Kuwento Singko: Gold Medal
GOLD MEDAL
- phiemharc -
Ilang araw na lang bago ang pinakahihintay kong sandali. Masisilayan ko na ang rurok ng aking mga pangarap. Kaunting kayod na lang at makapagtatapos na ako sa kolehiyo. Hindi na ako mapakali na maabot ang aking mga plano at inaasam na magandang buhay para sa aking pamilya.
Subalit may isa pa akong dapat na gapiin ngayon. Nais kong talunin ang kung anong presensiya na patuloy kumikitil sa aking isipan. Gabi-gabi na rin akong hindi pinapatulog nang aking karamdaman na sinusubukan kong matalo man lang.
Nalulunod pa rin ako sa mga luha na patuloy na umaagos sa aking mga mata tuwing gabi. Naninikip pa rin ang aking dibdib sa tuwing naaalala ko ang aking mga paghihirap bago ako makapagtatapos ng pag-aaral.
Isa akong medical student na kumakayod upang tustusan ang aking sariling pag-aaral. Ako'y isang factory worker sa umaga habang mag-aaral sa gabi.
Sa ganitong sitwasyon ako nabubuhay sa mundo. Siguro isa lang ang pinagmamalaki ko sa kabila nang paghihikahos namin sa hirap ng buhay.
Hindi Niya ako pinagkaitan ng pagmamahal sa aking pamilya. Sa katunayan, isang napakasayang pamilya ang mayroon ako subalit salat talaga kami sa yaman kagaya ng iba. Gayunpaman, ginto ng maituturing ang pagmamahal at pagkalinga ng aking mga magulang sa amin. Isang kayod, isang tuka- ito ang buhay na aking tinatamasa.
Ang nag-udyok sa akin na kumuha ng aking kurso bilang doktor ay aking pangarap. Nais kong magamot ang sakit ng aking nanay. Siya ay mayroong diabetes na naging sanhi ng kanyang pagkalumpo. Gamit ang wheelchair na gawa sa kawayan at gulong ng bisekleta ng aking tatay ay nakapaglilibot pa rin si nanay sa bahay. Samantala, ang aking tatay naman ay patuloy sa pagpadyak ng trisikad na hindi namin pagmamay-ari.
Naaawa man ako sa kalagayan niya ay hindi ko pa rin siya kayang pigilan. Kaya nais ko maging isang registered doctor upang matulungan sila.
Hindi sapat ang kita ng aking ama sa pang-araw-araw na gastusin namin sa bahay. Ngunit isang malaking tulong na ito upang punan ang kumukulong sikmura ng aking limang kapatid. Ako ang panganay sa amin kaya nagsusumikap akong maiahon ang buhay na mayroon kami ngayon.
Iyon din ang rason kung bakit sobrang saya ko na makapagtatapos na ako sa pag-aaral. Iilang hakbang na lang at malapit ko na rin silang matulungan. Nais kong maiahon sa hirap ang aking pamilya kagaya ng pangarap ng karamihan.
Pero tila may nais na humarang sa pagtupad ng aking hangarin. Napakalakas nang kaniyang paghila sa akin pababa. Masasabi kong hindi ko na makakayang iligtas pa ang sarili ko. Kahit anong higpit nang aking pagkakapit sa pag-asa ay malakas pa rin nito akong hinihila pailalim. Sinasakal ako na pawang kinukuha lahat ng hangin sa aking katawan bunsod upang hindi ako makahinga ng mabuti.
Dumating na rin ang araw nang aming pagtatapos. Bakas sa mukha ng bawat mag-aaral ang kagalakan na mahawakan ang kanilang diploma at masabing nagtagumpay na nga sila. Habang ako naman ay hindi kayang pigilan ang aking mga luha na dumausdos sa aking mga mata. Hindi na ako mapakali na sabihin sa aking pamilya na malapit na kaming makaahon sa buhay na mayroon kami.
Napaatras ako nang mapagtanto ko kung bakit tahimik ang lugar na pagdadausan ng seremonya.
"Bakit napakatahimik nitong pagtatapos na dinaluhan ko?" tanong ko sa aking sarili.
Read more by having its physical copy.
@phiemharc — HLNKAM6
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top