Kuwento Dies: Larawang Kupas
LARAWANG KUPAS
- phiemharc -
Masama bang magmahal sa taong hindi mo pa nakikita ng personal? 'Yong tipong hindi mo man lang mabantayan ang bawat kilos niya dahil ang layo mo sa kaniya?
Para sa karanasan ko? Oo.
Sobrang hirap pero patuloy ko pa rin na kinakaya dahil mahal ko siya. Ngunit dumating din ang araw na nagsawa siya at bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay. At ang pangarap na binuo namin ay unti-unti nang naglaho sa alapaap. Nasayang lang ang lahat ng salitang kaniyang binitawan sa mga araw na ako'y kaniyang nililigawan.
"Ayoko na. Sumusuko na ako."
Iyon ang mga katagang huli niyang sinabi sa'kin bago siya lumayo na nang tuluyan. Akala ko siya na ang panghabang-buhay ko, ngunit nagkamali ako ng inaakala. Ang dating saya sa puso ko ay napalitan nang lungkot at hinagpis dahil lubos akong nangulila sa kaniyang paglisan.
Napakahirap naman talaga ang makipagsapalaran sa isang long distance relationship. Yaong sa text o chat sa facebook messenger lang kayo nakakapag-usap, 'di kaya'y video call din sa messenger, o sa tuwing tumatawag siya sa cell phone.
Gusto ko man lang siyang makasama at mayakap subalit hindi ko magawa sa kadahilanang nasa siyudad siya at nandito ako sa probinsiya.
Nasasabik akong marinig ang tinig niya habang umaawit ng paborito kong awitin ni Moira Dela Torre. Nakakapanghinayang na sa apat na taon, dalawang buwan, walong oras, tatlumpung minuto at apat na segundo ay bigla na lang nasayang ang pagmamahalan na binuo namin. Hindi nga talaga siguro para sa amin ang LDR.
read more on buying its physical copy.
@phiemharc - HLNKAM10
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top