Kuwento Sais: Happy Birthday
HAPPY BIRTHDAY
- phiemharc -
"Bakit ngayon ka lang?" napatanong ko nang makita siyang iniluwa ng pinto.
Edgar has sent a message.
From: Edgar
Malapit na ako, mhie. Hintayin mo lang ako diyan. I love you always.
Iyon ang huling text message sa akin ni Edgar bago ako nagpatuloy sa aking ginagawa. Naghahanda ako para sa kaniyang kaarawan kaya hindi na ako nakapag-reply. Masaya akong nagluluto ng kaniyang paboritong pagkain na chopsuey.
He decided to celebrate his birthday with me. Papunta na siya sa bahay. Dalawampung oras lang naman ang byahe mula sa kanila papunta sa amin. Edgar is not really fond of grand celebration that's why he wanted to celebrate it privately. He's too annoyed with too much people coming back and forth especially in a party.
It's already past 9:00 in the evening so I decided to put all the foods on the table. I know he'll be here in few minutes.
"Sana naman maging masaya siya sa inyo," napasaad ko habang kausap ang mga pagkain na aking inihain. "Hmm, napakasarap nga naman," dagdag ko pa.
Hindi alam ni Edgar na naghanda ako para sa kaniya dahil ang sabi niya ay mag-order na lang ako sa fast food chain.
Burger steak? Spaghetti? Fried chicken? I know it's not enough to just celebrate his precious day. Ayaw ko rin naman na palagpasin ang araw na ito kaya nagbigay effort na rin ako sa pinakamamahal kong boyfriend.
Inilapag ko na ang caramel cake na binili ko sa mall kanina. Ipinuwesto ko ito sa gitna ng mesa at tsaka itinusok ang kandila rito.
"Happy Birthday, dhie," masayang sabi ko habang nakatitig sa cake.
Napag-isipan ko na dito na maglatag sa loob ng aking kwarto. Ayaw ko nang maabala sina Mama dahil maaga pa silang aalis bukas para magtrabaho.
Inayos ko na lahat ng kailangan ko the day before his birthday. I posted random pictures of ours in my room's wall. Ang LED lights na isinabit ko sa dingding ang nagbibigay liwanag ngayon sa aking kwarto. Naaamoy ko na rin ang bango ng aking mga niluto.
"Sana dumating ka bago pa lumamig ang pagkain," saad ko habang natatakam sa mga pagkain.
Tik... Tak... Tik... Tak...
Read more...
@phiemharc — HLNKAM6
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top