tawad. But he neglected it. Tuluyan na siyang lumabas ng pool area.
"Ashame of you," hinggil ni Amaris bago umalis.
*****
"Amaris, ano na? Sasali ka ba?" tanong sa kaniya ng kaibigang si Janea.
"Ano bang mapapala ko diyan? Ayaw kong sayangin ang effort ko sa pagsusulat sa school paper na 'yan," walang-ganang tugon ni Amaris.
"Amaris, sumali ka na lang kasi para kumpleto na tayo sa grupo. Look at me, sumali ako kahit 'di ako kasinggaling mo," paliwanag naman ni Erzhian. "Dahil nandiyan ang mahal kong si... Janea," sabay turo niya sa nobya na katabi nito.
"Sira!" tugon naman ni Janea na halatang kinilig sa sinabi ng boyfriend.
"Hehe..." he laughed sarcastically. "You know what, Zhian? sunod-sunuran ka kasi," pilosopong buwelta naman niya sa kaibigan.
Pinanlisikan siya ng mata ng kaibigan. "Basta! Wala akong pakialam sa sasabihin ng marami. Basta kasama ko lang aang mahal ko, ayos na ayos na ako." Niyakap agad ni Erzhian si Janea.
"Kadiri," diring bulong ni Amaris.
Nakaupo sila sa isa sa mga benches sa tapat ng kanilang building. Janea Agon and Erzhian Sequirre are his high school friends. Matagal na silang magkakaibigan kasama si Cleo. They also planned to take the same course dahil gusto naman nila 'yon. But they have different major of studies.
Janea and Erzhian are Math majors. Sumunod lang naman si Erzhian sa kaniyang girlfriend para hindi lang ito mapalayo. Hindi lang talaga matanggap ni Amaris kung bakit silang dalawa pa ang nagkatuluyan. Kaya ganoon na lang ang reaksyon nito sa tuwing nilalambing ni Erzhian si Janea.
"Oo nga! At tsaka sumali na rin si Cleo sa publication," tugon ni Janea, habang kinukumbinse isali si Amaris sa organization nila.
"Huh? Really? 'Yong baliw na babaeng 'yon? Isinali niyo talaga?" gulat naman na tanong niya.
"Hoy!" singgit ni Cleo na kararating lang. "Sinong baliw? Ako? Excuse me, ikaw kaya itong pabebe pa," nakangiti niyang sabi kay Amaris.
"Pabebe mong mukha mo!" inis na sambit ni Amaris.
"Look!" paglalahad naman ni Cleo ng kaniyang cell phone sa harap ng kaibigan.
Nagulat silang tatlo nang makita ang video clip sa cell phone ni Cleo.
"Saan mo nakuha 'yan?" nagtatakang tanong ni Amaris.
"Usap-usapan ka na ng mga estudyante dahil diyan. Magtapat ka nga sa aming dalaginding ka, este beshy. Ano bang ginawa niyong dalawa sa pool, huh?" pagtatanong ni Anais.
Ipinakita nito ang mga clips kung saan lumapit si Ryker kay Amaris. Kung titingnan ang video ay may inabot si Ryker na papel kay Amaris. Tinanggap naman ito ni Amaris at biglang nagligpit ng gamit.
"What's that?" may kuryusidad na tanong naman ni Janea. "Oh My Gulay! Anong mayroon sa inyo ng artistang 'to? Magsabi ka ng totoo sa akin, Amaris!"
"Wala," pagpuputol niya kaaagad sa ilusyon ng kaibigan, "that's my photocopy at ibinalik lang niya. Dapat issue kaagad? Hey! It's 2023 at wala ng dating ang mga ganyan," tugon nito.
"Sa iba siguro wala- pero sa kanila... mayroon," singgit ni Erzhian, habang tinutukoy ang ilan na mga nakatingin sa kanila.
Hindi nila namalayan na ang ilan sa mga estudyante ay nakatingin pala sa kanila. Usap-usapan ulit si Amaris sa buong campus dahil sa clips. May ilang galit sa kaniya dahil akala ng iba inaakit niya si Ryker, habang may ibang kinikilig.
"Why do they need to put labels or make an issue about it? In the first place, Amaris told us already na inabot lang pala ng guy ang photocopy niya?" tanong ni Janea. "Unless something happened other than that between him and you, Amaris? Aha?"
"Okay. It's up to you if you will believe me or not. Besides, I will let you overthink the situation, since you are a writer of a famous "The Elusive Publication" of Zechoxia University. Before I forget, my congratulations to you for being an associate editor. A writer who has wildest dreams and imagining things ahead," tugon niya na tila napipikon. "Generations of today are too sensitive. Konting kibot malaking issue na kasi kaagad. Kaya hindi na ako manibago," paliwanag ni Amaris, sabay pulot ng bag sa mesa.
"Ouch, nasaktan naman ako sa sinabi mo," tugon ni Janea.
"Where are you going?" tanong ni Cleo sa kaniya.
"Magpapalamig lang ng ulo," maikling tugon nito.
"Sama ako!" maligalig na sabi ni Cleo.
"H'wag na. May gagawin pa kayo sa office niyo 'di ba?"
"Okay," malungkot na sagot ni Cleo.
"Enjoy the day, together with your newly appointed Associate Editor and her puppy," he smiled.
"I won't stoop down to your level, Amaris. You're smarter than me," Janea continues, "anyway, Amaris, kapag nakapag-isip ka na, The Elusive Publication is open for you. We have limited slots pero isasali kita kung gusto mo," nakangiting sambit ni Janea, tila hindi naapektuhan sa sinabi ng kaibigan.
"Thanks- but no for that," tugon nito at umalis na.
"Apaka-suplado niya ngayon," daing ni Cleo sa dalawa.
"Baka may dalaw?" tawang sagot ni Erzhian.
"O baka may topak?" dagdag ni Cleo.
Nagtawanan ang dalawa at nag-appear pa. "Tumigil na nga kayo diyan. We need to talk about our assignment. We need to feature the swimming event sa susunod na linggo kaya dapat nandoon din kayo. Just give him time to think, matatauhan din 'yon. He's a Gemini by the way, may duality ang attitude."
"Agree, 28th of May nga naman siya ipinanganak!" pagsang-ayon ni Cleo.
"And, with that being said, I'm always present my love," pa-sweet na sagot ni Erzhian.
"Tse. Ang lalansa niyo," inggit na reklamo ni Cleo sa dalawa.
"'Yon lang naman, Cleo. Nakapa-bitter mo ring babae ka," sabi ni Erzhian.
"Pero, mabalik tayo," singgit ni Janea, bago pa magkainitan ang dalawa, "bakit parang ang sama ng first year experience ng kaibigan natin, 'no?" nagtatakang tanong ni Janea.
"Akala ko ba assignment ang pag-uusapan natin?" nagtatakang tanong ni Cleo.
"Naguguluhan lang ako. Parang nag-iba na ang timpla ng mood niya ngayon," nag-aalalang sabi nito.
"Fine. Ayaw ko na sanang i-share. Pero dahil mabait ako, I'll tell you."
Ikinwento naman ni Anais ang lahat ng alam niya. Hindi naman makapaniwala ang dalawa. Doon lang sila mas lalong naliwanagan kung bakit naging tampulan ng tukso ang kanilang kaibigan.
Ryker is not a typical man, indeed, na pwedeng mabiro ng kahit sino. Magiging biktima ka nang kahihiyan sa buong taon kapag nagkataon. Ito na nga ang nangyayari kay Amaris kaya naiintindihan nila kung bakit mas naging masungit ang kaibigan.
"Lagot na," kinakabahang sabi ni Janea.
@phiemharc - Hindi Tugma (K4)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top