Kuwento Dose: Mangmang
MANGMANG
- phiemharc -
“Ang bobo mo naman. Sobrang purol pa ng utak mo. Wala bang nagtuturo sa’yo sa bahay niyo?”
Ito ang katagang pumirme sa aking munting isipan simula pa lamang nang makatuntong ako sa hayskul. Hindi ko nga alam bakit ako lahat ang nagsalo ng kabobohan sa mundo na kung pwede sana hatiin at ibahagi sa iba.
Ako ang natatanging tao na hindi nabigyan ng katalinuhan kahit katiting man lang. I am Jerof Makatugnaw, kilala bilang isang mangmang sa aming klase.
Isang araw.
“Meaning po ng contemporary arts, Ma’am? Eh, ‘yon po ba ang mga konting arts noon, Ma’am?” nag-aalangang sagot ko sa tanong ni Ma’am Perizo.
Ngumiti siya. “Sige, makakaupo ka na, Jerof,” tugon niya. “Anyone from the class?” tanong niyang muli sa klase.
Si Ma’am Conchita Perizo ang guro ko sa Contemporary Arts na subject. Two years pa lang siya in teaching kasi 2017 daw siya gumraduate sa college at nakapasa kaagad sa board exam. Mabuti na lang at binigyan siya ng chance na makapagturo sa Senior High School.
Siguro napakapalad ko rin sapagka’t sa sandaling ako ang kaniyang tinatanong ay tinatanggap niya naman ang mga maling kasagutan ko. Ang ibang guro ko kasi masyadong strikto at minsan ay napapagalitan ako. Imbis na sumagot ng maayos ay ginagawa kong biro ang aking sagot.
Hindi ko lubos akalain na sa sobrang kamangmangan ko ay nakatapak pa ako ng Grade 12 at graduating na rin sa March. Hayun, ito na ang last semester namin at sa halos labindalawang taon ko sa pag-aaral ay puro palakol ang nakukuha kong marka.
Wala talaga akong ikagagaling sa kahit anong subjects simula pa noong elementarya. Subalit kahit papaano ay alam ko kung paano sumabay sa aming klase. Siguro ay sadyang mahina lang talaga ako mag pick-up ng katanungan.
Nahihiya na nga ako sa nanay ko dahil naiistorbo ko pa siya sa tuwing pinapatawag siya ng mga teachers ko. Nakikita ko sa kaniyang mata ang lungkot ngunit tinatakpan niya lang ito ng ngiti. Alam kong nalulungkot si nanay sa performances ko sa paaralan.
Tumatanggap ng labahan si nanay at kaming dalawa na lamang ang naiwan simula nang namayapa si tatay dahil sa kaniyang sakit. Pinipilit ko naman talaga makisabay at kumuha ng magandang marka ngunit ayaw talaga ng utak ko mag-proseso ng maayos.
“Bopols mo naman definition ng contemporary arts lang hindi mo pa alam?” pabirong saad ni Mitchie na kaklase ko.
“Eh, mahirap kasi at hindi ko pa ‘yon nababasa,” palusot ko.
“Sabihin mo hindi ka talaga nagbabasa--- I mean, hindi ka marunong magbasa,” tugon niya.
read more by buying its physical copy.
@phiemharc - HLNKAM12
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top